Chapter 58
James POV
Hindi ako makakilos. Para akong nanigas sa kinatatayuan ko.
Naramdaman ko nalang ang pagpasok ng mga nurse at doctor. Lahat sila, Papa ni Mandy, si Chelsea, Yumiko, Lance at Kyle, naka-antabay kay Mandy. Samantalang ako, walang kilos. Daig ko pa ang na-glue sa kinatatayuan ko.
"CLEAR!" Naririnig kong sigaw ng doctor.
Napaluhod ako sa sahig. Tulala pa rin. Hindi ko kayang tingnan si Mandy.
"Bossing! Hindi pa naman ako humihiling sayo 'diba? Sa pagkakataong ito, pwede bang pagbigyan mo ako? Yang babae na 'yan, may pagka-demonyita 'yan pero mabait naman siya, mapagmahal, sweet. Mapapatunayan ko yun! Mahal niya ako. Kahit naman demonyita 'yan, tanggap ko naman siya kaya ipaubaya mo nalang siya sa'ken oh. Alam kong may mga nagawa akong kasalanan noon, nasaktan ko siya pero pangako, hindi na mauulit. Just me give me a chance to show her how much I love her. Di ko kakayanin, Bossing! Magka-amnesia nalang siya! Kahit hindi niya ako matandaan, ayos lang basta buhayin nyo lang siya. Nagmamaka-awa ako, wag Nyo pong kunin ang babaeng mahal na mahal ko. Babawi pa ako sa kanya, mag-uusap pa kami, yayakapin ko pa siya, hahalikan ko pa siya..."
Humahagulhol na ako habang naka-mute ang buong paligid.
"...bigyan Nyo pa po ako ng pagkakataong maitama ang pagkakamali ko sa kanya. Hindi Nyo siya pwedeng kunin! Akin siya eh. Akin siya.."
</3
"Saka, saka..may unfinish business pa siya. Hindi pa pwede. Hindi pa siya nag-e-explain saken eh. So please, Bossing! Pagbigyan mo na ako ngayon. Kahit ito na ang kahuli-hulihang hiling na tutuparin Nyo, ayos lang. Wala ng mas hahalaga pa para sa'ken kundi ang buhay ng babaeng mahal ko.."
"CLEAR!"
"Mandy! Hold on.."
"Anak ko! Lumaban ka! Nandito na si Papa!"
Nagmistulang gripo ang mata ko dahil sa patuloy na pag-agos ng luha ko. Nanatili akong nakaluhod, nakatulala sa kawalan. Sense of hearing nalang yata ang gumagana sa'ken.
"MANDY!"
Sigawan, iyakan..na lalong nagpapamanhid sa buong sistema ko.
*toot toot toot toot*
Nagliwanag ang buong pagkatao ko nang marinig ko ang tunog na 'yun.
"Oh God! Thank you, God!" Sigaw ni Chelsea.
"She's safe. It was like a miracle. Matapang ang pasyente." Komento ng doctor.
Lalo akong napaluhod saka humalik sa sahig. "Thank you, Bossing! Pinapangako ko, hinding hindi ko na siya sasaktan. Hinding hindi ko na hahayaan pang mangyari 'to!"
"James.."
Tumayo na ako at yumakap kay Chelsea. "She's safe..she's alive.." Umiiyak na sambit ko.
"I told you, matapang siya. Saka, iiwan ka ba naman niya, eh mahal na mahal ka niya?" Sabi ni Chelsea.
Tumango lang ako. Saka bumitaw sa kanya. Lumapit na ako kay Mandy, nakapikit pa rin siya pero ligtas siya.
Hinawakan ko ang kamay niya. "Mandy ko, basta wag mo akong iiwan ha? Hindi ko alam kung kakayanin ko kapag iniwan mo ako. Gising na.."
Damn. Halos gumuho ang mundo ko kanina. Masaya ako, na pinakinggan ni Bossing ang dasal ko. Kung kukunin Niya si Mandy, para na rin niya akong pinatay, kasi si Mandy..siya ang buhay ko.
--
Mandy POV
Awww. Ano ba 'yan. Bakit ang sakit ng katawan ko? Ano bang ginawa ko?
