Chapter 53

Mandy POV

Morning. I done with my morning rituals. Kumpleto naman sa gamit ang guest room na tinutuluyan ko dito sa Abellano's mansion. 

At ngayon, daig ko pa ang madudumi kasi kinakabahan ako. Paano ako lalabas para magbreakfast? Oh shit. Makakasabay ko ba sa mesa sina Ynna at James? Damn it. 

*tok tok*

Napatingin ako sa pinto. Lumapit ako ro'n at pinagbuksan ang sinumang kumakatok. 

"Hey demonyita! Let's eat breakfast na. Wow! You looked pretty to your suot. Uyyy. You're making paganda for Patrick 'no?"

=_=

Lokong bata 'to. Para naka-maikling maong shorts lang naman ako then white shirt na may print na puso. Mukhang inlove lang ako. Haha! Pang-asar kunwari. 

"Let's go na nga." Naglakad na kami ng sabay. "Teka nga, little devil. Kasabay ba natin kumain sina---"

"Sina Patrick? Yes mandy-monyita. And I'm excited na. Act sweet kay Patrick okay? And don't pakita na you're naiinis or you're weak. Something like that. And don't be mauutal sa harap ni Patrick. Or else I will put ng super daming chilli sauce sa food mo."

±_±

Nanakot pa. Well, lakas ng loob lang 'to. Demonyita ako, right? Keri lang. 

Pagdating namin sa dining area, oh well..

Arrangement?

          Yumiko    Lance     

James ---------------------------

           Ynna

Tadhana nga naman oh. Ako ba ang tatabi kay Ynna? Bwisit na bitch. Well, as if I have choice. 

Si Fancy umupo sa tabi ng Kuya niya, kay Lance then ako..

Sa kabilang dulo nalang. Para katabi ko si Fancy. Ayoko talagang katabi si Ynna eh. Tapos kaharap ko si James. Great. 

"Hi Mandy. Nakatulog ka ba ng ayos kagabi?"

~_~

Ganda ng pambungad ni Yumiko sa'ken. Kagabi, yeah kagabi nasilayan ko ang mala-greek God na katawan ni James. Shems. Naalala ko na naman. Ang hot nya kagabi. 

"Ehem! Mandy-monyita you're natutulala. You're baliw na ba?"

=__=

Fancy talaga. Sarap pingutin sa ilong minsan. Daldal eh. 

Tumingin ako kay Yumiko at ngumiti. "Okay naman."

"Kain kalang Mandy." Sabi ni Yumiko saken. 

Nagsimula na akong kumuha ng food. Si Fancy abala sa pagkain niya pati sina Lance at Yumi. Si Ynna nahuhuli kong nakatingin ng masama sa'ken. Sabunutan kita mamaya, humanda ka. Evil plan. Hmp!

"Wife, here. Masarap?" Sweet na sinubuan ni Lance si Yumiko. Psh ang bitter ko. Ba't ang sweet nila? Aish. 

"James, here oh. It's juicy! Ang sarap."

"Eh masarap pala, e'di ikaw nalang ang kumain.." Mahinang sabi ko habang nakatingin sa pagkain ko. 

"Excuse me, are you saying something?" Tanong ni Ynna. Aba lakas ng pandinig. May lahing avatar yata 'to. Malaki ang tenga, narinig agad. Geez. 

"Ha? Ako ba kausap mo?" Pang-asar na tanong ko. 

"Never mind. I don't talk to strangers nga pala." Maarteng sabi ni Ynna. 

Ay tanga lang. Siya nga unang kumausap saken. "Same as mine. I'm not talking to strangers." Sagot ko na nakatutok ang tingin sa kinakain. 

Paunti-unti akong sumisilay kay James. For Pete's sake nasa harap ko lang sya. Busy siya sa pagkain. Wala man lang siyang pakialam sa sagutan namin ni Ynna. 

"Here pa.." Sabi ni Ynna. 

Kainis lang kasi kinakain ni James 'yung sinusubo ni Ynna! Aish. Ako dapat 'yan eh. Mahaderang babae! Impostora! Hindi na pala kita sasabunutan mamaya. Kakalbuhin na kita, letse!

"Mandy-monyita. The meat is kawawa na. Stop murdering them."

O_O

Napatingin ako sa plato ko. Di na maintindihan ang itsura ng meat sa plate ko. Eh kasi naman nakakainis 'yang Ynna na yan. Landi eh. 

Maya maya ay naramdaman ko ang pagsipa ng paa ni little devil sa paa ko. Napatingin ako sa kanya. She's staring at me. Nag-a-act siya na parang nasusuka then tinuturo niya ako. 

O___O

Di ko gets. Nakatingin lang ako sa kanya, ilang segundo rin bago ko tuluyang na-gets yung pinapahiwatig niya. 

Okay then. Tumingin ako sa plate ko. Kumain, uminom. 

Acccccckkk..

I act as nasusuka tulad ng utos ni little devil. Ewan ko ba kung para saan. 

"Ohmyshakeshakefries! You're nagsusuka Mandy-monyita? Patrick made you buntis agad? Diba it's kagabi lang?"

