Chapter 48
[Play the song. In A World Without You by Dennis Sun]
Mandy POV
Tulala lang ako habang nakatingin sa likod ng papalayong bulto ng lalaking pinakamamahal ko.
Ang ituring ka niyang isang stranger?
Ang tanggapin na hindi ka niya kilala?
T__T
Ang sakit sakit. Yung halos akala ko, mapupunan na ang pangungulila ko dahil nandito na siya, nagkamali ako. Mas lalo akong nanlumo. Gabi gabi umiiyak ako dahil nami-miss ko na siya, na tipong ang kaisa-isang hiling ko lang ay ang makita siyang muli. Pero ngayong nakita ko na ulit siya, parang napagtanto ko nalang na sana hindi ko nalang siya nakita.
Kung hindi ko sana siya nakita ngayon, hindi sana dumoble ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Siya ang energizer ko pero ngayon? Bakit para siyang kutsilyo na basta nalang tumusok sa puso ko? Tagos na tagos eh.
T___T
"Mandy!"
I know, pinagtitinginan na ako ng mga taong napapadaan. Siguro iniisip nila, nababaliw na ako dahil humahagulhol ako dito sa gitna ng mall. Pero kasi..
T__T
Kapag nasaktan ka, on the spot, mahirap ng pigilan ang matang magbuhos ng luha. Ang sakit talaga eh.
"Mandy kanina pa kita hinahanap. Nagtaka ako na parang ang tagal mo naman. Fvck. Why are you crying? May nambastos ba sayo? Tell me."
"Leave me alone." Tanging nasambit ko saka nag-walk-out.
Hindi ko alam kung sinundan pa ako ni XKing pero wala na akong pakialam pa sa kanya. Gusto kong mapag-isa. Yun lang.
Diretso ako sa labas ng mall. Pumara ako ng taxi. Wala naman akong dalang sariling kotse dahil sinundo lang ako sa mansyon ni XKing.
"San po tayo ma'am."
Sinabi ko lang ang adress ng mansyon. At natulala na naman ako sa bintana ng taxi. Dinaig ko pa ang gumagawa ng music video ng malulungkot na kanta.
♫Paalam na aking mahal..♫
Damn! Sumabay pa ang music ni manong. "Manong pwede bang pakipatay nalang yung music?"
Pinatay naman iyon ng driver. Wala na akong pakialam sa paligid. Basta nasasaktan ako. Sobrang nasasaktan ako.
"Mukhang problemado Miss ah."
Napadako ang tingin ko sa nagsalitang driver. Ngayon ko lang napansin na brusko siya.
Hindi ko nalang pinansin. Nag-e-emote ako dito. Ang tanging problema ko lang ay kung bakit hindi ako kilala ni James. May amnesia ba siya? Pero hindi eh, sana sinabi sa'ken ni Yumiko. Sa pagkakatanda ko, ayos na si James eh. So dapat kilala niya ako! Ako si Mandy eh. Yung demonyitang lagi nyang inaasar non hanggang sa magka-inlove-an kami! Yung minahal niya. Yung nagbago para sa kanya..yung..
T___T
Bakit..
T___T
Nagitla ako sa biglaang pagbilis ng takbo ng taxi. Napansin ko ang kakaibang ngisi sa labi ng driver.
"Miss holdap 'to. Bigay mo saken lahat ng pera mo dyan! Pati alahas!" Sigaw nung driver.
Pero bakit ganon? Bakit wala akong maramdamang takot?
Hindi ako kumilos. Hindi ko binigay ang gusto nya.
"Aba! Matigas ka ha! Ibabangga ko 'tong taxi kapag hindi mo nilabas ang pera mo! O gusto mong saksakin pa kita?"
Saksakin..
Wow. Just wow. "Nasaksak na ako." Walang emosyong sabi ko habang tumutulo ang luha ko. "Alam mo kung saan? Dito..dito sa puso ko! Ang sakit sakit! Alam mo ba yun? Alam nyo ba ang pakiramdam na yung taong mahal na mahal mo ay hindi ka na kilala?! Matindi pa yun sa saksak!" Humahagulhol kong sabi.
