Chapter 56
James POV
"Tell me what's your problem. Ayokong isipin na nagiging katulad na kita, James."
Huminga ako ng malalim saka tinungga ang isang bote ng alak. Nandito kami sa bar counter sa may kusina. Kaaalis lang ni Yumi at Mandy. Aaminin ko, tinamaan ako sa sinabi ni Yumi kanina.
"I hate her." Sabi ko. Which is true. I hate her. I hate what she did to me. But..I hate myself too dahil sa ginawa ko kay Mandy kanina. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Nadala ako sa galit. Ngayon ko mas maintindihan, na kapag galit ang isang tao, hindi na alam ang ginagawa, wala sa katinuang isip.
"You hate her because of what she did to you but you love her. You still love her."
Yeah. Lance is right. I love her so much pero ayoko munang pairalin ang pagmamahal ko sa kanya. Natakpan na yun ng galit.
Betrayal..madness..heartaches.
"Pero mali ang ginawa mo sa kanya, James. I learned my lesson. I changed for the better, that's why now? We're happy. I'm happy with my wife. I'm happy that we end up together sa kabila ng kagaguhan ko noon. Pinatawad niya ako kahit ilang beses ko siyang sinaktan. Binigyan niya ako ng last chance. Last chance na ipinagmakaawa ko sa kanya. Ang laki ng galit ko sa kanya noon, pero sa kabila ng galit ko mas nangibabaw pa rin ang pagmamahal ko kay Yumiko. Lagi kong pinapairal ang pride ko, lagi kong pinangungunahan ng galit, ni wala nga akong guts na bigyan siya ng chance na mag-explain. Nag-conclude lang ako kaya ang daming heartbreaks ang dumaan sa'men. Yung time na.." Napatigil siya. Lumagok ng alak. I saw tears from his eyes. He's really inlove with Yumiko--her wife.
"...yung time na nag-give-up na siya sa'ken dahil sa putan**nang pride ko, halos gumuho ang mundo ko. Parang nawalan ako ng buhay. Mas pipiliin ko pa nga no'ng mamatay nalang kung hindi ko rin lang siya makakasama habang buhay. Mahal na mahal ko siya. Halos balewalain ko siya non, sinaktan ko siya, sinabi ko na wala na akong pakialam sa kanya..pero nung nawala siya saken, nung bumitaw na siya sa'ken..don ko na-realized na hindi ko pala kaya. Hindi ko kayang mawala siya sa'ken. Kaya nga nilunok ko na ang pride ko. Ginawa ko ang lahat para magbago. Para bumalik siya sa'ken. Para maging masaya na kami. And now, I'm proud of myself dahil sa kabila ng ginawa kong ka-gaguhan, nagawa ko pa ring makabawi."
Tang*na. Tamaan ako sa sinasabi ni Lance. Yeah. Alam ko ang pinagdaanan niya, nila ni Yumiko. Saksi ako sa kagaguhang ginawa niya noon--na ngayo'y ginagawa ko rin.
"Tayong mga lalaki, may pagka-insensitive talaga tayo. Minsan, hindi natin alam na sa simpleng kilos natin, simpleng salita, malaki na ang impact sa mga babae. They are all fragile, matapang man sila sa panlabas na anyo. Aawayin nila tayo, sisigawan but deep inside, their soft heart..unti-unti na pala nating nababasag. Sa simpleng pananakit natin sa kanila, may sugat na naiiwan sa puso nila. Naintindihan ko lang lahat mula nang magbago na ako. I won't hurt her again. Ayokong iwan niya ako, dahil hawak na niya ang mundo ko. Hindi ko kakayanin."
Ang kapatid ko. Kilala siyang cold-hearted, heartless, harsh. Pero nung dumating si Yumiko sa buhay niya, nakita ko ang malaking pagbabago nya. He's right. He's really right.
"Pakinggan mo ang explanation niya. Hear her side. Hindi mo sigurado na tama ang nakikita ng mga mata mo. Minsan, mas lamang ang tainga natin kesa sa mata. Because there's always a reason behind the things that we can only see, but we can't hear. Remember that."