Sinubukan kong imulat ang mga mata ko. And there..
O___O
Puting kwarto. Napatingin ako sa sarili ko. I'm wearing a hospital gown. So it means? I'm here at the hospital? Bakit kaya? May mga nakakabit pa sa'ken na kung anu-ano. Aish! Sino bang nagkabit nito saken? Tatapalan ko 'yun ng pink card eh.
Napadako ang tingin ko sa lalaking naka-ub-ob sa gilid ng kama kung saan ako nakahiga.
Is it..
"MANDY?"
Napatunghay ako at tumingin sa pinaggalingan ng boses na 'yun. Ang kapatid ko--si Chelsea na kakapasok lang dito sa kwarto kasama si Kyle.
"Gummy bear, tumawag ka ng doctor! Papa! Gising na si Mandy!"
Mukhang nagpa-panic ang kapatid ko. Ano bang nangyari saken? Di ko talaga matandaan eh.
Napatingin ako ulit sa lalaking nasa gilid ng kama ko pero natigilan ako nang makita siyang nakatunghay na at nakatingin sa'ken.
James..
Nakatulala siya sa'ken habang tumutulo ang luha niya. Sino bang nagpapaiyak sa James ko? Aish. Ang dami kong tatapalan ng pink card!
"Mandy..you're alive..Mandy ko! Damn!" Sigaw ni James saka pinaghahalikan ang kamay ko na hawak niya.
Naka-steady pa rin kasi ako ng higa dahil sa mga tubong nakakabit sa'ken. Masakit katawan ko eh. Para akong binugbog.
"Mandy, anak ko!" Si Papa humahangos na pumasok dito sa kwarto. Kasunod ang mga nurse at doctor?
Naglapitan sa'ken ang doctor at nurse.
"Check her vital signs." Utos ng doctor. Di ko alam kung anong ginagawa nila sa'ken basta ang alam ko, nakatingin lang ako sa mga tao sa paligid ko.
Si James..
Si Chelsea..
Si Kyle..
Si Papa..
At ang bagong dating..
Si Yumiko..
Si Lance..
Si Fancy..
They are all here for me? What exactly happened to me? I didn't remember anything.
Natapos na yata ang doctor at nurse sa ginagawa nila sa'ken. Umalis na sila sa harap ko eh tapos kinausap nung doctor si Papa.
"Mandy-monyita! You're masamong damo din eh, kaya God wouldn't made you kuha." Si Fancy talaga, ang joker. Sasabunutan ko yan mamaya. Aba, masamang damo daw ako.
=_=
"You had an accident at na-comatose ka. Lahat kami, nag-alala sayo, Mandy." Sabi ni Yumiko.
"Sis! Thanks God you're alive. Hindi mo alam kung gaano mo kami pina-kaba. Sabi ko na nga ba, matapang ka eh. Baka tinarayan mo lang 'yung bantay don sa kabilang buhay kaya ka nakabalik."
Itong si Chelsea, nakuha pang mamilosopo eh.
Napatingin naman ako sa lalaking hindi nagsasalita kanina pa. Teka nga..
O____O
Don't tell me, pipi na si James?! Shocks. "James.." Sambit ko.
Mukha siyang nagulat nang sambitin ko ang pangalan niya. Lumapit ulit siya sa'ken at hinawakan ang kamay ko. Umiiyak pa rin siya.
"James.." Muli kong sambit. He's here for me, right?
Hindi pa rin siya nagsasalita. Nakatitig lang siya sa'ken. Parang kinakabisado niya ang buong feature ng mukha ko. Ang weird ha. Pipi na ba talaga si James? Waaaaa! Anong nangyari?
"James bakit?" Nagsisimula ng tumulo ang luha ko.
"Mandy stop crying, please."
O___O
Sa wakas nagsalita na siya. "H-Hindi ka pipi?!"
~_~
Bakit lahat sila nag-poker-face sa'ken? Anong nagawa kong kasalanan?
"You're so panira talaga ng moment Mandy-monyita. Can't you see, Patrick is making drama. He's really emotional because of nangyari sa'yo then you will sabi lang na he's pipi?"
