Chapter 5

GIRLFRIEND NA AKO NI PL?


Dahil lang nakitaan ko na siya, ibig sabihin ay kami na? Parang unfair naman yata ang desisyon niya. Siya talaga ang nagdikta na girlfriend na niya ako dahil lang nakitaan ko siya!


Hays. Naiinis ako sa isip, pero sa pakiramdam naman ay para akong lumulutang sa kalangitan. As much as I didn't want to admit it... I was happy. It was my first time having a boyfriend. And honestly, I never imagined I'd ever have one, especially since I never go out. I had always been scared of the outside world because of my phobia.


Kaya lang, hindi naman yata tama na ganoon-ganoon na lang. Kahit naman hindi ako lumalabas, alam kong hindi dapat magiging mag-boyfriend at girlfriend agad. May ilang libro na akong nabasa na may kaunting halong romance. If there was one thing those books had taught me, it was that a guy should court a girl first. And the girl should take time to weigh if the boy was truly worthy of being her boyfriend or not.


It was the girl who got to decide how long the courtship should last. In fact, she could even entertain multiple suitors at once. Doon papasok ang salitang 'may the best man win'. Sa huli, saka magpapasya ang babae kung sino ang nararapat niyang sagutin. Iyon ay isa sa mga benefits ng isang babae na karapat-dapat niya lamang enjoy-in.


Hindi ko ba iyon mararanasan? As in, kami na agad ni PL? Ni hindi niya man lang ako paghihirapang kunin?


Paano kung iniisip niya na pala na easy to get ako? Excuse me?! Kahit multo ako, may karapatan akong tumanggi at magpa-hard to get, ano! 


Kaya hindi ako nag-reply sa huling sulat niya sa salamin. Maghintay siya kung talagang gusto niya akong jowain!


Nagtalukbong ako ng kumot habang nakahiga sa aking kama rito sa secret room. Anong oras na pero hindi ako makatulog. Nakakainis ang utak ko, para bang automatic nitong inaabangan si PL na dumating ngayong gabi. Pero sekreto ko lang iyon sa aking sarili. Ayoko kasing aminin.


Then I heard noise from the living room. Si PL ba iyon? E ano naman? Wala akong pakialam.


Ilang sandali pa ay nakarinig muli ako ng ingay. Baka imahinasyon ko lang ang ingay na iyon. Lalo pa akong pumikit nang mariin. Ayokong makita si PL ngayon. Hindi pa ako ready.


Para may lumagabog kaya napabangon ako. Baka si PL iyon, nadulas sa kalasingan. Hindi kaya nabagok siya, tapos nabasag iyong bungo niya, lumabas ang utak niya—shocks, hindi puwede!


Nagmadali akong lumundag sa kama ko. Nanakbo ako pababa, papunta sa sala sa two-way mirror. My shoulders dropped the moment I saw it was just Onse. Gabing-gabi na, ano ang ginagawa ng lalaking katiwala ni PL dito? Iyong lumagabog pala ay mga libro na dala niya. Mukhang ibinagsak niya sa center table ng sofa.


"Ayoko na!" sigaw niya.



Sa klase ng hitsura niya ay mukhang nakainom ang lalaki. Susuray-suray at nangangalumata.


"B-bakit ganoon?!" Nag-crack ang tinig niya. Napasinghap siya habang nakatitig sa libro niya. "Why Math ain't mathing...?!"


Tiningnan ko ang mga libro na ibinagsak niya sa sofa. Mula sa aking kinatatayuan ay naaninag ko ang nakasulat sa unang libro. Calculus. Mukhang sinusumpa niya ngayon ang subject na ito.


At dahil lang dito ay naglasing siya? Kaya siguro siya rito dumeretso dahil yari siya sa kanila kung uuwi siyang lasing. Siya kasi ang inaasahan sa pamilya niya, kaya kailangan niyang magtino. Siya ang soon-to-be breadwinner.


