Chapter 57
[Play the music. Broken Vow by Lara Fabian]
James POV
Nanginginig ang kamay kong pumasok sa ospital. Patakbo akong sumakay sa elevator. Kanina ay itinext na sa'ken ni Yumiko ang address nitong ospital at kung nasaang floor sila.
Napahilamos ako sa mukha ko. I don't know what to do. Hindi ko na alam ang iisipin ko. Natatakot ako. Napakabilis ng pangyayari. Bakit ngayon pa?! Tangna! Bakit ngayon pa!
*ting*
Mas lalo akong kinabahan nang tumigil na ang elevator sa floor kung saan nasa emergency room si Mandy. Lumabas na ako at doon ko naabutan sina Yumiko, Lance at Fancy.
"It's your kasalanan Patrick! Now, why are you here? After you hurt her?" Sigaw saken ni Fancy. There's tears on her eyes. She's affected, too.
Naiintindihan ko kung sinisisi nila ako. Kasalanan ko naman talaga. Sinaktan ko si Mandy.
Fvck. Fvcking shit.
"James.." Lumapit saken si Yumiko. "Ginagawa ng doctor ang lahat. Manalangin tayo. She'll be fine. Malakas siya diba? Matapang siya.."
Walang habas sa pagbagsak ang luha ko. Ang sakit. Tangna lang kasi! Bakit nga kasi ngayon pa? Bakit ngayon pa na okay na sana ang lahat?
I bit my lower lip. Hindi ako mapakali habang naghihintay sa paglabas ng doctor mula sa emergency room.
Napasuntok ako sa pader. "Fvck! Di ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyari sa kanya. Fvck!" Wala akong sakit na nararamdaman. Kahit alam kong may bahid na ng dugo ang kamao ko dahil sa lakas ng suntok ko.
Tinapik pa ni Lance ang balikat ko. "Calm down."
"Calm down? You must be kidding me! Hindi ko na alam paano ako ka-kalma! She's fifty-fifty for Pete's sake! Hindi ko na alam ang gagawin ko!" Sigaw ko.
*boogsh*
Nasapo ko ang pisngi ko. Fvck. Malakas ang suntok na yon ah. Yeah. Lance punched me.
"Hubby! Bakit mo sinuntok si James?" Sigaw ni Yumiko na agad hinarangan si Lance.
I deserved that punch.
"Nong andyan siya, binabalewala mo siya. Tapos ngayon, a-akto kang ganyan? It's not really your fault pero alam nating lahat na hindi mangyayari 'to kung hindi mo siya sinaktan. She's drunk kaya siya naaksidente. Sinabi ko na sayo! Wag mo kong gayahin! Wag mo ng ulitin ang pagkakamaling nagawa ko no'n!"
Tumahimik nalang ako. Wala akong masagot dahil tama naman siya.
"Hubby tama na." Sabi ni Yumiko kay Lance.
Napansin ko si Fancy na lalong umiiyak na nakaupo. Naging close na rin sila ni Mandy.
FVCK! Mas kinakabahan na ako sa mga mangyayari. Natatakot ako. Hindi pwede..
Sabay sabay kaming napalingon sa pinto ng emergency room ng bumukas 'yon.
"Doc, kumusta po ang pasyente?" Tanong agad ni Yumi.
"She's safe. Ligtas na ang pasyente. But, she's in coma. We did our best. Masyadong malakas ang impact ng pagkakahampas ng katawan niya nang ma-aksidente siya. Mabuti na lamang at naisugod agad siya dito sa ospital. Mamaya ay ililipat na siya sa private room. Hindi ko masasabi kung gaano siya katagal sa state of coma. Maybe days, weeks, months. Sa inyo na nakasalalay iyon. Pero kapag hindi pa siya nagising, wala na tayong magaga---"
"No! Gigising siya! Gigising siya!" Sigaw ko. Tangna! Hindi ko kayang marinig ang sasabihin ng doctor. Hindi ko kaya. Hindi ko kayang marinig na posibleng..
FVCK! Hindi pwede!
"James.."
"Maiwan ko na kayo. Payo ko lang, kausapin nyo siya ng kausapin kahit wala siyang malay para sa mabilis na recovery ng pasyente." Sabi ng doctor saka kami iniwan na.
Napaupo ako habang nakasandal sa pader saka napasabunot sa sarili ko. She's in coma? Ha? Fvcking shit! Fvck myself!
"James. You need to be strong for Mandy. Sa tingin mo, gusto ba ni Mandy na magkaganyan ka? She loves you."
