Chapter 1
AGORAPHOBIA.
A person with agoraphobia is scared to leave familiar and comfortable places for fear of experiencing anxiety or panic attacks. At matagal ko nang alam na meron ako nito.
Kaya ito ngayon, hirap na hirap na naman ako. Kung bakit kasi sa kagustuhan kong matuyo agad ang aking bra ay isinampay ko iyon sa tapat ng bintana. Pikit-mata ko iyong ginawa dahil ayaw kong makita ang malawak na kalangitan. Ang ending ay hindi ko naisakto sa sampayan, nahulog iyon sa labas nang tuluyan.
RIP my dear bra.
It was impossible for me to get out of just to get my bra. This house is my safe place. Hindi ko kayang lumabas dito. Kahit dulo lang ng aking daliri sa paa ang lumabas sa pinto ay para na akong masusuka. Parang may pumipigil agad sa aking paghinga.
Ipinagluluksa ko pa ang aking bra nang makarinig ako ng kalabog mula sa kabilang kuwarto. Sukat ay napasimangot ako. Ahg! Gising na ang lasenggo!
Dali-dali akong nanakbo sa library room sa ika-apat sa kuwarto. Bagama't malawak ang kuwartong ito ay nagiging masikip pa rin dahil meron itong pitong bookshelves na punung-puno ng mga libro. Maliban pa iyong mga indoor plants. Ang pinaka maliit na bookshelf ang agad kong nilapitan. May kinalabit ako sa gilid niyon at voila! Isang secret door ang lumitaw sa harapan ng aking mga mata!
Pumasok agad ako sa secret door at mabilis iyong isinara. Bumalik din agad sa puwesto ang bookshelf sa labas. Walang naiwang bakas, kaya walang makakaalam na meron ngang secret door dito—kahit pa iyong mismong may-ari ng bahay na ito na lasinggero.
Hindi lang ang pinasukan ko ang may secret door dahil may iba pang sekretong lagusan sa bahay na ito; mga lagusan na magdadala sa 'yo sa mga sekretong daan; mga makikipot na hidden hallway sa likod ng mga pader na nakapalibot sa buong kabahayan. Kahit tago ang lugar na dinaraanan ko ngayon, ay komportable dito dahil may maliliit na ventilation sa bawat isang metro na pagitan. Pinapasok din dito ng lamig ng aircon. Napangisi ako. Noon ay problema ko ang electricity, pero ngayon ay 1-2 sawa na ako.
Habang naglalakad ay automatic na umiilaw ang mga bombilya sa kisame. Nang makarating sa dulong pasilyo na may dalawang daan ay pinili ko ang kanan. May maliit na kuwarto roon at doon ako pumasok. Ito ang kuwarto na kasalukuyang ginagamit ko. Isang sekretong kuwarto na kahit tingnan mo sa labas o sa mismong plano ng bahay ay hindi mo makikita, kasi sekreto nga.
Pinindot ko ang switch ng ilaw at bumaha ang liwanag. Lumapit ako sa harapan ng salamin na nasa pader. Isang salamin iyon na ako lang ang nakakaalam na isa palang two-way mirror. Nakikita ko ang nasa kabilang bahagi habang walang ideya ang nasa kabila na nakikita ko ito.
Sa salamin ay kitang-kita ang isang kuwarto, ang master's bedroom na dating kuwarto ng mga magulang ko, na ngayon ay kuwarto na ng bagong nagmamay-ari ng bahay na ito. The drunkard Phoenix Laz Sandoval. Nag-e-echo pa sa aking tainga ang kanyang walang kamatayang speech na 'siya ang future CEO Sandoval's at isa siyang freaking billionaire' bago niya isinuka iyong mga pinulutan niya nang nag-inom siya kagabi.
Pero nasaan pala ang lasinggerong bilyonaryong mayabang ngayon? Bakit wala siya sa kanyang kuwarto? Kulang na lang ay ipagdikdikan ko ang aking mukha sa salamin para hanapin siya. Wala akong ibang nakikita sa kuwarto niya kundi ang isang magulong kama. O baka naman nahulog na naman siya sa kama niya?
May narinig akong pag-ungol. Maya-maya pa ay bumangon mula sa sahig ang isang matangkad na lalaki na nakahawak sa sariling ulo. Tama nga ako. Nahulog nga siya mula sa kama niya.
His long hair that was styled with vintage shag, wolf cut, and a slight mullet was messy. Halatang kagigising lang. May bakat pa ng higaan ang makinis na pisngi. Katulad ng parati ay may hangover pa na gegewang-gewang siya sa pagtayo.
