Chapter 52

Mandy POV

Hindi ako pumasok. Bukod sa wala akong gana, natatamad pa ako. Wala na kasi akong energizer..

Wala na dahil, wala na siya...saken. 

For him, I'm just an old friend. Wala na siyang pakialam sa'ken. Ang sakit, sobra. Tipong sinaksak ako ng ilang beses gamit ang samurai. Ang sakit sakit sakit.

Para na akong taong buhay pero patay ang kaluluwa. Di ko ma-explain. High ako lagi. Wala sa sarili. Ilang araw palang ang lumipas pero miss na miss na miss ko na siya. Gusto ko siyang makita, o kahit matanaw lang. Pero wala akong magawa. Palagi akong nagkukulong dito sa mansyon. Nag-e-emote kahit alam kong..

T__T

Wala ng pag-asa. Pero hindi ako susuko. Ipaglalaban ko ang pagmamahal ko kay James. Ipaglalaban ko yung mga pangakong sinabi nya sa'ken noon. Mahal na mahal ko siya at hindi ako susuko. Kahit siya na mismo ang nagtutulak sa'ken palayo, pilit ko pa ring ilalapit ang sarili ko sa kanya. 

Dahil sabi nga niya no'n, anuman ang mangyayari, mabago man ang lahat, hindi magbabago ang katotohanang AKO ang laman ng puso niya, at hindi 'yun mawawala. Yun ang pinanghahawakan ko ngayon. Alam kong mahal pa rin ako ni James. Mahal na mahal niya ako. 

"Ma'am may bisita po kayo. Si spokening dollar po ulit!" Sigaw ng katulong mula sa labas ng kwarto ko. 

Spokening dollar, the hell? Psh. Tumayo na ako at lumabas ng kwarto ko. Narito pa ang katulong sa labas. 

"Nasa salas po siya Ma'am." Sabi ng katulong. Tumango lang ako at bumaba na. 

"Hey demonyita." Salubong saken ni Fancy saka nakipag-beso. 

"Have a seat." Sabi ko. Sabay kaming naupo sa couch. "What is it?"

"I'm here to make gawa na my plan."

Huh? "Anong plano ba yan?"

"Make impake na."

"Ano?"

"I said, make impake na. You will make sama to me sa mansyon."

Sasama sa mansyon nila? "And why?"

"Because I say so."

=_=

Pilosopo. "Ano nga? Why?"

"You'll stay muna sa mansyon for one week. And sa loob ng week na yon, we'll make the trippings for Patrick."

Mag-stay sa mansyon..nila?! "Are you serious?"

"Do you think I'm not seryoso? Aish. Demonyita, we can't make the trippings if you're not there sa mansyon. You want or what?"

Pag nag-stay ako sa mansyon nila, ang ibig sabihin...

Makakasama ko sina James at Ynna don? What the hell. Para akong pupunta sa impyerno 'pag nagkataon. "Do I need to stay there?"

"If you really gusto na ma-get ulit si Patrick, you'll make sama to me. I'm bahala to Patrick. Just trust me demonyita. You know, I'm sick of this! I'm naiinis na sa lovelife ng brother ko."

"Pero si James, iba na siya.."

"Yeah! I don't know what happened to Patrick. He used to be as jolly as Jollibee but now he's cold na! He looks like mcdo na, creepy! I can't let him to ba like that forever. And I'm naba-bother talaga! Seeing him like that makes me wanna sabunot that Ynna bitch na super feelingera! That's why I'm here. I will help you. Kasi, I'm na-stress na kaya sa two handsome brothers ko. It's like their love life were cursed. Always get complicated! Buti nalang I'm here to save their buhay. Well, I'm super Fancy! The savior of ruined love life. Oha! Now, Patrick should brace himself cause after our trippings, he'll go back to you na."

Dumugo ang ilong ko sa speech ng batang 'to. So what now? Sasama ba ako sa kanya? Mag-stay ng one week sa mansyon nila? Tama ba ang gagawin namin? Gusto ko lang naman na maibalik sa dati si James. Gusto kong bumalik siya sa totoong siya. I really missed the old James. 

"Pero.."

"Ohmy demonyita! You're making isip pa? The last time I checked, you said deal to me."

