CHAPTER 2
THE MAN WHO SHOULDN'T LIVE
Amoy ng antiseptic ang unang sumalubong kay Elia . . . amoy na nagpapaalala sa kanya ng mga panahong nilisan ng kaniyang ina ang mundong ibabaw.
Masyadong tahimik ang hospital para sa isang gabing halos mawalan na naman ng buhay ang isang tao sa harap niya.
Natatakot siya na baka mangyari ulit ang nangyari sa kanyang ina . . . kahit na hindi niya kakilala ang binatang nasa harapan niya.
Nakatayo siya sa labas ng emergency room, hawak pa rin ang sariling mga kamay na nanginginig.
May bahid pa rin ng dugo na mula sa sugat ng taong tinulungan niya.
"Miss, kayo po ang nagdala sa pasyente?" tanong ng nurse na biglang sumulpot sa kanyang harapan.
"Opo," mahina niyang sagot.
"Pangalan po niya?"
Napatigil si Elia nang saglit na tila na-blangko dahil sa tanong sa kanya.
Hindi niya alam kung ano ang isasagot niya dahil hindi naman niya tinanong sa lalaki.
"Hindi ko po kilala-" naputol ang kanyang sasabihin buti na lang hindi narinig ng nurse.
Parang may pumigil sa kanya at may boses sa loob niya na-Huwag.
Huminga siya nang malalim upang sagutin ang tanong ng nurse. "Sebastian," sabi niya nang mabagal.
Napatingin ang nurse sa kanya na para bang sinusuri ang mukha ng dalaga.
"Sebastian Reyes," inulit pa nito.
Nagkaroon naman ng sandaling katahimikan.
"Relationship to patient?" tanong ng nurse habang sinusulat ang pangalan.
Bumilis ang tibok ng puso ni Elia.
"Ito na," sabi niya sa kanyang isipan.
Pwede pa siyang umatras.
Pero bigla niyang naalala ang sinabi ng lalaki. "Don't let them find me..."
Napalunok siya nang mariin at sinagot na para bang walang pagdududa sa sarili. "Girlfriend po," sagot niya.
Napatingin ang nurse sa kanya, saka sumilip sa loob ng emergency room. Bahagyang tumaas ang kilay nito.
"Sigurado po kayo?" tanong nito, may halong pagdududa . . . at curiosity. "Gwapo pa naman ng boyfriend n'yo."
Saglit na natigilan si Elia at -ara bang may sumundo ng kanyang pika pero hindi niya pinahalata. "Anong akala niya sa akin? Pangit ako?" tanong ni Elia sa sarili. "Opo," sagot niya, pilit pero steady ang boses. "Matagal na po kami," sabi niya at nagkunwaring naluluha. "Kaya nga po hindi ko alam kung bakit siya nagkaganito . . . hindi ko po alam."
"Anong nangyari sa kanya?" usisa ng nurse at may halong curiosity.
"May humarang po sa amin," sagot niya agad at pinawi ang luha. "Hindi ko po nakita kung sino eh, 'tapos nasaksak siya."
Tumango ang nurse at isinulat ang detalye.
"Okay," sabi nito. "Kayo po ang emergency contact ni Sebastian Reyes," she said. "Makiki-fill up-an na lang po ng details ninyo."
Nag-fill up siya ng details niya pero hindi niya nilagyan ng accurate information, may instinct siya na ganoon ang gawin niya. Hindi niya kilala ang lalaki kaya malay niya, ayaw niyang madamay sa gulo.
Matapos ng tanungan, umalis na ang nurse at nakahinga siya nang maluwag. "Buti na lang talaga nakapagdahilan ako."
Lumipas ang ilang minuto, kinausap na siya ng doktor at nasa mabuting kalagayan na ito. Marami ang nawalang dugo sa kanya kaya nawalan siya ng malay pero anytime . . . magigising siya.
Pagkatapos umalis ng doktor, saglit siyang tumingin sa binatang nakaratay sa hospital bed at totoo nga ang sabi ng nurse . . . gwapo ito . . . pero mukhang masungit.
Tumabi siya nang saglit at kinausap ito, "Pagkagising mo, babatukan kita kahit sino ka mang sanggano ka!" Napaikot ang mata ni Elia at bumuntong hininga. Naalala niya kasi ang nanay niya. "Kung sana naagapan lang din si Inay, buhay rin siya . . ." Ngumiti si Elia at sinabing, "Pagaling ka . . ."
