Chapter 51
James POV
"That's all?" Tila nang-aasar na tanong ni XKing habang nakadapa na sa sahig.
"Fvck you! I will kill you XKing!" Sigaw ko. Susugurin ko na sana siya nang mapatigil ako sa sunod na sinabi niya.
"Walang wala ang mga sugat at sakit ng katawan sa sakit na nararamdaman ko dito sa puso ko. Putan**na!"
Great. Wala na ba sila ni Mandy? Baka pinagsawaan na rin siya. Tulad ng ginawa ng babaeng yon saken.
"Kill me, I deserved this revenge. Tch!" Sigaw ni XKing.
Huminahon ako at tiningnan siya ng blankong ekspresyon. Enough. I won. "Pasalamat ka may puso pa ako." Tumalikod na ako pagkasabi niyon.
Lumabas ako sa building na yun at sumakay sa kotse ko. Paharurot ko yung pinatakbo. Tang*na. Masarap din sa pakiramdam ang maka-ganti.
Ilang minuto lamang ay nakarating na ako sa condo ko. Hindi muna ako uuwi sa mansyon ngayon. Gusto kong mapag-isa.
Pagpasok na pagpasok ko sa unit ko ay kumuha ako ng mga beer sa fridge ko. Dumiretso ako sa salas. Umupo ako sa carpeted floor. Binuksan ko ang alak saka tinungga iyon.
E'di brokenhearted nga ang puta**nang XKing na yon? Anong nangyari sa kanila ni Mandy? Ano? Pinagsawaan na rin nga siya? Tch. Ibang klasen babae talaga. Demonyita kung demonyita. Kelan nga ba magse-seryoso sa isang relasyon ang isang demonyitang tulad niya?
Pagkatapos kong gawin ang lahat. Pagkatapos ko siyang pagkatiwalaan? Fvcking shit. Ito lang ang gagawin niya saken? Hindi ko alam kung mapapatawad ko pa siya. Isa pa, wala ng dahilan para magtagpo pa ang landas namin. Babalik din akong Korea. Hindi na ako mag-stay dito sa Pilipinas ng matagal. Mission accomplished. Naka-ganti na ako sa XBang. Paano ko nga ba nagawa 'yun? Napatumba ko silang lahat ng ako lang.
Simple lang. Wala akong pakialam kung pandaraya man ang ginawa ko. Ang nasa isip ko lang ay makaganti. Two weeks ago, umuwi ako dito sa Pilipinas. May nakilala akong mga gangster na taga-underground world.
Nagpatulong ako sa kanila para i-build-up ang katawan ko. Gusto kong lumakas. Gusto kong maging kasin-tigas ng bato. Araw araw akong nag-gym. Pero hindi 'yun ang secret kaya natalo ko sila.
Yung dalawang lalaking kasama ko sa mansyon nong birthday ni Fancy, kinabukasan, sila ang kasama ko papuntang Mexico. May sindikato silang kakilala don na nagbebenta ng drugs. Oo, drugs. Drugs na hindi ko maintindihan kung paano ginawa yon. Basta ang alam ko, ang matinding epekto ng drugs na yun, lalakas ang katawan. Daig pa niyon ang steroids. Kakaibang lakas ang hatid non sa buong sistema ko. Tipong nabubuhay ang mga ugat ng muscles ko. Tipong bawat atakeng gagawin mo, malakas ang magiging epekto sa kanila. Isang suntok lang, katapat non parang sinuntok ka ng malaking bakal. Kaya siguradong tutumba agad ang kalaban.
Wala naman side effects. Yun nga lang, nagkakahalaga iyon ng milyones. Pinaggastusan ko 'yun para sa XBang. Dahil gusto ko silang magantihan ng walang kasamang tulong ng iba.
Binuksan ko ulit ang isang bote ng alak at tinungga iyon. Fvck!
Nakatitig ako sa kawalan. Kusang tumulo ang luha ko. Tangna. Hangga't maaari ayokong iiyak ako. Hindi ako bakla. Fvck! But I can't help it. Hindi ko pa rin ba matanggap na niloko NIYA ako..