Just, fvck! Hindi ko dapat ginawa kay Mandy kanina 'yon. I know nasaktan ko siya but I'm hurt, too. Sobrang sakit na malamang may iba ang babaeng mahal ko.
Nakarinig kami ng sasakyan na tumigil sa labas. Maybe it's Yumiko. Hinatid niya yata si Mandy kanina.
"Andyan na ang asawa ko. It's late. We need to sleep." Paalam ni Lance.
Tumango lang ako. At tumingin sa bote ng alak na hawak ko.
Tinapik niya ako sa balikat. "Isang bagay lang ang gusto kong i-advice sayo, bilang nakatatanda mong kapatid.." Sabi nya. Nakatayo na siya.
Tumingin lang ako sa kanya. Naghihintay sa sasabihin niya.
"Don't make the same mistake I've done before."
And it hits me, big time.
Naiwan akong tulala. Kusang tumulo ang luha ko. Naramdaman ko. Dito sa puso ko, parang biglang lumambot. Yung sinabi ni Lance, para yung bato na ibinato sa ulo ko para matauhan ako.
Litong-lito ako. Alam ko sa sarili ko na lumabas ang dugong Abellano ko. Ma-pride, heartless, cuss machine..
Fvck! I hurt her. I should've listen to her first before accusing her that she cheated on me. Bigla akong natakot. Natatakot ako sa mga malalaman ko..
Kung niloko ba niya talaga ako? Kung bakit sila magkasama ni XKing? Kung bakit masaya sila. Kung bakit para silang couple? Bakit sila nag-kiss? Bakit sila nag-datte. Bakit hatid sundo siya ni XKing. Bakit hindi niya ako pinuntahan sa korea. Bakit..
FVCK! I want to know her side. I'm now willing to listen to her explanation. I want..
T____T
Fvcking tears! I don't want to be a hypocrite anymore. Because in my heart..I want to be with her again. I want to show her how much I love her. I want to make her happy...again.
--
Mandy POV
Late na ako nagising. I don't know how it feels..
Bitch..
Slut..
I don't care about you..
Ang sakit sakit non. Sa totoo lang, ilang beses ng may nagsabi niyan sa'ken pero balewala lang sa'ken. Demonyita ako eh. Hindi ko naman kasi akalain na mas masakit pala kapag narinig mo na ang masasamang salita na 'yun sa taong mahal mo.
Daig ko pa ang sinaksak. Daig ko pa ang namanhid. Daig ko pa ang..
T___T
Hapon na. And I'm heading to bar. Spade bar to be specific. Alam kong lungga ng XBang yun but I don't care. Tapos na ang sa'men ni XKing. Isa pa, open bar yun so pwede akong pumunta dun anytime.
Yumiko is right. I need to rest. Masyado ng masakit. Parang isang pasakit nalang, malulusaw na ang puso ko.
Ipinarada ko ang kotse ko sa parking sa gilid. I don't care kung hapon palang. I don't care kung ako palang ang tao sa bar. Basta gusto kong magpakalasing. Gusto kong ibuhos lahat ng sakit..
Gusto kong makalimot kahit sandali lang. Hindi ko na kasi..kaya.
T_T
Ang sakit sakit na talaga.
Pumasok ako sa bar. Kanina pa ako umiiyak sa kotse ko. May ilan na ring tao dito sa bar. Wala akong pakialam kung makita nila akong umiiyak. Buhay ko 'to. Umiyak din sila kung gusto nila.
Taas-noo akong lumapit sa bar counter. "Vodka." Sabi ko sa bartender. Agad naman itong tumalima at binigyan ako ng isang shot ng vodka.
Funny. Hindi lang isang shot ang kailangan ko. Kung pwede, mga isandaan, o isan-libong shot para naman burado talaga yung sakit na nararamdaman ko dito sa puso ko. Kahit..pansamantala lang.
"Give me the bottle." Sabi ko.
"Are you su--"
"Do you think I'm kidding? Just give me what I want or else.." Nagbabantang sabi ko.
