Chapter 3
Book shipment is now on 2nd batch at jfstories page. We don't have Shopee & Lazada
———
I WAS NOT FEELING WELL. I couldn't even get up from bed, even though I couldn't sleep either. Napakatamlay ko na mula pa kaninang umaga. Ang bigat ng dibdib ko. Bakit? Dahil ibebenta lang naman ni PL ang bahay na ito.
Akala ko, hindi na. Akala ko, okay na. Kasi bumalik na nga siya, di ba? But now this? He was making plans again.
And this time... he looked dead serious!
Nakakainis siya! Ibinato ko ang isang unan, pagkuwan ay nagtalukbong ako ng kumot. Pinaasa niya lang ako! Galit ako sa kanya!
Sa loob ng kumot ay may namalisbis na luha mula sa aking mga mata. Napatigil ako nang ma-realize iyon. I was crying. Sure, I was sad that he was selling the house. Who wouldn't be? But deep down, I knew that wasn't the only reason.
Ah, whatever. Basta, galit ako sa lalaking iyon kasi paasa siya.
At pakialam ko kung hindi na siya bumalik sa bahay na ito?!
Ang saklap lang kasi babalik na naman ako sa simula, dahil magkakaroon na naman ng bagong owner ang bahay.
Noong unang nabili ito ni PL, nainis ako sa kanya. Lagi kasing lasing at walang ibang bukang bibig kundi I am fucking Phoenix Laz Sandoval and I will be the CEO of Sandoval's blah, blah, blah!
Even so, he was different from the previous owners of this house. Hindi siya madamot sa pagkain na pinakagustong-gusto ko sa kanya.
Kahit din lasenggo siya, mas okay pa rin siya kumpara doon sa unang buyer nitong bahay. Isa iyong matandang lalaki na mahilig mag-lulu. Nakakapangilabot. Thankfully, that old man was a coward, so I scared him off pretty quickly.
The second owner was a woman. She was the mistress of a politician, and that politician was the one who bought this house for her as a gift.
Magastos ang babaeng iyon at mahilig magsayang ng pagkain. Maluho pa sa mga gamit at damit. Iyong ibang mamahalin niyang damit, ay basta lang niya itinatapon pag ayaw niya na. Kinukuha ko ang mga iyon sa basurahan dahil nanghihinayang ako.
Sa kanya nga pala ako nakarami ng mga mamahaling panty at bra.
Binenta ng babaeng iyon ang bahay na ito sa iba nang madiskubre na ng publiko na kabit siya. The one good thing? She left all her food supplies behind, so I didn't have to worry about what to eat for weeks.
The third owner of this house was a gambler. Halos gawing pasugalan ang bahay na ito. Kaya hayun, tinakot ko sila. Napilitan din ibenta ng owner na iyon itong bahay dahil lagi siyang talo sa sugal. Ako pa ang nasisi, malas daw akong multo.
Many more people had owned this house over the years, but only a few really left a mark on my memory. Every time the owner changed, it felt like I was starting all over again. A new adjustment, every single time. But what could I do? Isa lamang ako ritong freeloader na nagpapanggap na multo.
Mas okay na sana si PL, palaging wala, madalas gabi lang dito, at higit sa lahat, hindi kuripot sa stocks. He didn't care or even keep track of the food I secretly took every night. The only problem was... he was now planning to sell this house.
Inalis ko ang pagkakatalukbong ng kumot sa aking sarili. Napalabi ako. Well, it was partly my fault. Bakit ko ba kasi inilagay lahat ng condom niya sa kanyang mga daliri? Iyon tuloy, nagalit yata siya sa akin.
Anyway, wala na ako ng magagawa kung iyon ang gusto niya. Kung ayaw na niya rito sa bahay, eh di wag! Di naman siya pinilit na tumira dito. Pakialam ko ba sa kanya!
Sana ay walang bumili ng bahay na ito para matulog ang pera niya! Pero, teka! Kung wala ng magiging owner ng bahay na ito, paano na ang stocks? Paano na ang pancit canton?!