*flashback*
"Mahal na mahal ko si Mandy. At kahit itakwil nyo ako, hindi magbabago ang isip ko Mama."
"Nahihibang ka na ba? Hindi maganda ang maidudulot sa'yo ng babaeng yon! Si Ynna! Siya ang nababagay sayo. Siya ang nariyan nang mga panahong nakaratay ka sa hospital!"
Naikuyom ko ang kamao ko. "Alam kong may dahilan si Mandy kaya wala siya dito sa Korea! I trust her 'Ma. At alam ko na siya ang nararapat sa'ken. Don't judge her by her appearance. She may look like a devil but she's a noce girl. She's an idea girl 'Ma. And I love her."
"Hindi ako makapaniwalang maririnig ko sa'yo yan James. All I want for you you is the best.."
"She's not the best girlfriend in the world, but she's the woman who can make me happy even in a simpliest way. Hindi naman mahalaga kung hindi siya perpekto, ang mahalaga, mahal namin ang isa't isa."
Napailing si Mama. "Hindi. Hindi ako makakapayag."
"You want me to be happy right? Then let me stay with her. Because she's my happiness."
Hindi nakapagsalita si Mama. Lahat kaya kong gawin, lahat kaya kong kalabanin para kay Mandy. Dahil mahal na mahal ko siya.
"I can't believe this."
"Uuwi ako ng Pilipinas. At hindi nyo ako mapipigilan. Subukan nyo ulit akong harangin sa pakikipag-relasyon kay Mandy, I swear to God, makakalimutan kong may Mama pa ako."
"James, anak.."
"Please understand me. I love you Mama. So don't make me hate you." Pagkasabi niyon a tumalikod na ako.
Lumabas na ako ng kwarto saka pumuntang salas kung saan andito sina Bro, sina Yumi. Pauwi na silang Pilipinas. Hindi naman sila mag-stay ng matagal dito sa Korea, wala pa nga yata silang tatlong oras dito. Gamit nila ang private plane ng pamilya namin. Sasama ako pauwi sa kanila. At walang makakapigil saken.
"Anong nangyari?" Tanong agad ni Lance.
"Sasama ako pauwi." Sagot ko.
"James.." Sambit ni Yumi.
"Are you sure? Kagagaling mo lang. Pinayagan ka ba ni Tita Jamie?" Tanong ni Bro.
Umiling ako. "I don't know kung pumayag si Mama. Pero alam niya. So, let's go?"
"Are you fvcking serious?" Tanong ulit ni Bro.
Tumango ako. "Yes. Kung hindi ako kayang puntahan ni Mandy dito sa Korea, pwes ako ang pupunta sa kanya. I want to know her side. I want to know her reasons."
Tumango lang si Bro saka tumayo na.
"Let's go."
Sumunod sina Yumi at Fancy kay Bro. Bitbit ko lang ang isag duffel bag. Handa na'to kanina pa bago ko pa kausapin si Mama.
Narinig ko ang pagbukas ng pinto mula sa likuran ko.
"James, anak. Mag-ingat ka. Mahal kita kaya hahayaan na kitang sumaya sa piling ng babaeng mahal mo."
A smile curved on my lips. At least, hindi mabigat ang loob ko pag-uwi ng Pinas. Okay kami ni Mama. Lumingon ako saka siya niyakap.
"I love you 'Ma. Thanks."
Tumango lang si Mama saka tinapik ako sa balikat. Kumalas na ako ng pagkakayakap saka sumunod na kina Bro palabas ng bahay.
*end of flashback*
Pinaglaban ko siya kay Mama. Pero anong iginanti niya? Fvck! I can believe, she can do that. She lied to me! She cheated on me!
Ibinato ko ang bote ng alak saka muling nagbukas ng panibago. Hindi ako pala-inom pero mula nang umuwi ako dito sa Pinas, naging pala-inom na ako.
Nang dahil sa kanya..
Nang dahil kay Mandy. Yeah, because of her..
*flashback*
"We're here." Bumaba kami sa platform kung saan tumigil ang private plane. Sumakay kami sa kotse na maghahatid sa'men sa mansyon.
