Chapter 4

JUST WHO WAS THIS ALING BENGBANG?!


Habang nakatitig siya sa kabila ng two-way mirror na nasa harapan ko, pakiramdam ko ay alam niya na nasa likuran nga talaga ako. O posible rin na nanghuhula lang siya.


Dahil kung totoo na magaling siyang espiritista, hindi niya dapat malaman na narito ako. Dahil hindi naman ako ispiritu o kaluluwa. Buhay pa ako!


"Makakausap niyo ho ba siya?" Halos mangudngod na si Onse sa tainga ng matanda.


"Susubukan ko, hijo."


"Will you be able to tell who she is?" Si PL naman ang nagtanong.


"Kakausapin ko siya." May pinuntahan ang matanda, isa sa mga bitbit niyang bag. Humugot siya ng mga kandila. "Sindihan mo ito, hijo," utos niya kay Onse.


Sinunod naman ang lalaki sa utos niya.
There were now seven lit candles lined up in front of the mirror.


Aling Bengbang held a bell, which she rang gently. "Ligaw na kaluluwa, maaari ba kitang makausap?"


Why would I even talk to her? She would just find out I was nothing but a freeloader in this house.


"Ayaw niya makipag-usap," anang matandang espiritista.


Tsumatsamba lang yata ang matandang ito. Paano niya naman nabasa ang isip ko?


"Matutukoy niyo ho ba kung babae siya o lalaki?" tanong muli ni Onse.


"Kung magpapakita siya sa akin."


Imposible na makita niya ako sa likod ng mga salamin at pader ng bahay na ito. Unless, para siyang si Superman na may X-ray vision.


"I'm sure... it's a woman," sabi ni PL na titig na titig sa salamin kung saan ako naroroon.


"Nakausap mo ba talaga siya, sir? Kagabi?" pag-uusisa ni Onse.


"It was so vivid. Just a dream, but it felt real. Hanggang ngayon masakit ang panga ko." Napahimas siya sa panga niya na nasapak ko.


Nangunot naman ang noo ni Onse. "Bakit masakit panga mo, sir?"


PL was flustered and didn't answer the question. Alam niya kasing kasalanan niya ang lahat kaya nabigwasan ko siya. Mali kasi na basta na lang siya manghalik, kahit sa isang multo pa.


"Babae nga siya," biglang sabi ng matandang babae.


Sus, narinig lang niya ang sinabi ni PL kanina, e.


"Wala ho bang lawit?" bulong ni Onse sa esperitista.


"Wala. Sigurado ako, hijo. Babae siya."


Nilingon niya pa si PL. Halata na bumabase lang siya sa lalaki. She was so fake.


PL approached the old woman and whispered, "I wonder what happened to her..."


"Isa siyang kaluluwang ligaw, hindi makapunta sa dapat na paroroonan."


Natawa ako sa sinabi ni Aling Bengbang. Sabi na, isa siyang super fake!


"Bakit hindi ho siya makabalik?" Si Onse.


"Dahil... gusto niya pang humarot."


Napaamba ako ng suntok sa harapan ng salamin.


"Nakipag-usap na po ba siya sa inyo?" seryosong tanong ni PL.


"Ayaw niya." Nagpatuloy sa pagpapatunog ng bell si Aling Bengbang.


Ang sakit sa tainga. Ano ba kasing problema ng Aling Bengbang na ito? Madalas ba siyang ma-bengbang noong kabataan niya?


"Is she a vengeful spirit?" may pag-aalala sa tanong ni PL. "Naghihinagpis ba siya? Naghahanap ba siya ng katarungan?"


"Hindi naman, hijo. Sadyang magutumin lang talaga ang kaluluwang ito," sagot ng matanda.


"I want to help her. Gusto ko pong mahanap ang katawan niya."


"Hindi ko pa masasagot ang mga tanong mo, sir. Matigas ang ulo ng kaluluwa na ito."


Matigas talaga ulo ko!


"Ayaw niya sa akin makipag-usap. Wala yata siya sa mood." Huminto na ang matanda sa pagkalansing ng bell.


"Babalikan ko siya sa mga susunod na araw."


"Hindi niyo ho ba siya mapapaalis?" Si Onse.


"Sabi ko nga sa inyo, mga hijo. Matigas ang ulo niya. Hindi puwedeng isang araw lang ay maresolba na. Siya nga pala, 60 K ang bayad sa akin kada punta ko rito."


Sixty thousand pesos?! Scammer!


"Ang mahal naman po." Napakamot sa batok si Onse.


"It's okay. Money is not a problem. What's important is that we find out who she is, so we can help her soul finally find peace."


Napasuntok sa hangin ang matanda sa tuwa. Buti at hindi siya nakita ng dalawa.


Kung sa bagay, barya lang kay PL iyon. Sayang nga lang ang pera niya sa fake medium na ito. Hindi naman kasi talaga ako kaluluwa.


"Onse, take her outside," utos ni PL kay Onse. "Ibigay mo sa kanya ang bayad."


"Okay, sir." Tinulungan na ni Onse ang matanda na maglipit ng mga gamit nito. Ang dami kasi nitong dalang garapon na may halamang gamot.


"Heto ang anting-anting, hijo." Inabutan ni Aling Bengbang si PL ng kwintas. "Suutin mo iyan para layuan ka niya at hindi na guluhin. 30K pala iyan. Mauna na ako."


Tahimik lang na tinaggap iyon ni PL. "Salamat po."


Napapakamot na lang si Onse na parang napapahiya. "Hali na ho kayo, Aling Bengbang."