Oo nga pala. Nag-deal nga pala ako. Eh malay ko bang requirement ang pag-stay sa mansyon nila? Pero kung iisipin, advantage na rin kasi makakasama ko si James kahit sungitan nya ako. Kahit hindi nya ako pansinin. Ang mahalaga, makita ko siya, at makasama sa iisang bubong. 

I sighed. "Fine. I'll go with you."

"Omoo! Yes! I'm super excited na sa trippings! I made the move na kaya. Haha!"

Tumayo na ako pero may naisip ako. "Paano kung umalis sa mansyon si James 'pag nakita nyang andon ako? Baka dun lang siya mag-stay sa condo nya." Sabi ko. 

"Oh well, don't you know that I'm matalino? Ha-ha! His condo is under-maintenance. That's why he's staying now sa mansyon. Kaya nga this is the right time to do our trippings! So go on na, make impake!"

Nakahinga ako ng maluwag. Disaster kaya ang mangyari pagdating ko sa mansyon nila?

"Pero sina Lance at Yumi.."

"I said, I'm matalino. They knew already. And they are payag naman. They want din naman na bumalik si Patrick sa dati. So, don't hesitate na. Just make impake. I hate waiting."

Psh. Wala na akong kawala dito. Tinutulungan ako ni Fancy. Gusto nya rin kasing maibalik ang kapatid nya sa dati, tulad ko. Thankful ako na andyan siya, she'll help me to get James. Babawiin ko kung ano ang sa'ken. At si Ynna? Ipapamukha ko sa kanyang, walang sa kanya! Akin lang si James!

--

Hingang malalim. Inhale, exhale. Shit! Kinakabahan talaga ako. Excuse me lang pero marunong din naman kabahan ang demonyita. 

"Demonyita! Make baba na. We're here."

Oh shocks! Anong gagawin ko. Naman! "Ah, okay.."

Dahan dahan akong bumaba sa malawak na veranda ng Abellano's mansion. Yung maleta ko, dala na ng katulong. Isa lang naman yon. 

Lumapit ako kay Fancy. "Little devil, can you stay beside me?"

"Yes, yes. I understand demonyita. Don't worry. I'm in charge sa'yo. Let's go inside."

Ayan na! Hala. Kinakabahan talaga ako. Damn it. 

O____O

Ano ba yan! Kakadating ko lang tapos siya ang sasalubong sa'ken? What the hell. 

"And why are you here?" Mataray na tanong nya. "Sa pagkakaalam ko, wala namang okasyon dito para pumunta ka."

"Shut up nga bitch! Are you the owner of OUR house? You din naman, why are you here? There's no okasyon naman." Mataray na sabi ni Fancy kay Ynna. 

"Hello, for your information, fiance ako ni James at siya ang nagpatira sa'ken dito para magkasama kami." Sagot ni Ynna. 

Ang kapal talaga ng kalyo nito sa mukha. Teka, di ko pala nadala ang pink card, edi sana may maiitapal ako sa noo ng babaeng 'to. 

"Like ewww! Who said na you're his fiance? So kaderder ha! You're so feelingera talaga bitch! Make alis nga dyan! I will make hatid pa si Mandy sa room niya."

Nanlaki ang mata ni Ynna. "What did you say? Room?"

"Yes. It's our house naman. I can invite my friends here. You nga eh andito, you're not a friend naman. I will make you patapon sa ilog pasig if you'll salita pa. I'm naiirita sa voice mo. Sounds itchy."

Gusto kong matawa sa mga sinasabi ni Fancy. Magka-ugali nga kami. Now I understand why they call her, little devil. And I'm the devil. 

When the devil and little devil collide, booomm! World war III. Magtago na kayo. Haha!

"Ikaw.." Nanggigil sa sabi ni Ynna. 

"What? Make alis nga! Shoo! Make salita pa or I will ngudngod you to the floor. Sa tiles or sa grava? Psh."

Hinawakan na ako ni Fancy. Nilampasan na namin si Ynna at umakyat sa taas. Kaloka. Di na ako nagsalita kasi kayang kaya ni Fancy si Ynna. Paano pa 'pag dalawa kami? Kawawang Ynna for sure. 