Katabi ko si Yumi at Fancy dito sa likod. Natulog si Fancy pagkasakay palang namin ng kotse. Napagod. Nasa unahan si Bro pati yung driver ng kotse.
"Yumi.."
Tumingin siya sa'ken. "Yes James?"
"Don't tell to Mandy na nandito na ako sa Pinas. I want to surprise her."
Ngumiti si Yumi. "Sure."
"Sa birthday ni Fancy, magpo-propose na ako sa kanya. So please, don't tell her until Fancy's birthday. At gusto ko na ikaw ang mag-invite sa kanya sa party para wala siyang idea. May two weeks ako para paghandaan ang lahat."
"Really? I'm happy for you James!"
Ngumiti ako. "I just..love her that much." Sagot ko.
She tapped my shoulder and show me her 'ok' sign. Nakahinga ako ng maluwag.
I'm ready. Gusto ko ng mag-propose sa kaniya. Gusto kong matuloy ang mga planong napag-usapan namin noon sa beach sa Batangas. Lahat yun tutuparin ko. I want her to be happy and I will do everything for her.
Nakarating kami ng mansyon. Gabi na pero excited na akong makita si Mandy.
"Bro pupuntahan ko lang si Mandy. Pero hindi ako magpapakita sa kanya. I just want to see her, kahit sa malayo lang." Paalam ko.
"It's up to you." Sagot lang ni Bro saka sila pumasok sa mansyon nina Yumi. Si Fancy buhat ni Bro. Tulog eh.
Ang lapad ng ngiti sa labi ko. Makikita ko na rin ang babaeng pinakamamahal ko. Miss na miss ko na siya. Pakikinggan ko lahat ng dahilan niya kung bakit wala siya sa Korea. Alam kong may valid reason siya. Pero bago ko na yun itatanong sa kanya dahil hindi muna ako pwedeng magpakita sa kanya sa ngayon. Sa malayo ko nalang muna siya tatanawin.
Sumakay ako sa kotse. Kinuha ko sa driver ang susi at pinaharurot ang kotse. Ilang saglit lang ay nakarating ako sa mansyon nila Mandy. Dito ko itinigil sa bandang malayo. Lalabas kaya siya?
Magpapa-deliver ako ng bulaklak para lumabas si Mandy. Sasabihin ko sa delivery boy na sabihing si Mandy ang dapat na mag-recieved ng bulaklak para siguradong lalabas siya. Tama!
Napangiti ako sa naisip ko. Tatawag na sana ako sa flowershop na alam ko nang mapatingin ako sa dumating na kotse. Tumigil iyon sa harap mismo ng mansyon nina Mandy. Sino yon? Si Mandy kaya?
Pero bago pa ako mag-isip, mas ikinagulat ko nang makita si XKing na lumabas ng kotse na 'yun. At pinapasok ng guard sa loob ng gate.
Seriously? What the hell is he doing here? Anong meron? Hindi pwede. Wag mong saihing totoo yung mga pinakitang pictures ni Ynna saken na magkasama sina Mandy at XKing? Hindi.
Umiling-iling ako. I trust her.
Naghintay ako ng ilang minuto. Fvck. Naikuyom ko ang kamao ko nang makitang lumabas na ulit si XKing pero kasama na niya si Mandy. She's wearing her dress at napakaganda niya. She's smiling. Is she happy? With that fvcking gangster? How? How does it happen?
Sumakay sila sa kotse nung ugok na 'yun. I don't know what to think pero pinaandar ko ang kotse ko at sinundan sila.
Ilang minuto rin at tumigil sila sa restaurant na may malaking signboard sa taas.
DESTINY
Magde-date ba sila? Ayokong isipin. Ayokong unahin ang galit ko. May tiwala ako kay Mandy. Mahal niya ako. Hindi niya ako lolokohin at lalong hindi niya ako ipagpapalit sa gangster na yon! Tangna!
Bumaba na sila. Nagpalipas muna ako ng ilang minuto. Pero nainip na ako. Hindi na ako nakainis.
Susundan ko sila sa loob. Kokomprontahin ko si mandy. I want to know what's really going on. Fvck! I can't stay here at my car while my girlfriend is with that fvcking gangster.