Hmn, e ano naman kaya ang naayawan nito ni Onse sa Calculus? Isa ang Calculus sa mga paborito kong pag-aralan. Kaya masaya ako na merong mga libro na ganoon sa mini library nitong bahay, dahil isang Mathematician ang namayapa kong lolo. Katulad nito, mahal ko ang Math. When I was homeschooled, it was my absolute favorite subject. And if I ever had the chance to go to college, I'd definitely choose a course that had lots of Math in it.


"S-Shaina..." May ka-chat pa yata siya sa cell phone habang umiiyak siya.


Mayamaya ay naibato niya sa kung saan ang phone niya. Hindi lang yata siya sa Calculus broken, kundi pati na rin sa lovelife. Napayuko siya sa nakalatag na libro bago humagulhol.


"I-I'm so sorry, Shaina..." iyak niya. "H-hindi ko talaga kaya... sorry..." Ano ang hindi niya kaya? Ang Calculus ba o si Shaina?


Sa paghagulhol niya habang nakayuko ay bigla siyang natahimik. Mukhang nakatulog yata sa kalasingan. Dahan-dahan akong lumabas sa secret door, at gamit ang magagaan kong mga paa, marahan akong pumunta sa sala. Parang ninja na nilapitan ko si Onse. Humihilik na ang lalaki.


I picked up his phone. The screen wasn't locked, and I saw that his inbox was open. There was a message from someone named Shaina. Nang i-tap ko ay bumukas ang message nito. Nagpapaturo pala sa kanya ng Calculus ang babae. Hindi pala niya girlfriend pero mukhang crush niya ito. Hindi siya makapagpa-impress dito dahil nahihirapan siya sa Calculus.


Sinilip ko iyong mga papel na nakahalo sa mga dala na libro ni Onse. May notebook doon. Binuklat ko iyon. There was a problem written down, and the deadline was tomorrow. He had answered a few parts, but I could already tell that most of his answers were wrong.


Favorite ko pa sa lahat. Ito kasi ang pinakamadali sa mga pinag-aralan ko sa library dito sa bahay at sa online. Ako na ang magsasagot nito. Gusto ko naman makabawi kay Onse dahil lagi niya akong inaalayan ng pancit canton.


....


THAT NOISE WAS SERIOUSLY IRRITATING. Alam ko ang tunog na iyon, kalansing iyon ng bell ni Aling Bengbang. Which meant that old scammer was here again.


Napatingin ako sa orasan. Madaling araw pa talaga nila ito ginawa! Kasarapan ng tulog ko. Hays.


Tumayo ako, nagpunta sa sala kung saan naroon ang two-way mirror na tinitirikan ng kandila ng pekeng esperitista. Napakausok ng buong sala dahil sa insenso. At ang matanda, nagsama ng backup dancer. Ano ba iyong sinasayaw nila? Waka-Waka ni Shakira?


May apat na matanda siyang kasama. Mukha namang hindi mga esperitista itong kasama niya, parang mga zumba dancer. Mga naka-rubber shoes pa at may headband sa ulo. Lahat ay may hawak na sanga ng punong-kahoy na para bang bandila kung iwagayway nila. Meron silang pa-music, hindi ko alam ang title, pero iyong singer ay kilala ko. Black Pink.


Halata sa mukha ni PL ang pagkayamot. Kitang-kita sa postura niya, habang prenteng nakatayo siya at naka-krus ang mga braso na nakamasid sa mga gurang na nagsasasayaw. Himala rin na hindi siya lasing ng ganitong oras.



Narito rin pala si Onse, alangan na ang ngiti niya. 50% inaantok at 50% kinikilabutan, hindi dahil sa orasyon ng matandang esperitista, kundi dahil sa dance steps ng mga ito. May pa-bending pa kasi, kaya naglalabasan ang mga pusod.


"Are you sure they're legit?" hindi na nakatiis na tanong ni PL kay Onse.


