CHAPTER 3
THE MAN WHO SHOULDN'T STAY
Mahina ang ilaw sa hospital corridor, malamlam na parang ayaw gumising ng buong gusali sa nangyayari sa loob nito. Tahimik ang paligid pero sa likod ng katahimikang 'yon, may gumagalaw na panganib.
Sa isang kwarto, nakahiga si Sebastian sa kama, may benda sa tagiliran at nakakabit pa ang IV line. Hindi pa siya dapat gumagalaw. Pero gising na gising ang isip niya.
Sa tabi niya, si Elia na nakatayo, naka-alerto, patingin-tingin sa pinto na parang anumang oras may lalabas.
"Let's get out of here," ulit ni Sebastian, mababa ang boses at pigil ang sakit.
Napalingon si Elia agad, agad ang reaksyon. "Anong sabi mo? Baliw ka ba? Hindi ka pa nga maayos."
Pero bago pa siya makapagtuloy, naputol si Sebastian.
"May babalik."
Isang linya lang pero sapat na para tumahimik si Elia.
Alam niya kung sino ang tinutukoy nito.
Sa labas, may mga yabag-malayo pa, pero papalapit. Hindi malinaw, pero sapat na para mag-init ang kaba sa dibdib niya.
Napatingin siya sa pinto. Tapos sa IV line. Tapos sa sugatang lalaki sa harap niya.
"Hindi ka nga makatayo ng maayos," bulong niya, mas mahina na ngayon, mas totoo na ang takot.
Pero unti-unti, sinubukan ni Sebastian ang sarili niyang bumangon.
Doon agad siya napangiwi, halos bumigay ulit.
Agad siyang sinalo ni Elia bago pa siya tuluyang matumba.
"Ang kulit mo," inis niya, pero mahigpit ang hawak niya. "Gusto mo bang bumalik ka sa ER?"
"Gusto mo bang maabutan nila ako dito?" sagot ni Sebastian, diretso ang tingin.
Doon nawala ang argumento, pero tensyon lang ang naiwan.
Ilang segundo silang gano'n . . . walang gumagalaw, pero pareho nang desidido.
Napabuntong-hininga si Elia.
"Fine," sabi niya. "Pero makikinig ka sa 'kin."
Hindi sumagot si Sebastian, pero hindi rin tumutol.
Dahan-dahan, inabot ni Elia ang IV line.
"Masakit 'to," babala niya.
"Do it," sagot niya agad.
Isang mabilis na galaw.
Napangiwi si Sebastian pero pinigilan niya ang kahit anong ingay. Agad itong tinapalan ni Elia at inayos ang sugat, mabilis, sanay sa pressure kahit hindi sanay sa sitwasyon.
"Okay," bulong niya pagkatapos. "Kaya mo bang maglakad?"
Walang sagot mula sa binata pero sinubukan lang niya.
Mabagal. Mabigat. Halatang hindi pa kaya ng katawan niya, pero pinilit niya.
Agad siyang inalalayan ni Elia, isinabit ang braso niya sa balikat nito.
"Ang bigat mo," reklamo niya, pero hindi siya bumitaw.
Bahagya itong napangiti.
"Sorry."
Dahan-dahan silang lumapit sa pinto.
Huminto si Elia.
Sumilip.
Tahimik ang hallway.
Pero hindi siya kampante.
"Pag may nakita tayong tao, ikaw ang magtatago," bulong niya.
"You're the girlfriend," sagot nito. "You handle it."
Napairap si Elia kahit kinakabahan.
At doon nagsimula ang pagtakas.
Mahina ang ilaw sa hallway habang dahan-dahan silang gumagalaw palabas ng kwarto. Si Elia ang nauuna, tinitingnan ang paligid, si Sebastian naman ay pilit na sumusunod sa bawat hakbang, nakasandal sa kanya para hindi bumagsak.
"Lakarin mo lang na parang normal," bulong niya.
"Normal?" sagot ni Sebastian, halos walang boses.
"Okay . . . less abnormal."