*ssccreeecchh*
Tumigil ang taxi. "Aba potek. Nag-drama ka pa! Bumaba ka na nga! Walang kang kwentang holdapin!"
Bumaba nalang ako ng taxi. Ano bang masama kung mag-drama ako? Masakit eh. Nasaktan ako eh. Masama bang mag-drama ha?!
T___T
Napansin kong dito ako ibinaba sa may malapit na sa mansyon. Naglakad nalang ako. Ayoko ng mag-taxi.
Iyak lang ako ng iyak habang naglalakad. Para tuloy akong takas sa mental. Wala akong pakialam kung kumalat man na ang make-up sa mukha ko.
T__T
"Naku Ma'am ano pong nangyari sa inyo? Na-holdap po kayo, na-rape o napag-trip-an? Jusko!"
Tiningnan ko ng masama ang katulong namin na sumalubong saken. "Anong nangyari saken? Winasak ang puso ko!" Sigaw ko saka siya nilampasan.
Dumiretso ako dito sa kwarto ko. Dumapa agad ako at hinagis ko na ang bag ko kung saan.
Lalo na akong napaiyak.
T__T
Wala akong maintindihan sa nangyayari. Bakit hindi niya ako kilala..
T___T
"James..."
Miss na miss na kita. Mahal na mahal kita..
Anong nangyari? Anong dapat kong gawin? Anong iisipin ko?
--
Nagmulat ako ng mga mata ko nang marinig ko ang malakas na tunog ng phone ko. Pero ang hapdi ng mata ko. Magdamag nga pala akong umiyak hanggang sa nakatulugan ko na.
Tumayo pa ako para kunin ang phone ko na nasa bag ko na naitapon ko pala sa sahig pag-uwi ko kahapon.
Yumiko calling..
Kinabahan na naman ako. Is it about James? I don't know.
"H-hello.."
[Mandy! Thanks God you answered my call. Nga pala, invited ka sa birthday party ni Fancy mamayang gabi dito sa Abellano's mansion. Inaasahan namin na makapunta ka.]
Pero si James..
"Yumiko.."
[Yes Mandy?]
"Si James.."
[Naku Mandy. Hindi ko alam kung makakauwi si James eh. Nasa Korea pa kasi siya. And hindi pa siya tumatawag. Pero alam naman niya eh.]
What? Pero nakita ko kahaon si James sa mall at sigurado akong siya yun. Kahit nakapikit ako, malalaman kong siya yun dahil kilala rin siya ng puso ko.
[Mandy?]
"A-Ah, okay. Pupunta ako."
[Okay. See you then. Bye!]
*toot toot*
Bakit ganon? Bakit sabi ni Yumiko nasa Korea pa si James? Bakit..
Naguluhan akong lalo. Ano bang nangyari? Nananaginip lang ba ako kahapon? Nagkamali lang ba ako? O baka hindi ba si James yun at baka kamukha niya lang? Pro hindi, si James talaga yun. Even his voice, it's James.
--
Ready na ako for Fancy's party. Nagsuot lag ako ng simple but elegant na green backless dress na fitted at hanggang tuhod ko lang pagkatapos ay tinernuhan ko na dark green stilettos.
Ayokong maging bongga sa suot ko. Kung pwede nga lang na magsuot ako ng itim na dress, ginawa ko na--bilang pagluluksa ng puso ko. Pero may galang pa naman ako. Maaaring maging okay lang sa celebrant pero I know na mamasamain iyon ng iba.
Krrrinnnggg..
Kinuha ang phone ko mula sa kama ko na nakapatong. Saka iyon sinagot.
"Hello?"
[Are you home?]
Lalong sumama ang mood ko. Psh! Pinakikisamahan ko nalang siya dahil one of these days, I'll get my revenge to him. Masyado ng mabigat sa dibdib ang mga pangyayari, at hindi ko na kinakaya. Wala na akong lakas pa, wala na akong pag-asang makapa pa na maging masaya ulit kasama ang taong mahal ko.
"Yeah. And please, stop calling me at this hour?" Iritado kong sabi.
[Problem?]