"Ayon sa mga taga-rito, marami na raw silang nalutas na ganitong kaso, sir. Marami na silang naka-usap na mga espiritu.


"Mas mukha pa nga yata silang espiritu kaysa roon sa multo na nandito."


Natawa ako sa sinabi ni PL. Halatang nayayamot na nga siya.


"Mga kilalang tao ang kumukuha ng serbisyo ni Aling Bengbang, sir. Madalas pa nga ay mga politiko," pagtatanggol ni Onse.


Napasimangot si PL. "E kanina pa sila sumasayaw riyan. Malapit ko na ngang makabisado steps nila."


"Magtiwala lang tayo, sir."


Napaigting lang ng panga si PL.


Mayamaya pa ay nangisay bigla si Aling Bengbang na para bang sinasapian. Nakakapagtakang tuloy lang sa pagsasayaw ang apat na matandang backup ng matandang esperitista.


"A-anong nangyayari?" may pag-aalalang tanong ni Onse.


Tumirik ang mata ni Aling Bengbang matapos mapaliyad. Pinaikot niya ang kanyang katawan sabay luhod. Nakataas ang dalawa niyang kamay na pababang umaalon. Smooth ang galaw na parang dance interpreter. Nice. Good acting skills.


Saka lang huminto sa pagsayaw ang apat niyang backup. Pinaghahampas siya ng mga ito ng sanga na hawak nila. Nang mag-angat ng mukha si Aling Bengbang ay hinihingal siyang nagsalita. "Nandito na siya... gising na siya..."


Yes, nagising ako sa ingay niyo.


Only then did PL's face show a hint of interest. "Can you talk to her?" he asked.


"Susubukan ko, hijo." Pumikit ang matanda. "Magparamdam ka!" hiyaw niya.


Iyong mga kandilang nakasindi ay biglang namatay. Nasa walong kandila din iyon! Anong nangyayari?


"Sorry, akala ko kasi naiinitan kayo." Binuksan pala ni Onse ang electric fan. In-off na lang niya ito. Hays.


Nagpatuloy sa pagliyad ang matanda habang nakadipa ang mga kamay. "Alam kong nandito ka. Magparamdam ka, Funguscious!"


Funguscious?!


"Sorry to interrupt, pero sino po si Funguscious?" hindi napigilan ni PL magtanong.


"Siya ang multo sa bahay na ito."


"I thought her name was Solly? We communicated through the mirror. We wrote messages to each other."


"Paki-Tagalog, hijo."


Sumingit si Onse. "Nagpakilala po kasi sa kanya ang multo, Aling Bengbang. Nagkasulatan sila diyan sa salamin. Solly daw ang pangalan nito—"


"Funguscious ang totoo niyang pangalan. Palayaw daw niya ang Solly." Hindi na siya pinatapos ng matanda.


Napapailing na lang ako sa sobrang inis. Loko ang matanda ito, papangalan pa ako ng fungus.


Nagkatinginan sina PL at Onse.


"Tawagin natin siya sa totoong pangalan niya." Tumirik muli ang mata ng matanda. "Funguscious, lumabas ka. Magpakita ka! Magparamdam ka! Animal ka, tangina mo ka!"


Siraulo.


Biglang namatay ang ilaw kaya nagdilim ang paligid. Napatili ang apat niyang backup na matatanda rin, tanging mga mata na lang ng mga ito ang makikita sa dilim. Si Onse naman ay napayakap sa braso ni PL sa takot.


"Nagagalit na si Funguscious. Ayaw niyang maistorbo ng ganitong oras. Kaya niya pinatay ang ilaw," paliwanag ni Aling Bengbang.


Napahugot ng cell phone si PL at napatingin sa screen. May binasa siya doon. "May power surge daw sa subdivision ngayon, sabi ng HOA dito sa Telegram, kaya walang kuryente."


"Alam ko, hijo." Tumayo ang matanda mula sa pagkakaluhod. "Sabi ni Funguscious, hindi daw pala siya ang nagpatay ng ilaw."


