CHAPTER 17

CHAPTER 17


"MODEL number 2!" anunsyo ni Nathalie kaya dali-daling umakyat si Morrigan sa platform. Bago umakyat ay tinapunan muna niya ng makahulugang tingin ang dalagang si Astrid na nakangiti ngayon sa kanya. Inirapan niya ito. Hindi ito nakaligtas sa paningin ng kaibigan ni Raven kaya napasulyap rin siya sa pwesto ni Astrid.

Nagsimula ang photoshoot ni Morrigan at sa maikling oras ay nagawa naman niya nang tagumpay  ang bawat pose na hinihingi ni Nathalie. Malaki talaga ang potential ng dalaga sa modelling industry. Hindi maitatangging maganda nga ito. Mula sa straight at mahaba na buhok, balingkinitan na katawan, maputing balat, tangkad at magandang hubog ng balakang. Sino ba naman ang hindi magiging top model ng magazine nila?

Napakatamis ng ngiti ng dalaga habang nakatitig sa camera. Seryosong-seryoso naman si Claud sa paghanap ng anggulo rito.

Sa hindi inaasahan ay humahangos na dumating ang isang babae. May pag-aalala ito sa mga mata at parang hindi mapakali. May ibinulong ito kay Nathalie na siyang ikinatutop ng bibig nito. Napatango ito at napatingin sa gawi ng mga magaganda niyang model.

Matapos ang ilang minuto, bumaba na sa platform ang dalaga. Pumalakpak muli si Nathalie at kinuha ang atensyon ng lahat.

"Listen, may hindi magandang balita. Wala si model number 3 dahil nagkaroon ng emergency sa bahay nila. She have to take the full responsibility sa family niya. So the saddest part is, wala tayong ikatlong model," may lungkot sa tinig na pagbabalita ng bakla at tiningnan isa-isa ang mga babaeng kaharap niya.

"Sinong pwede pumalit sa kanya? Hindi naman pwedeng maulit ang figure ninyo sa kabilang page ng magazine natin. Kaya nga ginawa ko iyon dahil kada page, allotted para sa iba't ibang model," namomoroblemang sambit muli niya at nag-dial ng number sa cellphone.

Nagkatinginan ang mga model. Napataas naman ang kilay ni Morrigan at naibaling ang tingin kay Raven na busy sa pagkalikot ng cellphone niya. Napangisi ito at nagtaas ng kamay.

"Mamsh, I respectfully nominate Raven Bustamante as her substitute," mungkahi ni Morrigan dahilan para mapatingin si Raven sa kanya at mapakunot ang noo. Sumenyas ito na hindi siya mahilig sa pagharap sa camera. Ang katotohanan ay sumasama lamang naman talaga siya rito para suportahan ang kaibigan. Kahit kaladkarin pa siya paakyat ng platform ay makikipaghigitan talaga siya.

"Sino?" pag-uulit ni Nathalie na parang gusto siyang makilala. Mas napailing si Raven. Binigyan siya ni Morrigan ng pumayag-ka-na-look pero pilit nitong ipinipilig ang ulo.

"Ay, Nathalie!" Agad nagtaas ng kamay si Raven at napasulyap sa direksyon ni Astrid na abala sa pagtingin-tingin sa ibang model. Napakagat-labi siya nang makuha ang focus ni Nathalie.

"Yes, my dear?" Nilapitan siya nito.

"I think I have better suggestion," ani Raven at napatingin muli kay Astrid. Nasundan naman iyon ng tingin ni Nathalie. Alaganin na tinuro ito ng bakla.

"Si Astrid?" tanong ni Nathalie at napatango-tango si Raven habang naka-thumbs-up.

Nagpantig ang tenga ni Morrigan.

Pinagmasdan muna ni Nathalie ang kabuuang hitsura ng dalaga. Kinikilatis ito kung papasa ba bilang sub ng absent na model.

"Hmm, we can give it a try mga mamsh. Astrid? Astrid, halika rito!"

Mas umusok ang ilong ni Morrigan nang magtama ang titig nila ni Astrid. May kung ano sa presensya nito na ayaw niya. Bukod sa nakadikit ito lagi kay Claud, hindi niya kayang tanggapin na magiging kakompetensya niya ito pagdating sa kagandahan.