"Here's your kwarto." Sabi ni Fancy nang tumigil kami sa harap ng isang kwarto. 

O____O

"Wait, sandali nga.." Kasi naman napansin ko na katabi ito ng kwarto ni James. Shems naman 'tong little devil na'to. Nananadya talaga. 

"What?"

"B-bakit katabi ng kwarto ng Kuya mo?" Tanong ko. 

"Why not? Para you can seduce him sa gabi. It's madali na kasi magkatabi lang kayo ng room! Oha! I'm so galing talaga mag-isip."

=__=

Seriously? Seduce? Ako? Si James? Baliw na bata. "Little devil.."

"Yes I am. And you're the devil. Senior version."

=__=

"What did you say? Senior version? Tingin mo saken, matanda na? Psh."

"Haha! You're highblood agad demonyita. Basta! You'll stay there sa kwarto na 'yan. Okay? Basta I'm bahala to Patrick. And please, don't act shy nga. Not so bagay to you. Don't make pakita to Patrick na weak ka. Specially to bitch Ynna."

Okay. Very well said, little devil. Advice kung advice. 

Tumango na ako. "Okay. Dito muna ako sa loob. And papahinga muna ako."

Nag-two-thumbs-up siya at ngumiti. "Okay! Just call me when you have kailangan ha? Yumi is there din naman. You can talk to her din. I will make sabi na din to them that you're here na. Tale a rest demonyita. It's already seven."

Mag-gagabi na pala. "Okay. Thanks little devil." Sabi ko saka pumasok na sa loob ng kwarto. 

Pagkapasok ko sa kwarto, nakita ko agad yung maleta ko na nakapatong sa ibabaw ng kama. Binuksan ko 'yun at kumuha ng damit na pantulog. Then pumasok ako sa banyo at nagpalit. Naghilamos na rin ako then pinatong ko muna yung maleta ko sa couch saka nahiga sa kama. 

Okay. I'm here at Abellano's mansion. Nagsabi lang ako kanina sa mayordoma ng mansyon namin na mawawala ako ng one week. Well, wala namang maghahanap sa'ken don. I'm alone there. 

Hay. Kailangan kong ihanda ang sarili ko. Sa loob ng one week, makakasama ko si James sa isang bahay. Idagdag mo pa ang mortal enemy ko na si Ynna. 

*Yawn*

Bigla akong inantok. Dumating ako dito pero 'di ko pa na-meet muna sina Lance at Yumi. Si James din di ko pa nakita. Si Ynna pa talaga ang una kong nakita. Yung bitch na 'yun talaga masyadong feeler. Fiance pala ni James ha? Fiance-hin ko mukha niya. Psh! Maipa-deliver nga dito yung mga pink card ko. Para araw araw may tapal sa noo ng bitch na yun. 

James is my weakness pero tama si Fancy. Wag ko dapat ipakita kay James na mahina ako. I will fight for him. Kahit nasasaktan ako sa pakikitungo niya sa'ken, hindi ako susuko. Gagawin ko ang lahat, maibalik lang ang lahat sa dati. 

Isa pa, gusto kong malaman ang lahat lahat kung bakit siya nagka-ganon. Kung bakit parnag galit siya saken at wala na siyang pakialam saken. Hindi ko kakayanin. Kaya kahit gaano ka-kumplikado ng relasyon namin sa ngayon, alam kong maaayos din ang lahat. 

Tiwala lang. Tiwala lang sa pagmamahalan na nag-uugnay sa'meng dalawa. 

*yawn*

Mahal na mahal ko si James..

*yawn*

Kakayanin ko ang lahat, para sa kanya. Even the heartaches..

*yawn*

I think I need to take a nap for a while. Mamaya ko na kakausapin sina Yumiko. Ayoko din namang mag-stay dito nang hindi man lang sila nakakausap ng personal. Buti pumayag sila. 

*yawn*

James ko..

Zzzzzzz..

--

James POV

Galing na naman ako sa bar. Tangna. Laman na ako ng bar mula nang umuwi ako dito sa Pilipinas. 

