Chapter 2
"A GHOST WEARING A BRA."
I swallowed hard as Phoenix's gorgeous eyes stared at me intently. At dahil matangkad siya, kinailangan niyang yumukod ng bahagya upang pumantay sa aking mukha.
I felt like I was going to have a heart attack. I was done for! He already knew I was not a ghost, but a parasite! Parasite na umuubos ng stocks niya!
Ito na, aatakihin na talaga ako sa puso dahil sa kaba nang may maamoy ako sa hininga niya. He reeked of alcohol!
Napangisi siya habang mapupungay pa rin ang kanyang mga mata. "Seriously? A ghost with boobs?! LOL." He burst out laughing.
Natulala ako kasabay ng pagkawala ng takot sa dibdib ko. Noong gumewang siya sa pagkakatayo ay doon na ako napangiti. I really thought he had discovered the truth. Sobra akong nag-alala na baka hindi na ako makakain ng pancit canton! Magdiwang!
Tuluyan na ngang nabuwal si Phoenix sa pagkakatayo. Mabuti at nasalo ko ang katawan niya, pero kamuntikan na niya akong madaganan. He was so heavy. Ilang kilo ba ang itlog niya?
Sinikap ko siyang igapang papunta sa kama, kahit pa sobrang bigat niya. Nakawala lang ako sa kanya nang maihiga ko na siya. Nangingiti pa siya habang pinipilit na labanan ang pagpikit ng kanyang mga mata. "I still can't believe that you're wearing a bra," tatawa-tawang pang ungol niya. "A ghots who wears a bra!" Parang nasiraan na ng bait.
Umismid ako sa kanya bago ko siya kinurot sa tagiliran. "Ikaw talaga, tinakot mo naman ako. Akala ko talaga na nabuko mo na ako." Pero kinabahan talaga ako nang malala kanina.
Hanggang sa naipikit na niya ang kanyang mga mata. Hay, ang guwapo talaga ng lalaking ito, kaya nakakainis. At iyong mapulang labi niya na nasa ilalim ng kanyang matangos na ilong, iyon talaga iyong pinaka-kinaiinisan ko. Alam kong marami na itong nagawang kasalanan. Malamang na marami na talaga itong natikman!
Okay, time to work. Inunat ko ang aking mga braso at pinalagutok ang aking mga daliri. Sisimulan ko na ang trabaho ko. Dahil knockout na naman ang lasinggerong ito, of course, ako ulit ang in charge sa pag-aasikaso sa kanya. Sanay naman na ako. Ito rin ang balik ko sa kanya bilang nakikitira ako sa bahay niya, nakikigamit, at nakikikain sa stocks niya.
I lifted one of his feet to take off his shoes. I did the same with the other. Sumunod na hinubad ko ay ang kanyang medyas kaya napreskuhan ang malabarko niyang talampakan at mahahabang daliri sa paa.
Sumunod ay buong lakas kong iniangat ang katawan niya upang hubarin ang kanyang coat. Marahan ko siyang muling inihiga para isa-isa namang baklasin ang butones ng kanyang long sleeved polo. Dito sa parte itong ako lagi talagang napapalunok.
I went to the shower room and took a washcloth from the hanging cabinet. I wet it with hot water from the lavatory. Binalikan ko ang lasinggero sa kanyang kama at marahang pinunasan ang kanyang makinis na leeg.
I pouted when he moaned.
"Why are you always drunk?" I asked him in a low voice. "And don't you really have a girlfriend to care for you?"
He only grunted in response to me. His eyes were tightly shut.
Parang may tusok ng karayom akong naramdaman sa nasabi ko. Girlfriend? Hmp. Imposibleng walang girlfriend ang ganitong uri ng lalaki. Sino bang nanay nito at ipinanganak ito na halos perpekto? Naiinis tuloy ako.
Anuman ang sagot sa mga tanong ko, tungkulin ko pa rin na alagaan siya sa tuwing nalalasing siya. Gusto kong makabawi sa kanya dahil siya ang nagpapalamon sa akin.
Napahikab na ako dahil inaantok pa ako. Kaya naman inayos ko na ang higa ni PHOENIX at nilagyan ng unan sa kanyang ulo. Pupunta ako sa kuwarto ko para doon ituloy ang aking tulog. Aalis na sana ako nang may biglang humablot sa palad ko kaya natigilan ako. It was Phoenix.
"D-don't leave." Nakapikit siya pero nagsasalita. He must be having a nightmare.
