CHAPTER 5
THE MAN WHO BROKE HER WALLS
Maagang nagsimba sina Elia at Sebastian.
Tahimik ang loob ng simbahan. Malamig, payapa, at parang hiwalay sa mundong magulo sa labas. Nakaupo si Elia, nakapikit, nakatiklop ang mga kamay. Mahinahon ang paghinga niya, pero may lalim . . . parang may dinadala pa rin mula kahapon.
Si Sebastian, nasa tabi lang habang nakatitig kay Elia. Alam niya kasi na may mas malalim pang dahilan si Elia, sobrang bigat ng dinadala niya pero ginagawa lamang niya ang responsibilidad niya.
Hanga si Sebastian sa kung paano ito nananatiling matatag kahit halatang pagod na.
At sa unang pagkakataon . . . hindi niya gustong lumayo.
Pagbalik nila sa bukid, sinalubong sila ng ingay ng fiesta. May tugtog, may tawanan, may amoy ng lutong pagkain.
Si Judy, abala sa pagbibigay ng pagkain sa mga bisita. "Kuha na po kayo! Mainit pa!" sigaw niya habang paikot-ikot ang bandehado.
Si Elia, agad na sumabay . . . inaayos ang mesa, tumutulong sa kusina, at sinisigurong walang kulang.
Si Sebastian, tahimik lang na nakamasid.
Hanggang sa . . . "Oy, Elia!" Napalingon ang dalaga.
Si Mang Carding, kumpare ng tatay niya, nakangising papalapit. "Sino 'tong kasama mo?" tanong nito, sabay turo kay Sebastian.
"Kaibigan po," sagot agad ni Elia.
"Kaibigan?" ulit ni Mang Carding, sabay tawa. "Mukhang jowa na 'yan ah!"
May ilang napatingin at may mga tumawa. Ang tatay naman ni Elia na si Mang Ernesto ay napahawak sa itak sa gilid. "Aba ay iitakin ko iyan kapag nangyari," pagbabanta nito.
Napalagok si Sebastian, kahit mabait ang pakikitungo ng tatay ni Elia sa kanya e nakakatakot talaga ang aura nito.
"Bagay nga sila!" dagdag pa ng isa.
Uminit ang pisngi ni Elia. "Hindi po . . ."
"She's not my girlfriend," biglang sabi ni Sebastian.
Tumahimik sandali, 'tapos bahagyang tumingin si Sebastian kay Mang Carding—hindi galit, pero may bigat ang titig.
"But if anyone messes with her . . ." mababa niyang dagdag, ". . . I won't take it lightly."
Nanahimik ang ilan, 'tapos . . . biglang tumawa si Mang Ernesto. "Ay! May bantay!" biro nito.
Napailing si Elia, pero hindi niya napigilang ngumiti.
"Biro lang 'yon," bulong ni Sebastian.
"Hindi nakakatawa," sagot niya, pero mahina na.
Maya-maya, may nag-abot ng tagay kay Sebastian, kaya hindi niya tinanggihan. Nakipaglaro pa nga sa mga lasinggero ng tongits.
Napapanganga na lang si Elia dahil magaling si Sebastian maglaro nito. "Baka lahing sanggano talaga 'tong lalaksot na 'to."
"Tikim!" sabi ng isa.
Nag-alinlangan siya, saka tumingin kay Elia na para bang ang dalaga ang kumander. "Kaunti lang," sabi ni Elia.
Tumango si Elia.
Isang higop.
Dalawa.
Hindi siya nalasing, pero sapat para medyo mag-relax siya. Maya-maya ay tumayo siya at pinuntahan si Elia.
"Halika."
"Saan?" tanong ni Elia.
"Perya."
"Wala akong pera," agad niyang sagot.
"Don't worry about it," sabi ni Sebastian. "I made sure we could go. Saka nanalo ako sa tongits, 'di ba?"
Hindi na siya nagtanong pa kaya sumunod na lang siya.
Pagabi na nang makarating sila sa perya, na parang ibang mundo. May ilaw na umiikot, may musika, may tawanan ng mga bata.
Napangiti si Elia at napansin iyon ni Sebastian. At hindi niya maiwasang tumingin nang matagal.
"Ililibre mo ba ako?" tanong ni Elia kay Sebastian.
"Do as you wish," sabi ni Sebastian at ini-offer ang kamay niya. "May I hold your hand, Miss?"