Kasabay ng paghilom ng mga sugat at injury na natamo ko sa pambubugbog ng XBang saken ang paglalim ng sugat dito sa puso ko. 

I love her. I want her. But I can't find the words to say how much I hate her. Hindi ko matanggap na may iba siyang lalaki. Na masaya siya don. Na..na yung lalaki na yun pa, ang nambugbog saken. Tangna talaga. 

Pero may isang sinabi si XKing na hindi mawala sa isip ko. Pauli-ulit na pumapasok sa isip ko. 

Pasalamat ka mahal ko ang babaeng nagmamahal sayo kaya di kita papatulan..

Tangna! Ano bang sinasabi ng gagong yun? Mahal nya ang babaeng nagmamahal saken? What does he mean? Fvck. 

Pumasok ako sa mansyon. Sinalubong ako ni Ynna. This girl, wala naman akong gusto sa kanya pero pilit niyang isinisiksik ang sarili niya saken kahit sinabi ko na sa kanya, wala akong nararamdaman para sa kanya. 

Fvcking shit! Wala na ngang space! Occupied na lahat lahat ng babaeng nagngangalang Mandy Aguilar. 

"James, are you drunk? Oh my god! What's your problem ba? Do you need anything? Let's go to your room."

Tch. "Shut up. The last time I checked, you're not my wife nor girlfriend to act like that. Just leave me alone." Sabi ko saka siya nilampasan. 

Wala ako sa mood makipag-usap sa kanya. Mabait ako sa mabait, pero hindi sa lahat ng pagkakataon kailangan kong maging mabait. Tine-take for granted kasi ng iba. And damn, they sucks!

Umakyat na ako sa taas. Papasok na sana ako sa kwarto ko nang may maalala ako. Siguradong dito na naman papasok si Ynna mamaya. Damn it. Hindi ko gusto ang idea na makasama siya sa kwarto. 

Umiling nalang ako. Sa guest room nalang ulit ako tutulog. Nahihilo na ako at gusto ko ng magpahinga. Nilampasan ko ang kwarto ko saka binuksan ang isang guest room. Madilim sa loob. Malamang nakapatay ang ilaw. Tch. Wala na akong oras pa para magbukas ng ilaw. Ang gusto ko lang, mahiga na. 

Dumiretso ako sa kama saka nahiga. Fvck! Sarap sa pakiramdam na mahiga sa malambot na kama. 

Pumikit na ako at pinilit ang sarili kong matulog. Yeah, I want to rest. 

--

Mandy POV

Naalimpungatan ako nang may something akong naamoy. Amoy alak. Tapos parang may humihilik. 

O____O

Teka, humihilik?

O_____O

"AAAAAHHHHHHH!" Napasigaw ako! Waa! Baka may magnanakaw! May manloloob ng bahay! Shit!

"Fvck--what the fvck!"

O_______O

Napatda ako nang marinig ang boses na yun. Ang boses na yun.. 

Hindi ako maaaring magkamali. Hinding-hindi. I know him in every single way. 

Binuksan ko ang lampshade. At nang tuluyan itong magbukas, tila nag-freeze ang paligid. Parang nagslow motion ang oras..parang..

"Mandy?"

"James?"

O____O

Napabangon si James sa kama saka tumayo. Binuksan niya ang ilaw. 

O_____O

Topless..what the hell..kelan pa..kelan pa..kelan pa siya nagka-abs? Kelan pa gumanda ang katawan niya? Kelan pa..kelan pa nawala ang tiyan nya?

"Stop staring at my body. Fvck. Why are you here? What are you doing here!"

O___O

Shit. Nakalimutan ko. Hindi pa ba alam ni James? Anong sasabihin ko? He looks irritated. Geez. Kahit iritado siya, ang gwapo pa rin niya. Ang hot nyang tingnan. Naka-pants lang tapos topless. Messy hair.. 

*o*

Yaaa! Pinagnanasaan ko si James. Nakakahiya ako!

"You're drooling. Damn it! Answer me! What are you doing here?"

Hala galit. Lagot. Anong sasabihin ko? Waaa! I need you little devil! Alangan namang sabihin kong nandito ako para sa trippings?