Nang mawala na ang dalawa ay napatitig sa salamin si PL.


"Naku, wag kang maniwala sa matanda iyon," I said, even though he couldn't hear me. "She's just trying to milk you for money."


"Don't worry, Mumu. I'll do everything... to help you." Napakapungay ng kanyang mga mata habang wala siyang kaalam-alam na nakatitig siya sa akin sa likod ng salamin na kaharap niya.


Napatingin siya sa anting-anting na ibinigay sa kanya ng matanda. Napatanga ako nang itinapon niya iyon sa basurahan.


"I... don't want you to stay away from me..." aniya sa mahinang tinig. Humarap muli siya sa salamin. "Get that?"




KILALA KO SI PHOENIX LAZ SANDOVAL.


I looked him up on Google. The first thing that came up was an article about a revived international boyband, the Black Omega Society. That was where I saw PL. He was part of the rebooted group, and one of its youngest members.


The article also featured the members' backgrounds and their family wealth. That was when I realized that PL had been telling the truth. Mayaman talaga siya.


Black Omega Society wasn't just the name of their band; it was also the name of an elite brotherhood he belonged to. A circle made up of sons from the most prominent families in high society. At siya ay isang Sandoval. As in the family that owns one of Asia's biggest and most well-known luxury brands: Sandoval's. He wasn't just rich. He was filthy rich.


Mahirap talaga siyang abutin—lalo ng isang hamak na freeloader na pekeng multong katulad ko.


Matamlay akong napabuntong-hinininga dahil sa sobrang boring. Isinara ko ang libro na aking kanina pa binabasa. A Biology book. With nothing else to do, I went back to my usual pastime: reading books from the house's mini library.


Napatingin ako sa main door. Kailan kaya dadalaw ulit si PL? Apat na araw na siyang hindi naglalasing kaya hindi siya umuuwi rito. Balak niya pa kayang ibenta ang bahay na ito?


Pinuntahan ko ang salamin sa sala. An idea struck me. I grabbed a lipstick and returned in front of the mirror. "Are you still planning to sell this house?" Isinulat ko ang tanong sa salamin.


Parang masyadong normal. Napaisip tuloy ako kung ano ang isusulat ko rito. I erased what I had written. If I were a real ghost, what would be the perfect choice of words?


Ah, alam ko na. Hinugot ko ang aking cell phone sa aking bulsa. Si Bestie Google ang bahala!


Tu tamen vendere domum? sulat ko.




THIS WAS THE FIRST TIME I HAD EVER FELT THIS EXCITED. Dumating si PL. At ngayon ay tanghaling tapat na kaya malamang na wala na siya. Nagmamadali akong lumabas mula sa secret door upang pumunta sa sala.


Kanda-talisod pa ako sa pagmamdaling makita ang reply niya sa salamin na sinulatan ko. Napangiti ako nang makitang may reply siya na isinulat din doon.


Tu tamen vendere domum? Ito ang isinulat ko rito kahapon na ang ibig sabihin ay: Will you still sell the house?


Sa ibaba ay naroon ang sagot ni PL. Napahawak ako sa aking bibig nang mabasa ang nakasulat doon.


No. This house is yours now.


Totoo ba ito? Kinusot ko pa ang aking mga mata dahil baka namamalik-mata lang ako.


Pero totoo talaga. Iyon nga ang nakasulat. Hindi niya na ibebenta at akin na raw itong bahay? Impit akong napairit sa saya. Walang paglagyan ang aking tuwa.


Nagsulat muli ako. Prandium volo. Ang ibig sabihin nito ay: I want breakfast.


At noong sumunod na araw nga ay nagulat ako dahil may masarap na almusal na nakahain sa mesa. Pancit canton, fried rice, longganisa, egg, and juice ang nakahain. Hindi iyon simpleng almusal lang para sa akin. Espesyal iyon!


May sinulat pa siya sa salamin gamit ang marker. Let me know if you want anything.


Sumulat muli ako sa salamin nang araw na iyon gamit ang pulang lipstick. Gratias tibi ago. Ientaculum tuum amo. Ang ibig sabihin ay: Thank, I love your breakfast.


Noong sumunod na araw ay nag-reply siya: May I know your name?


Nag-reply din ako noong gabi: Solly, like SOUL-ly! :)


After two days, nagreply siya sa salamin: It's a nice name. I finally know you. May I ask you another question?


Nakakainis lang dahil hindi niya pa itinanong sa sulat kung ano ang gusto niyang itanong. Nagreply ako. Sciam. Let me know ang ibig sabihin.


Another day passed before I got to read his response.


Nakitaan mo na ba ako?


That made me pause. What exactly did he mean by that? Most of the time naman ay naked siya. Pero hindi ko ni minsan pinagsamantalahan ang pagkakataon. Palagi siyang censored kapag pinapasingkit ko ang aking mga mata.


Hindi ko rin siya tinangkang tingnan sa shower room niya, kahit iyong mirror doon ay two-way mirror din.


Ang tanong niya ba ay kung nasilipan ko na siya? Kung nakita ko ba ang pagkalalaki niya? Aware siguro siya na lagi siyang walang saplot.


Nag-reply ako: Yes +_+


At ngayon nga ay heto, may reply siya. Hindi ko nga lang maintindihan dahil ibang language din. Nakiuso.


Ang nakalagay: tunc eris amica mea posthac.


Napatakbo pa tuloy ako kay Bestie Google. Halos lumuwa ang mata ko nang i-translate ko ito gamit ang cellphone ko.


In that case, you will be my girlfriend from now on.


JF

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top