Bumaba ako ng kotse ko saka lumapit sa entrance. Pagpasok na pagpasok ko..
Kulang nalang ay maputol ang mga ugat ko sa kamay nang ikuyom kong muli ang kamao ko. Nagsisi akong bumaba pa ako ng kotyse ko. Dahil hindi ko matanggap..hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.
They are both standing. And..they are kissing like a real couple. Really huh? So she's cheating on me.
Niloko niya ako. Pagkatapos ng lahat ng ginawa ko para sa kanya? Pagkatapos..
Fvck! Ilang segundo rin akong nakatingin lang sa kanila pero hindi pa rin sila tumitigil. They're still kissing. The fvck.
Lumabas na ako ng restaurant na yon saka mabilis na sumakay sa kotse ko. Tangna! Anong klaseng babae siya? Ako? Na excited na excited na makita siya. Nag-plano pa nga ako na mag-propose na sa kanya two weeks from now pero ano? Tangna! Anong ginanti niya?
Pinagpalit niya ako sa gangster na 'yun? Na dahilan kung bakit ako na-comatose!
I gritted my teeth. Hindi ako makapaniwala. Demonyita nga ang babaeng 'yun. Bakit ba masyado akong naniwalang kayang maging stick-to-one ang mga bitchy na babaeng katulad niya? Tangna lang kasi! I trusted her! Pero sinira niya! I should've believe Ynna! I should've believe my mom!
Nakarating ako sa bar. Pumasok ako. Magpapakalasing ako! Damn it! Am I brokenhearted tonight? What the hell.
Seeing the girl I loved kissing someone? Worst view I've ever seen.
*end of flashback*
Hanggang ngayon, malinaw na malinaw pa rin sa isip ko ang nakita ko two weeks ago. The fvck!
Sa sobrang pagmamahal ko pa kay Mandy, kahit galit na ako sa kanya, umasa pa din ako na namamalikmata lang ako nang gabing 'yun. I follow her everyday. I watched her everyday. But damn! Mas lalong nadadagdagan ang sakit na nararamdaman ko na sa araw araw na sinusundan at pinapanood ko siya, nakikita ko kung gaano siya ka-saya. Hatid-sundo siya ni XKing. Consistent pa nga. They looked happy. The fvck! My heart broke a hundred times.
That's the time I decided to go to gym. Hindi ko na sinundan pa si Mandy. One week ko lang siyang sinundan at hindi ko na kinaya.
Isa sa pinakamasakit, ay yung makita mo ang taong mahal mo na masaya sa piling ng iba. Daig ko pa ang nasaksak ng ilang beses sa dibdib ko. Nahiling ko pa nga na sana hindi nalang muna ako nagising. Na sana comatose nalang ako, para hindi ko nararamdaman ang tangnang sakit dito sa puso ko!
Mula nang gabing iyon, parang nakalimutan ko ng ngumiti. Palagi akong nag-iinom. At ngayon, sa nakalipas na isa pang linggo. Nagla-lagi ako sa gym. Dahil pinaghandaan ko na ang pambubugbog sa XBang. At sa gym mismo, nakilala ko 'yung dalawang lalaking nagsama saken sa Mexico. Binayaran ko din sila kapalit na tulong na ibinigay nila.
Tandang-tanda ko pa nang makita si Mandy sa mall. Sinusundan ko sila ni XKinf non. At sinadya kong magpakita nong mag-CR siya. And then, tinawag niya ako. That time, I want to hug her, kiss her pero sa t'wing maiisip ko ang ginawa niyang panloloko saken, parang gusto ko siyang burahin sa puso ko. That's why, I acted as if I didn't know her. Nagulat siya, but then, hindi ko alam kung may pain akong nakita sa mga mata niya. Basta sumiklab ang galit sa dibdib ko non kaya umalis na ako bago ko pa siya masumbatan.
And then the next time, nong party ni Fancy. She's there. And God knows how I want to hug her! But still, I stopped myself. I'm mad at her. Kaya sinaktan ko din siya, using my words. She's an old friend..yun ang pakilala ko sa kanya sa kasama ko nong gabing yon.
