Chapter 6

NANG MAKITA KO ANG MUKHA NI ONSE ay para siyang nakakita ng multo – well, multo naman talaga ang tingin nila sa akin ng amo niya. Tulad ko ay nanigas din ng ilang segundo ang katawan niya. Nabigla. Natulala.


Luckily, my body moved on its own. Nanakbo agad ako palayo at plano kong makapasok agad sa secret door para hindi na niya ako makita. Subalit sa kamalasan, isang kandila yata ang hindi nailigpit ng mga matatanda na scammers ang natapakan ko, kasing bilog pa naman ng sardinas na lata. Dahil cylinder ito, gumulong ito nang matapakan ko, sanhi upang pumlakda ako sa sahig. I think I hurt myself pretty bad because the last thing I remember was wincing in pain before I blacked out.


May nag-echo na tinig ang papalapit sa akin, malabo na siya sa paningin ko. I couldn't remember what happened next.


....


ANONG NANGYARI? Napahawak agad ako sa aking ulo nang magmulat ako. May nakakapa akong bukol sa likod ng ulo ko. Oo nga pala, nadulas ako! Bumagok ang ulo ko sa sahig kaya nawalan ako ng malay-tao!


Mas ikinagulat ko nang makita ko si Onse sa aking harapan. May hawak na krus na kahoy ang lalaki. Nakatutok iyon sa akin. Nang makita niyang dahan-dahan akong bumangon mula sa pagkakahiga sa sofa ay napaatras siya, habang nakatutok sa akin ang krus na hawak niya.


"Umalis ka na sa bahay na ito, masamang espiritu..." nanginginig na sabi niya.


Mukha ba talaga akong masamang espiritu? Napatingin ako sa salamin. Heto nga't naka-pajama pa ako ng pink na may design ng strawberry at cup cake. Victoria Secret ito. Minana ko pa sa dating owner ng bahay na ito, iyong mistress ng politiko.


"Ikaw si Funguscious, di ba?" sabi niya pa habang paatras palayo sa akin.


Umikot ang bilog ng mga mata. "Kainis na matandang iyon," bulong ko.


"M-matagal ka na ba sa bahay na ito... o ligaw ka na kaluluwa?"


Paano ako napunta rito sa sofa? Binuhat niya siguro ako para ihiga rito, tapos pinagkakamalan niya pa rin ako na multo?


"Umalis ka na sa pamamahay na ito... sa iba ka na lang mag-multo..."


Tumayo ako. "Puwede ba makahingi ng tubig?"


"A-ano?"


"Nakainom ka ba?"


"M-medyo." Inamoy niya ang kanyang hininga.


Kaya naman pala.


"Where is PL?" tanong ko.


"Nakaalis na siya kanina pa."


"Ilang oras akong nahimatay?"


"Nahimatay?" Napakurap ang lalaki.


"Ikaw ang nagbuhat sa akin dito sa sofa, di ba?"


Tumango siya.


"Nabuhat mo na ko at lahat, tingin mo pa rin sa akin multo?"


Napaisip siya. "L-lasing ako. Sabi ni Sir PL, nahahawakan ka niya kapag nakainom siya. Baka ganoon din ako."


"Hay." I walked past him toward the kitchen to get a drink. I opened the fridge, grabbed a pitcher, and took a sip of water. Nakamasid lang naman siya habang nakasunod sa akin.


"B-bakit ka pa nananatili rito sa lupa? Bakit hindi ka na umakyat sa langit?" nanginginig na sabi niya, umatras ng isa.


"'Can't do that."


"O sige, bumaba ka na lang sa impyerno."


"No way!"


"Bakit nga?!" Napatutok siya ng hawak niyang cross sa akin, kulang na lang ay ihataw niya iyon sa akin.


"I can't leave this house." Napayuko ako.


"Hindi mo pamamahay ito, kaya matahimik na ang kaluluwa mo."


