Chapter 8

I NEED TO GET OUT OF HERE AS SOON AS POSSIBLE.



Kung hindi ako aalis, baka ipakulong niya ako. O kaya ay ipapapatay niya ako? Hindi ko alam. I had no idea what he was capable of when he was angry. Even though he was usually kind, I had never seen him mad—especially if he would find out I'd been fooling him all this time.


Babala nga sa akin ni Onse, hindi lang basta guwapo at sikat ang lalaki, mayaman din ito at makapangyarihan. Ibig sabihin, kaya nitong gawin sa akin ang gusto niyang gawin nang walang batas na sinusunod, dahil nga makapangyarihan siyang tao.


Anong gagawin ko? Katapusan ko na! Sa kasamaang palad, naidamay ko pa si Onse. Graduating pa naman siya, saan na siya kukuha ng pang-tuition niya?!


Kasalanan ko ang lahat ng ito. Siguro nga ay susuko na lang ako. Hindi ko babanggitin sa kanya na kasabwat ko si Onse. Kailangan ay hindi na madamay dito ang lalaki. Kawawa naman siya kung dahil lang sa akin ay masisira ang edukasyon niya.


"S-sir... ano ang nasa blueprint?" kabadong tanong ni Onse kay PL.


Iniiabot naman ng lalaki ang blueprint kay Onse. Binuklat niya ang naka-rolyong papel upang tingnan ang nilalaman nito.


"It's just a simple house." Sabay himas sa salamin ni PL.


Nakahinga nang maluwag si Onse sa nakita niya mula sa blueprint.


"So, I was right? Aling Bengbang was right," pagpapatuloy ni PL. "Narito nga siya sa likuran ng salamin na ito. Dito na nanatili ang kaluluwa ni Solly..."


Napalupagi ako sa sahig. Hinang-hina, pero ang dibdib ay puno ng relief. Na para bang nakaligtas ako sa nakatakda na sanang bitay. Ibig sabihin, peke ang nakuha niyang blueprint.


My mom was the architect of this house, and my dad was the engineer. I was sure they conspired to create a fake blueprint. Misyon na kasi ng parents ko bago pa lang gawin ang bahay na ito, na itago ako sa mundo.


"Totoo si Solly, sir," ani Onse na nakihawak na rin sa salamin.


"Do you believe me now?"


Tumango si Onse. "Opo, sir! Isang gabi na hindi ko magawa-gawa iyong assignment ko, nag-inom ako at dito ako pumunta. Hindi kasi ako puwede sa amin kapag lasing ako. Nandito lang ako sa sofa, hanggang sa nakatulog ako. Paggising ko, nasagutan na ni Solly ang mga di ko masagutan sa Calculus!"


"You really think Solly was the one who did it?"


"Siya lang ang makakagawa niyon, sir. Sigurado ako. At alam ko na matalino siya..." Bahagya siyang natigilan. "Noong nabubuhay pa siya..."


"And she's kind too, that's why I wanna help her."


"Tulungan, sir?"


"I'll find her body, so her soul can finally rest in peace." Ngumiti pa si PL na punung-puno ng pag-asa.


Samantalang sa mga mukha namin ni Onse ay mababasa ang guilt. Because we were lying in our benefactor's face...


....


"INDOOR CAMERA?"


Gulat na gulat ako sa sinabi ni Onse. "Oo. Gusto ni Sir PL na maglagay sa lahat ng sulok ng bahay na ito ng CCTV. Pero wag kang mag-alala. Na-solusyonan ko na iyon." Hinila niya ako papunta sa isang sulok, malapit sa two-way mirror ng sala. "Puwede nating i-disconnect sa kuryente ang mga CCTV."


Napatingin pa ako sa isang switch na mas maliit. Parang button lang iyon na madaling pindutin. Iyon daw ang kokontrol sa kuryente na nagpapagana sa CCTV.


"Meron pala akong surprise sa 'yo, Solly!" Binigyan niya ako ng isang wireless telephone. "Rechargeable iyan. Connected iyan sa telepono sa sala. Ibig sabihin, puwede mo nang makausap si Sir PL kahit hindi siya lasing!"


Namutla ako. "P-pero, Onse..."


"Wag kang mag-alala dahil untraceable iyan. Puwede mong tawagan ang telepono rito sa sala gamit iyang wireless phone na bigay ko, at magmumukha lang na may tumawag sa kanyang multo. Safe ka pa rin!"


Pinindot ko ang call button sa hawak kong telepono. Nag-ring nga iyong telepono rito sa sala. Namangha naman ako. "Wow, Onse! Ang galing naman ng napagkunan mo nito!"


Itinulak niya ako palayo. "Ooops! Hindi iyan libre! Nagpatulong pa ako sa electrician kong tatay para makagawa niyan! Bilang kapalit, itu-tutor mo ako dahil malapit na ang exam ko!"