Isang nurse sa malayo ang abala sa station. Walang nakatingin sa kanila. Pero bawat segundo, pakiramdam ni Elia parang may mata sa likod nila.
Hanggang sa . . .
May mga yabag ulit.
Mas malapit.
Mas mabigat.
"Sh . . ." agad niyang hinila si Sebastian sa isang side corridor.
Muntik silang madulas sa biglaang galaw, pero napasandal sila sa malamig na pader.
Dikit sila ngayon. Sobrang lapit.
"Don't move," bulong ni Elia.
Naririnig nila ang yabag sa labas. Dalawang lalaki. Nag-uusap.
"Sigurado ka dito siya dinala?"
"Check the rooms."
Humigpit ang hawak ni Elia sa damit ni Sebastian. Ramdam niya ang mabagal pero mabigat nitong paghinga.
"Relax," bulong nito, kahit siya ang sugatan.
Napairap si Elia, halos hindi makapaniwala. "Relax?!"
Pero hindi siya gumalaw.
Lumagpas ang mga yabag.
Isa pang segundo.
Dalawa.
Hanggang sa tuluyang nawala ang tunog.
Doon lang siya huminga nang malalim.
"Okay," bulong niya. "Kailangan na nating umalis. Ngayon."
Mabilis na ang galaw nila pagkatapos nun. Mas delikado, mas hindi kontrolado, pero mas desidido.
Nakahawak pa rin si Elia sa kanya habang pababa sila ng fire exit. Mabigat ang bawat hakbang, pero mas mabigat yung kaba sa dibdib niya.
"Akala ko wala ka pang malay," bulong niya, medyo inis.
Bahagyang napatingin sa kanya ang lalaki.
"Rinig mo pala 'yon?" tanong ni Elia.
Saglit na natahimik si Elia, saka napairap.
"Syempre," sagot niya. "Pinilit ko na gising ako."
Sumalubong ang malamig na hangin ng gabi. Halos sabay silang napahinga, pero hindi pa tapos.
"May sasakyan ka?" tanong ni Sebastian.
Napatingin si Elia, kahit pagod na pagod na.
"Tinanong mo pa talaga 'yan ngayon?"
Bahagya itong ngumiti. "Worth asking."
Napailing siya. "Tricycle sa kanto."
"Let's go."
Hawak pa rin ni Elia ang lalaki. Halos siya na ang sumasalo sa bigat nito.
"San tayo pupunta?" tanong nito, mahina pero alerto pa rin.
Saglit na tumingin si Elia sa paligid bago sumagot.
"Sa bahay ko."
Napatingin ito sa kanya.
"Bahay mo?"
"Oo," sagot niagad. "Hindi puwedeng dito ka lang magtago. Masyadong obvious."
"Risky," sabi ni Sebastian.
"Alam ko," sagot niya. "Pero mas risky kung mahahanap ka nila dito."
Hindi na ito sumagot.
Sumakay sila sa tricycle na nakuha ni Elia sa kanto.
Sa loob ng ilang oras, lumayo sila sa lungsod. Tahimik ang biyahe, tanging ilaw ng poste ang dumadaan sa mukha nila, parang mabilis na alaala ng lugar na iniiwan nila.
"Malayo ba?" tanong ng lalaki matapos ang ilang minuto.
"Malayo," sagot ni Elia. "Mas mabuti na 'yon."
"San ka nakatira?"
"Sa bukid."
Napatingin ito sa kanya.
"Bukid?"
"Oo," simple niyang sagot. "Malayo sa lungsod. Walang tao masyado. Walang CCTV. Walang magtatanong."
Saglit na katahimikan.
"Safe," sabi ni Sebastian.
"Hopefully," sagot ni Elia.
Hindi na sila nag-usap pagkatapos.
Pero kahit tahimik, hindi na mabigat tulad kanina.
Parang unti-unti, bumabagal ang mundo.
Makalipas ang ilang oras, pumasok sila sa mas madilim na kalsada.
Walang ilaw.
Walang buildings.
Hanggang sa unti-unting lumitaw ang malawak na taniman—mga puno, lupa, at hangin na amoy probinsya.
