CHAPTER 4
THE MAN SHE LET STAY
Nagising si Sebastian sa katahimikang hindi niya agad maipaliwanag.
Hindi ito yung tahimik habang siya ay nasa panganib, 'yung malamig, at parang may bantay sa bawat galaw mo. Iba 'to. Mas malalim. May hangin na dumadaan sa pagitan ng mga dahon, may huni ng ibon sa malayo, at may pakiramdam na . . . buhay ang paligid.
Unti-unti siyang dumilat.
Kahoy ang kisame. Luma. May mga bitak.
Saglit siyang nanatiling nakahiga, hinahayaan ang alaala na bumalik.
'Yung nangyari sa hospital. Mga yabag. Tunog ng baril. Pagtakas at . . . si Elia.
Napapikit siya sandali bago dahan-dahang gumalaw.
At agad—sumakit ang tagiliran niya.
Napangiwi siya, napahawak sa benda. Hindi pa siya okay. Hindi pa siya dapat gumalaw nang ganito.
Pero hindi siya sanay na walang ginagawa.
Huminga siya nang mabagal, saka pinilit umupo. Sumunod ang pagtayo.
Hindi steady. Hindi maayos pero sapat na para makalabas siya ng kubo.
Pagbukas niya ng pinto, sumalubong agad ang malamig na hangin ng umaga.
At doon ay napahinto siya.
Sa gitna ng bukirin, nakita niya si Elia. Nakita niya nang malinaw ang mukha ng dalaga, maganda ito at namumula ang pisngi, gayundin ay mahabang buhok na sumusunod sa kanyang paggalaw.
Hindi niya maiwasan na mamula . . . "That's the first time, bro," he said to himself.
Nakayuko si Elia, abala sa pagtatanim. Walang arte kahit siya ay madumihan at walang pag-aalinlangan. Mabilis ang galaw, parang kabisado na ng katawan niya ang bawat kilos.
Simple lang ang suot—lumang t-shirt at pantalon. Walang kahit anong nagpapakitang may ibang mundo siya bukod dito.
Hindi agad siya napansin.
Kaya nanatili lang siya sa may pintuan, tahimik na pinagmamasdan siya. "Ang ganda mo pala, Elia," sabi ni Sebastian sa sarili niya at ngumiti. "At ang sarap asarin kasi pikon ka."
Hanggang sa biglang tumayo si Elia at napatingin sa kanya.
"Anong ginagawa mo riyan? Saka bakit ka natatawa?" agad niyang sabi, mabilis ang hakbang papunta sa kanya. "Saka hindi ka pa dapat tumatayo."
May inis ang tono pero mas halata ang pag-aalala.
"I'm fine," sagot ni Sebastian.
Napairap si Elia. "Mukha ba?" sagot niya. "Bumalik ka sa loob."
"Hindi ako pasyente mo."
"Sa ngayon, oo," balik niya agad. "At kung babagsak ka dito, ako rin mahihirapan."
Hindi na siya nakipagtalo.
Sa halip, tumingin siya sa paligid.
"Maaga ka," sabi ni Sebastian.
"Ganito talaga dito," sagot ni Elia. "Hindi umiikot ang mundo sa 'yo."
Bahagyang napangiti si Sebastian.
"Clearly."
At nagkaroon ng daglit na katahimikan. Tapos tumalikod si Elia.
"Wait lang," sabi niya.
Pagbalik niya, may dala na siyang almusal. Iyon ay kanin, itlog, at adobo, sabay inabot din ang baso ng kapeng barako.
Simple, pero mainit.
Inabot niya iyon kay Sebastian.
"Kumain ka na."
Tahimik siyang kumain habang si Elia ay nakatayo lang sa gilid, nakabantay.
"Bakit ka nila hinahanap?" biglang tanong ni Elia.
Huminto si Sebastian at hindi agad sumagot.
"Hindi mo kailangan malaman," sabi niya.
Napairap si Elia. "Expected."
Pero hindi siya tumigil.
"May humahabol sa'yo. Sugatan ka. Wala kang ID. 'Tapos gusto mong manahimik ako?"
Tahimik si Sebastian.
Mas mahaba ang katahimikan ngayon. Hanggang sa . . .
"Hindi sila titigil," sabi niya. "Hangga't buhay ako."