Bumangon ako para abutin ang aking maliit na kahon sa ilalim ng kama. Naririto nga pala ang isang bagay na pinakaiingatan ko. Isang bagay na naalala kong meron nga pala ako. Naiwan, o sadyang iniwan ng dating nagmay ari nitong bahay. Iyong mistress ng politiko. Wala na kasing pagagamitan siguro.
Binuksan ko ang kahon, at ito, nasa kamay ko na ang isang gadget. Yes, a gadget. A cell phone, a Samsung Galaxy Note 9!
Wala man akong kaalam-alam sa mga nangyayari sa mundo, mabilis naman akong matuto sa mga basic na kailangang malaman. Katulad ng paggamit ng phone na ito. Talagang inaral kong maigi, at mabilis ko namang natutunan.
Sa sumunod na nakabili nitong bahay, naka-connect ako sa WiFi. At ang saya-saya nang matutunan ko kung paano mag-Internet. Google lang naman palagi ang binibisita ko. I had always loved reading books, especially since I never got the chance to go to college. That was why I use the internet to research all sorts of things.
Oh, and Biology? It was my favorite topic. Ang hindi ko pa lang talaga sinusubukan at hinding-hindi ko magagawang subukan ay ang sumisikat ngayon na 'social media'. I was honestly scared to even give it a try. I felt like it would only give me anxiety.
Napahinto ako sa pagbabasa ng article sa Google tungkol sa isang virus mutation nang may maulinigan ako na nag-uusap. Nagtakip na lang ako ng tainga. It was probably a potential buyer checking out the house. Narinig ko rin kasi ang tinig ni Onse.
My stomach growled. I suddenly remembered. I should be preparing while PL was still here. Nagplano ako na mamayang gabi ay lalabas ako upang kunin lahat ng stocks sa pantry. Kailangan ko mag-adjust dahil baka matagalan bago makakuha ng bagong buyer ang bahay na ito. Mahirap nang gutumin ako!
3:00 AM. Kagat-kagat ko lang ang isang flashlight habang abala akong hinahalo itong pancit canton na pinapakuluan ko.
I didn't turn on the lights dahil baka may makasilip pa sa labas na may magnanakaw rito. Although totoo naman. May magnanakaw ng pancit canton dito, at ako iyon.
Napatuwid ako sa pagkakatayo nang may marinig. Sabay lingap ko sa paligid.
Madaling araw na. Pagkatapos ng una kong narinig na kaluskos sa labas ay sumunod kong narinig ang pagbukas ng pinto. Iyong main door. Pinagpawisan ako sa nerbiyos. Sino ang papasok sa bahay na ito sa ganitong oras? For sale na kaya ito!
Binitiwan ko ang sandok. Yumuko ako at marahang gumapang para makapagtago sa bar counter, dahil naririnig ko ang mga yabag na palapit dito sa kusina. Abot-abot ang kaba ko nang may sumigaw.
"MUMU, NANDIYAN KA BA?!"
Si PL iyon!
Anong ginagawa niya rito? It had been a week since he declared he was selling this house and swore he'd never come back. So why was he here now? And judging by his voice, he was clearly drunk—again!
"Mumu, let's talk!"
Ano na naman?!
Nakita ko siyang dumaan, hindi niya ako napansin dito sa ilalim ng bar counter ng kusina dahil madalim. He didn't even bother to turn on the lights. Ni hindi niya rin napansin na amoy pancit canton ang hangin.
Gumegewang siyang naupo sa sofa sa sala na katapat nitong kusina. Unbuttoned na ang polo niya at naka-medyas na lang siya. Nakakalat na sa sahig ang sapatos niya. May dala siyang isang bote ng alak na nilalagok niya nang paunti-unti.
His hair was a mess, and his eyes looked like they were about to close any moment. Okay, that only meant I was safe.
Dahan-dahan akong lumabas sa pinagtataguan ko at maingat na lumapit sa kanya.