"Dito ka nakatira?" tanong ng lalaki, mas mahina na ngayon.
"Dito ako lumaki," sagot ni Elia.
Huminto ang sasakyan sa harap ng simpleng bahay—kahoy, lumang istruktura, pero maayos pa rin.
Tanging huni ng kuliglig at hangin sa mga dahon ang naririnig. Ang ilaw sa maliit na bahay ay mahina lang, parang ayaw makatawag ng pansin.
"Walang tao," sabi ni Sebastian.
"Good," sagot ni Elia habang binubuksan ang pinto.
"Good for hiding."
"Exactly," sabi ni Elia.
Dahan-dahang inalalayan ni Elia si Sebastian papunta sa isang maliit na kubo sa gilid ng bakuran—mas luma pa kaysa sa kanilang bahay pero mas tago.
"Dito ka muna," sabi niya habang binubuksan ang pinto.
Amoy kahoy at lumang alikabok ang sumalubong sa kanila.
"Hindi ito hotel," dagdag niya agad, parang inunahan na ang reklamo.
"Noted," sagot ni Sebastian, mahinang-mahina na pero may bahid pa rin ng biro.
Pinaupo niya ito sa maliit na papag. Agad niyang inayos ang unan at kumot na halatang matagal nang hindi nagagamit.
Pagkatapos, humakbang siya palayo, nakatingin dito na parang sinusuri pa rin kung safe ba talaga ang ginawa niya.
"Alam mo," sabi niya habang nakapameywang, "kung hindi ka sugatan, mukhang ikaw pa yung klase ng taong sanggano."
Napatingin si Sebastian sa kanya. "Ako?" tanong nito.
"Oo," sagot ni Elia agad. "Yung tipong magulo, delikado, laging may hinahabol na tao."
Sandaling katahimikan sabay biglang banat ni Sebastian: "Interesting interpretation," mahina nitong sagot.
Mas lalo lang nainis si Elia.
Lumapit siya at walang babalang binatukan ito sa ulo.
"Aray!" reklamo agad ni Sebastian at napahawak sa ulo.
"Para matauhan ka," sabi ni Elia. "Hindi ka dito pwede mag-astang normal lang. Nasaksak ka pa nga."
Napapikit si Sebastian, pero hindi galit.
Sa halip, may kaunting amusement pa rin sa mukha niya.
"Noted," ulit niya.
Napairap si Elia.
"Kung mamamatay ka dito, problema ko pa."
"Relax," sagot nito. "Hindi pa ako mamamatay."
"Wow, confident!"
"Survival instinct."
Napahinto si Elia, tinitigan siya.
"Ang yabang mo pa rin kahit halos maubusan ka na ng dugo," bulong niya.
Hindi sumagot si Sebastian agad.
Sa halip, dahan-dahan niyang binigkas—"Sebastian."
Natigilan si Elia. "Ha?"
"Sebastian," ulit niya, mas malinaw na ngayon. Parang sinusubukan niyang pakinggan kung tama ba ang narinig niya dati.
"Yan ang sinabi mo sa nurse."
Napakurap si Elia at saglit niyang naalala.
"Ah . . . " sabi niya, umiwas ng tingin. "Oo! 'Yun na lang kasi—"
"Hindi ka sure," putol nito.
Tahimik si Elia.
"Hindi mo pala alam pangalan ko," dagdag ni Sebastian, bahagyang nakangiti.
"Eh kasi—" defensive agad si Elia. "Wala ka naman kasi sinasabi! Akala ko mamamatay ka na noon!"
"Fair."
Napairap ulit si Elia. "Sebastian ka ba talaga?" tanong niya.
Nagkaroon ng saglit na katahimikan, pagkatapos ay tumango ito.
"Oo."
Napabuntong-hininga si Elia. "Ang komplikado mo talaga."
"Hindi pa 'yan ang complicated part," sagot ni Sebastian.
Napatingin siya ulit. "May mas malala pa?"
Ngumiti lang si Sebastian nang kaunti pero hindi sumagot.
At sa unang pagkakataon mula nang magsimula ang lahat naramdaman ni Elia na hindi lang sugat ang dala ng lalaking 'to. May mas mabigat pa. Mas delikado.
