Chapter 10
"NASISIRAAN KA NA BA?!"
Sumama sa akin? Ang tinutukoy ni PL na sumama sa akin ay ang sumakabilang-buhay! Kahit pawang kasinungalingan lang ang pagpunta ko sa langit, alam kong iyon ang ibig niyang sabihin!
"It's just so unfair. You're leaving before me," he said, his voice full of frustration. "It is unfair. But that's because I'm dead and you're still alive!"
"Exactly, so just take me with you. Mami-miss kita, e." Lumabi pa siya. Kagigil!
"Naiintindihan mo ba ang sinasabi mo?!"
"Positive."
Napapikit ako sabay hilot sa aking noo. "Masuwerte ka dahil buhay ka pa. Buhay pa pati ang parents mo, may mga kamaganak ka, kaibigan, mahal ka nila. At wala kang sakit. Bonus pa na you're rich, popular, and powerful. You can buy whatever you want, eat whatever you like, and go wherever you want. Tapos gusto mo ng sumama sa akin? Isinusuko mo lang basta ang magandang buhay mo?!"
Wala akong sagot na nakuha sa kanya. Nang tingnan ko siya mula sa two-way mirror, nakikinig lang siya sa telepono.
"Ewan ko sa 'yo. Bahala ka na sa buhay mo." Pagkasabi'y binabaan ko na siya ng telepono. I was suddenly furious. Mabuti nga siya ay meron pang pamilya. Mabuti nga siya ay nakakalabas at nakakapunta sa mga lugar na gusto niya. Tapos, itatapon niya lang iyon? Balewala lang ba sa kanya ang buhay para magbitiw siya ng ganoong mga salita?!
Nanakbo na ako sa kuwarto ko at nilundag ang kama. Nagtalukbong ako ng unan sa aking uluhan. Naiinis pa ako dahil pakiramdam ko ay bad influence ako sa kanya. Nakadagdag pa na lahat ng ito ay kasinungalingan lang. The more na nakakausap ko siya, the more na nagkakasala lang ako. Ah, basta, matutulog na lang muna ako. Ayoko muna siyang makausap!
"REALLY?!"
Nabawi ang badtrip ko kay PL dahil sa magandang balita sa akin ni Onse kinabukasan. "Oo nga, pumayag na siya na maging doktor mo."
Ang pinag-uusapan namin ay iyong kakilala niyang psychiatrist. Dati siyang naka-sideline sa clinic daw nito bilang isang janitor. Mabait daw ang 31-year-old na psychiatrist na si Dr. Heint Felix Von.
"Naging paborito ako ni Dr. Von, kasi natutuwa raw siya sa kagustuhan kong makatapos ng kolehiyo, kahit bokasyonal lang. Pinuntahan ko siya at ikinuwento nga kita sa kanya. Akala ko nga noong una ay hindi siya magiging interesado, pero nagulat na lang ako dahil sinabi niyang gusto ka raw niyang makilala."
"Sinabi mo sa kanya kung ano ang kalagayan ko?"
"Oo."
"Na nagpapanggap akong multo?"
"Oo."
"Na nagtatago ako sa mga hidden room ng bahay na ito?"
"Oo."
"Na parasite ako sa bahay na ito? Na nagnanakaw lang ako ng stocks ng owner ng bahay na ito?"
"Kaya nga siya na-in love sa case mo!" buong sigla niyang sabi. "Tuwang-tuwa siya sa 'yo. Ngayon lang daw siya makakakilala ng tulad mo!"
Inirapan ko siya.
"Wag kang mag-alala, may confidentiality naman. Safe lahat ng information mo, at hindi ka raw puwedeng tumanggi, dahil naisingit niya na sa busy sched niya next week ang meeting niyo!"
Nanulis ang nguso ko. "P-paano iyan, di ako makakalabas dito para i-meet siya—"
"No worries, Madam. Si Dr. Von na ang pupunta sa 'yo rito. Free shipping, COD!"
