ENTRY#22

Sinabi ko agad kay miggy ang mga narinig ko. Hindi ako makapaniwala na may alam si kuya, bakit hindi niya sinabi noong una palang?

"Nakausap mo na ba ang kuya mo?"

"hindi pa. Gusto ko personal na itanong sa kanya!"

Magka video call kami ngayon. Wala sa akin ang paningin niya pero nakikinig naman siya. Tinitigan ko ang mukha niya sa screen ng laptop ko. Naka-focus pa siya sa ginagawa niya kaya hindi nagsasalita.

"linggo bukas, hindi ba uuwi ang kuya mo?"

"hindi ako sure. Pero sa tingin mo dapat ba sabihin ko na?"

Hindi agad ulit siya sumagot at nagta-type sa keyboard. Na-guilty ako bigla na hindi siya makapag focus sa tina-trabaho niya.

"miggy, matutulog na ako."

"are you sure? Salita ka lang angel makikinig naman ako."

"I'm sure"

I kissed him on my laptop screen. Hindi man literal na nagdikit ang mga labi namin atleast napangiti ko siya bago matapos ang call.

Hindi ako madalaw ng antok kakaisip. Madalang umuwi si kuya dahil busy sa law school kaya sila daddy ang bumibisita sa kanya madalas.

Hindi ko na open kay miggy na gusto ko siyang ipakilala sa mga kaibigan ko at opisyal na ipakilala kina mommy na boyfriend. Sa susunod nalang siguro kapag naging okay ang sitwasyon ng company nila.

Magaling na business man ang daddy niya, ang alam ko isa sa mga bagong business nila ay furniture pero hindi ko na alam ano pa ang iba.

Kinabukasan , araw ng linggo. Naging akward sa hapag kainin. I'm not comfortable with daddy more than usual. Nakangiti siya kay mommy habang nagku-kwento ito. Lalo umurong ang ideya ko na sabihin kay mommy ang narinig ko dahil sa saya na nakikita ko sa mga mata niya.

"How's engineering bunso?"

Hirap ngunit pinilit kong lunukin ang ulam.

"Fine, dad."

"Mabuti at nasasanay ka na ng wala ang mommy mo."

Hindi naging maganda ang dating sa akin ng sentence na iyon. Pakiramdam ko may ibang ibig sabihin.

"Nabalitaan mo na ba yung nangyari sa business nila miggy? Tinakbo daw ng kasosyo ng daddy niya lahat ng pera ng company"

Si daddy at mommy ang nag-uusap. Nakikinig ako pero hindi ko sila tinitignan.

Ang lala pala ng nangyari. Hindi na nila mahanap ang partner ng daddy niya kaya ang daddy ni miggy ang iniipit ng mga Investors.

"Wag ka muna magsa-sama kay miggy angela"

Napahinto ako sa paglalaro sa kanin ko.

"Po?"

"Ang laking kaso ang hinaharap ng family nila, baka malaman ng mga kaibigan natin madamay pa tayo. Ano nalang ang iisipin ng ibang tao. Tutal sa taguig ka naman nag-aaral. Wag muna kayo maglalabas."

Tumayo na si daddy ng hindi manlang ako pinagsasalita. Tumingin ako kay mommy at parang wala lang ang sinabi ni dad. Kumakain lang si mommy.

"Mom"

"Mag text -text nalang kayo bunso. Mahirap na baka machismis din tayo. Ayuko ng tanong ng tanong ang mga tao sa hindi naman natin issue."

"That's unfair mom! Uunahin ko pa ang sasabihin ng mga kaibigan niyo kesa sa nag-iisang tao na dinamayan ako sa lahat ng bagay?"

Hindi nito natuloy ang pag-inom ng juice. Kumunot ang noo niya. Medyo malakas ang paglapag niya sa baso kaya nilingon kami ng ilang kasambahay.

"Ano bang sinasabi mo angela! Anong nag-iisang tao na dinamayan ako sa lahat? Anong tingin mo sa akin!?"