Napatingin si Elia kay Sebastian. May bigat at hindi yabang, kundi . . . katotohanan.
"May pamilya ka?" tanong ni Elia, mas mahinahon na.
Saglit siyang natigilan.
"Meron," sagot niya.
"Nasaan?"
Mas tumagal ang katahimikan.
"Wala na."
Doon nawala ang inis ni Elia. Tahimik siyang umupo sa harap niya.
"Pagod ka na?" tanong niya.
Bahagyang ngumiti si Sebastian—pero hindi masaya. "Matagal na."
Hindi agad nagsalita si Elia.
Hindi siya sanay sa ganitong usapan, 'yung walang biro, walang patutchadahan, walang pang-aasar.
Pero hindi rin siya umiwas.
Sa halip, tahimik lang siyang nakinig.
At sa unang pagkakataon, hindi niya tinanong kung ano ang ginawa nito.
Hindi niya hinanap ang detalye.
Sapat na sa kanya 'yung pagod na naririnig niya sa boses nito.
"Elia?"
Napalingon siya agad.
Nasa may pintuan ng bahay ang tatay niya—Mang Ernesto—nakatingin sa kanila.
Sa tabi nito, nakapameywang ang kapatid niyang babae—Judy—nakakunot ang noo.
"Sino 'yan?" tanong ni Lira, diretso.
Huminga nang malalim si Elia. "Naaksidente siya kagabi," sagot niya. "Nakita ko sa kalsada. Dinala ko sa hospital."
Tahimik si Mang Ernesto, nakatingin kay Sebastian mula ulo hanggang paa.
"Wala siyang kasama. Wala ring ID," dagdag pa ni Elia.
"Dito mo dinala?" tanong ni Judy, halatang hindi kumbinsido.
"Wala naman siyang mapupuntahan," sagot ni Elia.
Napatingin si Mang Ernesto kay Sebastian.
"Anong pangalan mo?" tanong niya.
"Sebastian po," sagot niya, diretso.
"Gaano katagal ka mananatili?" tanong ulit.
"Pansamantala lang," sagot ni Elia agad. "Aalis din siya kapag naka-recover na siya."
Mayamaya ay tumahimik ulit, hanggang sa . . .
"Tutulong ka rito," sabi ni Mang Ernesto.
Tumango si Sebastian. "Yes, sir."
"At walang gulo."
"Understood," sagot ni Sebastian.
Napabuntong-hininga si Judy. "Kung may mangyaring kakaiba, Ate, ikaw bahala," sabi niya kay Elia.
"Alam ko," sagot ni Elia.
Pagpasok ng dalawa sa bahay, naiwan ulit si Elia at Sebastian sa labas.
Tahimik ang paligid at mas kalmado na ngayon.
"Hindi ka na dapat tumayo agad-agad," sabi ni Elia, mas mahinahon na.
"I'm fine."
"Hindi," sagot niya. "Pero matigas ulo mo, so bahala ka."
Bahagyang ngumiti si Sebastian, "Mas gusto ko naman 'yon para mapansin mo ako."
Umirap si Elia at pinitik ang noo ni Sebastian. "Tigas talaga ng ulo mo!"
Lumipas ang ilang oras at unti-unting umiinit ang araw.
Si Sebastian, kahit pilit, sinubukang tumulong . . . magbuhat ng tubig, gumalaw nang kaunti.
Hindi perpekto, mabagal, pero ginagawa niya, para makatulong.
Tahimik lang si Elia habang pinapanood siya mula sa malayo. Hindi siya nagko-comment, pero hindi rin siya umaalis.
Bandang hapon, mas humina na ang araw.
Mas malamig na ang hangin.
Nakaupo si Sebastian sa ilalim ng puno, nagpapahinga. Halatang pagod—hindi lang sa katawan, kundi sa lahat.
Lumapit si Elia, may hawak na maliit na bote ng tubig. Inabot niya iyon. "Drink," sabi niya.
Tinanggap iyon ni Sebastian.
Tahimik ulit. Hanggang sa . . .
"Halika," biglang sabi ni Elia.
Napatingin si Sebastian.
"Saan?"
Tumalikod na siya, parang hindi na kailangan mag-explain.
