ENTRY#20
Siya ang naghatid sa akin pauwi ng taguig, ako ang nauna makauwi sa dorm dahil nasa byahe pa daw sila. Gusto ko sanang ipakilala siya sa mga kaibigan ko pero bawal pala magpapasok ng lalaki sa bahay sabi ng may-ari at need na din niya bumalik dahil may pasok pa siya sa school.
Next time nalang daw paghindi na masyadong busy.
Nilapag ko lang ang mga grocery na pinamili ni miggy sa kusina at pumasok na ako agad. Tatambay nalang ako school tutal umaga naman ang pasok namin ngayon.
Sa gazebo ako umupo, kapag kasi doon malapit sa stage ay may flag ceremony. Ayuko ng flag ceremony. Titignan ako ng masama noong mga ROTC boys kapag hindi ako tumayo. atleast dito nakatago ako.
"ang aga mo ah?"
Kinabahan ako saglit, akala ko iyong mga lalaking naka-tuck in na puti at sasawayin ako para pumila sa flag ceremony.
"daniel naman" sabi ko na hawak ang dibdib, tumalon kasi saglit ang puso ko sa gulat.
Naglapag siya ng isang footlong at milk shake sa harap ko, Umupo siya sa tabi ko at naglabas ng laptop. May pagkain din siya para sa sarili.
"ikaw din ang aga mo"
"Naisip ko lang baka maaga ka" aniya sabay subo ng tinapay.
Tinuro niya ang binigay niyang pagkain. Nahihiya akong tumango at ngumiti. Malapit ko na maubos ang kina-kain ko ng dumating si carmela. Umupo siya sa harap ko.
Ngumanga siya kaya diniretso ko sa bibigya niya ang natitira kong footlong. Nagsalitan ng tingin sa amin si Daniel.
"bakit?" sabi ni carmela kay daniel na halos hindi maintindihan dahil puno ang bibig niya.
Nilapit ko sa kanya ang inumin ko, baka mabulunan.
Hindi maalis ang tingin sa akin ni Daniel.
"bakit?"
"Kinain mo ba iyong bigay ko noong nakaraan?"
"o-oo naman"
Naningkit ang mata nito. "pagkain lang ba ang nakita mo sa loob? Baka lang may nasama akong papel o kung ano"
Bigla akong kinabahan. Exam ba iyon papel na kasama doon? Iyong ¼ yellow pad na tinapon ni miggy?
"w-wala naman akong Nakita"
Hindi ko pwedeng aminin dahil tinapon ni miggy! Lagot! Baka importante pala iyon.
"ano ba iyon kuya Daniel?"
"wala naman" ngumiti siya kay carmela "hindi importante."
Nakahinga ako ng maluwag. Mabuti naman!
Sabay-sabay na kaming umakyat sa room. Kumaway ako habang nakangiti kay Daniel dahil hinatid niya kami sa room.
Normal na lumipas ang linggo ko. Excited akong umuwi ng cavite dahil magkikita kami ni miggy. Ang usapan namin ay kakain sa labas pero tambak pa ang plates ko at may gagawin din akong power point kaya sa bahay nalang kami nila miggy.
Kakatapos lang namin kumain ng lunch kaya nagkakalkal ako ngayon ng matamis sa ref niya. Wala manlang ako makita kahit isa. Puro tubig at juice ang nandito.
Si carmela kasi after kumain ay naghahanap ng matamis kaya nakasanayan ko narin kumain ng chocolate o biscuits after meal.
"May gusto ka pa ba angel?"
Nagpupunas ng kamay si miggy. Kakatapos niya lang kasi maghugas ng pinagkainin namin.
"Desert sana, wala ka bang biscuit?"
"Desert pero biscuit?"
Kumuha ako ng candy sa bowl na nasa taas ng ref. pwede na ito.
"ito nalang matamis nam—"
Kakasubo ko lang sa candy ng hawakan niya ang mukha niya. Nanlaki ang mata ko sa biglaan niyang paghalik. Hindi padin ako sanay!