"Magkano nga pala ang fee niya?" Isa pa kasing problema ay wala akong pambayad. Pero kung okay lang dito, may mga ginto akong natatabi. Mga alahas ng mommy ko. Puwede kayang iyon ang ibayad ko?
"Don't worry daw! Ang kaso mo ay pro bono!"
"S-seryoso?"
"Oo. Ipinakita ko lang sa kanya ang picture mo, tapos, sinulat niya na sa likod ang mga salitang : it's a pro bono!"
"Picture ko?"
"Oo. May stolen shot ka sa akin." Ipinakita niya sa akin ang screen ng phone niya. Kailan ito? Naka-sleeveless akong dress na kulay puti, nakalugay ang buhok ko na alon-alon, habang nakatingin ako sa malayo, pero nakangiti.
Napa-inhale at exhale ako. "Okay... ready na akong gumaling." Kahit hindi ko pa sigurado kung kaya kong makaharap ang doktor na iyon, dahil hindi nga ako sanay sa tao. Kina Onse at PL lang ako palagay, dahil matagal ko na silang nasusubaybayan at nakakasama rito sa bahay.
"ARE YOU STILL MAD AT ME?" Kinatok ni PL ang wall mirror sa sala. Alam ko na siya ito, dahil kanina pa ako nakamasid sa kanya.
Sunud-sunod ang pagbutong-hininga niya. Napapasandal pa ang noo niya sa harapan ng salamin habang nakapikit siya. Pinakurap ko ang ilaw kaya napatingala siya.
"Solly, come on. Call me, please." May pagsusumamo sa tinig niya. "Usap tayo oh?"
Nag-dial na ako sa wireless telephone ko.
Kandarapa naman niyang sinagot ang telepono. "Hello, Solly!"
"Wag mo ng ulit sasabihin iyon. Kahit biro, wag mong itatapon ang buhay mo."
Saka ko lang ulit siya nakitang napangiti. Kanina pa kasi siya malungkot pagdating niya. "Yes, ma'am."
"Mangako ka na hindi ka na mag-iisip ulit ng ganoon."
"Promise. Cross my heart. Hope to—"
"Hep!" saway ko sa kanya.
Natawa na naman siya nang mahina. Binuhat niya ang telepono at dinala sa sofa, saka siya nahiga. Ang telepono ay nasa kandungan niya.
"Ano iyan? Bakit nakahilata ka na naman? Mag-uusap na naman tayo maghapon?" sita ko sa kanya.
"Yes. Matagal tayong hindi nag-usap."
Kahapon lang tayo hindi nag-usap, ah? Napapakamot na lang ako sa ulo.
"Sandali nga. Wala ka man lang bang lakad? O ayaw mo bang puntahan ang family mo? Akala ko ba, future CEO ka ng malaking kompanya niyo, wala ka bang work doon ngayon—"
"Solly," singit niya.
"Oh?"
"You are my escape from reality."
Sandaling napatulala ako dahil sa sinabi niya.
"Kaya hayaan mo na ako. Okay lang ba?"
"O-oo naman." Samantalang ako ay parang may gustong kumawala mula sa dibdib ko. Bakit niya ba sinabi iyon?
"Kung okay lang, Solly... bago ka umalis... or mawala... or umakyat sa langit..." sunud-sunod ang paglunok niya. "P-puwede bang... magpaalam ka sa akin..."
"O-oo, sige ba."
Bakit bigla naman yatang napaka-seryoso niya? Ano bang nakain ng lalaking ito? Hindi naman siya lasing.
...
GOOD THING I READ ONSE'S TEXT. Nagpasundo raw sa kanya si PL sa isang malapit na restobar, kaso pagpunta niya roon ay wala na ang lalaki. Tinatawagan niya raw, pero hindi naman sinasagot ang tawag niya. Tinatanong niya ako kung narito raw ba sa bahay si PL.