Lumalabas ang pagka-demonyita ko eh. Well, it's me. It's really me. Kay James lang naman ako nagbago eh. Siya lang naman ang nakapagpalambot ng puso ko. Siya lang..wala ng iba.
T_T
Inihain ng bartender ang bote ng vodka. Sunod sunod ko 'yung ininom. I want to get drunk. Tipong wala akong maaalalang sakit, wala akong mararamdamang sakit..
T_T
"Mandy? Fvck. Why are you here?"
Napatingin ako sa nagsalita. Oh the bastard--XKing.
"You don't care." Sagot ko.
"Mandy you're drunk."
Tumawa ako mapakla. Ramdam ko na ang epekto ng alak. "Yeah. Malamang. Nag-iinom ako eh. Kaya natural lang na malasing ako." Pilosopong sagot ko.
"Don't do this. Nagpaubaya ako. Hinayaan kitang saktan ako hindi para makita kang nagkakaganito. Ano bang nangyayari sa'yo?"
Mapait ulit akong ngumiti. "He hates me.." Sabi ko. Di ko alam kung saan nanggaling ang urge ko na masabi sa kanya. Pero wala eh. Bigay na bigay na ako. I want someone. I really want someone who can comfort me now.
"Sino? Yung gagong James na 'yun ba? Tang*na pala niya. Pagkatapos kong lunukina ng pride ko nang malaman kong niloko moko, na ginawa mo akong paibigin para sa revenge..para sa kanya tapos sasaktan kalang niya? Tch."
"Maybe it's my fault.." I said then uminom ulit ako ng alak.
"Kasalanan? You must be kidding me. After what you've done for him? I admit, hindi pa ako nakaka-move-on sayo. Tinanggap ko yung revenge mo dahil mahal kita. Pero hindi ko yata matatanggap na makita kang nasasaktan."
T___T
Wala eh. Nasaktan na ako at wala na yatang pag-asang bumalik si James sa dati. He's different from the old James I loved.
"Tama na 'yan. Ihahatid na kita." Sabi niya.
Tumingin ako sa kanya. "I'm fine. I can manage." Sabi ko. Naglapag na ako ng pera sa counter saka tumayo. Gusto ko ng umuwi. Sa bahay nalang ako magpapakalasing. Mas gusto ko pang mapag-isa. Masarap sa feeling na may nagko-comfort sayo pero mas gusto ko pa rin palang mag-isa.
"Are you sure?"
"Yes. Don't you dare follow me, or else you'll be dead." Banta ko. Nagawa ko pang mag-litanya ng demonyita mode ko.
Medyo lasing na ako. Isang bote lang yun pero ang lakas ng tama sa'ken.
Sumakay na ako ng kotse ko. I can still drive pa rin naman. Mag-iingat nalang ako. Ayoko pa namang mamatay dahil alam kong hindi ako tatanggapin sa taas. May sungay ako eh. So sa baba ang bagsak ko. Kaya wag muna.
--
James POV
Anong oras na ako nagising. Tangna. Nasobrahan yata ako ng alak kagabi.
Napailing nalang ako. Makikipagkita ako kay Mandy--not that, pupuntahan ko siya. Handa na akong kausapin siya. Handa na akong makinig sa mga paliwanag niya.
Lumabas na ako sa subdivision kung saan ang mansyon namin gamit ang kotse ko nang mapansin kong may kotseng nakasunod sa'ken. Hindi ako paranoid. Nagtataka lang ako.
Diretso akong nag-drive. Tinatahak ko na ang daan papunta sa mansyon nina Mandy. Nang mapatapat kami dito sa part na walang masyadong bahay, napansin kong nag-overtake saken yung kotseng sumusunod sa'ken at humarang sa daan.
Fvck! Sino ba 'tong gago na 'to.
Napa-preno ako saka dali-daling lumabas ng kotse ko.
Pasugod na ako sa kotseng humarang saken nang mapatigil ako. Bumaba si XKing sa kotse. At ano? Hindi ba niya matanggap na natalo ko ang XBang kaya ngayon balak ulit nilang gumati? Tch. Gago pala sila.
"Problema mo?" Sigaw ko.