Umupo sa dulo ng kama sa tabi niya. "What's wrong with you, really? Bakit kailangan mo ba kasing palagi na lang maglasing? Hindi pa ba luto ang bituka mo sa kakainom mo?"
Gumalaw lang ang talukap ng kanyang mga mata, at mayamaya'y ngumiti ang mapupulang mga labi niya. Naiinis talaga ako sa ngiti niya. Napabitiw na rin siya sa palad ko. Mas lumalim na ang kanyang tulog.
Maingat akong humiga sa tabi niya at humiga patagilid nang nakaharap sa kanya. The sight of him sleeping soundly filled my chest with warmth.
"You..." anas ko. Malat ang boses ko at napakahina. "Can you... tell me what it's like outside?"
I couldn't help but get emotional again. It was probably okay because he was asleep. Alam ko kasi na marinig man niya ako ay hindi niya maaalala ito.
"A-ano ang pakiramdam ng araw kapag nasa labas ka? I can't recall how it feels since it's been so long since I last experienced it."
Hindi sapat ang mga palabas sa TV at hindi rin ako nanonood ng TV.
"So how was it? Is it really noisy outside? Mapolusyon na ba talaga? Marami ba talagang tao roon? Ano ang pakiramdam kapag nakatingin ka sa malawak na kalsada kung saan dumaraan ang mga sasakyan? Is it also amazing to look at the tall buildings in the city?"
Naiinis ako sa kanya dahil nagpakalasing siya nang ganito. May mga panahon kasi na lasing nga siya, pero kahit papaano ay nakakausap ko siya. Sana ay nasasagot niya ang mga tanong ko, kung hindi sana siya nagpakalasing nang husto.
Nang maramdaman ko ang pag-agos ng luha sa aking pisngi ay agad ko iyong pinunasan. Bumangon na ako at dinampot ang aking bra na napulot niya sa labas.
Matapos kong kusutin ang aking mga mata ay napalitan ito ng matapang na ekspresyon, saka siya tiningnan nang matalim. "Muntik ko nang makalimutan kasalanan mo, ha!" Inambahan ko siya nang suntok. "Sa susunod, wag mo ako basta hahalikan! Lalo na kapag katatapos ko lang kumain ng pancit canton!"
Bahagyang gumalaw ang kanyang ulo dahil naingayan yata sa akin.
Inawat ko agad ang aking bibig, at pinalitan ng pabulong na boses. "Ah basta. Galit ako diyan sa mga labi mo. Alam ko naman na kung sinu-sino na ang nakatikim niyan." Mahina ko siyang pinitik sa kanyang labi.
Nakakapagtakang napangiti siya kahit malalim ang pagtulog.
"Bahala ka nga riyan!" Dinampot ko rin ang coat niya para sana tupiin. May nalaglag mula sa bulsa niyon. Pinakatitigan ko pang maigi dahil baka mali lang ako, pero tama nga. Ganito iyong nakita ko minsan sa magazine at libro. Itong maliit na square na plastic, ang laman ay condom!
At hindi lang iisa, hindi lang din dalawa, o tatlo, kundi sampung pakete ng condoms!
SAAN GAGAMITIN NI PHOENIX ANG CONDOM?!
Hapon. Naalimpungatan ako dahil may naulinigang boses. Bumangon ako sa aking single bed, dito sa aking hidden room. Ang boses na naririnig ko ay sigurado akong kay Onse. Hala, bakit nandito ang binatilyong iyon ngayong araw? Stocks refill day ba ngayon? Kaka-refill niya lang noong isang araw, ah?!
Tumingin ako sa salamin na two-way. Nakita ko roon si PHOENIX na may kausap sa kusina. Naka-bathrobe lang siya na kulay white. Gising na at hindi na lasing. Pero mukhang may hangover pa dahil lasing na lasing siya noong umuwi kaninang umaga. Magulo pa ang buhok habang parang tore na nakapamewang sa gitna ng kusina.
Si Onse nga ang kausap niya. Nandito nga ang working studeng na binatilyo niyang katiwala. May mga boxes na dala si Onse, mukhang inutusan niya ito kaya naririto. Nangislap ang mga mata ko nang makita ang brand na nakasulat sa mga box – Lucy Me Pancit Canton!
"Anong nangyari sa'yo, sir?" tanong ni Onse habang isa-isang isinasalansan nang maayos ang mga package sa kitchen pantry.
Si Phoenix ay iritableng naghuhugas na ngayon ng kanyang kamay sa lababo. "I think the ghost is mad at me."
"Bakit niyo naman nasabi, sir?"