Hindi na ako sumagot pa. I excused myself para pumunta sa kwarto. Naligo na ako at nag-ayos. Ayuko na talaga umuwi dito, uuwi na ako sa dorm kahit linggo ngayon.

Nag text ako kay miggy na uuwi na akong taguig. He said I should wait for him para mahatid niya ako. Pero hindi na ako pumayag, alam kong busy siya.

Magpapaalam sana ako kay mommy pero tulog daw sabi ng kasambahay. I know nainis siya sa sinabi ko kanina kaya ayaw niya ako harapin. Pinasabi ko nalang na uwi na akong taguig. Napadaan ako sa office ni daddy at may kausap na naman siyang special someone.

Backpack lang lagi ang bitbit ko pauwi dahil nagpapa laundry ako kaya di ako nag-uuwi ng damit. Hindi katulad minsan nila kezia at Carmela kapag tinatamad silang maglaba, lalo si carmela sa bahay nalang niya papalaba.

Pansin ko na medyo spoiled si Carmela lalo sa tatay niya. One time hinatid siya ng parents niya at may hindi sinang-ayunan ang nanay niya , naglambing agad siya sa tatay niya.

Ang sarap siguro sa pakiramdam ng may ganoon tatay. Iyong malalambing mo at masasabihan ng mga bagay-bagay.

I texted kuya na magkita kami at puntahan niya ako sa dorm. Di ko naman kasi alam paano pumunta sa kaniya. Ang sasakyan lang pa dorm ang kabisado ko.

Kuya:
Bakit? Busy ako e may exam kami bukas

To kuya:
Pag di mo ako pinuntahan ibig sabihin di mo ako mahal.

Kuya:
Problema mo? Sige sige may malapit na mcdo sa inyo 'di ba? Doon nalang.

-

Dumiretso ako doon. 30 minutes ang lumipas nakita ko ng nagparada si kuya.

Dumiretso siya sa counter at sinenyasan ako anong gusto.

'kahit ano' I mouthed

Nilapag niya ang tray na may lamang fries, burger, and drinks. Pareho kami mas malaki nga lang burger niya.

"May nangyari na naman ba sa bahay? Bakit ang aga mo umuwi ng dorm? Saya mag dorm 'no? Pantakas sa magulong pamilya"

Di na ako magpapaligoy ligoy pa.

"Alam mong nagkikita pa si daddy at ang kabit niya?"

Tumigil sa ere ang burger na kakagatin na sana niya. 

"Kumain pa talaga kayo sa labas?"

Maiiyak ata ako. Uminom ako para mawala ang bara sa lalamunan ko. 

"Tumulong ka pa talaga itago kay mommy"

Pero hindi ko napigilan ang magkasabay na pagbagsak ng luha ko. Magkahalong inis at disappointment ang nararamdaman ko. Paaano niya na sikmura gawin iyon?

"Alam mo ba magkano ang ginagastos sa college"

Tumingala ako para awatin ang sarili ko na mas umiyak pa. Nasa mcdo pa naman kami dami batang nakatingin sa akin.

"Makinig ka muna sa akin bunso."

"Alam ko na sasabihin mo. Ganyan din sinabi mo sa akin dati eh"

Kumain nalang ako dahil hindi naman ako halos kumain ng agahan at tanghalian.

"I don't like her." Aniya

"Yeah. You clearly told her" sarkastiko kong tugon.

"Mahal ko si mommy. Nagiging practical lang ako."

Tahimik na kaming dalawa habang nakain. Nag-iisip ako sa susunod na gagawin. Sasabihin ko ba? Mukhang nasa akin na ang desisyon because clearly magbubulagbulagan din ang kuya ko para maka- graduate.

"Paano mo nalaman?"

Nagpupunas na ako ng daliri ng magsalita si kuya. Tapos na ako kumain.

"Narinig ko si dad. Sa lakas ng boses niya nagtataka ako bakit di parin alam ni mommy hang---"

Nanlaki ang mata ko. Nagkatitigan kami ni kuya.

Laging may kausap si dad at hindi iyon patago. Lagi silang magkasama aboard imposibleng hindi nagtaka si mommy kahit minsan o may narinig. Sabi ay iba daw kutuban ang babae.