"Problema ko? Ikaw!" Sigaw niya saka ako sinugod. Bigla niya akong sinuntok.
Napahawak ako sa pisngi ko. "Tangna! Hindi mo ba matanggap na natalo ko kayo--ang grupo mo ha?!"
"Putang*na mo Abellano! Wala akong pakialam kung natalo mo ako! Hindi na nga ako lumaban sa'yo. Hayop ka! Hindi mo alam kung gaano ka ka-swerte na ikaw ang mahal ni Mandy!"
Natigilan ako nang marinig ang pangalan ni Mandy.
"Alam mo bang habang nagpapagamot ka sa Korea, nakipaglapit siya sa'ken? Nakipaglapit siya sa'ken hanggang mahulog ang loob ko sa kanya. Hindi siya nabigo, minahal ko siya, nahulog ako.."
Naikuyom ko ang kamao ko. Yeah, nakita ko nga silang magkasama eh nong umuwi na ako dito sa Pilipinas.
"Pero nalaman kong..fvck! Inamin niya sa'ken na ginawa niya lahat para makapaghiganti. Sinaktan niya ang puso ko to get revenge. Dahil nalaman niyang ang XBang ang bumugbog sa'yo. Galit na galit siya sa'ken. Halos gumuho ang mundo ko nang malaman kong palabas lang pala ang lahat. How can you be so rude to hurt her? Tangna mo! Hindi biro ang ginawa niya para sayo! Tangna! Sinaktan niya ako, para sa'yo."
Natigilan ako. Nag-revenge siya para maipaghiganti ako..
FVCK. She really loves me? Hindi niya ako niloko? Hindi..
"Putang*na mo. Kung sasaktan mo pa rin lang siya, asahan mong nandito ako. Aagawin ko siya sa'yo Abellano. Dahil ang tulad ni Mandy, hindi sinasaktan kundi minamahal."
</3
Fvck. Wala akong idea na ganon yung kwento sa likod ng mga nakita ko. Parang sa isang iglap ay nasagot lahat ng katanungan sa isip ko. Parang hindi na kailangan pang marinig ko ang explanation ni Mandy dahil malinaw na ang lahat.
"Galing siyang spade bar kanina. Nagpapakalasing. Umiiyak. Ayoko siyang nakikitang nagkakaganon. Dahil parang nabalewala lang din ang revenge na ginawa nya saken kung masasaktan din lang siya sayo. Umayos ka Abellano. Baka di ako makapagpigil, idaan ko sa dahas ang pag-agaw kay Mandy sayo."
Fvck! No. She's mine. She loves me. I love her. We love each other.
"Don't you dare..because she belongs to me." Sabi ko saka mabilis na sumakay sa kotse ko.
Pupuntahan ko si Mandy. Kahit hindi na siya mag-explain, I don't care. Malinaw na saken lahat. Ang mahala, alam kong mahal niya ako at hindi niloko.
Nagrevenge siya para saken..
She did that for me. She did that for me because she loves me..she loves me.
Mabilis kong pinaharurot ang sasakyan ko. I'm back. I'm the old James. Nawala na bigla ang harang na inilagay ko sa puso ko. I want to hug her, to kiss her, to tell her how much I love her..
Krrrrinnngg..
Napatingin ako sa phone ko na nakapatong sa headboard. Kinuha ko yun at tiningnan ang caller.
Yumiko calling..
Mabilis ko 'yung sinagot. "Yumi?"
[James..si Mandy..]
O___O
Nilukob ng takot ang dibdib ko. Ang lakas ng kabog.
"Anong nangyari? Fvck! Tell me. Nasaan siya?" Sigaw ko. Nanginginig na ang kamay ko sa takot. No..think positive. Walang nangyari..wala!
[Sinugod siya sa ospital, James. Na-aksidente siya. Fifty-fifty. I'll text you the hospital adress.]
Mandy..
Kasabay ng pagbagsak ng cellphone ko ang biglang pagtigil ng mundo ko.
*
A/N : Whoo! 4 more chapters and ending na. Abangan ang remaining chapters. Hashtag #DBMTruth
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top