Naglakad na palayo si Onse. Napangiti na lang naman ako habang yakap ang wireless rechargeable phone, nang bigla akong may naisip. "Ah, Onse... May tanong pala ako sa 'yo."


Napalingon siya sa akin. "Ano iyon?"


"May kilala ka bang psychiatrist?"


....





PL WAS IN THE KITCHEN.


Bakit nandito siya ng umaga at hindi siya lasing? Abala siya sa pagluluto. Anong meron?


Seryoso siyang naghihiwa ng sibuyas, bawang, at patatas. Mayroon pang iba't ibang ingredients sa tabi ng sangkalan tulad ng kamatis, luya, carrots, at iba pang gulay. Sa kaserola naman na nakasalang ay may pinakukuluan siyang manok. May bisita ba siya?


Anyway, pagkakataon ko na ito para magparamdam sa kanya. Kinuha ko ang spare remote ng TV na nasa akin, at in-on ko ito at pinaglilipat ng channel.


Napahinto si PL sa ginagawa nang marinig niya ang ingay ng TV. Nagtataka pa siya noong una, pero sa huli ay marahan niyang nilapitan ang TV sa sala. In-off ko ito ulit bago pa siya makalapit dito.


Napahimas siya sa kanyang braso. Mukhang kinikilabutan siya. "S-Solly, is that you?" Napalingap siya sa paligid.


In-on ko muli ang TV kaya nagulat siya.


"Fuck," bulong niya.


Dinampot niya ang remote ng TV na nasa tabi nito at in-off ang TV. Napatingala siya at lilingap-lingap sa paligid.


Should I continue? Siguro ay patatahimikin ko na siya. Hahayaan ko na siyang ituloy ang kanyang ginagawa. Nabatukan ko tuloy ang aking sarili dahil sa ginawa ko.


"Solly, I wanna know if that's you. Kung ikaw iyan... pakurapin mo ang ilaw."


Aalis na sana ako nang mapahinto ako sa sinabi niya.


"W-wala lang... baka ibang espiritu na itong nagpaparamdam e. I don't want anyone else. You're the only ghost I want. Again, if that was you, blink the lights once."


I pressed the button once, causing the light to flicker once.


Saka lang nakahinga nang maluwag si PL. "Kinabahan ako. Akala ko ay ibang masamang espiritu na ang nakapasok sa bahay na ito."


Napangiti ako sa sinabi niya.


"I want to know your mood." Napatingala siya, na parang may kinakausap sa malayo. "If you're happy, blink the lights once. And if you're in a badmood, blink the lights twice."


Pinindot ko ng isang beses ang button. Napakurap ng isang beses ang ilaw.


"It's nice to know." Ngumiti sa harapan ng salamin si PL.


Nakakainis talaga ang ngiti niyang ito. Bakit lalo siyang gumuguwapo sa paningin ko?!


"I'm preparing food, in case you're curious."


'Kita ko nga.


"I kind of... want to eat with you..." aniya sa mahinang tinig.


Ha? Really?


"Now blink the lights twice if you want to have lunch with me."


Pinindot ko ang button ng dalawang beses, sanhi upang magpatay-sindi ang ilaw ng dalawang beses.


Napahawak si PL sa kanyang bibig. "Really, Solly? You really want to eat with me? At hindi ko na kailangang magpakalasing para lang makausap ka?" Kitang-kita ang tuwa sa mga mata niya. Oh, how innocent.


Hindi ko alam kung napahawak ako sa aking dibdib habang tumatangong nakamasid sa kanya. Ang saya ko rin sa setup naming ito. Nakakausap at makakausap ko na siya kahit hindi siya lasing.


"All right, Solly. Just wait there. Magluluto lang ako, at kakain tayo, okay?" Pupunta na siya ng kusina nang matigilan siya. "Magpapakita ka ba sa akin kahit hindi ako lasing?"


Napailing ako.


"Once if yes. Twice if no." Napatingin siya sa ilaw.


Pinindot ko ng dalawang beses ang ilaw.


"Damn." Nalungkot siya bigla, napapikit pa siya.


Nakaramdam ako ng pag-aalala, siguro dahil ngayon ko lang siya nakita nang ganito kalungkot nang hindi lasing. Dinampot ko agad iyong telepono na ibinigay sa akin ni Onse. Nag-ring ang telepono sa sala.


Nanlaki ang mga mata ni PL. "Oh, what the? No one knows that number. Ilang taon na rin daw na walang tumatawag diyan ayon sa broker nitong bahay..." May takot sa tinig niya.


Please, just answer it!


Dahan-dahan na nilapitan ni PL ang telepono. Marahan din niyang iniangat ito bago niya itinapat sa kanyang tainga. "H-Hello?"