"May lugar dito," sabi niya. "Hindi malayo."
"Safe?"
"Mas safe kaysa sa iniisip mo," sagot ni Elia.
Saglit siyang nag-isip, 'tapos tumayo. "Okay."
Naglakad sila papalayo sa bukirin. Dahan-dahan. Mabagal para kay Sebastian.
Tahimik ang paligid—tanging tunog ng paa nila sa lupa at hangin sa mga puno. Hanggang sa makarating sila sa isang maliit na bahagi ng bukid—may ilog.
Hindi malaki, hindi malalim, pero malinaw ang tubig.
Tahimik.
Presko.
At huminto si Elia. "Dito," sabi niya.
Napatingin si Sebastian sa paligid.
"Nice," sabi niya.
Umupo si Elia sa tabi ng damuhan, hinayaan ang hangin na dumaan sa kanya. Ginaya naman iyon ni Sebastian at umupo si Sebastian sa tabi ni Elia.
"Peaceful right?" tanong ni Elia kay Sebastian.
Tumango naman si Sebastian kaya napangiti si Elia. First time niyang makita ang dalaga na ngumiti at lalo pa siyang nagandahan dito.
Saglit lamang, biglang tumayo si Elia at sumuong sa ilog at lumublob. Naguluhan pa si Sebastian sa ginawa nito, pero bago pa siya makapagsalita ay narinig na lamang niya ang tawa nito habang umaahon sa tubig.
"Halika!" sigaw ni Elia, habang pinapadyak ang tubig na parang batang unang beses nakaranas ng saya.
Hindi agad kumilos si Sebastian. Bahagya siyang nag-alinlangan, tila inaalala ang sarili niyang kondisyon, pero sa huli ay dahan-dahan din siyang lumusong sa mababaw na parte ng ilog.
Paglapit niya, agad siyang tinalsikan ni Elia ng tubig. Napapikit siya sandali, saka napailing.
"Hoy—" aniya, pero hindi naman galit, mas parang hindi makapaniwala.
Tumawa lang si Elia at umiwas pa, sabay ulit na sumalok ng tubig at hinagis sa direksyon niya—hindi malakas, hindi mapanakit, parang pang-aasar lang na may halong gaan ng loob.
Hindi naman lubusang sumuong si Sebastian. Ingat na ingat siya sa bawat galaw, lalo na sa tagiliran niya kung saan bagong tahi pa ang sugat. Bahagya lang ang tubig na umaabot sa kanya—hinahayaan niyang mabasa ang kamay at paa, pero maingat niyang iniikot ang katawan para hindi tamaan ang side wound.
Napansin iyon ni Elia.
Huminto siya saglit sa kakatawa, saka lumapit nang mas mahinahon. "Dahan-dahan ka lang," sabi niya, mas malambot na ang boses ngayon.
Tumango si Sebastian, bahagyang napangiti. "I'm fine. I just can't get it wet," aniya, maingat ang bawat salita.
"Okay," sagot ni Elia. Hindi na siya nagbiro ng malakas, hindi na rin siya basta talsik nang talsik. Sa halip, naglaro na lang siya sa tubig sa harap nito, parang sinasabay ang galaw niya para hindi siya mapilit maabala.
Si Sebastian, kahit limitado ang kilos, hindi na rin umiwas sa saya. Paminsan-minsan, hinahayaang tamaan ng kaunting patak ng tubig ang braso niya, sapat lang para maramdaman ang lamig—pero hindi kailanman ang sugat.
Habang unti-unting humuhupa ang tawanan nila, huminto si Elia sa gitna ng mababaw na bahagi ng ilog. Hinayaan niyang dumaloy ang tubig sa kanyang mga paa, saka siya bahagyang tumingala sa langit na parang may hinahabol na alaala.
"Alam mo . . ." mahinang sabi niya, hindi agad tumitingin kay Sebastian, "ang hirap ng buhay saa Pilipinas."
Saglit siyang tumigil, hinayaan munang lamunin ng katahimikan ang paligid bago muling nagsalita.
"Minsan, hindi mo naman kasalanan pero parang kailangan mong lumaban araw-araw," dagdag niya, mahina pero ramdam ang bigat sa boses. "May araw na okay ka . . . tapos bigla na lang may babagsak ulit sa'yo na problema."