"This house is my life." Napalingap ako sa paligid. "This house... it holds everything my parents left behind."


"A-ano bang pinagsasasabi mo?"


Lumapit ako kay Onse. "Ang sinasabi ko, I'm the rightful heir to this house. But one of my relatives, blinded by greed, found a way to sell this house without my permission. That person took advantage of the fact that everyone thought I was missing... just because I was too afraid to be around people."


"A-ano?" Parang lalong naguluhan ang lasing na si Onse.


Sinimangutan ko siya. "Ito na lang, Onse. Do you really think that I am a ghost?"


"Eh, di ba ganyan naman ang mga white lady. Maganda, sexy, at mahaba ang buhok."


"Naka-pink Victoria's Secret pajamas?"


"Umalis ka na kasi! Takot ako sa multo!" Napasigaw na siya.


"Hindi nga ako multo!" Sinigawan ko rin siya.


"Weh ba?"


"Matagal na akong nakatira dito, okay? I told you, I'm the real owner of this house!"


"P-paano nangyari iyon?"


Mabait si Onse, nasubaybayan ko na siya. Siya iyong tao na hindi mapagsamantala. Masipag, maasahan, at responsable. Nakakapag-aral siya sa tulong ni PL, kasi nagmumula sa suweldo niya. He may not be the smartest, but he was determined and persistent. I admired his drive. So if there was one person I'd want to know the truth about me and hopefully be my first real friend, it would be him.


Kaya panahon na para magpakilala sa kanya. Isa pa, malaki ang maitutulong niya sa akin kapag alam na niya ang tungkol sa akin. And in return, I could also help him.


"I live just behind these walls." Inginuso ko ang paligid. "Sa likod ng mga pader na iyan, may mga daan. Narrow, secret paths that no one knows about. And tucked deep within them is a small room... my secret room. Wala ang mga iyon sa opisyal na blueprint ng bahay na ito, dahil sekreto iyon na ako at ang yumaong mga magulang ko lang ang nakakaalam."


Itinuro ko kay Onse ang malaking salamin dito sa sala. "See that mirror? Iyang salamin na iyan, ang salamin sa kusina, at pati ang salamin sa master bedroom at master bathroom, they're all two-way mirrors. Kaya matagal na kitang nakikita, lalo na si PL. Matagal ko na kayong kilala. Lahat ng mga naging owner ng bahay na ito."


Tigagal sa akin si Onse.


Nginitian ko siya. "Sige, sampalin mo ang sarili mo kung panaginip lang ito."


Sinampal niya nga ang kanyang sarili.


"Lakasan mo."


Nilakasan niya nga. Tanggal pati kalasingan niya, e.


"Hindi ka nanaginip, Onse."


"So all this time, hindi ka multo? Nandito ka lang sa bahay na ito all along, Funguscious?"


Napapikit ako sa inis. "Hindi Funguscious ang pangalan ko. It's Solly!"


"So tama nga si sir." Nasampal niya muli ang sarili. "Solly ang pangalan mo. Nagpapanggap kang multo?!"


Hindi ako nakakibo. Wala naman kasing dapat itanggi. Tama naman siya.


"I-ikaw pala ang umuubos ng stocks dito?" Pinandilatan niya ako dahil sa reyalisasyon.


Hindi na lang ulit ako kumibo.


"Shit! Kaya pala ang bilis maubos ng pancit canton!"


Napalabi na lang ako.


"At ikaw lang din ang nagsulat ng dugo sa salamin?"


"Lipstick lang na red iyon," pagtatama ko. "OA ng dugo."


"Matagal mo na palang niloloko si Sir PL! Kahit ang mga dating owner ng bahay na ito!"


"Ginawa ko iyon dahil... kailangan kong mabuhay." Humina ang tinig ko.


"Kung gusto mo pala mabuhay, bakit hindi ka magtrabaho? Maraming trabaho sa labas!"