Then I saw pain again on her eyes. Naguluhan na naman ako. Why? Ba't siya masasaktan sa pinakita ko sa kanya? Ano? Balak pa ba niyang mag-two-timer? She will act that she really loves me para makuha din niya ako?
The hell!
Uminom lang ako nang gabing yun. Kinausap pa ako ni Yumiko.
*flashback*
"Ano bang nangyayari James? Akala ko ba, ngayon ang surprise proposal mo? Bakit mo ginawa yun? Sinaktan mo siya! Alam mo bang iyak siya ng iyak kanina? Hinatid ko siya sa guest room. She's really hurt!"
Tumawa ako mapakla. "Really? You didn't know anything Yumi. Yeah, it was suppose to be my surprise proposal, pero nagbago na ang ihip ng hangin."
"You're unbelievable James! Sa two weeks na pamamalagi mo dito sa Pilipinas, ngayon kalang ulit nagpunta dito sa mansyon. Alam kong sa condo mo ikaw nag-stay. Ano bang nangyari?"
"She cheated on me." Sagot ko.
"Ano? That's impossible James! I know how she loves you. Nong na-comatose ka? Iyak siya ng iyak. Nong nalaman niyang mag-a-undergo ka sa surgery sa Korea? She really hopes na maging successful yun."
"Pero wala siyang guts na puntahan ako sa Korea?"
"Hinarang siya ng Mama mo, James! Nong dadalhin ka na sa Korea, nandito si Mandy, kinausap niya ang Mama mo pero tinakwil siya ni Tita Jamie!"
Napatigil ako. Kahit na. Kahit na ganon ang nagyari, maiintindihan ko naman. Matatanggap ko ang reason niya na hindi siya nakapunta sa Korea. Pero ang hindi ko matanggap ay ang katotohanang may iba na siyang lalaking..
Fvck! Ano? Sumuko agad siya saken? Akala ba niya hindi na ako magigising kaya naghanap na siya ng ibang lalaki? Worst, sa tao pang kinasusuklaman ko. Damn her! Damn him! Damn them!
"James, maniwala ka. Mahal ka ni Mandy. I can see it on her eyes. Sobra talaga siyang nasaktan sa pinakita mo kanina sa kanya, sa sinabi mo. Why do you have to do this James? Mahal mo siya diba?" Sabi ni Yumi.
Tumango ako. "Yeah. I love her. But it's not enough for us, to be together...again."
"But why? I can't understand you!"
"Sa'ming dalawa, ako nalang ang nagmamahal. Hindi na niya ako mahal Yumi. That's the fact." Sabi ko saka siya tinalikuran.
Umakyat na ako sa taas. I want to rest. I want to sleep! Tangna.
Napatigil ako dito sa guest room. I open the door, it's not locked.
Nakita ko si Mandy na natutulog na. May alak pa sa sahig. Nag-inom ba siya?
Pumasok ako sa loob. Pinagmasdan ko siyang natutulog. She's the woman I love..she's the woman I want to spend my life with.
Pero bakit..bakit mo ako sinaktan? Bakit mo ako niloko? Bakit mo 'to ginawa sa'ken? I love you..but you hurt me.
Hindi ko na alam kung mapapatawad pa kita. Napailing nalang ako saka lumabas na ng kwartong yun.
Hindi dapat ako magpadala sa puso ko. Kelangan kong tanggapin ang katotohanang niloko niya ako!
--
Umaga na. Nagising ako kaya lumabas na ako ng kwarto. Sa isang guest room ako natulog dahil natutulog si Ynna sa kwarto ko.
Sakto namang kalalabas lang ni Mandy sa guest room kung saan siya natulog. Mukhang paalis na siya. Napuno na naman ng galit ang dibdib ko.
"Why are you here?" Tanong ko mula sa likuran niya. I act as if I didn't know na dito siya natulog kagabi.
Dahan-dahan siyang lumingon sa'ken. "A-ano, pinatulog kasi ako ni Yumiko dito kagabi." Sagot niya. Mukha siyang nakakita ng multo. Nauutal pa siya.