"Hindi ka naman mahilig sa matamis dati ah?"
Namula ang pisngi ko sa pagdampi ng hininga niya sa mukha ko. Mukhang bagong toothbrush din siya dahil amoy na amoy ang gamit niyang toothpaste.
Sinandal niya ako refrigerator. Gamit ang dila ay kinuha niya ang candy sa bibig ko at binasag iyon, nginuya niya ng kaunti bago ako muling hinalikan. Napaungol ako at napangiti. Pinaglalaro niya ang dila naming at pinagpapasahan ang pira-pirasong candy.
"masarap nga mag candy after meal." Aniya sabay halik sa aking muli.
Nakahawak ako sa balikat niya bilang pagsuporta sa malalim niyang mga halik. Hindi ko inaawat dahil nag e-enjoy din ako. Nakaka-adik pala ang ganito.
Pinagpatuloy namin ang halikan na may kaunting pahinga hanggang sa maubos ang candy. Nagtawanan kami after.
"tara na, gawin na natin mga assignments para makapag landian tayo ulit mamaya"
Magkadikit ang noo naming. Nakatayo parin kami doon kahit sinabi niyang tara na.
"'di ba hindi mo na ako bestfriend?"
Dinampian niya ng tatlong mabilis na halik ang labi ko. "bestfriend na girlfriend. Pwede naman iyon 'di ba?"
Kinagat ko ang ibabang labi. Gusto ko pa siyang halikan kaya lang nahihiya ako mag initiate o sabihin.
Sa May Garden kami pumuwesto. Masarap doon at presko ang hangin. Medyo nililipad nga lang ang plates ko.
Serious mode na kami agad pareho pag-upo. Di na kami nag-usap hanggang sa mangalay ako at sinilip ang ginagawa niya sa laptop. Mukhang wala naman iyon kinalaman sa architecture. Mukha siyang pang business.
"ano iyan?"
"Medyo nagkaka-problema lang ngayon sa business ni daddy but we're fine"
Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa mga reports.
"may maitutulong ba ako?"
Ano nga ba ang maitutulong ko, wala naman akong alam sa business pero gusto ko parin mag offer dahil mukhang problemado talaga siya.
Ngumiti siya sa akin at hinalikan ang pisngi ko. Hinalikan ko din ang pisngi niya. Lalambingin ko nalang siya para mabawasan ang kunot sa noo niya.
"kailangan mo ba puntahan ang daddy mo? aalis ka ba?"
"Not sure. Kapag kaya ko tumulong mula dito, ayos na iyon pero siguro kapag lumala I need to go to the U.S."
Ngayon naiintindihan ko ang ang naramdaman ni miggy ng magpaalam ako. Ang unang pumasok sa isip ko ay baka hindi ko na siya makikita pa, nakakatakot pala. Ang daming negatibo agad na pumasok sa isip ko sa posibilidad na mag long distance kami.
"gaano naman katagal?"
"don't think about it angel."
"Promise me magpapaalam ka muna sa akin bago ka umalis"
"Don't think too much"
"Promise me"
"Promise."
Pinagpatuloy ko ang paggawa ng plates. Habang siya abala sa laptop. Maya-maya tumunog ang doorbell hindi ko inaasahan na pupunta dito si mira mukha siya rin nagulat na makita ako.
Bigla akong nailang, bakit siya pumupunta dito na parang normal niya iyon ginagawa?
"Sorry am I interrupting something?"
"hindi naman" sagot ni miggy.
Pinigilan ko ang sarili na sumimangot. Alam kong magkaibigan lang sila ni mira at nilinaw naman iyon ni miggy pero hindi ko maiwasan na hindi mag-isip ng negative.
Palagi silang magkasama. Hindi ko tuloy mapigilan pagsisihan na sa Taguig ako nag-aral. Kung sana dito lang ako sa malapit ay normal parin ang routine naming katulad noong senior high ako.
Ngitian palang nila sa isa't isa ay gusto ko ng maluha.
It's not that I don't trust him, but I don't trust myself. Sapat ba ako para manatili siya sa relasyon?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top