It had been about four days since PL and I last spoke. He had told me during our last conversation that he had an important trip abroad, a business tour. So I just assumed he wouldn't be home for at least a week.
Nag-abala pa rin ako ng tingnan ang sala, dahil baka hindi ko lang namalayan na dumating siyang lasing. But no one was there. My eyes narrowed when I noticed something strange. The front door seemed to be open.
I ran up to the second floor and went to the two-way mirror, looking into PL's room. And there he was. May nakatalukbong ng kumot habang nakahiga sa kama.
Nakita ko na agad na nakalaylay ang paa niya mula sa leather shoes niya sa edge ng kama. Lumabas na agad ako ng secret door, pinuntahan ang main door at ni-lock ito. Lasing iyon malamang. Nakalimutan ba naman isara ang pinto, e.
Nang madaanan ko ang shower room ay aking narinig ang pag-agos ng tubig. Pati yata itong gripo ay naiwan niyang bukas. I turned it off.
Umakyat na ako sa kuwarto ni PL. Pagbukas ko ng pinto papasok ay dumeretso agad ako sa kanya. Nakadapa ang lalaki. Una kong binaklas ang suot niyang leather shoes. Nang iangat ko ang kumot para kabilang paa naman niya ang baklasan ko ng sapatos, napalundag ako sa gulat.
Ano iyon?! Bakit may isang binti na nakadantay sa kanya?
I tried to calm myself down even though it looked like a woman's leg. Makinis, maputi, mahaba ang biyas at may nail polish. Marahan kong iniangat ang kumot at ganoon na lang ang panlalaki ng aking mga mata. There really was a woman next to PL, and her leg was resting over him!
At ang pinaka-pinaghihimutok ng damdamin ko... ay tila ba isang anghel na mula sa langit ang babae dahil ubod ng ganda. Mahirap ipaliwanag, pero nang mga sandaling ito ay para akong bulkan na bigla na lang sumabog sa galit!
I HAD NO APPETITE. I didn't even feel like getting out of bed. Wala akong ibang gustong gawin kundi ang magmumok lang sa kinahihigaan ko habang hawak ang aking unan.
Dapat lang ba na aminin ko sa aking sarili na nasaktan ako nang makitang may katabi si PL sa kama? Maybe it did. Maybe I was hurt. Maybe I was jealous. But did I even have the right to feel that way?
Ano ba kami ni PL? May label ba? As far as I know, we were just phone pals. He didn't even know me as a real person. Multo pa nga ang pagkakakilala niya sa akin. Pero bakit ako nagkakaganito? Hindi normal ito. Sa tingin ko ay may feelings na ako sa lalaking iyon.
I wouldn't be feeling like this if I didn't care. Because right now, it honestly felt like he betrayed me.
I knew I didn't have the right to feel that way. But it wasn't like I could control my heart. If it were up to me, I wouldn't want to feel anything at all. But I did. And it hurt. So much. Why did it have to hurt like this?
Pinunasan ko agad ang aking mga luha na kusa na lang nagsipagbagsakan, dahil ayokong magmukhang tanga kahit pa wala naman nakakakita. Hindi worth it iyakan ang isang tulad ni PL na babaero. Kung bakit kasi sa kanya pa tumibok ang puso ko.
Wala nga naman ibang naging malapit na owner sa akin kundi siya. Sa lahat din ng naging owner ng bahay na ito, siya iyong kakaiba.
Naiinis ako sa sarili ko. Gusto ko na lang mawala itong kirot na nararamdaman ko sa aking dibdib.
Sana mawala na lang bigla. Kung meron lang sanang magic na kayang magpawala ng sakit na nararamdaman, pag-aaralan ko ang magic na iyon. Paano ba maiibsan ang sakit na ito? What if saksakin ko si PL habang tulog? O kaya putulan ko ng ari? Mawawala ba ang dinaramdam ko?