Nang mapatingin siya sa salamin ay napabulalas siya. "Whoa!"
Pero alam kong sarili niya ang nakita niya sa salamin at hindi ako. Dahil ang salamin na ito ay two-way mirror. Ako lang ang nakakakita sa kanya sa likod ng salamin na kaharap niya. At na-shock lang siya dahil nagising na naman siya na nakahubo't hubad. Pinulupot niya agad ang kanyang kumot sa katawan.
Ang salamin sa sala, kitchen, dining room, at maging sa hagdan– lahat ay may two-way mirror sa loob ng mga sekretong pasilyo. Kaya walang kaalam-alam ang lalaking ito na alam ko ang bawat kilos niya mula nang tumira siya rito. Alam na alam ko ang oras ng alis niya at uwi nang lasing sa pamamahay na ito.
Wala rin siyang kaalam-alam na ako ang tagalinis ng suka niya, na ako ang tagahubad ng damit niyang basa ng pawis, at taga tanggal ng sapatos niya bago siya mahiga sa kama. Ako ang taga punas ng maligamgam na basang bimpo sa kanya para mapreskuhan siya, dahil palagi nga siyang lasing na umuuwi rito. Katulad kagabi, halos maligo siya sa sariling suka niya kaya no choice ako kundi hubaran at linisan siya.
Ako iyong walang sawang nakikinig sa mga pinagsasasabi niya na wala namang kakuwenta-kuwenta. Kahit sawang-sawa na akong marinig na siya raw ang magiging CEO ng Sandoval's at isa raw siyang freaking billionaire ay pinapakinggan ko pa rin siya. Pero ano? Ang tingin niya sa akin ay isang multo!
Unbeknownst to him, I had been living here for a long time. I had been hiding behind the walls of this house ever since I was a child.
I just blinked when I heard Phoenix's footsteps approaching the mirror. Nasa tapat na siya ng salamin at para na ring nakalapit sa akin. At oo, naririnig ko siya sa kabilang side, kabaligtaran naman sa akin. Hindi niya ako maririnig kahit pa magsisigaw ako rito.
Binaklas niya ang kumot sa kanyang katawan at pinagmamasdan ang kanyang kabuuan sa harapan ng salamin. Napalunok naman ako sabay tampal sa pisngi ko. Straight lang ang tingin, Solly! Wag sa baba!
Pinasingkit ko ang aking mga mata upang lumabo siya sa paningin ko. Ayan, censored na!
Marahil ay nagtataka siya kung bakit hubo't hubad na naman siya. Syempre dahil pinunasan ko ng basang bimpo kagabi ang buo niyang katawan. At excuse me, wala talaga siya underwear. Pagkahubo ko ng pantalon niya ay may sumilay agad na patola.
Pero wag siyang mag-alala. Habang pinupunasan ko naman ang katawan niya ang isang mata ko lang ang nakadilat para naman fair sa kanya. Wala rin akong hinipo kahit pa may isang parte ng katawan niya ang tatangu-tango.
Ayaw ko sanang gawin iyon, pero hindi ko naman siya matiis. Siya pa rin ang may-ari ng bahay na ito, ang nagbabayad sa kuryente at tubig dito, kaya bilang respeto at pasasalamat ay pinagsisilbihan ko na lang siya kahit bilang isang multo.
Malaki rin pati ang utang na loob ko sa kanya. Dahil sa mga stock niya monthly ay hindi ako ginugutom. Buwan-buwan kasi nagre-restock ang stay out na katiwala niya. Madalas ay mga delata, instant noodles, tubig, prutas, karne, bigas at iba pa. Hindi pumapalya kahit pa hindi naman siya kumakain dito.
Malaki rin ang pasasalamat ko dahil hindi niya inaalis ang mga libro sa library ng bahay na ito. Iyon kasi ang nagsilbing paaralan ko. Dahil sa pagbabasa ko mula sa mga aklat na naroon ay marami akong natututunan kahit hindi ako lumalabas sa bahay na ito.
Muli akong napakurap nang mapagtantong nakatitig pala siya sa akin. Ngunit ang totoo ay nakatitig siya sa mukha niya kaya para siyang nakatitig sa akin. Hindi tuloy ako nakaiwas na mapatitig sa mukha niya, sa mga mata niya.
Napakaguwapo ni Phoenix Laz Sandoval. Bumagay ang makapal niyang kilay sa magagandang pares ng itim na itim niyang mga mata, matangos at manipis ang ilong, maganda ang panga, at makinis ang mukha; wala man lang pores kahit isa. Mayroon din siyang mapupulang mga labi na kinaiinisan ko kapag nakangiti. May kung ano kasing lumulundag sa dibdib ko kapag ngumingisi siya.