Nanghihinang napasandal siya sa katawan ng malaking puno. Narating niya ang bukana ng Alhambra. Nakaramdam siya ng kakaibang kirot sa bandang sikmura. Napagtanto niyang may tama pala siya ng palaso sa parteng iyon. Gamit ang natitirang lakas sa kaliwang kamay, ikinumpas niya ito at nagkaroon ng kakaibang liwanag.

Itinapat niya ito sa sugatan niyang sikmura. Ilang minuto lamang ay nawala ang liwanag at kusang naghilom ang sugat. Napangisi siya.

Nakarinig siya ng mga tawanan at kwentuhan. Boses iyon ng mga lalaking kumukuha ng troso sa kagubatan ng Alhambra. Magtatago na sana siya nang maabutan siya ng mga ito sa tapat ng puno. Gulantang na nakatitig sa kanya ang dalawang magto-troso.

Imbes na matakot sa hitsura niyang kakaiba ang pananamit ay napangisi pa ang dalawa at nagkatinginan. Bakas niya ang masamang balak ng mga ito sa kanya. Otomatiko siyang napatayo na parang walang nangyari matapos mapagaling ang sarili. Hinawakan niyang mahigpit ang salangkay.

"Nawawala ka ba, miss?"

"Hanap mo ba ang daan papunta sa langit?" may pagka-manyak na tanong pa ng isa at binasa ng dila ang pang-ibaba niyang labi. Nagtagis ang bagang ng dalaga.

Sa isang iglap, iwinasiwas niya ang hawak na salangkay at lumabas mula roon ang makapal na usok. Kulay itim ito at gumapang palapit sa dalawang lalaki.

"Ta-tangina!" mura ng isa nang palibutan siya  nito na parang ahas. Hindi siya makahinga. Lumalabas na ang dila nito sa sobrang higpit ng pagkakabigkis ng itim na usok sa kanyang katawan.

Dilat na bumagsak ito sa lupa. Wala nang buhay. Nahihintakutang napaatras ang kasama niya at napatingin sa dalagang nakatitig lamang sa kanya nang masama. Nagkukulay itim na ang buong mata nito.

Sa sobrang takot na nararamdaman, unti-unti siyang napaatras at nabitawan ang hawak na cellphone. Kumaripas siya ng takbo palabas ng kagubatan habang nagsisisigaw.
Naiwang nakatunganga ang dalaga. Sa paanan niya ay ang nakabulagtang bangkay ng kasama nito.

"Ganito ba ang mga mortal? Napakahina ng loob. Madali lamang kontrolin," komento niya at pinulot ang naiwang cellphone. Inalog-alog niya ito na parang hindi alam kung paano gamitin.  Pagkuwa'y napatingin siya sa paligid.

Hindi siya dapat manatili rito nang matagal. Kundi ay baka masundan siya ng mga kawal ng hari.

Pipilitin niyang makihalubilo sa mga normal na tao. Sa gayon, mas magiging ligtas ang pagtatago niya mula sa mga ito.

Lumuhod siya upang kapkapin ang bulsa ng lalaking napaslang niya kanina lamag. Natagpuan niya sa coat nito ang isang magazine. Nakarolyo man ito, tumambad agad sa kanya ang litrato ng isang magandang babae. Sopistikada ang datingan nito.

Sa kabilang pahina, ibang tema naman ng larawan ngunit pareho pa rin ng modelo. May yakap itong beagle dog at napakalawak ng ngiti.

Napaisip siya bigla.

"Tipo ko siyang gawing sisidlan pansamantala," sambit niya sa sarili at ngumisi.



"Ang isa sa tatlong kamahalan ay magbabalat-kayo upang makibagay sa mundo ng mga mortal. May nalalapit nang delubyo. Maghahari na naman ang kasamaan. Malapit na, malapit na."


Kusang nagliwanag ang salamin at nakita roon ang prinsesa na nakatunghay sa hawak na magazine. May ngisi sa mga labi at nangingitim ang mga mata.


***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top