Hindi siguro. Lalo lang akong naging masamang tao. Ayokong gumawa ng krimen. At laging sinasabi sa akin ni Mommy noong bata pa ako, wala raw patas sa mundong ito. Mas madalas ka raw matatalo sa buhay, kumpara sa magiging tagumpay mo.
Ang tama sigurong gawin ay hayaan ko na lang. Isipin ko na lang na karma ko ito. Tama, kinakarma na siguro ako dahil sa mga kasalanan ko kay PL. Kaya natural lang na magdusa ako sa sakit na nararamdaman ko.
Ilang minuto lang ay nakarinig ako ng kaluskos mula sa kusina. Si PL na iyon? Napatingin ako sa orasan. 4:00 am na pala.
Kaya bumangon ako para silipin kung sino iyong nangangalikot sa kusina. Dahan-dahan ko pang nilapitan ang two-mirror na nasa pagitan namin, para lang makita ang tila isang anghel na nawalan ng pakpak. Nakakainis, ang ganda niya talaga. Hindi na ako magtataka kung bakit inuwi ni PL ang babaeng ito sa bahay na 'to.
May isinalang ang babae sa microwave, bukod doon ay may nakasalang din siya sa induction stove na pan. Hindi ko alam kung ano iyong niluluto niya. Pero mukhang para lang sa isang tao. Mukhang ipaghahanda niya ng pagkain ang lasinggero.
Nang makatapos siya makaluto ay kumain na siya, na ikinagulat ko. Akala ko ay para kay PL ang iniluto niya. Pasimple niya pang minamasahe ang kanyang batok na para bang may masakit doon. Kasabay nito na nagtitipa siya sa screen ng kanyang cell phone. May tinatawagan siya sa kabilang linya pero mukhang wala siyang sagot na nakuha.
Maganda talaga ang babaeng ito, at may perpektong katawan. Wala siyang masyadong makeup, mukha din siyang walang arte sa sarili. Pero hindi ko alam kung bakit naiinis ako sa kanya. Bakit parang gusto ko siyang pag-trip-an?
Pinindot ko ang switch sanhi upang magpatay-sindi ang ilaw. Napasulyap siya kisame. Pero agad din nagpatuloy sa kinakain.
Inulit ko ang aking ginawa. Pero sa pagkakataon ito ay hindi ko nakuha ang atensyon niya. Parang wala na siyang pakialam kahit magpatay-sindi ang ilaw. Nakakainis!
Kinuha ko naman ang spare na TV remote at in-on ko ang TV. Nagulat siya sa nangyari. Napatayo siya mula sa high chair ng bar counter at marahan na nilapitan ang TV. Noong una ay hinanap niya ang remote ng TV, at nang makita niya ito ay in-off niya agad.
Pero in-on ko ulit kaya nagtaka siya. Kumiling lang ang kanyang ulo habang nakatingin sa TV na patay-sindi. Hindi ko ba matatakot ang babaeng ito?! Gusto ko sana ay manginig siya sa takot hanggang sa manakbo siya palabas ng pinto!
"Fine," sabi niya. Ibinagsak na lang niya ang remote sa sofa, iniwan ang TV na in-on ko, at binalikan ang pagkain niya sa bar counter.
Parang hindi siya apektado sa mga kababalaghan. Hindi ba siya takot sa multo?!
All right, I had my last resort. Pinag-ring ko ang telepono gamit ang wireless telephone ko.
Uminom muna siya ng tinimpla niyang juice bago niya napagdesisyunan na tumayo sa highchair para lapitan ang telepono. Nice. Kailangan kong makalikha ng nakakatakot na tinig. Ano kayang magandang sabihin?
Siguro gagayahin ko na lang iyong tinig nung sa The Grudge, para nakakatakot talaga.
Nawala ako sa focus nang sagutin niya ang tawag ko. "Hello, puwede mamaya ka na lang tumawag? Kumakain kasi ako. TIA." Pagkasabi'y ibinaba na niya ang telepono.