Tahimik ang gabi sa bukid. Sa maliit na kubo, halos marinig ni Elia ang sariling paghinga niya.
Nakaupo siya sa sahig malapit sa papag. Si Sebastian naman, nakahiga pero hindi tulog—nakatingin lang sa kisame na parang may iniisip na hindi niya sinasabi.
May pagitan sila.
Hindi lang espasyo. Pati tiwala.
"Hindi ka matutulog?" tanong ni Elia, mahina pero diretso.
"Hindi pa," sagot ni Sebastian.
"Baka maubos ulit dugo mo riyan," sabi niya, halatang inis pa rin.
Bahagyang napalingon si Sebastian sa kanya. "You're very worried for someone you don't fully know," sabi nito.
Napatingin si Elia sa kanya agad.
"Hindi ako worried," mabilis niyang sagot. "Ayaw kong magkaroon ng bangkay sa bukid namin."
"Practical," pamimilosopo ni Sebastian.
"Realistic," Elia said, with a sarcastic tone.
At nagkaroon muli ng sandaling katahimikan. Ang kuliglig sa labas ang tanging sumisingit sa pagitan nila.
Si Elia, hindi mapakali. Si Sebastian, hindi rin relaxed, halatang may iniinda.
"Bakit ka nila hinahanap?" biglang tanong ni Elia.
Hindi agad sumagot si Sebastian. "Hindi mo kailangan malaman," sagot niya kalaunan.
Napairap si Elia kahit hindi niya makita.
"Syempre, baka kasi kriminal ka!"
Tumagilid si Sebastian ng kaunti, napangiwi sa sakit.
Napansin agad ni Elia.
"Huwag kang gagalaw kung masakit," sabi niya.
"Noted," mahina niyang sagot.
Pero imbes na humiga ulit nang maayos, nanatili siyang gising.
Parang pareho silang hindi mapakali.
Pagkaraan ng ilang minuto, nagsalita ulit si Sebastian.
"Why did you help me?"
Napahinto si Elia. Tumingin siya sa sahig, hindi agad sumagot.
"Hindi ko alam," tapat niyang sagot pagkatapos ng ilang segundo. "Nakita lang kita. Nandoon ka na."
"Risky decision."
"Alam ko," sabi ni Elia.
Sandaling katahimikan.
Tapos, mas mababa ang boses ni Sebastian: "You could've left me."
Napatingin si Elia sa kanya. "Pwede," sagot niya. "Pero hindi ko ginawa . . ." Bigla niyang naalala ang nanay niya. "Ayaw ko lang siguro na may makita ulit ako na may mamatay sa harapan ko nang walang ginagawa."
Bumalik ang katahimikan at mas mabigat ngayon.
"Hindi mo pa rin ako kilala," sabi ni Sebastian, kalaunan.
"Alam ko," sagot ni Elia.
"Pero tinawag mo akong boyfriend," pang-aasar niya.
Napairap si Elia. "Emergency situation 'yon," paliwanag niya. "Hindi ako pwedeng magsabi ng 'random injured guy na hindi ko kilala' sa nurse. Ako pa mapapahamak!"
Bahagyang ngumiti si Sebastian.
"Convenient to say that I am your boyfriend."
"Don't get used to it," Elia said.
"Too late," mahinang sagot nito.
Napatingin si Elia. "Ha?"
Pero hindi na sumagot si Sebastian. Tumingin lang siya ulit sa kisame. Parang doon niya itinatago lahat ng sagot.
Si Elia naman, unti-unting napahinga.
Pero hindi pa rin siya kampante. Hindi niya alam kung sino talaga ang nasa harap niya.
At ang mas nakakatakot—hindi niya alam kung bakit, kahit gano'n . . .
hindi pa rin siya lumalayo.
Sa labas, lumakas ang hangin. Sa loob, pareho silang gising.
Magkaiba ng dahilan, pero parehong hindi makatulog.
Magaan lang ang galaw ng hangin sa labas ng kubo, pero sa loob parang mas mabigat pa rin kaysa kanina ang katahimikan.