Guilty as it is. Nahihiya siguro siya dahil sa pinaggagawa niya.
"Oh. Ngayon ko lang nalaman na allowed palang magpatulog dito ng hindi naman family-related." I want to hurt her. I want to show her that I'm seriously mad at her.
That from now on, she's only an old friend for me.
"James, ang aga mo namang bumangon!" Mula sa likod ko ay nagsalita si Ynna. Lumabas siya sa kwarto ko.
I can't understand why does she need to act like my girlfriend. Tch.
Napansin ko ang pagtingin ng masama ni Mandy kay Ynna. Ano? Nagagalit siya kay Ynna dahil nandito ito para saken? Pareho lang naman sila. Siya? Hindi ba't nakipaglandian siya sa gagong XKing na yon?
"Mauna ka na sa baba. We'll have our breakfast. May kinakausap lang ako." Sabi ko kay Ynna. But I didn't mean it. Hindi ko siya gustong makasanay kumain. Isa pa, wala akong ganang kumain.
"Okay! I'll wait you sa dining area. Make it fast ha? Gustom na ako eh." Ynna said then bumaba na siya.
Naiwan ulit kami ni Mandy dito. "Back to you, miss Aguilar. Sa susunod, ayoko sanang nakikita ka dito sa loob ng mansyon namin. Hindi kasi ako panatag na may ibang tao dito sa mansyon." Inytensyon kong saktan siya.
Masama na kung masama but I'm hurt, anyway. The fvck! I still can't believe oim talking to her right now.
"James.."
Napansin kong napatungo siya. Now what? Mag-a-acting siyang apektado siya? Damn it.
"Don't call me on my first name. We're not that close."
Napansin kong may tumulo mula sa mukha niya. Nakatungo siya kaya hindi ko sigurado kung umiiyak ba siya o ano.
"A-aalis n-na ako.." Mabilis siyang tumalikod pero nagsalita ulit ako.
"Past is past Mandy Aguilar. Now, you're just an old friend for me. So don't show your face to me again."
I don't know if I hurt her. But I mean it. I mean what I've said. I will do everything to forget her. All I want is to stop loving her.
Patakbo siyang bumaba ng hagdan. Wala na akong pakialam sa kung anuman ang nararamdaman niya.
Niloko niya ko. 'Yun lang 'yun. Hindi ko na kailangan pang kausapin siya tungkol don dahil nakita na mismo ng dalawang mata ko.
Hindi lang isang beses, dalawang beses..
Ilang beses ko silang nakitang magkasama! And the fvck that they really looked like a couple! Damn it! Fvck! Fvck!
Napasuntok nalang ako sa pader. Naramdaman ko ang panunubig ng mga mata ko.
Tangna! Nasasaktan ako! Nasasaktan ako na malamang may iba na siya! Bakit niya ginawa sa'ken 'to? Bakit..
Fvck! Kaya ko naman siyang mahalin habang buhay. Kahit pa gaano siya ka-demonyita, kaya ko siyang mahalin ng buong-buo!
Kahit pa ayaw sa kanya ng buong mundo, I'll stand up with her, forever! At wala na akong pakialam pa sa iisipin at sasabihin ng iba.
Pero anong nangyari? Wala. Walang nangyari. Ang lahat ng pangarap ko para sa kanya..naglaho nalang na parang bula. Put***na talaga!
*end of flashback*
Naka-anim bote na ako ng alak pero parang walang epekto. Manhid na ako eh. Tangna! Manhid na ang puso ko..
Pati katawan ko namamanhid, epekto 'to ng tinurok saken na drugs.
Si Mandy..
Until now, I still love her so much..
But I'm sure, I need to stop this goddamn love. Kahit pa anong gawin niya, hinding-hindi na ako babalik pa sa dating James na nakilala niya.
I'll be the new James she'll regret to talk to. The harsh one, the cold one..the heartless one.
*
A/N : Lesheee! Nahirapan talaga ako dito sa side ni James. Haha! But then, sana naliwanagan na kayo ba't nagkaganon si James. Next UD will be the fancy trippings! Abangan. HASHTAG #DBMJamesSide
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top