Napahinga siya nang malalim, saka bahagyang tumingin kay Sebastian, parang sinusubukang ipaliwanag ang hindi madaling ipaliwanag.
"Pero kahit gano'n . . . natututo ka ring ngumiti. Kasi wala ka namang choice kung hindi magpatuloy."
Pagkatapos ng ilang sandaling paglalaro sa ilog, napansin ni Sebastian na unti-unting bumabagal si Elia. Yung kanina ay masigla at maingay, ngayon ay parang nilalamig na.
Pag-ahon nila, bigla itong niyakap ng hangin. Napayakap si Elia sa sarili niya, nanginginig ang balikat habang tumutulo pa ang tubig sa kanyang damit.
"Grabe . . . ang lamig pala," reklamo niya habang nanginginig ang boses.
Napatingin si Sebastian sa kanya—tahimik lang muna, parang sinusukat kung gaano kalala. 'Tapos, hindi niya napigilan ang sarili.
Bigla siyang tumawa.
Hindi 'yung maingay na tawa, kundi yung totoo, 'yung gulat na halatang hindi niya inaasahan.
"Seriously?" sabi niya sa pagitan ng tawa. "Kanina ang lakas mo pa, ngayon nanginginig ka na?"
Lalo lang nainis si Elia kaya hinampas siya ng marahan sa braso, kahit nanginginig pa rin siya. "Hoy! Hindi ako sanay sa lamig!"
Mas lalong tumawa si Sebastian, bahagyang umiiling habang tinatanggal ang ilang tubig sa buhok niya. "You were the one who jumped in first."
"Ewan ko sa 'yo!" sagot ni Elia, pero halatang napapangiti na rin kahit nanginginig pa rin.
Sandaling tumigil si Sebastian sa pagtawa, saka napabuntong-hininga. Inalis niya ang suot niyang outer layer at iniabot sa kanya.
"Oh, here. Baka sakaling makatulong ka pa sa pagyeyelo mo."
Tinitigan siya ni Elia, saka kunwaring inirapan siya bago kinuha ang damit. "Ang yabang mo talaga."
Ngunit kahit reklamo, suot niya pa rin iyon at sa unang pagkakataon kanina, hindi na siya gaanong nanginginig.
Si Sebastian naman, nakatingin lang, may maliit na ngiti pa rin sa labi niya. parang kahit papaano, mas magaan na rin ang hangin sa pagitan nilang dalawa.
Unti-unting humupa ang tawa ni Sebastian habang nakatingin kay Elia na nakasuot ng pinahiram niyang damit. Kahit reklamo pa ito kanina, halatang komportable na rin ngayon.
"Ang lamig pa rin . . ." mahinang sabi ni Elia habang pinipiga ang dulo ng damit niya.
Umiling si Sebastian, bahagyang nakangiti. "Sabi ko kasi, huwag ka masyadong magpadalos-dalos."
"E 'di sana hindi ka na tumawa," balik ni Elia, sabay irap pero hindi na rin seryoso ang inis.
Sandaling katahimikan ang bumalot sa kanila. Yung hangin, mas malamig na ngayon, pero hindi na kasing bigat ng kanina.
Si Sebastian ang unang nagsalita. "Uwi na tayo. Baka magkasakit ka pa."
"Concern ka pala, ha," sagot ni Elia, pero sumunod na rin siya habang hinihila ang laylayan ng suot niya.
Habang naglalakad sila palayo sa ilog, bahagyang napalingon si Elia sa likod, parang ayaw pa niyang tapusin ang araw na iyon.
"Sebastian," tawag niya.
"Hm?"
"Bukas . . . samahan mo ako."
Napatingin siya rito. "Saan?"
"Sa palengke," sagot ni Elia, sabay bahagyang ngiti. "Bibili tayo ng damit mo. Sa ukay."
Natigilan si Sebastian ng isang segundo, saka napailing na may halong amusement. "Ukay?"
"Oo," simpleng sagot ni Elia. "Wala kang choice."
Sandaling natahimik si Sebastian, tapos bahagyang ngumiti. "Fine."
Ngumiti si Elia, mas malinaw na ngayon kaysa kanina.
At habang papalubog ang araw sa likod nila, naglakad silang dalawa pabalik.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top