Gusto kong ipagsigawan na, ikaw! Ikaw ang problema ko. Damn you heartless gangster, kung hindi dahil sayo, sa inyo, hindi hahantong sa ganito! E'di sana masaya ako ngayon, masaya kami ni James..
T____T
Kung pwede ko lang isigaw yan sa kanya..
[Mandy..]
"I want to rest." Sabi ko kahit hindi naman talaga. Naiiyak na naman kasi ako. Isa pa, hindi niya pwedeng malaman na pupunta ako sa Abellano's mansion. Baka mag-insist pa siya na sumama. Ang kapal naman ng mukha niya, 'di ba? Pupunta siya sa bahay ng pamilya ng taong walang puso nilang binugbog. Psh.
[I understand. Take a rest. I'll see you tomorrow.]
*toot toot*
Pinatay ko na ang tawag. Bukod sa wala na ako sa mood makipag-usap sa kanya, wala naman na akong sasabihin pa. Anong gusto nya? Mag-iloveyou pa ako? On his dreams.
Nilagay ko na ang phone ko sa silver couch ko with touch of green then my wallet tapos kinuha ko na rin ang susi ng kotse ko.
Tiningnan ko ulit ang repleksyon ko sa human size mirror dito sa kwarto ko. Kung titingnan ako, I looked stunning. Pero deep inside, down na down ako.
Huminga ako ng malalim bago napagpasyahang bumaba na. Sumakay ako sa kotse ko saka nag-drive ng mabagal. Ewan ko ba, hindi ko kasi maiwasang mag-isip habang nagda-drive. Ano na ba talagang nangyayari kay James? Ano bang pakana yun? Ano bang kalokohan yung stranger thingy na yon?
Napailing nalang ako. Aalamin ko ang lahat. Dahil hindi ko matatanggap na nasasaktan ako ngayon--dahil sa una naming engkwentro ni James after ilang weeks.
Sa pag-iisip, 'di ko na namalayang narito na ako.
Abellano's mansion..
Nandito kaya si James? Makikita ko ba ulit siya rito? Kinabahan ako bigla.
Bumaba na ako ng kotse ko. Nag-ipon ako ng lakas na harapin ang mga taong dahilan kung bakit nasasaktan ako.
"Mandy." Sinalubong ako ni Yumiko. She looks gorgeous on her blue halter dress. "Buti nakapunta ka. Kanina pa nagsimula ang party. Let's go, samahan na kita sa garden."
Tumango lang ako. Nasa silver couch ko nga pala ang gift ko kay Fancy. Gold earring na nasa box lang na maliit.
Maraming tao, halos puro sosyal. Maingay na sounds system. Nagkakasayang mga bisita. Pero isang tao lamang ang hinahanap ng mga mata ko. Sana narito siya..
"Hey demonyita! I'm glad you came!" Sinalubong kami ni Fancy saka nakipag-beso. Napaka-ganda niya, well ano pa bang aasahan mo sa lahi ng mga Abellano. She's wearing red tube dress. Nakataas ang buhok niya na bumagay sa kanya. Mukha na siyang dalagang-dalaga.
"Hi. Happy birthday." Bati ko sa kanya saka dinukot na ang maliit na box sa pouch ko saka ibinigay sa kanya. "My gift."
"Oh! Thanks demonyita! By the way, eat all you can. I will entertain lang yung other bisita. Feel at home!" Anito saka umalis na.
"Mandy, puntahan ko lang ang asawa ko. Kain ka na, andon yung mesa namin, pwede kang maki-share." Paalam ni Yumiko.
Tumango lang ako. Saka lumapit sa buffet table. Kumuha ako ng pagkain pero kaunti lang. Wala naman akong gana masyado.
"Hahaha! Palabiro ka talaga James!"
O_____O
*craaaccckk*
Hindi sinasadyang nabitawan ko ang hawak kong plato at nabasag iyon. Alam ko, nasa direksyon ko ang pansin ng ibang bisita. May naglapitang waiter saken saka pinulot yung nabasag na plato.
"Ayos lang po ba kayo, ma'am?" Tanong ng isag waiter na nagse-serve dito.