Si Elia, nakaupo pa rin sa sahig, nakasandal sa lumang pader. Si Sebastian, nakahiga sa papag, hindi pa rin tulog.
Ilang minuto ang lumipas na walang nagsalita.
Hanggang sa siya na mismo ang bumasag.
"Umalis ka na lang kaya," sabi ni Elia, hindi siya tumitingin. "Kahit bukas na."
Hindi agad sumagot si Sebastian. Narinig lang niya ang mabagal nitong paghinga.
Tapos—"No."
Napatingin si Elia sa kanya. "Ha?"
"Hindi ako aalis," ulit ni Sebastian, mas malinaw na ngayon.
Napakunot ang noo ni Elia.
"Bakit?" tanong niya, diretso. "Mas safe ka kung lalayo ka. Hindi mo pa nga alam kung sino ako."
Bahagyang napalingon si Sebastian sa kanya. Madilim ang tingin niya pero hindi agresibo—mas parang pagod.
"Alam ko," sagot niya.
"Hindi mo alam, pati nga pangalan ko e," giit ni Elia. "Hindi ko nga alam pangalan mo kanina," dagdag niya, medyo iritable. "Tapos gusto mo mag-stay ka rito?"
Sandaling katahimikan.
Tapos nagsalita si Sebastian, mas mababa ang boses. "Exactly."
Natigilan si Elia.
"Hindi kita kilala," pagpapatuloy niya. "Pero hinayaan mo akong makaalis sa hospital. Dinala mo ako dito. Tinulungan mo ako kahit hindi mo kailangan." Huminga siya nang mabagal. "Kung gusto mong ilayo ako, huli na."
Napasinghap si Elia."Ang yabang mo," bulong niya umiiling.
"Practical lang," sagot ni Sebastian.
Tahimik ulit, pero iba na ngayon ang katahimikan.
Hindi na puro duda.
May konting . . . pagpayag.
"Delikado 'to," sabi ni Elia kalaunan, mas mahina na ang boses niya.
"Alam ko," sagot ni Sebastian.
"Pwede kang mahuli rito."
"Alam ko rin."
Napatingin siya sa kanya nang matagal.
"E bakit ka nandito pa rin?" tanong niya, mas totoo na ngayon kaysa galit.
Saglit na tumigil si Sebastian. Tumingin siya sa kisame ulit bago sumagot. "Wala na akong ibang mapuntahan."
Do'n tumahimik si Elia at napayuko siya. "Fine," bulong niya sa wakas.
Tumingin si Sebastian.
"Stay," dagdag ni Elia, halos pabulong din.
Hindi niya alam kung tama ba 'yon. Hindi niya alam kung anong pinasok niya.
Tumayo si Elia mula sa pagkakaupo niya sa sahig, halatang naiinis na ulit.
"Alam mo," sabi niya habang nakatingin kay Sebastian, "mas takot pa ako ngayon kaysa kanina."
Napatingin si Sebastian. "Bakit?"
Napairap si Elia. "Mas takot ka kapag nalaman ng tatay ko na nagdala ako ng lalaking hindi ko kilala sa bukid namin—tapos may humahabol pa."
Huminga siya nang malalim, halos frustrated na.
"Malay ko ba kung criminal ka pala, 'no?" dagdag niya. "Tapos bukas ako na 'yung nakahandusay sa lupa, hindi ikaw."
Tahimik si Sebastian.
Sandaling katahimikan.
Tapos, medyo seryoso na ang boses niya—"Hindi ako criminal."
Napatingin si Elia.
"Eh paano ko malalaman 'yon?" sagot niya agad. "Wala ka ngang ID, may humahabol sa'yo, tapos sugatan ka pa."
Sandaling natigilan si Sebastian. Hindi siya sumagot agad.
"Kung gusto mo ng dahilan para sa tatay mo," sabi ni Sebastian kalaunan, "sabihin mo na naaksidente ako."
Napataas ang kilay ni Elia. "Wow, ang dali 'no?" sarcastic na sabi niya.