"Yeah. She loves me pagkatapos ay sinaktan ko lang siya! Fvck. Fvck!" Kulang nalang ay maggulong ako dito sa hallway ng hospital!
"Tama na James. Ayun na, inilipat na si Mandy sa private room. Let's go inside." Yaya ni Yumiko.
Nanghihinang tumayo ako. Hindi ko alam kung kaya kong makita si Mandy sa kalagayan nya ngayon but I want to see her. To touch her. To hug her. To kiss her. Damn, I miss her!
Pumasok na kami sa private room kung saan inilipat si Mandy. She's lying on the bed. Maraming tubo ang nakakabit sa kanya. May pasa pa siya sa mukha. May mga cast sa braso.
Napailing ako saka nasuntok ko ulit ang pader. Hindi ko mapigilang magtuloy-tuloy ang pag-agos ng luha ko. What should I do?
Gusto ko na siyang makausap. Gusto ko na siyang makitang tumawa! Gusto ko siyang makitang nakangiti saken! Gusto kong nagpa-pout siya pag naiinis siya saken! Hindi ba pwedeng magising nalang siya agad? Hindi ba pwedeng sabihin ko lang na, 'Mandy ko, gising ka na.' Tapos magigising na siya? Ha? Pwede naman yun diba?! Shit!
Umupo ako sa upuan sa tabi ng kama ni Mandy. I hold her hand. "Mandy.." I'm shaking. I'm crying..really hard. I don't care if it's gay but I'm hurt. I'm really hurt right now.
"James, baba muna kami ni Lance. Bibili muna kami ng pagkain."
Hindi ako sumagot. Naka-steady lang ako. Nakahawak sa kamay ni Mandy.
"I will make sama na Yumi." Narinig kong sabi ni Fancy.
Umalis na sila. Narinig ko kasi ang pagsara ng pinto. Naiwan akong mag-isa rito sa kwarto kasama si Mandy.
"Mandy ko..nandito na ako. Yung James mo.."
Pinahid ko ang luha ko. Ang sakit sa'ken na makita siyang nasa ganitong kalagayan.
"Gising ka na. Tanda mo 'yung mga pinag usapan natin sa Batangas? Tutuparin pa natin lahat yun. Wake up. Miss na miss na kita.."
This time, tumigil na ako sa pagpahid ng luha ko. Hinayaan ko nalang dahil hindi na ito tumitigil sa pagpatak.
"Alam ko nasaktan kita. Ang tanga ko nga dahil nagconclude ako. Akala ko niloko mo ako. Akala ko.."
Fvck this tears!
"..pero mali pala ako. Nagrevenge ka para sa'ken. Para maipaghiganti ako. Mahal na mahal mo nga ako, tulad ng pagmamahal ko sayo. Demonyita ka, oo. Pero tama sila, babae ka rin. Nasasaktan. At alam kong ilang beses kitang nasaktan."
Tinitigan ko siya. Walang kahit katiting na paggalaw.
"Mahal na mahal kita Mandy ko. Gising na. Para mahawakan mo na ang ABS ko. Para masilayan mo na ang ka-gwapuhan ko.."
Napangiti ako sa naiisip ko. Nagbalik na ako sa dating James. Nagbalik na talaga ako..
"I love you Mandy ko. Ikaw lang ang kilala kong demonyita na sa kabila ng negative attitude, may busilak na puso. May kakayahang magpasaya. Because you always made me happy. Gusto ko ng makausap ka.."
Tangna! Ang sakit sa dibdib. Hindi ako mapakali. Gusto kong magising na siya.
"Pag nagising ka, babalik tayo sa Batangas. Gusto mo ba yun? Maglalakad tayo sa tabing dagat. Magigising ka na handa na ang breakfast na may kasama pang sexy dance ko. Magku-kwentuhan tayo tungkol sa mga plano natin. Magsu-swimming tayo.."
Tears, tears, tears. Fvcking tears.
"Kaya, gising na Mandy ko. Gising na oh.."
Hinalikan ko ang kamay niya na hawak ko. Then umub-ob muna ako. Para kasing nawalan ako ng lakas. Si Mandy kasi..siya ang energizer ko.
I love you Mandy..
--
Yumiko POV
"Hubby. Kausapin mo si James. Pauwiin mo muna siya. Kanina pa siya hindi umaalis sa tabi ni Mandy eh." Sabi ko.
Ilang oras na ang nakalipas. Nandito kami, sa couch. Si James, nakaupo lang siya sa tabi ng kama ni Mandy. Nakahawak sa kamay ni Mandy habang hinahalikan yun. Ni hindi pa nga siya kumakain kahit kanina pa namin inaalok.