Paano ako magiging okay kung narinig ko ang boses ng babaeng hindi ko gugustuhing makita? At ang kausap niyang...
</3
James..
Nanginginig ang labi ko. Automatic na tumulo ang luha ko pagtingin ko sa kanila.
Sina Ynna..at James..kasama ang ilan pang lalaking naka-suit.
They are real. I'm not dreaming. This is really happening.
T__T
"Oh!" Ynna gasped at surprise. "Mandy."
Hindi ako makagalaw sa tayo ko. Matapang ako eh! Maldita pa nga! Pero bakit parang nabahag ang buntot ko ngayon? Naduwag ako. Natatakot na baka..
"Do you know her?" Tanong ng isang lalaking mukhang ka-edad lang ni James. Si James ang tinatanong niya na ngayon ay nakatingin sa'ken, walang ekspresiyon.
"While staring at her, I think I know her." Sagot ni James.
O_O
He knows me. Wala siyang amnesia, right? Hindi ko mapigilan ang luhang dumadaloy sa pisngi ko. Kahit alam kong gumagawa na ako ng eksena dito, wala akong pakialam. Yung nararamdaman ko ang mahalaga dito.
"Oh. So who's that lovely lady?" Tanong naman nung isa pang lalaki.
"She's Mandy Aguilar.."
O___O
Dug, dug..
Dug, dug..
"...my old friend."
</3
"Oh boys! Let's enjoy the party!" Narinig kong sigaw ni Ynna. Nakatungo nalang ako at napahagulhol ng iyak.
Old friend? Really James? Why are you doing this to me? Nasasaktan ako. Sobra.
T__T
"Mandy, let's get out of here." Inalalayan ako ni Yumiko papasok sa mansyon, tumaas kami at dumiretso dito sa tingin ko ay kwarto nila.
"Yumiko..."
T___T
"Mandy, nagulat din ako na narito pala si James, with Ynna and his other friends from Korea. Hindi ko alam na umuwi na pala siya dahil di naman siya pumupunta dito sa mansyon. At..hindi ko maintindihan kung bakit ganon ang sinabi nya."
T__T
"Mas lalong hindi ko alam Yumi..mas lalong.."
T___T
Ang sakit sakit naman kasi. Bakit kasama niya si Ynna? Bakit mukhang masaya sila? At ako? Wala na siyang feelings saken? Wala na ba siyang pakialam saken?
"Nagulat ako nang makita ko siya. Bukod sa nag-mature yung itsura niya, and halatang nag-ggym na, hindi na siya yung old James na palaging nakangiti. Aalamin ko Mandy. Stop crying."
Thank God, Yumiko is here. She's comforting me. Dahil bagsak na'ko. Bigay na bigay na ako. Talo na ako..
Eto na ba ang resulta ng ginagawa kong revenge para kay James? O karma ko 'to? Ano ba? Gusto ko lang namang ipagtanggol ang lalaking mahal ko! Yung halos mabaliw na ako kakaisip sa kanya dahil hindi ko man lang siya makita at maalagaan habang nasa hospital..pero hindi, kaya nga nagpakatatag ako! Naghintay ako! Sinubukan kong maging matapang para sa kanya! Pero anong nangyari?
Ganito?! Ganito lang? Napaka-unfair naman eh! Sobrang unfair!
T___T
"H-hindi ko kaya.."
"Mandy.."
"Hindi ko kayang mawala sa'ken si James. Sa kanya na umiikot ang mundo ko. Siya lang ang gusto ko..wala na akong pakialam kung itakwil o kasuklaman ako ng lahat ng tao sa mundo, wag lang siya..wag lang si James.."
T___T
"Mandy, kakausapin ko si James. Okay? Tama na. Mabuti pa, sa isa sa guest romm dito ka na matulog. Baka mapano ka pa pauwi."
Ano nga ba? Wala na nga talaga akong lakas. Walang wala na. Yung sinabi ni James kanina? Para 'yung vaccuum cleaner, dahil in instant, hinigop niyon ang buong lakas ko.
*
A/N : Le feels~ Hashtag #DBMHurt
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top