Lumabas muna siya at umupo sa bleachers na nasa hallway, malapit lang sa kwarto ng binata, sabay napatitig sa sahig. Tumatawag na sa kanya ang tatay niya pero binababaan niya kaya nag-message na lang ito, "Baka ma-late ako ng uwi, nasiraan sasakyan namin."
Buti na lamang nabiyahe ang tatay niya sa malayo kaya makakapagdahilan siya. Sa kapatid naman niya, hindi naman siya kukuwestiyunin niyon.
Napatitig siya nang saglit . . . paulit-ulit sa isip niya ang nangyari.
Ang dugo.
Ang sugat.
At ang boses ng binata na-"Don't let them find me..."
"Miss."
Napalingon siya.
Nasa pintuan ng kwarto ang nurse. Kasama ang dalawang lalaking naka-formal, pero may kakaiba siyang kutob sa mga ito.
"Good evening," bati ng isa. Ngumiti pa ito pero malamig.
"Kami po ay naghahanap ng pasyente na dinala dito kanina."
Bumilis ang tibok ng puso ni Elia, alam niyang may kakaiba sa mga kinikilos ng mga ito. Sila na 'yon.
"Kayo po ang nagdala sa kanya," sabi ng isa.
Hindi iyon tanong kundi sigurado.
Huminga si Elia nang malalim, pero imbis na umatras mas tumigas ang ekspresyon niya.
"Boyfriend ko po siya," sagot niya, mas matapang ngayon.
"Pwede po ba namin siyang makita?" tanong ng isa.
Napakuyom ang kamao niya at napataas ang kilay. Doon na siya nainis
"Hindi," diretsong sagot ni Elia.
Tahimik ang hallway at nagulat ang nurse.
"Excuse me?" sabi ng isa, tumalim ang tono.
"Bingi ka ba? Sabi ko, hindi puwede," ulit ni Elia, mas mariin. "Critical condition siya. Kaka-stabilize lang niya. At bilang girlfriend niya, ako ang nakausap ng doctor-bawal muna siyang maistorbo."
"Ma'am, kailangan lang namin-"
"Para saan?" putol niya.
Diretso ang tingin niya, hindi siya natatakot sa kung ano ang mangyayari sa kanya pero sa isip-isip niya na sinisisi ang lalaki. "Pahamak ka talagang lalaksot ka!"
"Kayo ba ang pamilya niya?" tanong niya ulit. Tahimik lang sila at hindi na nakasagot. "Doctor ba kayo?" dagdag niya.
At wala na namang sumagot sa tanong niya.
"Kung hindi," sabi niya, malamig ang boses, "wala kayong karapatan."
Mabigat ang katahimikan.
"Ma'am, this is important," sabi ng isa.
Nanlisik ang mata ni Elia doon sa nagsalita. "Mas importante ang buhay ng boyfriend ko," sagot ni Elia agad. "Kung may mangyari sa kanya dahil sa inyo-kayo ang mananagot."
Nagkatinginan ang dalawang lalaki at para bang may usapan sa mga mata nila.
Tahimik iyon at mapanganib.
Pagkatapos ng tinginan nila, binasag ng isa ang katahimikan.
"Alright," sabi ng isa.
Pero hindi nawawala ang lamig sa boses.
"Babalik kami."
Nanlamig ang batok ni Elia, pero hindi siya umatras.
Pagkaalis nila saka lang siya napahinga nang malalim. Parang doon lang siya nakahinga ulit.
Mabilis siyang pumasok sa kwarto.
Isinara ang pinto.
Nakahiga ang binata na tinatawag niyang Sebastian. Lumapit si Elia at tinitigan ang mukha nito.
"Ang gulo mo," bulong niya. Hinawakan niya ang kamay nito mainit ibig sabihin niyon, buhay siya at . . . buhay.
"Hindi kita ipapakita sa kanila," dagdag niya, mas mahina. "Hindi ko alam kung sino sila . . . pero hindi ka nila makukuha."
Mayamaya biglang napahigpit ang hawak ng binata at minulat ang mata. "Let's get out of here."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top