Matangkad si Phoenix at maganda ang katawan. Kung ano ang deskripsyon ng bidang lalaki sa mga nobelang nababasa ko ay tugma sa deskripsyon niya. Kaya sa tuwing nagbabasa ako ng romance book ay siya ang nai-imahe ko. I could say that his physical appearance was close to perfection.
Napalunok ako nang mas lumalim pa ang titigan naming dalawa. Bigla ay aking naramdaman ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Napahawak tuloy ako sa aking dibdib.
Bigla siyang napangisi kaya napanguso ako. Iyong ngiti niya na kinaiinisan ko dahil bagay ang ngiti na iyon sa kanyang mapupulang labi. "You are really fucking gorgeous, PL, you know that?" Hinaplos niya pa ng malaking palad niya ang kaharap na salamin dahil sa sobrang saya.
Tapos ayan na naman siya, umanggulo na naman sa salamin, at nag-flex ng biceps at abs niya. Kaasar!
Ganoon siya tuwing umaga. Ibig sabihin ay back to normal na naman. Tinalikuran ko na siya na may inis na dinadala. Naiinis ako sa dahil tuwing nagigising siya sa umaga na wala ng kalasingan ay nakakalimot na siya sa lahat ng nangyari sa gabing nagdaan. Nakalimutan niya na iyong kanyang sinabi sa akin kagabi habang lasing siya... Na nahuhulog na siya sa akin.
"Falling in love daw sa multo," pabulong kong singhal na may paghihinagpis. "Sinungaling!"
Lumabas ako ng aking sekretong kuwarto at naglakad sa mga tagong pasilyo. I went into my small secret bathroom and washed my face there. I also brushed my teeth when I remembered something. When I looked in the mirror, I realized I was blushing. Shiiit.
Paglabas sa banyo ay tinungo ko naman ang maliit na hagdan sa gilid at doon ako bumaba. Nang makababa ako ay kaharap ko naman ang isang salamin na ang kabila ay salamin sa kusina. Lumampas ako roon at tumuloy sa kusina. Ang two-way mirror sa kusina ay nagsisilbi ring sekretong pinto. Binuksan ko iyon at patalilis ako na lumabas. Sinamantala ko na kumuha ng isang pitsel ng malamig na tubig sa ref habang nasa kuwarto pa si Phoenix sa itaas.
Pagkakuha ng pitsel ay tumalilis agad ako pabalik sa secret door. Bumalik na ako sa kuwarto pagkatapos. Plano ko sanang umidlip dahil kulang ako sa tulog kaya nahiga na ako sa aking single bed. Napaangat lang muli ang aking ulo nang makarinig ako ng doorbell. Sino kaya iyon?
Lumabas ako ng kuwarto at bumaba papunta sa pasilyo kung saan may two-way mirror na nakaharap ang kabila sa sala. Nakita ko na bumaba sa hagdan si Phoenix na naka-robe na puti. Siya ang nagbukas ng main door.
"Good morning, sir!" Bungad ng isang lalaki na mas bata lang sa akin ng kaunti. Ito si Jose o "Onse", working student, payat pero may itsura, at mabait. Sa may bayan ito nakatira at doon niya rin nakilala bago niya gawing stay out katiwala.
Oo nga pala, katapusan na ng buwan ngayon. Nandito na ulit si Onse para mag-restock ng pantry niya sa kusina.
"Come in," yaya ni Phoenix sa binatilyo, bago pinuntahan ang wine na nasa center table.
Pumasok naman na si Onse habang hila-hila ang trolley na may lamang groceries. Nagmamadali naman akong lumipat sa likod ng two-way mirror sa kusina. Sinasalansang na ni Onse ang mga delata, tetra pack at noodles sa pantry. Sa lahat ng iyon ay nakasunod lang ng tingin si Phoenix habang panay simsim sa hawak na wineglass.
Pagkatapos sa mga instant food ay mga frozen goods naman ang isa-isang nilagay ni Onse sa freezer. Nang pagre-refill na sa mga condiments ang inaasikaso ng binatilyo ay doon na nagsalubong ang mga kilay ni Phoenix.
"Hey, do I really need those things?" tanong niya sa binatilyo.
Humarap sa kanya si Onse. "E, sir, sinusunod ko lang po iyong listahan niyo."
"Really? Listahan?" Sabay simsim niya ulit sa hawak na wineglass. Ang ekspresyon ay seryosong-seryoso, like he was deeply thinking of something.