Napahigpit ang paghawak ko sa handle ng hawak kong wireless telephone. Nanggagalaiti ako sa galit. What if puntahan ko na lang siya diyan sa kusina at sabunutan siya. Nakaasar. Padabog akong umakyat sa aking 2nd floor at plakdang nahiga sa aking kama. I felt defeat!
APAT NA ARAW NA NAGING TAHIMIK ITONG BAHAY. Hindi ko nga napansin na umalis din pala agad si PL at iyong babae pagkatapos nilang matulog nang magkatabi noong gabi. Hindi rin bumalik si PL kinabukasan, baka busy. O baka lagi niyang ka-date iyong babae.
Pero nitong Linggo, alam ko na bumalik siya. Naririnig ko nga na nagsasalita sa harapan ng salamin, pero hindi ko siya inintindi. Hindi ko rin pinili na pakinggan siya. Bahala siya sa buhay niya. Hindi ko na siya kakausapin kahit kailan.
Tanggap ko naman na mas gusto niya iyong babae na iyon. Dahil sa pananaw niya, ang babaeng iyon ay buhay, at samantalang ako ay patay. Multo ako. Hindi niya mahahawakan, hindi maikakama.
Naiinis pa rin ako kapag naiisip ko sila. Since hindi ko nabawian iyong babaeng iyon, si PL na lang babawian ko. Sa kanya ko ibubuhos ang aking inis.
May narinig akong kaluskos ng tubig sa banyo. Si PL kaya ito? Kaya sumilip ako sa two-way mirror ng shower room niya. Siya yata iyon. Naliligo pala ang hayop. Magandang pagkakataon ito para bawian siya.
Dahan-dahan akong lumabas mula sa secret door. Gamit ang magagaan kong mga paa, pinuntahan ko siya sa shower room. Naabutan kong nagsasabon ang lalaki. May towel siyang nakasampay sa handle bar ng cubicle. Maingat ko iyon na kinuha. Sigurado ako na hindi niya ako napansin.
Bumaba ako sa sala, sa likuran ng kitchen ay may dirty kitchen, covered pa rin naman ito. Madilim kaya binuksan ko ang ilaw. Sa ilalim ng sink ay nandoon ang main faucet. Kapag pinihit ko ito, mawawala ang supply ng tubig. Kaya walang pag-aalinlangan na pinihit ko ito para magsara.
Pagkuwan ay nanakbo na ulit ako papasok sa secret door. Kahit nasa loob na ako ng hidden room ko ay narinig ko ang pagmumura ng lalaki sa shower room. Wala rin ang towel niya, dahil binitbit ko. Tatawa-tawa na lang ako. Gumaan nang bahagya ang mabigat sa dibdib ko.
NAGLAGAY AKO NG THUMBSTACKS SA SOFA, kaya kahapon ay narinig ko na naman ang palahaw ng lalaki. Nai-imagine ko na ang hitsura ni PL nang maupuan niya ang mga matutulis na thumbstacks. He was probably fuming with rage. I must've scratched his flawless butt.
And that wasn't all. I also swapped out his facial wash with black ink. His whole face would turn black once he washed it later. Iniisip ko pa lang ay natatawa na ako. Kanina naman ay naglagay ako ng patibong sa pintuan. Merong timba sa itaas ng pinto na may lamang pinaghugasan ng pinggan. Once na may magbukas nito, mabubuhusan ang sinumang papasok. Naiisip ko pa lang ang mangyayari ay natatawa na ako.
Sinilip ko nga ngayon ang timba, tumapon na pala ito. Tiyak na may nabuhusan na ito. Ang mabuti pa ay titingnan ko sa indoor camera para mapanood ang replay.
Kanina pa pala nagba-vibrate ang aking cellphone. Si Onse ang nakita kong tumatawag. Mamaya ko na siya kakausapin. Actually, noong isang araw pa siya tumatawag. I just hadn't been in the mood to talk to him. I was too busy savoring my revenge moments with PL. I turned my phone off for the time being.