=__________=

"Stop it Fancy Jewel. Walang nangyari sa'men. Kung buntis man siya, hindi ako. Baka yung BOYFRIEND niya."

=______=

Wrong move. Bakit ba 'yun ang naisip ni little devil. Aish. At sino bang sinasabi nyang boyfriend ko? Eh siya kaya ang boyfriend ko. 

"Ah, James. Sorry, hindi naman lahat ng nagsusuka, buntis. Saka FYI, ikaw yung boyfriend ko." Lakas-loob kong sabi. 

Devil attitude at it is. Kelangang kapalan ang mukha. 

"Fvck. Nawalan na ako ng ganang kumain." Sabi ni James. Tapos tumingin kay Fancy. "Next time, kung mag-i-invite ka dito ng bisita, pakisabihan na 'wag masyadong feeling close." Anito saka tumayo na. 

</3

Feeling close daw ako. Eh siya naman talaga ang alam kong boyfriend ko. Psh. Nakakasakit na'tong si James. Pasalamat siya kaya kong magtiis para sa kanya. 

"Wrong move." Bulong ko kay little devil. 

"I thought kasi there's something nangyari sa inyo last night. Hihihi."

~_~

Tuwang tuwa pa si Fancy. Psh. I showed her my poker face. "Walang nangyari samen. Baliw ka talaga."

"Ay nako. Wala na din akong gana. James need me. Kelangan ko pala siyang sundan sa kwarto namin."

~___~

Sige Ynna. Push mo na push 'yan ha? Mamaya, ikaw na ipupush ko sa pool. 

Tumayo na rin si Ynna. Bitch na nga, feeler pa, assumera pa! Nasa kanya na lahat ng ka-bitchy-han. Bwisit!

"Let her be mandy-monyita. I have trippings for her para makaganti sa kanya. He's acting sweet kay Patrick, so nakakadiri kaya."

Natawa naman ako kay Fancy. Na-excite din sa trippings niya para kay Ynna. Ano kayang kalokohan ang gagawin niya? Well, excited-much ang lola nyo!

--

James POV

Fvcking shit! Fvck! Bakit kasi nandito pa siya?  

Badtrip na nga ako kay Ynna dahil sa pagsubo saken ng pagkain na ayoko naman. Kinain ko lang para mapakita kay Mandy. Tch. 

Nandito ako ngayon sa kwarto ko. So araw araw ko siyang makikita dito? Hindi ba siya pumapasok sa SWU? Tangna talaga. Magba-bar nalang ulit ako mamayang gabi. 

"James.." Si Ynna pumasok dito sa kwarto ko. 

"Ynna, you can go home. I can take care of myself." Sabi ko. Hindi ko kailangan ng caregiver. Di naman ako disabled person. 

"No. I'll stay here. Sabi ni Tita Jamie.."

"Walang sinabi si Mama. Nakausap ko siya kaninang umaga." Sabi ko. Yun ang totoo. Bakit naman niya ako pababantayan kay Ynna? Eh okay na kay Mama si Mandy. Pero kung kelang okay na, saka naman nagulo ang lahat. Tch. 

"Pero.."

"Just go home." Matigas na sabi ko. Daig ko pa ang may asaw akapag andito siya. She's acting like my girlfriend and I hate that idea. 

"Can I stay here kahit ilang araw pa? I promise, uuwi din ako. Hayaan mo lang muna ako James."

Tch. "Bahala ka. Just leave me alone for the meantime." Malamig na sabi ko.

Narinig ko ang pagsara ng pinto. Hudyat na lumabas na siya. Nakadapa ako sa kama ko. Fvck. I hate the fact that I'm stunned with her natural beauty. Nang makita ko siyang papasok kanina sa dining area, di ko maiwasang mapatingin sa kanya. 

Her sexy figure. Her face without make up. Her lips, without lipstick, I want to taste it. Damn it! Why do I need to felt like this?

I'm mad at her and that's the fact. Hindi dapat ako magpadala. Hindi ako martyr para magpakatanga sa kaniya. Na kahit alam kong niloko niya lang ako, ay bibigay pa rin ako sa kanya. 

Isang linggo lang 'to. Kakayanin ko kahit narito siya. All I have to do is, iwasan siya. Hangga't maaari ay ayoko siyang nakakasalubong dito sa mansyon. 

Pwede naman akong mag-check-in muna sa hotel habang narito siya. Since under maintenance ang unit ko. But what the fvck! I can't. Kahit gusto ko, may bahagi sa sarili na pinipigilan ako. Na pilit akong patigilin dito sa mansyon. 

"Ahhh! Fvck!" Sigaw ko at suntok sa kama. And suddenly..

T__T

Damn tears. Why do they need to fall? Damn I missed her. I miss her so much. 

--

Mandy POV

"You understand now? Or I will make paliwanag to you again?" Sabi ni Fancy. 

May gagawin kaming trippings para magpapansin kay James. At napaliwanag na niya sa'ken ang gagawin. Grabe. Para palang talent manager si Fancy tapos ako ang artista. Pag-a-acting-in niya ako, for damn's sake. 