"It's me. Solly."


Nang marinig niya ang tinig ko ay naibagsak niya ang telepono. Napaatras siya na kamuntikan pang matalisod patalikod.


"Shit... shit..." Hindi siya makapaniwala habang nagmumura.


Hay, naku. Nagpalakad-lakad muna siya ng ilang minuto. Nagtangka siyang mag-dial sa cellphone niya, tatawagan niya siguro si Onse, but in the end, he didn't go through with it. He resumed walking back and forth, biting the nail on his finger. He couldn't stay still, constantly glancing at his phone.


Mayamaya ay nagdesisyon siyang damputin muli ang telepono para itapat sa kanyang tainga. "S-Solly?"


"Kailan ka pa natakot sa akin, ha?"


Saka lang siya napangiti, tila nakahinga nang maluwag. Nawala ang takot sa mukha niya. "Sorry... I was just surprised that I could actually talk to you on the phone."


"Gusto kong magpakita sa 'yo... kaya lang... hindi mo naman ako makikita..."


Nabahiran ng pagpa-panic ang mga mata niya. "What do you mean, Solly?"


"I mean, hindi ko rin alam kung paano mo ako nakikita. Siguro nga ay nakikita mo lang talaga ako kapag lasing ka."


Natawa siya sa sinabi ko.


"Anong nakakatawa?"


"I think I have gone crazy."


"Hindi ka baliw. Totoong nakakausap mo talaga ako."


Napasuklay siya sa kanyang buhok gamit ang mahahaba niyang daliri. "I am happy, Solly."


"Bakit ka naman masaya?"


"I really thought you were just an illusion. A hallucination when I am drunk." He shook his head. "I still can't believe you're real. My friends would definitely laugh at me if I told them about you."


"Kung ganoon, wag mo na ako ikuwento sa kanila o kahit kanino. Gawin mo na lang na sekreto nating dalawa ito."


Napangisi lang siya.


Hinila niya iyong telepono at pilit pinahaba ang wire nito. Bitbit na niya ito ngayon nang maupo siya sa sofa.


"Anong ginagawa mo? Hindi ka na ba magluluto?" tanong ko sa kanya.


"You know that I am here?" Napalingap ulit siya sa paligid. "Where are you?"


"Basta... nasa paligid lang ako."


"It's so unfair. Nakikita mo ako pero hindi kita nakikita."


"Magluto ka na muna, tatawag na lang ulit ako mamaya."


"No. We will just talk." Napasandal pa siya sa kinauupuan niya. "Ang ganda ng boses mo, Solly. Kasing ganda mo."


I blushed at what he said. "You're such a flirt. Did you say that to all your past girlfriends, too?"


"I'm telling the truth. Bakit ko ipagpapalit ang pagluluto ko sa pakikipag-usap sa 'yo, right? Of course, you're my priority."


"Ewan ko sa 'yo." Pero deep inside ay kinikilig ako. Nakakainis.


"Why don't we play a game, Solly?" suhestiyon niya.


"A game?"


"I'll tell you about myself, and then you tell me about you. Deal?"


I thought for a moment. "Okay."


And that whole day, we just kept chatting. Parang bumalik kami sa nakalipas noong una pa ang phonepal. PL would occasionally drop off the line whenever he needed to use the bathroom. Luckily, my phone was wireless, so I could take it with me whenever I had to go.


Nakakatuwa, naaaliw ako na may kausap. Hindi ko na tuloy namalayan ang oras. Ang sarap sa pakiramdam na may nakakausap. Na may taong puwede ko palang makausap...


....


PL HAD ACTUALLY FALLEN ASLEEP WHILE I WAS TALKING.


Kaya pala hindi na sumasagot. Kung hindi ko pa siya tingnan sa sala, hindi ko pa malalaman. There he was, still with the phone pressed to his ear, but his breathing was now deep and steady.


Nag-switch off muna ako ng mga indoor camera bago ko siya nilabas. Lumapit ako sa kanya nang marahan para alisin iyong telepono sa kanya. Then I made sure he was lying comfortably, placing a throw pillow under his head as a pillow.


Hay, buong araw ko siyang kausap. Kumuha ako ng kumot sa kuwarto niya at binalikan siya para kumutan. Nilakasan ko rin ang aircon sa sala para masarap ang tulog niya. Nakakainis talaga, guwapo pa rin kahit tulog!


"Good night, PL," bulong ko bago siya iwan.


Pero paalis pa lang ako nang may humuli sa aking pulso. Nanigas ako at ang tanging nagawa ko lang ay mapalingon sa lalaking nasa likuran.


"S-Solly..."


Nakabangon na pala siya nang hulihin niya ang kamay ko!


JF

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top