Habang nauubos ang espasyo sa pagitan naming dalawa ay para akong nasasabik na hindi maintindihan. Hey, what? Did I miss this man? No. Of course not. Baka gulat lang talaga ako dahil nga na nandito na naman siya.
Pinamewangan ko siya nang nasa tapat niya na ako. "And what are you doing here?" yamot na tanong ko sa kanya.
Kalmado ang kanyang magagandang uri ng mga mata nang tumingin siya sa akin. Umalon muna ang kanyang lalamunan bago siya muling gumawa ng isang lagok sa hawak niyang bote ng alak.
"I thought you said you weren't coming back. Kaya anong ginagawa mo na naman dito?"
Sumisinok siya nang mapayuko.
Galit ako sa kanya. Ni hindi nga siya nagpaalam sa akin noong huling punta niya, basta nalang siya lumayas. Hindi rin siya nag-alay ng pancit canton.
"Umalis ka na. This house is already for sale." I turned my back on him.
"Sorry."
Huminto ako sa pag-alis. Narinig ko na tinungga niya muli ang hawak niyang bote.
Napaismid ako. "Bahala ka." Naglakad na ulit ako palayo.
"Galit ka ba?"
Napahinto na naman ako sa paghakbang.
"I'm sorry, Mumu."
Napalabi ako, kasi bakit ganito ang tinig niya? Para siyang nanunuyo.
Napabuga ako ng hangin bago ako humarap muli sa kanya. Nakayuko pa rin siya. Hindi siya makatingin sa akin.
"Tell me. Bakit ka ba nandito? Bakit ka bumalik?"
"I... don't know either."
"Wala ka bang kaibigan? Wala ka bang pamilya? Wala ka bang jowa?"
He didn't say a word.
"Bakit dito ka balik nang balik? Bakit pag lasing ka, dito ka palaging dinadala ng mga paa mo?"
Hindi ko talaga alam kung ano ang problema niya. Bakit kailangan niya pang mag-inom? Di ba kadalasan ay ang mga nag-iinom ng alak at naglalasing ay iyong may mga problema?
The last time he was drunk and bragging, he said his life was fine. He said his mom was kind and loving, and even joked that no matter how many women became his girlfriends, he wouldn't settle unless one of them could surpass his mom.
Wala rin naman siyang problema sa pera. Bilyonaryo ang daddy niya, and he was about to inherit their company. Kaya anong iniinom-inom niya lagi?
Tinaktak niya sa kanyang bibig iyong bote ng alak na wala nang laman. "They're all happy," he suddenly said, making me turn to look at him again.
Ginawa niyang tungtungan ng siko niya ang dalawa niyang hita habang magkasalikop ang kanyang mga kamay. Nakayuko siya.
"My only sister is a mother now. Of course, our parents are more focused on her these days. Not that I'm jealous of the attention she's getting, huh? I'm actually happy for her, because even though she's a bit of a troublemaker, she still managed to build a family of her own."
Kumiling ang ulo ko. "So, anong isina-sad boy mo riyan?"
"Wala lang. They're all happy. My mom, dad, and sister, they're genuinely happy. Even my bandmates, the only friends I have, are all family men now. Most of them are married. I'm actually one of the youngest in our group, but even the guy younger than me seems to have a love life now too."
"Okay, kaya ka sad kasi ikaw na lang ang walang lovelife? E bakit hindi ka rin mag-lovelife?"
Tumingala siya sa akin, namumula ang kanyang pisngi at dulo ng matangos niyang ilong, habang namumungay ang mga mata niya. Cute. Hey, what?! Bakit ako naku-cute-an sa lasenggong ito?!
Ngumiti ang natural na mapupulang niyang mga labi, na bahagyang basa pa ng alak na kanyang ininom. "How could I even have a love life? All I ever manage to have is a sex life."
Wow, tsinelasin ko kaya siya?
Muling lumungkot ang mapupungay niyang mga mata. "I don't even know anymore. Malas ba ako sa babae o ang babae ang malas sa akin?"
"Aba, malay ko sa 'yo."