She knows?

"She really loves him"

Wala na akong magagawa kung iyon nga ang nangyari. Mapapatulala nalang talaga ako sa mga desisyon nila sa buhay.

"Mag nanay nga kayo"

Natawa si kuya di niya ata nahimigan na insulto dapat iyon.

"Nabalitaan mo na ba yung nangyari kina miggy?"

Tumango ako. Ayuko pag-usapan. Sasang-ayon ba siya kay daddy? Do they respect other people's opinions more than their friendship?

" Kamusta na siya?"

"Stress"

"Sabi ni dad nanghihiram daw ng malaking halaga ang daddy ni miggy pero di niya pinautang"

"Bakit?"

If dad helps them, they will recover. Ang importante sa ngayon ay mabalik ang pera sa mga investors para hindi sila magsampa ng patong patong na kaso.

Dad and tito oliver has been good friends. We celebrate holidays together before. Besides it would be unfair. One time si dad ang nagkaroon ng financial crisis, miggy's family helped us.

"Paano kung di makabangon ang business nila? I know may iba pang investment si tito oliver pero what if di nila mabayaran?"

Ampon ata ako. My brother is the combination of my mom and my dad. He will do anything for money to survive, but he, like my mother, can be oblivious to reality.

I know the real reason he's acting stupid is because he wants a whole family; the college fund is a secondary factor.

Mukha lang kaming buo pero inside broken kami. Mas maigi pa nga siguro magwatak-watak nalang kami kesa pilit binubuo sa maling rason. Ayaw ma-chismis.

"Angela"

"Kuya nasabi na ni daddy. Ayuko na marinig ulit"

If only my dad would help them. If only i have the capabilities to help miggy. Moral support lang ang kaya ko sa ngayon.

Nasa pinto na ako ng dorm ng mag text ako kay miggy na nakarating na ako. Hindi pa siya nagre-reply sa last text ko kung kumain na ba siya pero ayos lang, mag update parin ako.

Kinakalkal ko pa ang bag ko dahil di ko makapa nasaan ko nalagay ang susi ng may marinig akong umiiyak.

Babae na mahinang umiiyak at galing sa loob ng bahay namin.

Napa-atras ako. Nagtayuan lahat ng balahibo ko at nanlamig ang balikat ko hanggang batok.

Mataas pa ang sikat ng araw! Bakit may multo!

Patay ang ilaw ng buong bahay kaya walang tao sa loob!

Pinakinggan kong maigi dahil baka nililinlang lang ako ng tenga ko. Wala na akong narinig na umiiyak. Miraculously nakapa ko ang susi ng dorm. Nasa may unahan lang pala ewan bakit di ko nakita.

Nanginginig ako habang iniikot ang susi. Dahan-dahan kong binuksan ang bahay. Sinag lang ng araw ang nagbibigay liwanag.

Naghintay ako saglit bago pumasok. Baka kasi may umiiyak ulit.

Tahimik na.

Huminga ako ng malalim. Kumalma na ang isip ko. Binuksan ko lahat ng bintana sa sala para pasok na pasok ang liwanag.

Binaba ko ang bag sa sofa at sunod kong bubuksan ang bintana sa kwarto.

"Aahhh!!!"

May babaeng naka nakaupo sa sahig. Nakayuko siya at sabog na sabog ang buhok.

Yumuyugyog ang balikat niya at panay ang singhot.

"Carmela??"

Baka Doppelganger?

"Ikaw ba yan?"

Nag-angat siya ng ulo. Sobrang maga ang mata niya at pulang pula. Kasing pula ng suot niyang dress.

"Hug mo nga ako angela"

Himahagulhol siya.

Dahil siguro sa pag-iyak niya parang naiiyak nadin ako. Sinamahan ko siya sa sahig at niyakap. Sobra siyang umiiyak. Hinahagod niya ang likod ko habang yakap ko siya, namalayan ko nalang na pati ako umiiyak na.

Mabigat din sa akin ang araw na ito.

Nag-iiyakan kami sa sahig habang magkayap ng dumating si kezia.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top