Nag-rewind na ako ng mga video mula sa storage na footage ng indoor cam. May access ako rito dahil inilagay ni Onse ang app dito sa cellphone ko. May access din ako na burahin iyong mga footage na nakuhaan ako. Kaya naman ni-cut ang vid na kita ako rito sa footage at binura ko.
Doon na tayo sa natapunan ng timba ng hugasing pinggan. Ni-zoom ko pa ang vid para makita ko ang replay video. Hayun nga, may papasok sa pinto. Kaninang 2:00 pm pala ito nangyari, tulog ako.
Natutop ko ang aking bibig matapos kong mapanood ang isang lalaking pumasok sa pinto at nabuhusan ng hugasing pinggan. Si Onse!
Teka nga. Baka namamalik-mata lang ako. Pinanood ko muli ang replay. It was confirmed. Si Onse nga ang natapunan ng hugasing pinggan!
Napangiwi na lang ako. Ni-review ko pa iyong ibang replay. Laking gulat ko, kasabay ng malamig kong pawis, nang madiskubre ko na si Onse rin iyong nadali ng thumbstacks na inilagay ko sa sofa. Hayun siya sa replay video, namimilipit sa sakit ng pwet. Yari na. Natapik ko ang aking noo.
Wait a minute. Hindi kaya siya rin iyong naliligo noong nakaraang araw sa shower room na pinatayan ko ng supply ng tubig? Imposible siguro. Wala naman ibang naliligo sa shower room kundi si PL.
But I decided to review it anyway. Nag-rewind ako at pinanood ko iyong araw na iyon sa record. Halos iumpog ko sa pader ang ulo ko nang makitang si Onse rin pala iyon. Bakit naman kasi nakiligo siya rito, bwiset talaga ang lalaking ito! Siya pala lahat ang sumalo ng paghihiganti ko!
Bigla tuloy akong may naalala. May mga ikinalat nga pala akong holen sa kusina. Those were meant for PL!
Nagmadali na akong lumabas ng secret door para lang madatnan ang payat na binata na kababagsak lang sa sahig, hawak nito ang balakang sa sakit. "Onse, sorry...!"
"Naman, Solly!" pinaghalong panggagalaiti at iyak na sabi niya – habang kulay itim ang mukha niya. Mukhang ginamit niya iyong facial wash na pinalitan ko ng ink!
"ARE YOU MAD AT ME?"
Natigilan ako sa aking ginagawa nang marinig ko ang tinig na ito. Nagdidilig ako ng mga indoor plants ko nang marinig ang tinig ni PL. Napatakbo tuloy ako sa two-way mirror ng sala. Tama nga ako. Si PL nga.
Hinila niya ang isang ottoman chair malapit sa salamin at prenteng humarap dito. Hindi mo mawari kung lasing ba siya o hindi, pero napaka-seryoso ng mukha niya. Para nga lang siyang baliw na may kinakausap sa kawalan.
"Please... magparamdam ka sa akin." May pagsusumamo sa tinig niya.
Ilang araw ko na rin kasi siyang hindi pinapansin. May mga sandaling naririnig ko ang tinig niya, may sinasabi siya. Pero hindi ko iniintindi dahil nga masama ang loob ko sa kanya. Ngayon ko lang pinakinggan ang sinasabi niya sa harapan ng salamin na nasa pagitan namin.
Nginusuan ko siya. "Babaero..." sabay irap ko sa kanya.
Aalis na sana ako nang magsalita siya muli. "If may kasalanan ako... puwedeng bang malaman kung ano iyon?"
Seryoso ba siya? Hindi niya ba alam na may dinala siyang babae rito sa bahay niya?! Sa harapan ko pa!
Bakit nga ba ako magagalit o magseselos? Ano nga pa lang karapatan ko? Anyway, hindi ko na lang siya papansinin.