"I've had a lot of girlfriends. I've tried so many times, kasi hindi naman ako snob. Hindi rin ako hard to get. Pag may lumapit, basta single ako at single din siya, walang problema."
Napasimangot ako sa kuwento niya. Bigla na lang akong nainis.
"Sometimes, I was the one who made the first move. I've probably been with hundreds of women by now. But no matter how many women there were, I never played with them. I never dated anyone at the same time. And with every single one of them... I truly wanted to love them. I just... didn't know why the relationship never lasted."
Lumapit ako sa kanya at tumabi sa kinauupuan niyang sofa.
"Some of them only liked me because of I am a Sandoval, or because I'm part of an elite fraternity, or because of the band I'm in, The Black Omega Society. Others... well, they were just attracted to my looks. But whenever I tried to have a deeper conversation with them, they would shy away." Matabang siyang tumawa. "Alam mo iyon? They never wanted a real connection with me. They only wanted me to go deeper when we were in bed."
Napangiwi ako.
Napasinok siya. "Tell me, Mumu!" basag na sabi niya. "Bakit hindi nila ako sineseryoso? May mali ba sa akin, maliban sa sobrang guwapo ko?"
Yabang, ah. Pero tama naman siya na guwapo talaga siya. Pero siya pa talaga ang hindi seseryosohin?
"Why the hell did my bandmates find someone? Why did Dad? So why the hell didn't I?"
Gusto ko sanang hagurin ang likuran niya pero natatakot ako na baka magulat siya dahil hindi ako tumatagos. Baka malaman niya na hindi talaga ako kaluluwang ligaw.
"I want someone in my life too, Mumu..." anas niya.
Now I understood his problem. Kaya pala siya nagkakaganito. Kaya pala sad boy siya palagi.
Iba-iba naman kasi ang problema ng mga tao. Iba-ibang level, iba-ibang bigat. Hindi kailangang basahin sa libro, kasi normal at natural na paliwanag lang ito; wala tayong karapatan at wala tayo sa lugar na husgahan ang pinagdadaanan ng kapwa natin. Iyong akala nating mababaw lang na pinagdadaanan, hindi natin talaga iyon sigurado.
Sumandal siya sa sofa na parang pagod na sa buhay. "Hey, Mumu. Sabihin mo nga sa akin, paano ka ba namatay?"
"Namatay?" Natutop ko ang aking bibig nang maalalang mumu nga pala ako para sa kanya.
"You're a ghost, right? How did you die?"
"Ah..." Napakamot ako sa ulo. "Uhm, hindi ko na nga maalala, e."
"I think I know why you can't remember anything."
"Ha?" What kind of nonsense was he thinking now?
"They say ghosts don't remember anything, especially if they died from something traumatic. But don't worry, Mumu, because I'm here now." Tumayo siya para lang gumewang. "I'm gonna help you. We're going to find your body."
"M-my body?!"
"Yeah. Baka kaya hindi matahimik ang kaluluwa mo dahil hindi ka pa naililibing nang maayos."
Napapailing na lang ako sa pinagsasasabi niya, sabay alalay sa kanya dahil muntik na siyang matumba. "Halika na nga sa itaas. Ihiga mo na lang iyang amats mo."
Sumunod naman siya at napahawak din sa akin, pero bigla siyang napahinto. "Wait a minute, Mumu!"
Napahinto din tuloy ako.
"Mumu...?" Namimilog ang mga mata niya sa akin. "Bakit... nahahawakan kita?!"
Ahg, nakalimutan ko. Nawala sa isip ko nang alalayan ko siya.
"Damn it." He almost slapped himself. "Is this just a dream because I'm so damn drunk?!"
"O-oo, panaginip na lang 'to." Kandautal ako. "H-halika na sa taas. Matulog ka na."
As I took a hurried step, my feet accidentally crossed, and I tripped. Hindi nakatulong na mabigat ang inaalalayan ko, hayun tuloy, magkasama kaming bumagsak. PL ended up on top of me as we fell to the floor together.
"Are you all right, Mumu?" tanong niya na hindi ko namalayang napakalapit na ng mukha habang nakakubabaw sa akin.
