Chapter 9
NANIGAS ANG BUO KONG katawan nang humawak sa aking pulso ang mainit niyang palad.
Nang lingunin ko siya ay nakabangon na pala siya mula sa sofa, nakaupo na. He was half awake. Pikit pa ang isang mata na pilit akong sinisipat ng tingin. "S-Solly?"
Madilim nga pala. Naka-off ang mga lights, at kung may munting liwanag man ay nanggagaling lang iyon sa bintana, mula sa liwanag ng buwan.
Manipis lang naman ang braso ko dahil payat lang ito, kaya hindi naging mahirap sa akin ang makawala. At dahil sanay ang mga mata ko sa dilim, mabilis akong nakapagtago sa likod ng sofa.
Nakita niya kaya ako? Nang silipin ko siya ay confused pa rin ang lalaki. Nakatingin siya sa palad niya habang napapatingin sa madilim na paligid.
Agad naman akong gumapang papunta sa isang secret door na nasa likod ng isang halaman sa sala. Nakita ko pa si PL na tumayo para lapitan ang switch ng ilaw. Bago niya pa ito ma-ON ay nakapasok na ako sa secret door. I breathed a sigh of relief—I was safe again. I heard PL let out a deep sigh.
Tinungo ko ang sala sa two-way mirror para tingnan ang lalaki. Siguradong inaantok pa siya. Panay pa ang kusot niya sa kanyang mga mata habang nagsi-cell phone. Agad din niyang binitiwan ang gadget.
Lumapit siya sa telepono, pinagmasdan ito. Dinampot niya para mag-dial, pero sa huli ay ibinaba niya rin. Pagkuwan ay dinampot niya para siguruhin na may dial tone. Ibinaba niya ulit.
Napasalampak siya sa sofa, napahiga, at yumakap ng throwpillow. He stared blankly for a few minutes before sitting up again. Kinuha ang telepono at itinabi sa kanya, bago muling nahiga sa sofa. Nakatitig siya sa telepono nang mga sandaling ito.
Bakit ganito ang nararamdaman ko habang pinagmamasdan siya? Para akong idinuduyan sa ere. Tawagan ko ba siya? Hindi na lang. Ang tagal na naming nag-usap kanina, kailangan naman niyang magpahinga.
Maya-maya ay naigupo na si PL ng antok. Pero bago siya nakatulog ay hindi na iyong throw pillow ang yakap, kundi iyong telepono na. Hindi ko alam kung makakatulog ba ako ngayong gabi. Iyong ngiti ko kasi ay abot hanggang tainga.
....
NAPATINGIN AKO SA ORASAN NANG IDILAT KO ANG AKING ISANG MATA. Bakit parang ang bagal ng oras? Ang alam ko kasi ay kanina pa ako tulog, pero nang sulyapan ko ang oras ay pitong minuto pa lang pala ang lumilipas. Hays. Makainom nga muna ng tubig.
Bumangon ako at nagtungo sa aking mini kitchen. Mayroon akong small fridge na binuksan para kumuha ng tubig. Pagkainom ko ay bumalik ako sa pagkakahiga. Tinabunan ko ng unan ang aking ulo. Excited na ako mag-umaga.
Makalipas ang ilang sandali ay napatingin ulit ako sa orasan. Sigurado akong naka-idlip ako kahit papaano. Napangiwi na lang ako nang makitang apat na minuto lang pala ang lumipas. Ano bang gagawin ko para antukin ako?
I got up again and glanced toward the two-way mirror in PL's room. Katapat kasi nitong kuwarto ko iyong master bedroom kung saan siya naroroon. Nakita ko na bukas ang bathroom. I went to my own small bathroom, which shared a two-way mirror with PL's shower. In his shower cubicle, someone was bathing with hot water running. I couldn't see clearly because of the fog from the steam.
Why did he wake up so early? Iniwan ko siya kanina sa sala, tulog na tulog siya, e. Masakit ba ang ulo niya kaya siya nag-warm bath?
Anyway, ayoko ng may makita pa na kung ano kaya lumabas na ako para balikan ang aking kuwarto. Nahiga na ulit ako. Kalahating oras ang lumipas nang makarinig naman ng pagbaba sa hagdan. Mukhang pagkaligo ay hindi na siya matutulog ulit. Gising na talaga siya. Lalo na akong hindi makakatulog nito.
Bumangon ako sa pangatlong pagkakataon para bumaba sa makipot na hagdan dito sa makipot na daan. Pinuntahan ko ang two-way sa kusina. Naririto si PL, naghuhugas ng plato.
Napapasipol pa si PL habang abala sa ginagawa niya. Basa ang buhok niya na halatang kaliligo lang. Meron siyang airpod sa kanyang kaliwang tainga. Bahagya rin siyang humuhuni sa pinakikinggan niyang kanta. Good mood ang lasinggero na naniniwala sa multo.
Nang makatapos siya ay nagpunta na siya sa sala. Nagpunta na rin ako sa two-way mirror ng sala para sundan siya. Nakakapagtakang panay ang pagsasalamin niya. Sunod na ginawa niya ay nagpalakad-lakad na pabalik-balik habang tila nangangarap. Pagkatapos ay biglang mapapangiti. Hindi naman siya lasing, di ba?
