Chapter 47
James POV
Na-e-excite ako na hindi maintindihan dahil alam kong any minute ay darating na sina Bro, sina Yumiko at bubwit para dalawin ako. Na-e-excite ako dahil umaasa akong kasama nila si Mandy.
Sigurado naman akong sasama siya. Mahal niya ako at alam kong hindi niya ako matitiis. Yung mga sinabi nila Mama about Mandy, hindi ko nalang pinapansin. I trust her kaya hindi ako magpapadala sa mga sasabihin nila.
"James, anak. Andyan na sila." Sabi ni Mama na kakapasok lang dito sa kwarto kung saan ako nagpapahinga. Na-discharged na ako sa hospital kanina at inuwi na ako dito sa bahay ng Mama ko--kung saan ako nakatira dati bago ako umuwi ng Pilipinas.
Hindi naman pinabayaan ni Papa ang sustento niya sa'men ni Mama nung dito kami nakatira kaya may pagka-mansyon din ang bahay namin dito kahit kami lang ni Mama ang nakatira.
"Patriiccckkk!" Sumugod agad ng yakap saken si Fancy. Sweet naman 'tong kapatid ko kahit maloko. "Are you okay now? I'm nag-alala talaga sayo." She said.
I kiss her cheeks. "I'm fine, now." Sagot ko saka ako napatunghay kina Yumi at Bro.
"James." Lumapit saken si Bro saka tinapik sa balikat.
"Hi James. Buti naman at maayos na ang lagay mo." Sabi naman ni Yumi saka humalik sa pisngi ko.
Hindi na nagseselos si Bro. Natural nalang yan. Sister-in-law ko na siya kaya walang malisya.
"Maghahanda lang ako ng dinner." Sabi ni Mama saka kumabas na sa kwarto ko.
Naiwan na kami dito nina Yumi, Bro at Fancy. Ang bigat ng pakiramdam ko dahil hindi ko makita yung hinahanap ng mga mata ko.
"S-Si Mandy.." Sambit ko.
"James, tinawagan ko siya at niyayang pumunta dito but, she has important thing to do kaya hindi siya nakasama." Sagot ni Yumiko.
Nanlumo ako. Excited pa man din ako kanina. Akala ko kasama siya ngayon pero hindi.
"Mas importante pa saken?" May hinanakit sa boses ko dahil bigla akong nakaramdam ng pagka-tampo. Hindi ba siya masaya na nagising na ako? Damn.
"James alam mo namang mahal ka ni Mandy. Alam ko 'yun. Saksi ako sa kung gaano nasaktan at umiyak si Mandy nung malaman niya ang nangyari sa'yo. Kaya sana maintindihan mo nalang muna ngayon kung hindi siya nakasama. Saka, hindi ka pa ba uuwi ng Pilipinas?"
I understand her, okay. Pero nagtatampo pa din ako. Siya ang unang tao na gusto kong makita no'ng nagising ako. Pero wala siya. Tapos ngayon, wala pa din siya. Ano bang nangyayari kay Mandy? I want to see her, so badly.
"Patrick! It's better if you make uwi nalang sa Philippines and there makikita mo na si demonyita. Saka in a week, magbi-birthday na ako. I want you there sa party ko." Sabi ni Fancy. Demonyita, si Mandy yung tinutukoy niya.
"Sorry, but for now. I want to stay here first. May mga paghahandaan pa ako bago umuwi ng pilipinas."
"James."
Napatingin ako kay Lance. Tahimik lang kasi sya sa tabi ni Yumi pero ngayon, nagsalita na siya.
"Bro."
"Kilala mo ba kung sino ang mga bumugbog sa'yo?"
Nakuyom ko ang kamao ko. Oo naman. Kilalang-kilala ko. At hindi ko pa nakakalimutan kung gaano nila ako binugbog at pinagtulungan. Fvck them! Fvck that XBang. Tulad ng sabi ko, pagsisisihan nilang binuhay pa nila ako. Mga gago sila.
"Oo." Sagot ko.
"Patrick! Who are they? I will give them mega sabunot and mega sipa sa precious one nila." Mataray na sabi ni Fancy.
"Sino." Tanong ni Bro.
May karapatan naman si Bro na malaman ang tungkol sa bagay na'to. Isa pa, kilala niya ang mga yon.
"XBang."
"What the fvck! Are you fvcking serious?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Bro.
Narinig ko lang ang pagsinghap nina Yumiko at Fancy.
Tch. "Bakit Bro? Imposible bang gagawin nila yun saken? Bro, walang imposible sa mga hayop na gangster na 'yun." Galit ako. Galit na galit.
"So they broke the rule?" Sabi ni Bro.
"Anong rule?" Tanong ko. Hindi ko masyadong maintindihan si Bro.
"Ex-member ako ng XBang. At isa sa rule nila, wag na wag tatalunin ang pamilya ng bawat isa. But then, they did that to you? Fvcking shit! I'm gonna kill them." Galit na sabi ni Bro.
Hindi na ako masyadong nagulat na malaman na ex-member siya, kaya pala ka-close niya ang mga yon.
"Paghahandaan ko ang pagbabalik ko sa Pilipinas. At ang unang-una kong sasalubungin ay ang XBang." Matigas na sabi ko.
"Count me in. I will show them the hell. Fvck them!" Ani Lance.
"Hindi Bro. Hindi ko tatanggapin ang tulong mo. Kaya ko sila. Gusto kong lumuhod sila sa harapan ko nang dahil lang sa'ken. Mag-isa akong haharap sa kanila." Matapang kong sabi.
"Pero James."
"Hindi Bro. Salamat sa tulong pero hayaan mo akong pagbayarin sila sa ginawa nila sa akin."