"O-okay lang." Gusto ko ng tumayo, ang kaso nga lang ay ang bigat niya.
"Hey, Mumu..." Napatitig siya sa mukha ko. "You... look like someone real..."
Hindi siya makapaniwala nang haplusin niya ang aking pisngi. Nanigas ang buo kong katawan.
"Who are you?" tanong niya sa akin habang sinusuyod ng kanyang mga mata ang kabuuan ng mukha ko.
Hanggang sa hinahaplos na pala ng thumb niya ang labi ko.
His eyes were fixed there too. My heart was pounding so hard, it felt like it could explode at any second. Ano ba kasing ginagawa niya? Gustuhin ko man siyang awatin pero nanghihina na ang katawan ko.
"I-is this... really just a dream?" anas niya sa paos na tinig, ang mainit at mabangong hininga niya ay humahaplos sa aking balat. "Mumu, are you really a dream?"
"L-lasing ka lang..."
Hanggang sa heto na naman ang pilyo niyang mga labi na dahan-dahang palapit sa mga labi ko. Nakakainis... pero wala akong magawa kundi ang mapapapikit.
At ganoon na lang ang biglang pandidilat ng aking mga mata nang bigla kong maalala – na may nakasalang nga pala akong pancit canton sa kusina!
ANG AGA PA PARA MAG-INGAY SILA.
Susuray-suray pa ako sa antok, pero pinilit ko ng bumangon sa aking higaan. I could hear Onse's voice again. I wondered what task PL was giving him this time.
Nasa sala sila, kaya doon ako dumeretso sa two-way mirror na nasa sala. Nagulat na lang ako nang madatnan ko iyon na puro usok. May nasusunog ba?
Uubo-ubo si Onse sa isang tabi. Si PL naman ay nakatakip ang ilong. Naka-roba lang siya.
Isang matandang babae pala ang may dahilan ng usok. Alam ko kung ano iyong hawak niya, and that was where the smoke was coming from. But who was this old woman?
The woman was big-built, with white hair and a body covered in all sorts of trinkets, like charms or talismans. Meron sa bisig at leeg. May hawak din siyang mga maninipis na sanga ng kung anong halaman, at iyon ay inihahampas niya sa hangin. She looked like a folk shaman... A spirit medium.
Lumapit si Onse sa matandang espiritista. "Ano po, Aling Bengbang? Alam niyo na po ba kung nasaan ang multo?"
Aling Bengbang?
"Sandali, hijo. Malapit ko na siyang mahanap."
What?
Pumikit pa ang espiritista, at nanginig-nginig. "Nararamdaman ko na nasa malapit lang siya!"
Hmp. It was obvious this one was a fake.
Kinindatan ni Onse si PL. "Sabi ko sa 'yo, sir. Mahusay ang isang ito."
Napapahimas na lang sa pisngi si PL. Masakit yata ang kanang pisngi niya dahil nasampal ko siya kagabi. Bigla ba naman kasing nanghahalik!
Kung di ko pa maalala na may nakasalang nga pala akong pancit canton sa kusina ay baka nadala na naman ako sa mga labi niya. Ang hinayupak kasing ito, alam kung paano ihipnotismo sa mga halik niya. Ayan tuloy nasampal ko siya. Knockout siya, e.
"Nararamdaman ko na siya!" biglang sigaw ni Aling Bembang. Tumirik pa ang mata bago naduling.
"Babae po ba siya?" tanong ni Onse.
"Hindi ko pa alam. Pero alam ko kung nasaan siya!" Nanlilisik ang mga mata ni Aling Bengbang na lumapit sa salamin na kaharap.
Napaatras ako. Bakit pakiramdam ko ay nakatitig siya sa akin nang masama?!
Humawak ang matanda sa salamin. "Nandito siya..."
What?! She knew?!
Ganoon na lang ang gulat ko nang bigla ngumisi ang espiritista sa two way mirror kung saan naroroon ako.
"Nagtatago siya... sa likod ng salamin na ito!"
JF
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top