Yamot na napailing si Phoenix. "He put all my condoms in my fingers!"
Napalabi ako. Sa haba ng mga daliri ni Phoenix, medyo nag-fit naman ang mga condoms na iniligay ko sa mga iyon, sakto rin kasi sampung piraso. Parusa ko pala iyon sa kanya dahil perv siya!
Pigil naman ang hagikhik ni Onse. "Sir, sigurado ba kayong iyong mumu ang may gawa niyan?"
Napa-isip si Phoenix. "I don't remember anything because I was too drunk. My plan last night was never to come back here, so I was shocked to wake up and find myself here again."
Hindi ko pa nga rin iyon nakakalimutan. Nalungkot pa nga ako kagabi. I honestly thought he wouldn't come back anymore.
"Kaya imposibleng ako ang naglagay ng mga condoms na ito sa mga daliri ko, dahil duling na ako sa kasalingan!" Kung may hawak lang siyang bagay ay baka naibato na niya sa galit.
Pinigilan muli ni Onse ang pagtawa. "E sir, meron ba kayong nagawang kasalanan sa mumu, kaya siya ang naiisip niyo na gumawa niyan?"
Hindi nakakibo si Phoenix habang sinasabon ang kanyang kamay. "I don't know if it was just a dream, pero sa panaginip ko ay may napulot daw akong bra."
"Bra?"
"Forget it. It must have been just a dream." Nagpunas na siya ng kamay sa kitchen towel. "Damn it," he muttered angrily. "Bakit madulas pa rin itong kamay ko kahit sinabon ko na."
"Saan ba nanggaling ang mga condom, sir? Sa inyo ba?"
Tinitigan nang masama ni Phoenix si Onse kaya napayuko na lang ang binatilyo habang nangingiti.
"Uh, nga pala, sir, nabili ko na iyong pinabibili niyo sa akin. Ang daming pancit canton nito, sir." Napahimas sa batok si Onse habang nakatingin sa mga box na dinala.
"Iaalay ko ang mga iyan mamaya."
Good idea, Phoenix. Tamang-tama dahil ang greatest fear ko ay maubos ang stocks dito na pancit canton.
"How about the survey?"
Bibong ngumiti si Onse, saka may hinugot na papel mula bulsa. "Of course, sir! Nagtanong-tanong po ulit ako sa malalapit na kabahayan rito!"
Survey? Anong pinagtanong-tanong niya?
"Good. Read it to me." Naglakad si Phoenix papunta sa sala at naupo sa sofa. Dinampot ang cell phone niya at nag-browse sa screen.
Nakasunod naman si Onse sa likuran niya habang binabasa ang papel na hawak. "Ayon sa mga tao sa pinakamalapit na bahay rito, iba raw talaga ang pakiramdam nila sa bahay na ito, lalo na tuwing gabi. Kahit madilim at malayo sa gate ang bahay na ito, ramdam daw nila na may nakatira talaga rito."
"And?"
"Minsan daw kapag nagdya-jogging iyong hardinero nila sa gabi at nagagawi ito rito, napapansin daw nito na parang meron ditong ilaw. May nagbubukas ng ilaw sa gabi."
Ah, ganoong oras kasi ako ginugutom. Nocturnal kasi ako. Ganoong oras lang din kasi ako nakakapagnakaw ng pagkain. At nagbubukas talaga ako ng ilaw dahil alangan namang mangapa ako kusina habang madilim.
Napatango-tango si Phoenix. "So hindi nila nakita ang multo, nararamdaman lang nila na may something dito sa bahay ko?"
"Yes, sir."
"Next."
Binalikan ni Onse ang papel. "Sabi naman ng mga tricycle driver na napapadaan dito sa madaling araw, kapag napapasulyap daw sila sa lanai, parang may nakikita raw silang silhouette sa salamin na dingding."
Napaangat ng mukha si Phoenix ng mukha. "Silhouette?"
It was me. Ako iyong palakad-lakad sa tapat ng salaming dingding sa may lanai kapag madaling araw. Nagdya-jogging ako ng mga time na iyon. Hindi ko alam na posibleng nasisinag pala ako sa labas. Malayo naman kasi ang gate dito sa bahay, nagkataon lang na tapat ng lanai ang papunta sa gate.
"Parang babae raw, sir. Parang mahaba raw ang buhok e."
"Babae?" ulit ni Phoenix.
Tumango si Onse. "Matandang babae."
Bigla akong nasamid sa sinabi niya. Mukha ba akong matandang babae sa silhouette ko?!