Napayuko ako. "H-hindi ako makalabas..."


"Bakit hindi ka makalabas?"


Lalo akong napayuko. "Merong akong... Agoraphobia..."


"Ano? Agora ano? Di ba sakit iyong ng mga gagamba?"


"Hey, it's not!"


"Ah, basta. Miss, hindi ka puwede rito. Mapapagalitan ako ni Sir PL kapag nalaman niya ang tungkol sa 'yo."


"Saan naman ako pupunta?"


"Kahit saan, basta wag lang dito!"


Umupo ako sa sahig. "Wala akong kakilala. Wala ring may kilala sa aking kamaganak. They probably think I've been dead for a long time. I don't know where they are either. I don't have any money. Wala akong kaalam-alam sa mundo, maliban sa physics, chemistry, biology, philosophy, and mathematics. Iyon lang naman kasi ang paulit-ulit na binabasa ko sa mga libro at nire-research sa Google pag nakiki-online ako sa WiFi rito."


Nakita kong gumuhit ang awa sa kanyang mukha. "Ano ba kasi iyong Agora na iyon?" Napahugot siya sa cel lphone niya at napa-search. Natutop niya ang kanyang bibig.


"Agoraphobia is a type of anxiety disorder. I developed it because of something I went through during childhood. I was never treated for it. Hanggang sa maiwan na akong mag-isa sa bahay na ito..."


Nagpalakad-lakad si Onse na para bang hindi alam ang gagawin. Mayamaya ay bigla niyang sinasampal ang sarili.


"Wag mo ng saktan ang sarili mo, hindi nga ito panaginip!" awat ko sa kanya.


"Paano ko ito ipapaliwanag kay Sir? Siya ang benefactor ko! Hindi ko sa kanya kayang magsinungaling! At kilala mo ba talaga ang isang Phoenix Laz Sandoval, ha?!"


"Yup. He said, he's a billionaire. Siya daw ang tagapagmana ng isang malaking kompanya. I even did some research on him, and that's how I found out that all the things he bragged about when he was drunk were actually true."


"Pero kilala mo ba talaga siya? Hindi lang siya mayaman, guwapo at sikat na tao. Kilala rin siya bilang maimpluwensiya at makapangyarihan sa lahat ng aspeto. Lasinggero lang si Sir, pero importante siyang tao. Isa siya sa pinakamahalagang tao na isinilang dito sa mundo."


Isa ba siyang air bender?


"Tatawagan ko na si sir." Nagtipa na si Onse sa cell phone niya. Naririnig kong nagri-ring ang kabilang linya.


Lagot na talaga ako. Ito na ang katapusan ko. Napaluha na lang ako.


Nakita niya yata na lumuluha ako kaya pinatay niya ang linya. Napasabunot siya sa kanyang buhok.


"I'll... teach you Calculus."


Napakurap siya. "Ano?"


"Your assignment last time, I was the one who did it."


Nanlaki ang mga mata niya na parang mahuhulog na siya sa sahig. "Pucha, na-very good ako ng prof ko dahil doon! Kaya rin humanga sa akin si—"


"Shaina."


Napamulagat siya. "Pati siya kilala mo?!"


I pointed at the mirror. "That's a two-way mirror. I could see all of you through it, and I could hear everything in there."


"Weh ba? Pucha!"


"Yes." Ngumiti ako sa kanya. "But I am not proud, Onse. Alam kong mali iyong ginagawa ko. Nanonood ako, nakikinig sa inyo na walang permiso niyo. Kinakain ko rin ang mga stocks na walang paalam. I can't just justify all of my actions by saying I needed to survive. But, for all of that... I'm truly sorry."


Lumamlam ang mga mata niya habang nakatingin sa akin.


"S-sorry kasi, maliban sa hindi ko kayang umalis sa lugar na ito, nangako rin kasi ako sa mommy ko. I promised her that I will not leave this house..."