Nakagat ko naman ang aking hintuturo. Sa tuwing nagre-restock si Onse rito ay palaging wala si Phoenix. Ngayon niya lang naabutan ang binatilyo.
"Wait, why is there so much food stock, anyway? It can already feed a small family." Ang mga mata niya ay nakatuon sa hindi pa naisasarang pinto ng pantry. "At bakit parang ang dami yatang pancit canton?"
"Nauubos niyo naman, sir, kaya no problem." Bumungisngis ang binatilyo. "Kung sobra man, parang alay niyo na lang din."
"Nauubos ko? And wait, what? Alay?"
Tumango si Onse. "Opo, alay doon sa Mumu."
Umalon ang lalamunan ni Phoenix sa sinabi ng binatilyo. "Mumu?!"
"Iyong multo, sir, 'di ba po?"
Lumapit si Phoenix sa kitchen at naupo sa high chair ng bar counter bitbit ang wineglass niya. "That ghost... are you seeing her too?!"
Umiling si Onse. "Hindi ko pa siya nakikita, sir. Pero nararamdaman ko na siya dati pa."
"Who is she?! Do you know her?!" Bigla ang taas ng boses niya.
Nagkibit-balikat si Onse. "Ang sabi-sabi lang ng mga tagarito ay matagal na nga ditong may multo. Kaya nga po ang walang natagal dito. Kayo lang ang bukod tangi."
Napayuko si Phoenix, at ilang minuto rin na nananahimik.
Nang makatapos na sa ginagawa si Onse ay hinarap siya nito. "Sir, kung gusto niyo po, puwede akong magdala ng albularyo para paalisin ang hindi matahimik na kaluluwa na naririto sa bahay niyo—"
"No!" biglang putol ni Phoenix sa sinasabi ng binatilyo.
"Hindi ba kayo natatakot sa multo, sir?"
"Lasing naman ako lagi."
"Ibig sabihin, nagpakita na sa inyo ang multo?"
"Yes."
Mukha namang kinilabutan si Onse dahil napahimas ito sa sariling mga braso.
"Paano siya nagparamdam sa 'yo?" pag-uusisa ni Phoenix.
"Noong nakaraan buwan, meron nakasulat diyan sa salamin gamit ang dugo," salaysay ni Onse gamit ang may nginig na boses.
OA. Hindi naman dugo iyon. Lipstick lang iyon, ano!
Napaalon muli ang lalamunan ni Phoenix. "A-anong nakasulat?"
Napapunas ng pawis sa noo si Onse. Marahan na lumapit kay Phoenix habang nanlalaki ang mga mata sa takot. Napalingap muna ang binatilyo sa paligid bago bumulong sa lalaki. "Pancit canton."
....
"MUMU!"
Naalimpungatan ako sa boses ni Phoenix. Alam ko kung sino ang tinatawag niya. Sino pa ba, kundi ako!
Istorbo naman sa tulog, e! Nakasimangot na bumangon ako sa aking single bed at lumapas sa aking maliit na kuwarto. Nasa sala siya. Doon ko narinig ang boses niya. Hindi pa pala umaalis ang lasinggero na ito, e gusto ko pa naman sanang kumain ng pancit canton pagkagising.
Humarap ako sa two-way mirror ng sala. Naroon nga siya. At in fairness, hindi siya mukhang lasenggo ngayon. Nakasuot na ng all-black formal attire. Long-sleeve polo, baston slack, leather shoes. Ang buhok niya ay nakatali ngayon papunta sa likod at may suot pa siyang black rimmed specs. In short, activated ang kanyang 'matino mode'.
"Hey, Mumu!" sigaw na naman niya. Nakatingala siya na para bang naghihintay ng sagot ko mula sa kisame. "I'm leaving! Peace tayo, all right?"
Leaving? Saka ko napansin na may mga luggage sa kanyang tabi. Hindi lang iisa kundi dalawang malaki. Biglang nilipad ang antok ko. Nataranta ako. Aalis na siya?!
"By the way..." Biglang humina ang boses niya. "Nag-alay ako sa 'yo."
Nag-alay?
"N-nagluto ako ng pancit canton." Itinuro niya ang lamesa sa kusina na tanaw rito sa sala.
Napasinghap ako nang makitang meron nga roong isang pinggan ng pancit canton!
"Y-you know... I don't know how to cook. Kaya pagpasensiyahan mo na kung hindi iyan masarap. Sinunod ko lang iyong instruction na nakasulat sa likod." Kita sa mukha niya na nahihiya siya. "Hopefully, you'll still like it."
Ang aking mga labi ay napaawang.