Binigay naman ni Elia ang kanyang kamay at hinigit ang binata kung saan-saan. Noong nakapunta na sila sa mga booth, tumigil sila sa may ferris wheel.
"Try natin," sabi ni Sebastian.
Tahimik na tumango si Elia.
Pag-upo nila sa maliit na cabin, marahan itong umangat. Unti-unting lumayo ang lupa, at lumawak ang tanawin ng perya sa ibaba. 'Yung ingay ng tao, musika, at tawanan, parang unti-unting nagiging background lang. Mas nangingibabaw ang katahimikan sa loob ng cabin.
Tahimik si Elia, hindi dahil komportable kundi dahil wala siyang masabi.
Nakatingin siya sa labas, pinapanood ang mga ilaw na kumikislap sa ibaba.
"Ang ganda . . ." mahina niyang sabi, halos sa sarili lang. Kinuha niya ang cellphone niya at pinicture-an ang paligid.
Mula sa taas ng ferris wheel, unti-unting luminaw ang buong perya—mga ilaw na parang kumikislap na bituin, mga rides na umiikot sa malayo, at mga taong nagmumukhang maliliit na gumagalaw sa ilalim. Kanina'y maingay at magulo, pero dito sa itaas, parang mas kalmado lahat. Mas malayo. Mas tahimik.
Saglit siyang hindi gumalaw, nakatingin lang, habang humahampas sa kanya ang malamig na hangin ng gabi.
Nagkaroon ng sandaling katahimikan at napansin niya na hindi sumagot si Sebastian. "Tara, picture tayo."
Itinapat ni Elia ang phone sa sarili niya at in-on ang selfie mode. Bahagya pa siyang umayos ng upo, sinusubukang hanapin yung tamang angle habang nasa ferris wheel sila.
Sa gilid ng screen, napansin niya si Sebastian.
Nakatitig ito sa kanya.
Diretso.
Hindi sa tanawin sa labas, hindi sa phone, kundi sa kanya mismo.
Parang may iniisip. Parang may sinusubukang basahin sa mukha niya na hindi niya maipaliwanag.
"Bakit?" tanong ni Elia, bahagyang kumunot ang noo. Hindi niya inaalis ang phone, pero bumalik ang tingin niya sa camera, sinusubukang i-include si Sebastian sa frame.
Si Sebastian, hindi agad sumagot.
Nanatili lang siyang nakatingin.
Sandali pa bago siya bahagyang gumalaw, mas lumapit ng konti sa frame ng selfie.
"Wala," sagot niya sa huli, mababa ang boses.
Pero hindi pa rin siya umiwas ng tingin.
Kaya imbes na magsalita ulit si Elia, bahagya niyang inikot ang phone para mas kita silang dalawa. Nag-adjust siya ng pwesto, saka sinubukang ngumiti sa camera.
"Tumingin ka nga rito," sabi niya, bahagyang naiinis pero may halong biro.
Hindi agad sumunod si Sebastian.
Pero kalaunan, dahan-dahan siyang tumingin sa camera.
Hindi pa rin ganap na ngiti.
Pero hindi na rin yung seryosong titig kanina.
Pinindot ni Elia ang capture.
Click.
Saglit na katahimikan.
Tiningnan niya ang picture.
Siya, nakangiti nang bahagya.
Si Sebastian, nakatingin sa camera, pero parang kahit sa litrato, may kung anong iniisip pa rin.
"Ang weird mo talaga," bulong ni Elia, habang ini-scroll ang picture.
"Same," sagot ni Sebastian, bahagyang nakangiti na ngayon.
Huminga si Elia nang mabagal, saka mabilis na umiwas ng tingin sa phone. Akala niya mapipigilan niya 'yung ngiti, pero hindi rin niya maitago nang tuluyan—nandoon pa rin, maliit lang sa gilid ng labi niya.
Si Sebastian, napatingin sa kanya.
Hindi agad nagsalita.
Hindi rin ngumiti.
Parang may iniisip lang siya, tahimik, pero hindi mabigat na tingin . . . kundi 'yung klase ng titig na hindi mo maintindihan kung seryoso ba o nag-aalala.
Napakunot ang noo ni Elia.
"Bakit?" tanong niya, sabay balik ng tingin sa phone. Sinubukan niyang i-focus ulit yung camera, kunwari abala sa selfie, pero ramdam pa rin niya 'yung atensyon ni Sebastian sa kanya.