"Mas simple, mas safe," sagot nito.
Napabuntong-hininga siya.
"Fine," bulong niya. "Nasiraan ka. Naabutan kita sa kalsada at injured. Dinala kita sa hospital. Tapos dahil walang kasama, dito muna."
Tumingin siya kay Sebastian na parang sinusukat siya.
Bahagyang tumango si Sebastian.
"Yes, exactly."
Pero bago pa matapos ang usapan, si Elia ulit ang nagsalita, mas mababa ang boses—"Pero kapag may lumabas na weird about you . . ." Tumigil siya, tinitigan siya. ". . . ikaw ang problema ko."
Sandaling katahimikan.
Tapos, si Sebastian natawa at sinabing: "Don't overthink too much! I got you."
Nakatingin si Elia kay Sebastian na nakahiga pa rin sa papag, parang sinusukat pa rin kung gaano siya dapat magtiwala.
"Okay," sabi niya kalaunan, napabuntong-hininga. "Pero may kondisyon."
Napatingin si Sebastian.
"Anong kondisyon?"
Tinuro ni Elia siya gamit ang baba, parang may linya agad na iginuguhit.
"Dito ka lang—ilang linggo lang. Hanggang sa maging stable ka at mawala 'yung kung sino mang humahabol sa'yo."
Sandaling katahimikan.
"Then?" tanong ni Sebastian.
Napataas ang kilay ni Elia.
"Then alis ka na," diretsong sagot niya. "Hindi ito shelter para sa mga misteryosong lalaking biglang sumusulpot sa buhay ko."
Hindi agad sumagot si Sebastian, pero hindi rin tumutol. Natatawa pa siya kay Elia na para bang na-e-entertain siya.
"Fair," sabi niya kalaunan.
Pero hindi pa tapos si Elia.
"Pangalawa," dagdag niya, mas seryoso na ngayon. "Hindi ka dito pwedeng tambay lang. Hindi ka guest."
Napakunot ang noo ni Sebastian.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Trabaho," sagot niya.
Saglit na natigilan siya.
"Sa bukid," dagdag ni Elia. "Tutulong ka. Kung kaya mong tumayo, kaya mo ring magtrabaho."
Napatingin si Sebastian sa paligid—sa simpleng kubo, sa madilim na bulid sa labas, sa katahimikan ng probinsya.
Tapos bumalik ang tingin niya kay Elia.
"Gagawin ko 'yon?"
"Oo," diretso niyang sagot. "Kung gusto mong kumain dito, hindi ka free loader."
Napairap si Sebastian nang mahina.
"Noted."
"Hindi 'to hotel," ulit ni Elia, mas binigyang diin pa. "Mahirap kami rito. Wala kaming extra."
Sandaling katahimikan, pero imbes na umatras, bahagyang tumango si Sebastian.
"Fine," sabi niya. "I'll work."
Napakurap si Elia. "Talaga?"
"Wala naman akong ibang choice, right?"
Napahinto si Elia saglit. Tapos bahagyang tumango. "Good."
Sandaling katahimikan ulit.
Iba na ngayon ang hangin sa pagitan nila.
Hindi na lang takot.
May kasunduan na.
May limitasyon.
May kapalit.
"Isa pa," sabi ni Elia, tumalikod na habang inaayos ang kumot sa sahig.
Napatingin si Sebastian.
"Huwag kang magulo! Huwag mo akong guguluhin kapag nag-aaral ako kasi I am preparing for my graduation soon!"
Bahagyang ngumiti siya, kahit pagod.
"I'll try."
"Try mo lang ha," sagot ni Elia, hindi siya lumilingon. "Kasi kapag napahamak ako dahil sa 'yo . . . ikaw una kong sisigawan."
Tahimik si Sebastian, pero natatawa deep inside. Tapos, mahinang sinagot: "Noted."
"That's our deal!" sabi ni Elia at inioffer ang kanyang kamay para makipagkamay.
"Deal."
Ngumiti si Elia at nakipagkamay. . "By the way, I'll introduce myself first . . . I am Elia Navarro, you?"
"Just . . . Sebastian."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top