Nakakaawa siyang tingnan. Grabe yung pag-aalala sa mukha niya. Kanina pa nga tumutulo ang luha niya kahit walang boses. Para siyang isang linggong hindi natulog dahil sa laki ng eyebags niya dahil sa pag-iyak.
*opens the door*
"Mandy, anak!"
Shit. Mr. Aguilar is here. With Kyle and Chelsea. Ang alam ko, sa abroad nagla-lagi ang Papa nina Mandy at Chelsea. Itinawag ko na kasi kay Chelsea kanina ang nangyari sa kapatid niya, siya na siguro ang nagsabi sa Papa nila.
"Sir.." Sambit ni James. Halos mapatungo siya. Napatayo na siya paharap sa Papa ni Mandy.
"Who are you?" Seryosong tanong ni Mr. Aguilar.
Sumingit si Chelsea na kanina'y tumango lang sa'men ni Lance nang makapasok dito sa kwarto.
"Papa, he's James, Mandy's bo--"
"Boyfriend ba?! Bakit nagkaganyan ang anak ko? Naaksidente siya dahil nag-drive siya ng lasing! At bakit siya nagpakalasing? Tell me! Sinaktan mo ba ang anak ko?!"
Nagulantang kaming lahat. Nakakatakot yung tono ng pananalita ni Mr. Aguilar. Lalong napatungo si James. He's crying, silently. Wala siyang maisagot sa Papa ni Mandy.
"Papa, walang may gusto nito. Wag nyong sisihin si James.." Singit ulit ni Chelsea.
"Mabait ako sa mabait! Hindi ako humahadlang sa mga relasyon na meron ang mga anak ko pero kung sasaktan nyo lang sila, mas mabuti pang layuan nyo na ang anak ko!"
Napatingin ulit ako kay James. Nakatunghay na siya. Nakatingin kay Mr. Aguilar. May luha pa ring tumutulo mula sa mga mata niya.
"I love your daughter, sir." Matigas na sabi ni James.
Umiling lang ang Papa ni Mandy saka tumalikod. Nakapameywang ito habang umiiling-iling pa rin.
Lumapit ako kay James saka siya niyakap. "Be strong, James. Kailangan mong maging malakas para kay Mandy."
Naramdaman ko ang panginginig ng balikat niya. Senyales na napahagulhol na siya. Ramdam ko ang sakit na nararamdaman ni James ngayon. He really loves Mandy.
Lumapit na rin si Chelsea saka yumakap kay James. "Everything will be alright. Just, trust her.." Bulong ni Chelsea.
Bumitaw na kami pareho ni Chelsea kay James. Bumalik ako sa tabi ni Lance na katabi na si Kyle. Si James naman, naupo muli sa upuan na nasa tabi ng kama ni Mandy.
Si Mr. Aguilar, lumabas sandali. Kakausapin yata ang doctor. Si Chelsea, nakatayo lang sa may tabi ni James.
This is a..sad scene. Really.
--
James POV
Gusto kong suntukin ang sarili ko ng isang milyong beses. Kailanman, di ko pa nakilala ang Papa ni Mandy as her boyfriend. Isang beses ko lang yata siya na-meet. Nung kasal nina Kyle at Chelsea.
Fvck! Kasuklam-suklam ang ginawa ko. Because of me..
Kanina pa ako dito, nakaupo sa tabi ng kama kung saan nakahiga ang babaeng mahal na mahal ko.
Kanina pa nila ako inaalok kumain, o umuwi muna but I can't. I can't leave her. Baka magising na siya. Gusto ko ako ang una nyang makita, gusto ko ako ang hanapin niya, gusto ko..
Shit! Hindi ko na kayang pigilan ang luha ko. Mahal na mahal ko siya at ang tanging hiling ko lang ay magising na siya.
*toooooooooooooooooooottttt*
"MANDY!"
Nanlaki ang mata ko at napatayo.
"Tumawag kayo ng nurse! Ng doctor! Oh my God! Mandy, hold on!" Sigaw ni Chelsea.
Nanatili akong nakatayo. Nakatitig sa screen ng aparato na nakapatong sa table sa gilid ng kama ni Mandy.
_________________
Straight line. The sound..
"Oh my god, Mandy! Hold on please! You can't leave me! HOLD ON!" patuloy na sigaw ni Chelsea.
Habang nakatitig sa diretsong guhit na iyon, tila unti unting namamatay ang buong pagkatao ko.
*
A/N : Cliffhanger. Intense, shems! Last 3 chapters. #DBMHoldOnMandy
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top