Nagkaroon ng sandaling katahimikan, 'tapos bigla, huminga si Sebastian nang mabagal.
Parang may desisyong gustong gawin pero hindi pa sigurado.
Kaya imbes na magsalita, umusog siya nang kaunti palapit kay Elia. 'Yung galaw na parang binibigyan siya ng chance na umatras kung gusto niya.
Napatingin si Elia sa kanya, pero hindi pa rin siya umalis sa pwesto niya.
Itinaas ni Sebastian ang kamay niya . . . dahan-dahan.
At marahang hinawakan ang pisngi ni Elia para maayos 'yung angle nila sa camera, kunwari lang simple, pero hindi agad binitawan.
Mainit.
'Yung init ng palad niya, ramdam ni Elia hanggang sa likod ng batok niya.
"Sebastian . . . " mahina niyang sabi, hindi sigurado kung reklamo ba o tanong.
Hindi siya sinagot agad. Sa halip, mas lumalim lang 'yung tingin ni Sebastian sa kanya.
At doon niya napansin, hindi na ito 'yung usual na pang-aasar. Hindi rin yung relaxed na Sebastian na nasasanay na siya . . . parang may ibang iniisip.
"Tell me to stop," mahinang sabi ni Elia.
Diretso . . .
Walang biro . . .
Walang ngiti . . .
Seryosong nakatingin ang binata sa kanya.
Napahinto si Elia.
Sandaling tumigil 'yung paggalaw ng kamay niya na hawak ang phone. 'Yung utak niya, parang hindi agad makasunod.
"Bakit ganito? Kanina lang . . . okay naman kami pero . . . bakit siya naging ganito?" tanong ni Elia sa kanyang isipan.
Napatingin siya sa kamay ni Sebastian sa pisngi niya, 'tapos sa mata nito. Doon lalo siyang na-confuse.
'Yung katahimikan sa loob ng cabin, napalitan ng kalabog ng dibdib niya. Parang mas lumakas ang lahat . . . 'yung hangin, 'yung ilaw sa labas, pati 'yung sariling paghinga niya.
Mabagal niyang ipinikit ang mata niya sandali.
Hindi bilang sagot.
Kundi parang sinusubukan lang i-process kung bakit hindi niya maitulak yung kamay nito, o bakit hindi siya gumagalaw.
Pagmulat niya, hindi pa rin siya umiwas. At doon, mas marahan na lumapit si Sebastian. 'Yung galaw na parang nag-aalangan pa rin, parang sinusukat kung hanggang saan lang. Hanggang sa halos magkapantay na ang hininga nila.
At bago pa tuluyang magulo ang isip ni Elia . . . hinalikan siya ni Sebastian.
Marahan.
Kontrolado.
Isang maikling halik lang sa una, parang humihingi muna ng pahintulot sa sandali mismo.
Nanigas si Elia sa unang segundo. Hindi dahil may ayaw siya.
Kundi dahil hindi niya inaasahan—sa lugar, sa oras, at sa mismong tao sa harap niya. 'Yung isip niya, biglang nawala sa ayos. Parang walang malinaw na reaksyon na mabuo agad.
Pero hindi siya umatras, hindi rin siya gumalaw.
Nanatili lang siya, parang frozen sa biglang pagbabago ng lahat.
At ilang sandali pa, hindi pa rin niya alam kung anong eksaktong nararamdaman niya—hindi ito agad naging malinaw na kilig o kahit ano.
Mas naging . . . ano 'to? Ba't nangyayari 'to? Ba't hindi ako umaalis?
Hanggang sa bahagya siyang huminga, at doon pa lang unti-unting humiwalay si Sebastian.
Parang parehong ayaw sirain yung katahimikan, pero alam nilang kailangan. Nanatili silang magkalapit.
Hindi agad nagsalita.
Si Elia, agad umiwas ng tingin. Hinawakan niya 'yung phone niya pero hindi niya na kayang tingnan ang screen.
Si Sebastian, nakatingin lang sa kanya, parang sinusubukan ding basahin kung ano ang nangyari sa kanya.
"...Sebastian," mahina niyang sabi, pero natigil din siya.
Walang kasunod.
Walang salita na mahanap.
Kaya bumalik sa katahimikan.
Hindi pa niya naiintindihan. Hindi pa niya ma-label.
Pero alam niya isang bagay . . . may nangyari, at hindi na ito simpleng sandali na puwedeng balewalain.
"Let's go home," Sebastian said.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top