"ANSWER. ME." Matigas na sabi nya. Galit talaga siya. Nakatayo lang siya habang ako nakaupo dito sa kama. Geez! Magkatabi pala kami kanina. Kung alam ko lang edi sana di na ako sumigaw para di siya nagising. Baka sakaling nayakap ko pa siya. 

"I. SAID. ANSWER. ME."

Ay tipaklong. Lumilipad ang isip ko. Si James kasi! "A-Ano, kasi.."

"WHAT?"

"Si---"

"What's the commotion here?" 

O____O

Si little devil binuksan ang pinto at nanlaki ang matang nagpalipat-lipat ang tingin sa'men ni James. 

Natutop nya ang bibig nya. "Ohmyholychuvaners! You're pregnant na agad Mandy? You made a baby agad? So bilis naman!"

=__=

"Shut up little devil. Bakit siya nandito? Anong kalokohan 'to?" Seryosong tanong ni James. 

"Oh Patrick--Ohh! You have ABS na pala. Is it real? Is it real? Dandandan..dalandan!"

=__=

Pilosopa talaga. 

"Fancy Jewel Abellano, I'm warning you. What the hell is she doing here?!" Galit na sigaw ni James. 

Napatungo ako. Nababahag ang sungay ko kapag kaharap ko si James. Nakakatakot siyang magalit ngayon. Iba na talaga siya. 

"Geez! So nakakairita! You talked like Reid na. You're nasapian ba Patrick? Where's my brother na super jolly ha? Psh. She's here kasi I need her tulong to the upcoming event sa SWU. She will help me lang. One week siya here. So let her be. And like duh! Why are you here ba sa guest room? You're planning to rape mady-monyita ba? Oh well that's great!"

=___=

Seriously little devil? Di ka ba natatakot sa kapatid mo? Umuusok na ilong oh. 

"Shut the fv---"

"Aahhh! Don't make mura nga! You talked like Reid na talaga! Kainis ka! I will putol your dila kapag nag-cuss kapa!" Sabi ni Fancy. 

=__=

Nasasaksihan ko po ang pag-aaway ng kapatid. Hindi talaga takot si Fancy sa kapatid nya samantalang ako oh, parang bata na hindi alam ang sasabihin kay James. 

"Tch. Bakit kailangan pa nyang mag-stay dito?" Tanong ni James. 

Halatang ayaw nya ako dito. Bakit? Maaabala ko ba sila ni Ynna? Ang sakit ha!

"Geez! Patrick, why si Ynna? Bakit nag-stay siya here? She's not a friend naman. You make pauwi na nga her!"

"Walang ginagawang masama si Ynna. Let her here. Binilinan siya ni Mama na alagaan ako dito." Sagot ni James. 

Wow? Alagaan? Really huh?

"So ew! You're not a baby anymore Patrick. And besides, Mandy-monyita is here naman. She can take care of you more than Ynna can."

Fancy naman. Parang gusto ko ng lumubog sa kinatatayuan ko. 

"I. HATE. HER."

</3

Letseng puso. Apektado agad sa tatlong words na yun. He hates me? Halata naman. Obvious na obvious kaya aalamin ko kung anong dahilan niya. 

Lumabas na si James dito sa kwarto kaya naiwan kami ni Fancy. 

Nag-thumbs-up siya sa'ken. "You saw his ABS? He's hot right?"

=_____=

Seriously?! Bakit ganito mag-isip si Fancy? Bipolar..no, multipolar na bata!

"Fancy." I said in my warning tone. 

"Ha-ha! Just kidding. It's the simula pa alng naman! I told you. Don't make pakita kay Patrick na you're weak. Just let him be kung what ang ipakita or sabihin nya to you. Don't make it dibdib lage okay? You have likod pa."

Pilosong bata talaga. "Fine, fine." Sagot ko. Tama naman siya, oo masakit! Masakit talaga yung bawat word na sinasabi nya patama sa'ken pero kailangan kong tiisin. 

Kasama talaga sa pagmamahal ang masaktan. Kelangan lang na maging matatag. Mahal ko siya, kaya titiisin ko lahat para sa kanya. 

*

A/N : Whoo! Hashtag #DBMThePlan

Follow me on twitter, @pinkyjhewelii

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #teenfiction