Ilang minuto lang ay nagka-ilaw na muli. Bumalik na ang kuryente. Binalikan naman ni Aling Bengbang ang mga bagahe nila na nasa isang tabi lang, habang ang mga kasama niya ay nililigpit na ang mga kandila.


"Saan ho kayo pupunta, Aling Bengbang?" habol si Onse sa matanda.


"Nagalit sa amin si Funguscious kaya babalik na lang kami sa ibang araw," sabi ng esperitista. "Iyong 40k paki-ready. Pakidagdagan na lang din ng pamasahe."


Gusot ang mukha ni Onse nang mapalingon sa kanyang boss na si PL.


"Let her." Ito lang ang sabi ni PL. Hindi bobo o tanga si PL, alam na niyang peke ang matandang ito, pero bakit wala lang sa kanya?


"Malapit na ang piyesta sa bayan na ito, doon na lang kami babalik. Mag-catering kayo para may alay tayo kay Funguscious," bilin ng matanda bago naglakad palabas ng pinto.


Sus, gusto niyo lang may pang-meryenda habang nagsu-zumba kayo e. Sabi ko sa aking isip.


Nakasunod lang sa matanda ang apat niyang alipores.


"Sir, gusto mo humanap na ako ng iba?" Napatingkayad pa si Onse para lang bulungan ang amo niya.


"No need. Let her be." Salubong ang mga kilay ni PL nang sumagot.


"Sigurado ka, sir?"


"Ihatid mo na sila."


Sumunod naman sa utos niya ang lalaki. Nang mawala na ang mga tao sa sala ay saka lang lumapit si PL sa salamin, na sa kabilang side naman nito ay para lang akong kaharap.


Napamulsa siya at napa-hay. "Maybe I'm just hallucinating..."


Ano bang sinasabi niya?


"Maybe you are not true."


Hindi, ah. Totoo ako!


"Maybe you're not real." Napahimas siya sa kanyang leeg.


Nalungkot ako nang makitang nakumbinsi niya ang kanyang sarili na hindi ako totoo. Para niya na rin akong sinukuan.


"Maybe... I'm just crazy..." Pagkasabi ay tinalikuran na niya ako para lumabas ng pinto. Habol ko na lang siya ng tingin na naglalakad habang nakayuko.


I knew why he said that. I hadn't replied to his last message on the mirror. Hindi ko kasi alam ang isasagot. Baka nga tama siya, maybe he was just crazy. I mean, why would anyone sane want to date a ghost, right?


Pero bakit nga ba ang bigat-bigat ng dibdib ko makita siyang ganito? Iyong pakiramdam na isinuko niya ang paniniwala na nag-e-exist ako sa mundo. Pakiramdam ko ay ito na ang huli naming pagkikita.


Hindi ako papayag. Siguro ay ito na ang tamang oras para magpakilala sa kanya. Panahon na para magsabi ako ng totoo. Tutal naman ay ayoko nang magsinungaling pa sa kanya. Kaya bahala na!


Pikit-mata na nanakbo ako papunta sa secret door palabas upang habulin si PL. Hindi na ako nag-iisip ng mga oras na ito, basta na lang kumilos ang mga paa ko. Paglabas ko ay muntikan pa akong madulas para lang mahabol siya. Kaya ko siyang habulin, mabilis akong manakbo. I just had to reach him before he made it out the main door. Because once he stepped outside, I wouldn't be able to follow. I was too afraid to go out. I had to reach him before that.


Hinihingal pa ako nang maaubutan ko ang bulto ng isang lalaki na nasa tapat na ng main door, kaya sumigaw na ako. "Wait lang! Totoo ako!"


Nanlalaki ang mga mata ng lalaki nang mapalingon sa akin.


At kung gaano kalaki ang mga mata niya ay ganoon din ang sa akin. "O-Onse...?!"


JF

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top