Nakatatak na sa isip ko 'to. Walang kawala ang XBang saken.
--
Mandy POV
Almost two weeks na ang lumipas. At daily routine ko? Hatid-sundo ako ni XKing sa pagpasok ko sa SWU. Para na talaga kaming real couple. Pero sa tingin lang yun ng iba dahil saken, kailanman hinding hindi ko maatim na maging real couple kami ng heartless gangster na'to.
Mas tumindi nga lang yung galit ko sa kanya nung one time na may binugbog na naman sila sa Spade Bar. Dahil lang hindi sinadyang natapunan siya ng drinks? Napaka-unreasonable niya. Wala talaga silang puso. Para silang mga alien, they want to rule the world. Psh.
Almost two weeks na rin akong nangungulila kay James. Gising na siya. Nakausap ko no'ng isang araw si Yumiko. Magaling na daw si James pero nasa Korea pa rin daw siya. Hindi ko alam kung bakit hindi pa siya umuuwi. Malalapitan ko lang naman kasi siya kapag umuwi na siya dito. Hindi ko siya mapupuntahan sa Korea dahil sa Mama niya.
Nabanggit din sa'ken ni Yumiko na hinahanap ako ni James. Nanlumo ako nong malaman ko 'yun. Kung alam niya lang kung gaano kawalang-gana ang buhay ko dahil wala siya.
Sinubukan ko siyang i-message sa facebook pero hindi siya sumasagot. Sinubukan ko ring kunin ang number niya kay Yumiko pero wala daw number si Yumiko.
Hay. Sobrang miss na miss ko na si James.
"Sinong iniisip mo?"
Napapitlag ako nang marinig ang boses na iyon. Boses ng lalaking pilit kong pinakisamahan ng halos dalawang linggo. Awa nalang ang nararamdaman ko sa kanya dahil alam kong any day ay sasaktan ko siya. Napag-isip isip ko ng itigil ang pakikisama kay XKing dahil mas lumalalim ang konsensyang nararamdaman ko.
Madami siyang ginagawa para saken. Sweet siya, para ngang hindi siya gangster. Lagi siyang nag-e-effort para saken. Hindi ko na mabilang kung ilang bouquet ng bulaklak ang naibigay niya saken. Iba't ibang klaseng bulaklak. Ilang beses na rin kaming nag-date.
At ngayon, kasama ko na naman siya. Niyaya niya ako dito sa mall. Sumama naman ako. Kasi alam ko kukulitin nya lang ako maghapon. Sunday ngayon at mabo-bore lang ako sa mansyon.
Halos wala na nga akong buhay kapag nasa mansyon ako. Walang araw na lumilipas na hindi ko naiisip si James, na hindi ko siya iniiyakan. Gustung-gusto ko na siyang makita. Gustung-gusto ko na siyang mayakap. Kakayanin kong magkayakap lang kami sa isang buong araw. Ganon ko siya kamahal.
"Ah, wala. Sumama lang ang pakiramdam ko." Pagsisinungaling ako. Hanggang ngayon, wala siyang idea na si James ang laging pumapasok sa isip ko kapag natutulala ako.
"Do you want to go home?" Nag-aalalang tanong niya.
Kung iniisip nyo na baka nagki-kiss kami ni XKing, or hug? Or nagtabi na sa pagtulog, ang sagot lang dyan ay NO. Yung sa restaurant--yung unang date namin, yun lang ang huling pagkakataon na nahalikan ako ni XKing. Hindi na 'yun naulit dahil pakiramdam ko nagtataksil ako kay James.
"No. Okay lang. Pupunta lang akong comfort room." Paalam ko.
"Sure. I'll wait you here." Sabi niya. Iniwan ko muna siya sa men's boutique. Sinamahan ko kasi siyang bumili ng damit niya. Sinabihan ko kasi sya one time na naaasiwa ako kapag lagi siyang nakasuot ng itim. So ayun, mula non, bumibili na siya ng ibang kulay na damit at saken niya lagi kinukunsulta kung bagay sa kanya.
Lumabas na ako sa boutique saka dumiretso sa comfort room. Pagkapasok ko ay humarap lang ako sa salamin. Tiningnan ko ang sarili ko. Di na ako masyadong nag-aayos tulad ng dati. Yung mukha ko, halatang walang sayang mababanaag. Hindi naman talaga ako masaya. Dahil wala si James. Siya lang ang happiness ko.
Huminga ako ng malalim saka napag-desisyunan kong lumabas na ng comfort room. Parang gusto ko ng umuwi. Nawalan na naman ako ng gana.
Paglabas ko ng comfort room, may nahagip ang mata ko.
Dug, dug..
Dug, dug..
I know him. I know him.
Pumunta ako sa gawi kung saan ko nakita ang bulto ng taong iyon at nakita ko siya.
Standing in front of random stores.
T___T
Kusang tumulo ang luha ko. Yung buong sistema ko, parang nanginginig. Nabuhay na muli.
Tinatagan ko ang sarili ko. How I've missed him. How I'm longing for his kiss and hug..
Nang sa wakas ay makalapit ako, huminga ako ng malalim. Doon kasi siya nakatingin sa kabilang side kaya hindi niya ako nakikita.
"J-James.."
Dug, dug..
Dug, dug..
Tumingin siya sa akin. Emotionless. Walang any reaction. Bakit parang hindi siya nagulat na makita ako? Parang di siya masaya na makita akong muli?
"Excuse me, do I know you?"
"I'm Mand--"
"Sorry but I have to go and...I don't talk to strangers." Aniya saka umalis na.
</3
Natulala ako.
T__T
Then my heart breaks into little pieces.
*
A/N : Say whutt? What happened to James? Hindi niya kilala si Mandy? Bakit kaya? Hashtag #DBMStranger
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top