~_~
I don't know. Sareh! Okay. Sareh! Akala ko pipi na siya. Di kasi nagsasalita eh.
"James, bakit kasi di ka nagsasalita dyan?" Sabi ko. May gusto pa akong sabihin kaso parang nabahag ang dila ko. Nahihiya ako.
"I'm too happy, seeing you alive." Sabi nya.
Napangiti naman ako. "Yeah, I'm alive and still kicking!" Biro ko kahit nakakaramdam pa ako ng sakit ng katawan.
"Para kang 'di na-comatose. Ang energetic mo masyado." Puna ni Chelsea.
Nag-blush naman ako naisip ko. "Kesye..ene..eeehhh! Andyan kasi ang energizer ko eh." Sabi ko sabay sulyap kay James.
>.<
Nahihiya ako bigla! Ano ba yan. Hindi uso sa'ken ang hiya. Pero kasi, na-miss ko talaga siya. Pakiramdam ko taon ang itinigil ko rito sa ospital.
"Mabuti pa, lumabas muna tayo. They need to talk, I think?" Suhestiyon ni Lance.
Tumango naman sila, at nagsi-labasan.
Hala, hala! Geez. Nahihiya ako. Kaming dalawa nalang ni James dito sa kwarto. Si Papa kanina pa lumabas kasama ang doctor eh.
"Mandy ko.."
O_O
Narinig nyo yun? Waaaa! Tinawag niya akong 'Mandy ko', as in may 'ko' WAAA!
"James, ano, mag-e-explain ako--"
"No need. Alam ko na ang lahat. I supposed to talk with you dahil nalaman ko na ang lahat but I was late, you had an accident."
T_T
Bakit ako naiiyak? Eh..parang ang sad ng ambiance eh.
"James.."
"I love you Mandy. I'm really proud that you're my girl.."
T___T
WAAA! Kinikilig ako na nata-touch. Eh, ako ba 'to? Kapag talaga pagdating kay James, nawawala ang sungay ko eh at para akong na-PBB teens.
"I'm sorry, James.."
"Wala kang dapat ika-sorry. Ako dapat ang nagsasabi niyan. Hindi ko alam kung paano ako makakabawi dahil sa mga sakit na pinaramdam ko sayo but I will do everything para mas maiparamdam sayo na..."
O___O
Oh. Is he crying? My James is crying?
"...mahal na mahal kita. May sungay ka man o wala, you're still the Mandy I want to marry."
T___T
I'm crying. Ang sarap sa pakiramdam na marinig ang mga salitang 'yun mula sa kanya.
"Please, don't give up on me. Babawi ako.."
"Hindi mo na kailangang sabihin 'yan, James. Kahit kelan, hindi ko naman naisip na mag-give-up sayo. Kahit ipinagtabuyan mo na ako, kahit sinabi mo ng ayaw mo na saken, kahit binalewala mo na ako, hindi pa rin ako nag-give-up dahil mahal kita. Mahal na mahal.." Sabi ko.
Tears, but tears of joy.
"Thank you! Thank you Mandy ko. Gusto ko sanang mas iparamdam sa'yo na mahal na mahal kita. Gusto kitang halikan ngayon, but I can't dahil baka masaktan ka, may mga sugat kapa--"
"Kiss me." Sabi ko. I pouted my lip. Eh, bakit ba? Gusto ko ng kiss eh. Tagal ko ding hindi nahalikan ang James ko.
"Hahaha! You're really an amazing woman--no, amazing demonyita."
=_=
Demonyita pa din? Saan sila nakakita ng demonyitang nakaratay sa hospital?
"Tawa ka pa ha? Gusto mo ng pink card?" Mataray na tanong ko.
"Whoah! Ang Mandy ko, nagdedemonyita na naman. Calm down, baby. Just shut up, and I'll kiss you."
Kasunod ng sinabi nyang iyon ang paglapat ng labi niya sa labi ko. It was a soft, long kiss. Hindi naman niya iginalaw ang labi niya, nakalapat lang pero ramdam na ramdam ko yung lambot ng labi niya.