"Sorry, Solly," malungkot na sabi ni Onse. "Sorry din pero hindi ako makapagdesisyon."


Tumalikod na si Onse. Wala ng salita mula sa kanya nang iwan niya ako. Naiwan naman akong luhaan.


....


IT WAS ALREADY LATE AT NIGHT, BUT I SUDDENLY DECIDED TO GET UP. Napasilip ako sa sala dahil sigurado akong may nagbukas ng malalaking glass window roon. There, a man stood, gazing up at the dark sky. He was wearing a white shirt and black silk pajamas, holding a bottle of wine.


Kumikinang sa paningin ko ang kanyang balat na sinisinagan ng liwanag ng buwan. Si PL ba talaga ito? Alam kong lasing siya, pero maayos ngayon ang hitsura kumpara sa mga nakaraan. Hindi siya mukhang wasted.


"Hindi ka na nagparamdam," he said, without even glancing at the mirror, the one in the living room, where I stood hidden just behind it.


I didn't reply to his last message because I knew he was just playing around. Sino ba ang matino na papatol sa isang multo?


"I was always waiting for you. Pabalik-balik na ako rito." Humarap siya sa salamin kaya para na rin siyang nakatingin sa akin.


He took something out of his pocket. Plastic na may lamang mga tabletas. Nakita ko na rin dati sa bulsa niya iyong gamot na iyon na parang maliit na Biogesic ang itsura. Ewan kung para saan iyon. Baka masakit ang ulo niya. Pagka-take niya niyon ay tumungga siya sa hawak na bote ng alak.


Oh, masakit ulo niya pero nag-iinom pa siya?!


Napapiksi ako nang umungol si PL na parang nagdedeliryo. Nang bumalik siya ng tingin sa salamin ay matamis na ang ngiti ng mapupula niyang mga labi. "You only showed yourself to me whenever I was drunk, so here I am. I got myself drunk tonight."


He was smiling, but his eyes were sad. Mukhang may dinaramdam na naman ang tagapagmana ng malaking kumpanya.


I took a deep breath before finally deciding to go out and face him. Nagpalit ako ng suot kong damit. Mula sa pajama ay pinalitan ko iyon ng puti na dress. Saka, ako lumabas sa secret door sa kusina. There he was, sitting on the couch with his legs crossed.


Lumapit ako sa kanya. "Para saan iyong gamot na ininom mo?"


PL looked at me calmly. "Upo ka," he said, patting the spot beside him. Hindi niya pinansin ang tanong ko. "Fine, lovely ghost, I'm giving you another chance. Last chance," natatawang sabi niya.


"Last chance na?"


"I asked you, didn't I? To be my girlfriend."


"Nababaliw ka na ba?"


"I'm not crazy, just a drunkard."


"Ano ba ang tingin mo sa akin? Bakit mo naman ako gustong maging girlfriend?"


"I like you."


Napalunok na naman ako, pero mas malalim. "Baliw. I'm a ghost, remember? A lost soul."


"So what?"


"Anong so what? As if puwede kang makipag-relasyon sa isang hindi na tao."


"You're more human than most of the women I've dated," he said, taking a swig from the wine bottle he was holding.


Napalunok ako nang tumitig sa akin ang namumungay niyang mga mata. Napailing ako para din gisingin ang sarili. "T-that's not going to work on me."


"Solly, I'm serious. I want you to be my girlfriend. You're way more real than most of the women I've been with."


"You've had plenty of girlfriends before, so you'll find someone again. Just keep looking. Pasasaan ba't makakatagpo ka rin ng hinahanap mo. Wag kang mawalan ng pag-asa. Hindi mo pa naman nauubos ang babae sa mundo."


"Nah. It's always the same. Women who only care about popularity, money, and sex."


"Popularity dahil sikat ka? Money dahil marami kang pera? At... s-sex, dahil magaling ka?"


Napapitik siya sa ere. "Exactly."