"U-umalis ka na ba, Solly?" Lalong naging malungkot ang tinig niya. "U-umakyat ka na ba sa langit." Puno ng pag-aalala ang maamo niyang mukha.
Mas maganda nga kung umakyat na ako ng langit, para hindi ko na siya makita. Bahala na talaga siya sa buhay niya.
"Di ba nangako ka?"
Natigilan na naman ako sa pag-hakbang. Napalingon ako sa kanya. "Ako? Nangako?" bulong ko.
"Na sasabihin mo sa akin kapag lilisan na ang kaluluwa mo?"
Napakamot na lang ako sa ulo. At ang bago kong pangako ay hindi siya pansinin. I-ignore ko na lang ang lahat ng sasabihin niya.
"Fine, susunod ako sa 'yo."
Napahinto na naman ako sa paghakbang. Pagharap ko ang may hawak siyang kutsilyo na naka-amba sa kanyang pulso! Talagang ginagalit ako ng lalaking ito!
"S-seryoso ba talaga siya?" Namutla ako habang nakatingin sa kanya.
"Save me from doing this, Solly... kung nandito ka pa." Nakatingala siya habang nakatutok ang kutsilyo sa kanyang pulso. "I'm gonna count." Napalunok siya. "One..."
Napasabunot tuloy ako sa buhok ko.
"Two..."
Hindi naman niya siguro gagawin iyan. Unless na lang kung lasing siya, di ba?
"Two and a half─"
Hindi ako magpapalinlang sa babaero na tulad niya. Hindi niya gagawin iyan.
"Three..." Napahugot siya ng paghinga. At hihiwain na niya ang pulso niya!
Nadampot ko ng mabilis ang wireless telephone ko para tawagan ang telepono niya. Buti one dial lang, nag-ring na agad. Natigilan si PL. Saka lang niya naibaba ang hawak niyang kutsilyo nang mag-ring ang telepono. Nilapitan niya agad ito at sinagot.
"Nababaliw ka na ba talaga?!!" bulyaw ko sa kanya.
Napapikit pa siya dahil halos mabingi siya sa sigaw ko.
"Itutuloy mo iyon, ha? Magpapakamatay ka talaga?!"
"I got no choice. Hindi ka nagpaparamdam, e."
"Sasayangin mo ang buhay mo dahil lang sa hindi ako nagpaparamdam?!"
"Galit ka ba?" mahinahon niyang tanong.
"Mukha bang hindi?"
"Ano bang kasalanan ko?"
"Malaki ang kasalanan mo. Bye na—"
"Wait! Wag mo muna ibaba."
Umikot ang bilog ng mga mata ko. "Ano bang sasabihin mo?"
"Saan ba ang lakad mong multo ka?"
"Bye na."
"Wait!"
Napabuntong-hininga na lang ako. "Ano nga?!"
"Bakit ka ba nagalit sa akin?"
"Bakit hindi mo alam?"
Napapikit siya at kita sa mukha niya na may pilit inaalala. "Wala akong maisip na may nagawa akong kasalanan sa 'yo. Please, just tell me. Para naman maihingi ko ng tawad."
Ako naman ang nawalang ng kibo sa sinabi niya.
"Solly, please..."
Napakuyom ako ng kamao. "Bakit ka nagdala ng babae rito?"
"W-what?" Iyong malalim niyang pag-iisip ay nauwi sa matamis na ngiti. "Oh..."
"Ikinama mo pa." May hinagpis sa tinig ko.
Natutop niya ang kanyang labi para pigilan ang pagtawa.
"Walang nakakatawa!"
Napapikit pa siya habang pinapakinggan ng buong puso ang aking tinig. "Solly... that woman you see that night... is Macey."
"Sino naman iyon?!"
"She's my sister."
Para akong nabilaukan kahit wala naman laman ang aking bibig. Laglag yata ang panga ko hanggang sahig!
JF
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top