"Oo. Gets ko na. Okay? Para saan ba ang gagawin natin?" Tanong ko. 

"Well, let see if Patrick cares for you pa."

Huminga ako ng malalim. "Fine."

Pero paano pala kung..paano kung hindi..

Aaaahh! Think positive nga. Ayoko ng badvibes. James loves me. Alam ko 'yun at sigurado ako ro'n. 

"Okay then. Are you handa na ba Mandy-monyita?" Tanong niya. 

Yeah, I should be ready. Nandito kasi kami sa pool. Tatalon ako sa malalim na part at magkukunwaring nalulunod and then tatawagin ni Fancy si James. Don daw namin malalaman kung paano magre-react si James. Daming alam ni little devil eh. Kelangan ko lang maki-cooperate sa kanya dahil alam kong para sa'ken din itong gagawin natin. Para sa'men ni James. 

"Now, game." Sabi ko saka tumalon na sa pool. Oh my God. Ang lamig pa ng tubig. Shems. Kaya ko naman na matagal sa ilalim ng tubig. 

Basta sabi ni Fancy, wag akong gagalaw. Pinagaan ko yung sarili ko. So parang nakadapa ako na nakalutang sa pool ngayon. 

"Aaaaahhhh! Patrick! Make bilis. Mandy-monyita is nalulunod! Aaaaahhh!"

Hindi ako gumagalaw. Naghihintay kung sasagipin ako ni James. Don ko kasi din malalaman kung he cares for me pa, tulad ng sabi ni little devil. Isa pa, sinigurado din ni Fancy na si James ang sasagip saken. Baka kasi mamaya, andyan si Yumi o Lance o pati katulong at si butler ay sumaklolo.  

Wala pang dumadating. Medyo kaya ko pa naman na pigilan ang hininga ko. Alam ko pinuntahan talaga ni Fancy si James sa loob ng mansyon eh. 

"Aaahhhh! Helppp! Mandy-monyita is dying na!"

=_=

Dying agad Fancy? Loka talaga. Buti 'di ako masyadong napapagalaw dito sa tubig. 

"FVCK!"

*o*

Nanggilid bigla ang luha ko kahit nasa tubig ako. I heard his voice. He's going to save me. He cares for me. 

*splassshhh*

Naramdaman ko ang pagtalon ni James sa pool then he grab my body. Para akong na-kuryente sa paghawak niya sa katawan ko. Mabilis niya akong ini-ahon sa pool. Ang lakas niya. Ma-muscle na katawan niya at may ABS na siya eh. Nagpanggap akong walang malay. Pang-tsansing na rin. Mahahalikan niya ako. For CPR syempre. Muehehe.  

Then, nakaramdam ako ng matigas na bagay sa likod ko. Inihiga na yata niya ako sa lapag sa gilid ng pool. 

O____O

He kiss me. 

"Fvck! Mandy! Wake up!" Narinig kong sigaw ni James. Nanatiling tikom ang bibig ko. Kahit gusto ko na siyang yakapin sa tuwa. 

Syempre. May lamang tubig ang bibig ko para kung kunwari nagising na'ko, kunwari talaga nalunod. May tubig pa akong maiu-ubo. 

*kiss* este *CPR*

"I make punta lang naman sa kitchen then pagbalik ko I saw her dyan sa pool. What's her problem ba? I know, masakit 'yung binti niya. Baka she's nahulog sa pool and can't swim na kaya she's nalunod." Naririnig kong kwento ni Fancy. May iyak factor pa. Pang-FAMAS ang acting ni little devil. 

"FVCK! MANDY!"

*kiss* este *CPR* nga pala. 

Tama na ang acting. Kunwari nagising na ako. I act na parang kaawa-awa 'yung itsura ko. Na parang nanghihina pa. 

*cough, cough*

"Oh shit!"

O____O

He...

Ohmy. Ang puso ko nagtatatalon sa tuwa. Niyakap ako ni James at ramdam ko ang pag-aalala niya. 

"Glad you're alive Mandy-monyita!" Sigaw ni Fancy. 

Para namang napaso si James at bigla akong binitawan. "Tch! Fvck! Take care of yourself! Damn it!"

Ayun. Tumayo na at nag-walk-out. Kahit sinigawan niya ako, masaya pa rin ako. He cares for me. Waaa! Kinikilig ako. Kotang-kota ako. 

Nakahalik na nga ako via CPR, nayakap pa ako. Geez. He loves me. He still loves me. Nabubuhay na ang katawang lupa ko sa pinakita ni James. Parang nabubura ng konti 'yung sakit na nararamdaman ko sa puso ko.  

Nakahiga pa rin ako dito sa gilid ng pool. Napatingin ako kay little devil. Nagthumbs up siya. 

"Success! He cares for you pa din! Don't be kilig ng so much. Hihih."

God! Kinikilig talaga ako kay James. Unang move palang 'to. There's more. At sa huling trippings na gagawin namin ni Fancy, sisiguraduhin kong mababalik na ang dating James. 

Miss na miss ko na talaga siya. Yung dating James, na minahal ko ng sobra. 

*

A/N : Light update. Hashtag #DBMTrippings01

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #teenfiction