"Pagaling ka agad, Mandy ko. Hindi lang kiss ang matitikman mo.." He smirked.
>.<
Ang manyak ni James! But wait, I remember something..Biglka lang nagflash sa isip ko.
"James ko!"
"Yes, Mandy ko?"
"May ABS ka na, right? WAAA! Nag-upgrade na ang James ko." Paano kaya siya nagkaroon ng BAS? Totoo nga ba talaga o imagination ko lang? Kasi wala naman akong matandaan na nag-gym siya or what. Basta lang nag-flash sa isip ko na may ABS siya.
Nagpoker-face lang naman si James. "Mandy.."
"Yes?"
"You can touch my ABS if you want. I have 6-packs. Not just an AB like before."
*o*
Si James! Ang laking temptation eh. "Wag ka nga.." Pakipot kunwari.
Jusko naman hindi ko pa maigalaw ang braso ko kaya. May cast pa yata. Paano ko hahawakan ABS niya? Eeeeehhh! Paglabas ko nalang dito sa hospital. Walang takas ang ABS niya.
"What are you thinking? You're smiling."
"Ah, yung ABS--este, I'm...ano, he-he! Papagaling pa ako." Shems. Nautal ako bigla. Letseng bibig 'to!
"Yeah. Pagaling ka, Mandy ko. Mag-uusap pa tayo ng mas malinaw, then we'll kiss and hug.."
T_T
Ang saya-saya ko. Nagising ako dito sa hospital na masakit ang katawan ko pero parang hinihigod yung sakit dahil sa mga sinasabi ni James.
I missed him. I really missed him.
"Mandy ko.."
I smiled at him. "James ko.."
"I won't hurt you again. I'm sorry for being such a heartless jerk."
Ngumiti ako lalo. He's sincere and I know he loves me. "It's alright, James. Now, I'm tired of missing you, I just want you right here beside me."
He smiled at me. "I wish we could go back to how we use to be even if I hurt you.."
Tumango ako. "Walang nagbago, James." Wala naman talaga kasi, nagtataka ako, hindi naman niya ako nasaktan? Masaya nga kami sa Batangas eh.
"I really wants to be a part of your life again, so expect me to make an effort to be in it."
Waaa! Si James, sweet-sweet-an na ang dating.
"You makes my smile ten times bigger, laugh ten times louder, and I couldn't ask for anything more except for you to stay here in my side."
Yun naman talaga. Hindi na niya kailangan pang mag-effort, simpleng pag-stay niya lang sa tabi ko, sapat na iyon para gustuhin kong manatili siya sa buhay ko.
"Mandy ko.."
"James, thanks for loving me inspite of our differences.." Nagda-drama na ako. Waaa! Mahal na mahal ko talaga ang lalaking 'to.
"Yes, we have differences but we have the best understanding of our differences." Nakangiting sabi niya.
Differences. Big word. But there's one best thing we have in common, WE LOVE EACH OTHER.
"I love you, James.." Nasabi ko nalang. Masyado ng na-o-overwhelm ang puso ko dahil sa conversation namin.
"I love you too, Mandy. I can't promise that things will be perfect, but I swear I'll never leave, again."
T_T
Di na ako iiwan ni James. Di ko na maririnig yung, old friend chuva niya. WAAA! I'm lucky to have him.
"Thank you, James ko.."
"Naaalala mo pa ba kung saan tayo nagsimula? Para tayong aso't pusa. Laging nagbabangayan 'pag nagkikita but then, one day, I fell in love with you. Honestly, I never intended to be in love with you but it's the best accident I've ever had."
Bakit ba ganito ka-sweet si James? Nilalanggam na ako! Parang nabalewala na 'yung sakit ng katawan ko. Para akong nakalutang sa cloud nine dahil sa kilig.
"Being with you again, I can forget all the heartaches. With you, time stands still. With you, there's no one else.."
"I will always love you, Mandy Aguilar. I promise to marry you, soon."
And there, he sealed it with a kiss.
*
A/N : Okay. Breath. Hashtag #DBMTogetherAgain
@pinkyjhewelii on twitter
Tweet.. #MPMMNonTV5 sa mga MPMMNians na reader ng DBM :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top