Pagkuwan ay bigla niyang tinabihan ang telepono. Nariyan iyong iaangat niya ito, pero ibababa rin agad. Kunwari ay may sasagutin siyang tawag para sagutin ito. "Hello." Napakaamo ng tinig.
Napailing siya. Inulit niya ang ginawa.
"Hello..." Sa pagkakataong ito, mas buo ang kanyang tinig.
Hindi yata siya satisfied kaya inulit niya ang pagsagot kuno sa telepono.
"Hello." Napakabaritono ng kanyang tinig. "Hello..." Mas pinalalim niya pa ang kanyang tono.
Pagkatapos ay tatayo na naman siya at magpapalakad-lakad. Wala ba siyang ibang gagawin? Wala ba siyang trabaho?
Anong ginagawa niya? Aabangan niya lang ba na tawagan siya ng multo? Sinupil ko ang ngiti na gustong gumuhit sa aking mga labi.
....
ANONG ORAS NA? Nang makatulog ay nagpa-panic naman ako nang magising. Bakit parang wala na ang araw sa labas? I mean, may liwanag naman, pero wala akong nakikitang matinding sikat ng araw. Balikwas agad ako ng bangon at nanakbo papunta sa sala. Nandito pa ba si PL? Baka umalis na siya!
Kinusot ko pang mabuti ang mga mata dahil baka guni-guni ko lang ito. Naroon si PL sa sofa at nakakalong sa kanya ang telepono. Wala siyang ibang ginagawa kundi kalikutin lang ang iyon. Kanina pa ba siya ganito?
Napasulyap ulit ako sa orasan. Pitong oras akong nakatulog, kaya hapon na. Ibig sabihin ba nito, pitong oras na rin niya akong hinihintay? Akala ko ba ay nagsasanay na siya sa kompanya ng daddy niya? Bakit hindi iyon ang pagkaabalahan niya?
Sa kabilang side ng aking utak ay napapangiti ako. Nakakaramdam ako ng kakaibang kiliti na masarap sa pakiramdam. Hindi maipaliwanag ang pagkabog ng dibdib ko habang nakatitig ako sa lalaking matiyagang naghihintay sa telepono.
Fine. I'd call him. Walang hila-hilamos, walang kain-kain, wala ni inom ng tubig, dinampot ko na ang wireless telephone. Nag-ring ang telepono na nasa kanlungan ni PL. Napalundag siya sa gulat.
Bigla siyang nataranta na hindi malaman ang gagawin. Haharap siya sa salamin sabay pagmamasdan ang sarili, bigla niyang lalamukusin ang mga throw pillow na nahulog sa sahig, sabay susuklayin niya ang kanyang buhok gamit ang mahahaba niyang daliri. Ngayon ay nakatitig lang siya sa telepono na kanina pa nagri-ring.
Pabulong siyang bumibilang, bago niya sinagot ang tawag. "Hello..."
"Bakit ang tagal mo sumagot?" bungad ko sa kanya.
"Ah... busy kasi ako. Ang dami kong ginagawa." Napasalandak na siya sa sofa habang ang telepono ay nasa mga hita niya. "S-super busy ko..."
"Sige tatawag na lang ulit ako pag di ka na busy."
"Okay na. Wala na akong ginagawa. Napagod nga ako. Pero okay na ngayon."
"Alam mo naman siguro na nakikita kita, di ba?"
"Huh?"
"Hello, nasa paligid lang ang friendly ghost mo."
Nakita ko na bigla siyang nag-rosie cheeks. Napahilamos pa ang isa niyang palad sa kanya mukha.
Pigil akong napahagikhik. Ang hirap pala itago ng kilig!
"Fine, kanina ko pa hinihintay ang tawag mo."
"Kumain ka na ba?" tanong ko sa kanya.
Napahawak siya sa kanyang dibdib habang walang paglagyan ang ngiti sa kanyang mga labi. "Yeah. E ikaw –este, multo ka nga pala."
"Ano ka ba, nakakain ko nga iyong alay mong mga pancit canton, di ba?"
"Gusto mo bang alayan kita ng pancit canton mamaya?"
"Oo ba. Calamansi flavor, ah? Sawa na ako sa hot and spicy, e."
Napasandal siya sa sofa na para bang lumilipad siya sa alapaap. "Let's talk more, Solly."
"Tutulugan mo na naman ako, e."
"Not this time. Hindi ako pagod ngayon."
Sa pagkakaalam ko ay wala pa siyang masyadong tulog. Kaya malakas ang kutob ko na mauuna ulit siyang makatulog.
"Ano bang puwedeng pagkwentuhan natin?"
"Don't worry, may mga hinanda ako." Dinampot niya ang kanyang cellphone at may tiningnan sa screen nito. "I actually prepared some games also, para ma-enjoy natin ang magdamag."
Napakagat-labi na lang ako habang nakatitig sa kanya, nakadiin sa aking tainga ang hawak kong wireless telephone. Mukhang matagal na kuwentuhan ito.