"K-kumain ka, ha... Maraming biniling pancit canton si Onse." Ang lamlam-lamlam na ng mga mata niya habang nagsasalita. "'W-wag ka magpapagutom... Ubusin mo lang lahat iyon..."
Napahawak ako sa aking dibdib. Tumitibok na naman ang puso ko sa loob nang pagkabilis-bilis.
"T-thank you about last night." Bigla siyang namalat. "I-I'm sorry I can't remember everything... But you know me, right? Nakakalimutan ko lahat ng mga nangyari kapag lasing ako..."
Kaya limot na rin niya ang sinabi niya sa akin na na-fall na siya sa isang multo? Sukat ay napasimangot na naman ako. Hmp!
"P-pero isa lang ang alam ko, Mumu." Ngumiti siya na ngayon ay nakatingin na sa salamin ng sala kung saan naroroon ako, na para bang nakikita niya ako, dahilan upang lalo pang kumabog nang malakas ang dibdib ko. "Isa lang ang sigurado ko. T-that you are always there for me when I need you..."
May namutawing luha sa mga mata ko. Hindi ko alam kung ano itong emosyon na aking nararamdaman. Basta ang alam ko lang ay napakasarap subalit napakasakit din sa pakiramdam.
"T-this is a goodbye..." Hinila na niya ang mga luggage niya at lumabas na siya pinto. Lumingon siya bago tuluyang lumabas at ngumiti. Ngiti na dahilan ng tuluyang pagbagsak ng aking mga luha.
Hanggang sa lumabas na siya at narinig ko na ni-lock na niya ang pinto at saglit lang ay narinig ko na ang kanyang sasakyan. A few minutes passed but I was still in a daze while crying. Even though he thought of me as a ghost, he still thanked me. This was the first time he thanked me! At ngayon lang din siya nagpaalam sa akin!
Lumabas ako sa pinagtataguan at wala sa sarili na naglakad patungo sa natatanaw kong dining table sa kusina. Mariing pinunasan ko ang aking luhaang mukha saka naupo sa upuan kaharap ang nakahaing pancit canton. Humihikbi pa rin ako nang damputin ang tinidor at nagsimulang kumain.
Medyo may sabaw ang canton pero okay lang dahil mas gusto ko ang saucy. Tama lang ang pagkakaluto sa noodles, hindi hilaw at hindi lutong-luto. Masarap kaya muli na naman tuloy akong napaiyak.
"Tss! Wag daw papagutom!" himutok ko habang namumualan ang bibig sa canton.
Habang kumakain ay panay ang hikbi at kusot ko sa aking mga mata. Nakakainis kasi tulo pa rin nang tulo ang aking luha. Ilang taon na ba kasi akong mag-isa mula nang mamatay sina Mama at Papa? Mahigit limang taon na. Mahigit limang taon na mula nang maramdaman ko na meron sa aking nagpapahalaga.
Akala ko ay hindi ko na ulit mararamdaman ang ganito, pero heto, sa wakas ay naramdaman ko muli. Iyong may isang tao na may pakialam sa akin. Iyong pakiramdam na pwede akong mahalin. Dahil doon ay tuluyan na akong napahagulhol habang kumakain.
NALASING AKO SA PANCIT CANTON.
After crying all night while eating pancit canton, I went straight to Phoenix's room. The master's bedroom. Dahil wala naman siya ay sa kama niya ako nahiga. Dito ko itinuloy ang pag-iyak ko habang iniisip ang pagiging mag-isa ko sa mundo. Hindi ko na namalayan kung anong oras na ako nakatulog pagkatapos.
Napaunat ako ng aking mga braso saka humikab. Pikit pa ang isang mata ko nang abutin ko ang isang unan at yakapin nang mahigpit. Ang bango. Sumubsob ako roon at balak pa sana ulit matulog nang makarinig ako ng isang baritonong boses.
"Still sleepy?"
Napabilkwas ako ng bangon at napalingon sa nakabukas na pinto ng kuwarto. Doon ay nakatayo ang isang matangkad at guwapong lalaki na kataas ang isang kilay sa akin. Bagsak ang panga ko nang makilala siya. Si Phoenix! Bakit siya naririto? Akala ko ba ay umalis na siya?! Bakit bumalik siya?!
May itinaas ang isang kamay niya. "I found this thing outside."
Napanganga ako. Ang hawak-hawak niya lang naman kasi ay ang bra ko na nahulog sa bintana kahapon pagsampay ko!
Malamig ang mga mata niya nang muling magsalita. "So, I'm just wondering... nagba-bra din pala ang multo?"
Oh, no! Buko na ako!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top