"Kapal." Inirapan ko siya.


"Wait a minute. You mean, you died a virgin?"


Hindi ako sumagot. Virgin pa ako, pero hindi totoong patay na ako.


"I have a question. Kung maging boyfriend mo ako, ano ang ipapabili mo sa akin?"


Napaisip ako. "Hmn..."


"Plane tickets abroad? Luxury bags? House? Car?"


"Pancit canton!"


Natawa siya bigla. "Mag-isip ka. Iyong mahal. Iyong worth a million."


"Factory ng pancit canton!"


Malamlam siyang napangiti sa akin. Pagkatapos ay hinimas niya ako sa ulo. "Kakaiba ka talaga, Mumu."


"Ano bang sinasabi mo diyan?" Tinabig ko ang kamay niya. "And can you stop calling me 'Mumu'? You already know my name!"


Nakangiti pa rin naman si PL, pero malamlam ang mga mata. "You know, if I could go back in time, I would find you. I would figure out how you died, and then I would save you..."


"Tapos?"


Sumeryoso ang mukha niya. "I'll make you my wife."


Napalunok ako. Ano ba itong ginagawa niya sa akin? Nagwawala tuloy itong isang organ ko sa loob ng aking dibdib.


"Ewan ko sa 'yo. Ganyan ang linya ng mga babaero." Inirapan ko siya.


"Am I a bad person in your eyes, Solly?"


Tinawag niya ako sa pangalan ko, buti naman hindi Funguscious.


"Hindi naman." Hindi naman talaga siya masama. Hambog lang at gullible. Pero sa ilang buwan ko siyang nasusubaybayan, hindi talaga siya masamang tao. In fact, hindi nga ako nakakaramdam ng takot sa kanya. Siguro kasi, alam ng puso ko na hindi siya masama.


"Solly, why don't you give me a try before you reject me? Subukan mo lang ako."


"Mag-isip ka nga. Okay lang sa 'yo talaga na multo ang girlfriend mo? Sawa ka na ba talaga sa tao? Saka, okay lang ba sa 'yo, hindi mo ako madadala sa kama, katulad ng mga ex mo." May pait sa akin ang huling sinabi ko.


Nagsalubong naman ang makakapal niyang kilay. "Hindi naman iyon ang habol ko. I like you because, first, you're a kind ghost. Kahit multo ka pati, totoo ka. Mas totoong tao ka pa nga kaysa sa mga buhay na tao na nakakasalamuha ko."


Pasimpleng nakurot ko ang sarili, dahil parang gusto kong kiligin sa sinabi niya. Hala, kilig? Alam ko ba iyon?


"You're not afraid to tell the truth. You're straightforward and you don't care if you hurt my feelings. You don't try to please me. You've got a bit of an attitude, too. You can be a little feisty, sure... Pero kahit ganoon, hindi mo ako natitiis. Inaalagaan mo ako kapag lasing ako."


Kung alam niya lang, ginagawa ko iyon dahil gusto kong makabawi sa kanya pagkatapos kong kainin ang mga stocks niya. Pero siguro din, meron akong pakialam sa kanya. Sa tagal kasi, siya na yata ang pinaka-matino na sa lahat ng nakabili nitong bahay.


Gullible lang siya, pero talagang mabait siya. Nasanay na pati ako sa kanya, magaan na ang loob ko sa kanya, kaya hindi ko siya matiis na naglalangoy sa suka niya.


Mayamaya ay naramdaman kong sumandal ang ulo niya sa balikat ko. "What really gets me is that you listen. You actually listen. You're the only girl who's ever really stayed long enough to hear all the mess I carry inside. You act annoyed, but I see it in your eyes, you care. And you never judged me for any of it."


Napasinghot ako. Ang bango ng buhok niya. Lasing ba talaga siya? Bakit lagi na lang siyang amoy bagong paligo?


"I'm dreaming again," sabi niya sa mahinang tinig.