....
16 HOURS NA YATA KAMING NAG-UUSAP.
PL's voice was already getting hoarse because he was the more talkative one between the two of us. He had more stories. He asked more questions. Umiinom siya ng beer habang nakasandal sa sofa. Nakahiga na ang kanyang ulo at lupaypay na ang hitsura. Ihi lang ang pahinga niya.
Sinasamantala ko kapag pupunta siya ng toilet, ako naman ay kakainin itong yogurt para lang magkalaman ang tiyan ko. Panay din ang inom ko ng tubig para hindi ma-dehydrate.
There was no dead air between us; the conversation just kept flowing. Wala ni isa sa amin ang napapanisan ng laway. Nakakaubos lang talaga ng lakas iyong pagtawa. Hindi ko alam, pero parang ang saya kasi namin habang nagkukuwentuhan.
Nakahiga lang din ako sa mini sofa ko na nakaharap sa two-way mirror sa sala. Gusto ko kasi siyang makita habang kausap ko siya. Gustung-gusto ko ang pagiging natural niya habang nakikipag-usap sa akin. Meron pala siyang ganitong side, iyong masayahin.
Kapag lasing kasi siya, mukha lang siyang problemado. Guwapong problemado. Pero ngayon ay napakaaliwalas ng mukha niya habang nakangiting nakikipagkwentuhan sa akin.
"Solly..." Napaka-husky ng tinig niya sa kabilang linya, halatang pagod na.
"Hmmm..."
"May chance ba na bigla kang kunin ng langit?"
Natawa ako sa sinabi niya.
"Why are you laughing?"
"Because I might not end up there."
"Why would you say that?" Napaangat siya ng mukha at napaayos ng upo.
"Makasalanan akong tao."
"Anong klaseng kasalanan?"
"I'm a liar."
He clicked his tongue. "Everyone lies. Everyone deceives. That's why everyone is a sinner."
"Alam ko naman iyon, pero hindi lang ako sinungaling. Magnanakaw pa ako." Magnanakaw ng pancit canton.
Gaano man kaliit o kalaki, ang pagnanakaw ay pagnanakaw pa rin. Nasa sampung utos iyon.
Tapos, sinungaling pa ako. E ang kapatid ng sinungaling ay magnanakaw. Katumbas din iyon ng pagpatay. Grabe, sobrang makasalanan ko
"But you're kind, right?" tanong ni PL.
I paused. Was I really kind?
"You're kind, Solly. Your kindness outweighs your other sins because you're not truly a bad person. The lies and the stealing, you must have had reasons. Deep down, you didn't want to do those things. If you had a choice, you wouldn't have done them. I believe that if you sincerely ask for forgiveness, the heavens will forgive you."
"Paano mo nasabing mabait ako?"
"Because if you weren't, you wouldn't take care of someone like me when I'm drunk. You wouldn't put up with me, even when I know I annoy you sometimes."
"O puwede ring ginawa ko lang ang mga iyon dahil may kapalit. Kasi gusto ko lang makabawi sa 'yo."
"Bakit mo naman gustong makabawi sa akin?"
"Dahil hinahayaan mo akong makitira dito sa bahay mo."
Bigla siyang sumeryoso. "Solly, I don't want you to go..."
I really couldn't do it. I remembered the psychiatrist Onse had referred me to. I wanted to get better. I wanted to leave the house. I wanted to go far away, to see how wide the world really was. Pero nangako ako kay Mommy na hindi ako lalabas ng bahay, hinding-hindi iiwan ang bahay na ito.
Mas lumalim pa ang isip ko. Naalala ko rin iyong sinabi sa akin ni Onse. Hanggang kailan ako magsisinungaling kay PL? Hanggang kailan ko siya lolokohin?
"P-pero..." sambit ko sa kabilang linya. "A-alam mo naman na hindi puwedeng mamalagi ng matagal ang mga kaluluwa sa lupa, di ba?"
PL didn't say anything. I only heard his rough, shaky breathing.
"Kaya... baka isang araw... kailanganin ko rin lumisan na sa mundong ito..." Ang kahulugan ng sinasabi ko ay ang pag-alis sa bahay na ito, kung saan posibleng magaling na ako sa sakit ko, o kahit paano ay makakaya ko nang makalabas dito.
Madilim lang ang mukha ni PL nang pagmasdan ko siya sa likod ng two-way mirror.
"P-pero wag kang mag-alala... magpapaalam naman ako sa 'yo..."
"Malapit na ba iyon, Solly?" Sa wakas ay nagsalita na rin siya.
Four months lang ang ibinigay sa akin ni Onse. Sa loob ng apat na buwan na iyon, kailangan kong gumaling.
"Malapit na..." was all I could say.
"Solly..." halos pabulong niyang bigkas.
"Oh?"
"When it's time for you to go... when you're about to cross to the other side... can you..."
"Hmn?"
"...can you take me with you?" His voice cracked. Nang mga sandaling ito ay naramdaman ko ang labis na lungkot sa tinig niya.
JF
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top