"Usap-usapan na malamang na matandang babae ang nagmumulto rito, sir. Isa raw itong matandang babae na patay-gutom. Namatay raw ito dahil nagnakaw daw ng pagkain sa bahay na ito dekadang taon na ang nakalilipas. Hindi nito alam na expired na pala ang ninakaw na pagkain. Ayun ang ikinamatay ng matandang babaeng patay gutom na iyon."
Napahawak tuloy ako sa lalamunan ko kahit hindi naman iyon totoo!
"I also asked some of my people to gather information around here." Napahimas sa baba si Phoenix habang nagkukwento. "Ang sabi daw diyan sa tindahan sa di kalayuan, may something nga raw talaga sa property na ito."
"Ano pang sabi, sir? Matandang babae raw ba talaga?"
Umiling si Phoenix. "No. Isang tikbalang."
What?! From an old woman, and now a tikbalang?!
"It's a big creature with a long face like a horse, and it has a bushy tail."
Halos umusok ang ilong ko sa likod ng two-way mirror. Malaki, mahaba ang mukha, at may buntot? Saan nila nakuha ang description na iyon?!
Si Onse naman ang nagkuwento. "Nagtanong-tanong din ako sa school ko, sir. Maliit lang iyong university ko, pero maraming estudyante. May isa akong kaklase sa isang subject, sakto na kakilala iyong dapat na bibili sa bahay na ito five years ago. Hindi raw natuloy sa pagbili dahil may nagmumulto nga raw talaga rito. Pero ang sabi ay babae raw talaga iyong nagmumulto."
"Really?" Pakinig na pakinig naman si Phoenix. "So hindi talaga tikbalang."
Of course not!
"Yes, sir. Babae nga. At maganda raw at sexy."
Oh, that's me. Finally, na-describe na rin ako nang matino.
"And?" napaangat ang isang kilay ni Phoenix.
"'Kaso ay may lawit."
Oh, that's not me!
"Nasagasaan daw diyan sa tapat ng kalsada, dito yata dumeretso sa bahay na ito ang ligaw na kaluluwa."
Phoenix sighed. "We don't know which of the information we gathered is true."
"Kaya nga, sir." Umupo na si Onse sa kabilang sofa. "Pero ikaw ang makakapagsabi kung sino at ano talaga ang nilalang sa bahay na ito, dahil kayo ang madalas dito. At di ba, nagpakita na siya sa inyo?"
Matagal bago nakasagot si Phoenix. Tila siya may malalim na iniisip. "Yeah, you're right. Her face... how could I forget it?"
Ano ang ibig niyang sabihin? Napalunok ako nang mariin.
Namungay ang mga mata niya na parang kapag lasing siya. "Although my memories of her face are blurry, I do recall certain features."
"Babae, sir? Hindi matanda? Walang lawit?"
"No. She's really a woman." Napapikit pa siya sa pag-alaala. "She..."
Beautiful, right? I know.
"She's flat."
Nagtagis ang aking mga ngipin. This perv!
"You mean, sa boobs agad kayo na-focus, sir?"
Phoenix shook his head. "Ah, basta. Kabisado ko na ang mukha niya kahit may kalabuan."
"Anong hitsura, sir? May dugo ba sa mukha? Inaagnas ang pisngi? Luwa ang isang mata?"
"No. She's not like that." Tumayo si Phoenix at naglakad papunta sa salamin na kaharap ko. At dahil isa itong two-way mirror, parang magkaharap lang kami kaya napatingala ako.
Namulsa siya at bahagyang napangiti. "She's... actually cute."
Bigla na lang ginapangan ng kakaibang init ang pisngi ko. Nasa punto pa ako na hindi ako makahiwalay ng tingin sa mga mata, na para bang tinititigan niya ako.
"Ano iyon, sir?" Hindi pala narinig ni Onse ang sinabi niya.
"Forget it." Humarap siya sa binatilyo. "I think I know now how to get rid of that ghost, or whatever entity it is."
Bigla na lang ako kinabahan. Anong binabalak niya?
"Anong ibig sabihin niyo, sir?" tanong ni Onse.
"I want you to do something for me, Onse. Post on social media and sites, or look for recommendations from people you know. I will give you a budget. Kailangang mahanapan mo ako ng magaling na espiritista."
Sabay pa yata kami ni Onse na napanganga.
Phoenix turned to the mirror again as if he were looking at me. Ang mga mata niya ay nabahiran ng lungkot. "Yeah... I'm going to have this house exorcised, to get rid of that restless ghost, and help it cross over to the afterlife."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top