Hindi ko siya magawang tanggihan sa pagkakasandal niya sa akin. "Hindi panaginip ito."


"It's a dream. See, I can lean on you."


Napabuntong-hininga na lang ako.


"If I die, do you think I'll find you on the other side?"


"Wag ka ngang magsalita ng ganyan." Mahina ko siyang kinaltukan sa ulo. "Saka, naniniwala ka ba talaga sa ganoon? Ang tao pag patay na, patay na talaga."


He gently rested his head on my lap as he lay on his side. We sat there in silence, gazing at our reflection in the mirror across the room. We looked just like a real couple.


"I want to know how you feel."


"Kaya gusto mo mamatay?" Inambahan ko siya ng suntok.


Kinuha niya ang palad ko at inilapat sa kanyang makinis na pisngi. Napaka-init ng balat niya. Samantalang ako ay nanlalamig sa kaba. Lagi na lang niya pinagdadabog ang puso ko. Nakakainis na siya!


"I can feel you... like you're real..."


Ano pa ba ang dapat mangyari para lang ma-realize niya sa sarili na totoo nga ako? Hindi ako multo na palamunin.


"Maybe you're in pain..." Nagpatuloy siya habang malamlam ang mga mata na nakatingin sa repleksyon namin sa salamin.


Nahugot ko naman ang aking paghinga.


"Maybe... you're suffering..."


Nakagat ko ang aking ibabang labi.


"Solly, ako naman ang makikinig sa 'yo."


Lumabo na ang paningin ko. May nararamdaman akong namumuo na luha sa aking mga mata.


I suddenly remembered my parents, the warmth of their voices, the safety of their presence. I also remembered where everything began... and why I ended up like this.


"I want to understand how you feel... I want you to share it with me, so it won't feel so heavy on your heart anymore."


Hanggang sa natuluan na siya ng mga luha ko.


Tumingala siya sa akin, nang makita niyang luhaan ako ay bumangon siya para punasan ang aking mga luha. "If only I can do anything... just to take out your pain..."


Umiling ako. Wala naman siyang magagawa. Hindi niya na maibabalik ang parents ko sa akin, o kahit ang masasayang sandali ng buhay ko sa bahay na ito. Wala na ang mga iyon. Wala na. Hindi na maibabalik pa. Ako na lang mag-isa. Walang kausap, walang kasama, at walang pamilya. Ako na lang dito mag-isa habangbuhay. I had long accepted that. I really had.


Tanggap ko na pero bakit ngayon ay ang sikip pa rin sa dibdib? Bakit buhay na buhay pa rin ang sakit?


"Shhh..." Kinabig niya ako palapit sa kanya para yakapin.


Napasiksik ako sa matigas niyang dibdib. Lalong kumawala ang mga luha ko dahil sa pagyakap niya. My tears just wouldn't stop. I cried like I'd been holding it in for years, because I had. For the first time, I had someone to cry to for all the pain I'd been trying so hard to carry alone. For the first time, someone was here to share the weight of what I felt.


PL gently rubbed my back as I cried. "Let it all out, Solly..." he said softly. "Cry as much as you need to. I'm right here."


And that made me cry even harder.


Hanggang matapos ako sa pag-iyak, hindi niya ako iniwan. Siya ang nagtuyo ng mga luha sa aking pisngi gamit ang kanyang mahahabang daliri. "Are you feeling a little better now?" he asked with a soft smile.


Sumisinok akong tumango.


"Good. It broke my heart to see you cry like that for so long... but I was also relieved, because I know it helped ease your pain, even just a little." Huminga siya nang malalim. "And now that you're okay, can I finally confess to you?"


"C-confess?"


"My confession, Solly." Kumalas siya sa akin upang mapagmasdan ang aking mukha. Hinawi niya pa ang aking buhok. "Na... nagpapanggap lang akong lasing ngayon." 


JF

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top