Chapter 46

XKing POV

Tangna. Ngayon lang ako nakaramdam ng boredom dahil hindi ko kasama si Mandy. Tch. I want her, I want her beside me. 

Mahal ko na nga talaga ang babaeng yon. This is the first time I fell in love and it feels so high. Para akong naka-drugs. Laman ng isip ko, siya. 

I'm a man of few words pero pagdating kay Mandy, hindi ko na mabilang ang words na lumalabas sa bibig ko. Tangnang pag-ibig! Babaguhin ka talaga eh. I even show her my soft side dahil ayokong matakot siya saken. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang takot no'ng binugbog ko yung lalaking nambastos sa kanya sa bar. Damn it! Hindi na ako nakapagpigil non. I don't want to see anyone touching her. Fvck, I can kill them!

Tumigil ako dito sa isang coffee shop. Tch. Galing ako sa mansyon nina Mandy kanina but she needs to rest. 

I don't know but seeing her with her messy hair and wearing a pajama, turned me on. She's cute..she looks adorable. 

"Here's your coffee, sir." Inabot ng waiter yung order kong kape. 

Napag-isip-isip ako. Hindi ko na masyadong natutuon ang pansin sa underground world. Sasabihan nalang ako ng mga ka-grupo ko 'pag may gang fights. Mas tutok ang atensyon ko ngayon kay Mandy..

Because from now on, she's my priority. 

Unang dinala ko siya sa lumang building, I don't know but, there's something in her that makes me addicted to her. 

Para siyang magnet. Kahit ayokong lumapit, kusang akong napapadikit sa kaniya. Fvck. Hindi ako ganito. Ni ayokong nilalandi ako ng mga babae sa bar unless I told them to. Pero si Mandy..hindi naman niya ako nilandi. Inaway pa nya nga ako. I've seen her devil side. Noong one time na mahuli ko siyang may inaaway sa SWU..maldita talaga siya. But still, I love her being a devil. Pakiramdam ko meant to be kami. 

A devil and a devil. 

"Hi."

Napatunghay ako nang biglang may umupong babae sa harap ko. Who the hell is this?

Kumunot ang noo ko habang nakatingin sa kanya. She's familiar. "Who are you?"

"Ynna."

"I don't know you."

"Yes. You don't know me but I'm here talk about something interesting." She winks at me. She looks like a..what? Napailing ako. 

"Interesting?" Tanong ko. The last time I checked, Mandy is the most interesting topic for me. 

"Yeah. It's about Mandy."

Damn fvck! What does she mean? "What is it all about?"

"Marry her." Walang kagatol-gatol na sabi niya. 

Oh. She looks like a desperate catfish now. "And why? Who are you to tell me what should I gonna do?"

"Because James Abellano is awake. He's stable. So it means, anytime ay uuwi na siya dito sa Pilipinas dahil nasa Korea siya and I'm sure, si Mandy ang pupuntahan niya. And because Mandy loves him that much, they will be together again."

What? Ano namang kinalaman ni James? Eh hindi naman yun mahal ni Mandy. At buhay pa pala ang Abellano'ng yun.  

"Hindi mahal ni Mandy si Abellano." Madiing sabi ko. 

"No. You're wrong. They are in love with each other. Hindi ka ba aware?"

Fvck! Ano bang sinasabi ng babaeng 'to? Tinanong ko si Mandy no'n, sinabi niyang hindi. At kung totoo man 'yun, edi sana inaalagaan ni Mandy si James. Pero hindi, she's with me. 

"You're lying." Sabi ko. Wala sa vocabulary ko ang matagal na makipag-usap sa stranger but it's about Mandy. She's right, the topic is interesting. 

"No I'm not. I am sure of that. Siya ang pinakamatindi kong karibal kay James. You know that? Isa siyang malaking tinik sa pagmamahalan namin ni James. Now, I will ask you, do you love her?" 

Yeah. "Fvcking yes."

"So that's it. Mandy can be yours and James will be mine. So pareho tayong magiging masaya. Marry her before it's too late. Maniwala ka sa'ken, mahal na mahal ni Mandy si James."

Fvck. I don't know what to believe. 

"Kung hindi ka kikilos, mawawalang parang bula si Mandy sa'yo. Hindi mo din ba alam na mag-girlfriend slash boyfriend sila?"

O_O

What the heck? "You're lying."

"Kanina kapa ha. Sinabi ko na, lahat ng sinasabi ko, totoo. 

Maniniwala ba ako? Damn it! Hindi na ako nagsasalita. 

"Yun lang ang ipinunta ko dito. Binabalaan lang kita. Kung ayaw mong mawala si Mandy sa'yo, gumawa ka na ng way para matali siya sa'yo. Kahit idaan mo na sa dahas."

Dahas? The fvck with her? I can't hurt Mandy for Pete's sake. This woman, I can squeez her leg. 

"You're not in the position to tell me ehat should I gonna do. Leave me alone now. And when I said leave, don't dare to show your fvcking face at me again." May pagbabantang sabi ko. 

Mukha namang nasindak siya kaya umalis na din siya. She's desperate. And she's a liar. Fvck. Hindi mahal ni Mandy si James. I believed Mandy, not her. 

--

Mandy POV

Sino ba kasi yung babaeng kumausap kay XKing? Gaga yun ah. Ako, pakasalan? Ni XKing. Psh. 

Si James lang ang future groom ko at wala ng iba. Hindi na 'yun mababago. 

Handa na ako para sa dinner namin ni XKing. Sigiraduhin nya lang na sa restaurant niya ako dadalhin at hindi sa bar ng kaibigan niya dahil magba-back-out ako. Ayoko don. Ayoko ng makakita ng binubugbog dahil naiisip ko lang si James. 

Speaking of that gangster, nasaan na kaya yon? Anong oras na. Ayoko pa namang ginagabi lalo na kung siya ang kasama ko. Buti sana kung si James, pwedeng pwede akong matulog sa condo niya. Pero kung si XKing? No way. 

*tok tok*

"Ma'am may bisita po kayo sa baba!" Sigaw ng katulong mula sa labas ng kwarto ko. 

Si XKing na siguro. Kinuha ko ang aking mini pouch at huminga ng malalim. Saka lumabas na sa kwarto ko. 

Pagbaba ko..

O_O

That heartless gangster, anong karapatan niyang maging gwapo ngayong gabi?!

The hell! This is the first time I saw him wearing a tuxedo. Mukha siyang kagalang-galang. Mukha siyang bachelor. Ang gwapo niya, pakshet!

"Papasukan na ng langaw ang bibig mo Mandy."

Bigla akong natauhan sa sinabi niya. Naka-nganga ba ko? Letseng lalaki 'to. Na-gwapuhan lang ako sa kanya ngayon but it doesn't mean na hindi na ako galit sa kanya. 

"Psh. Let's go?"

"Yeah. Come here.."

Napalugok ako. Anong feeling ba 'to. Syete naman kasi 'tong gangster na'to! 

Nakasuot lang ako ng dark blue halter dress na fitted sa katawan ko. Dinner date daw eh. So nag-effort na ako ngayon. Para mas ma-inlove siya saken. 

Inalalayan niya akong sumakay sa..

=_=

Bago na naman ang kotse ng lalaking 'to? Sige. Siya na ang may car company. 

Pagkasakay ko ay pinaandar na din niya agad ang kotse niya. Wala pa akong idea kung saan niya ako dadalhin. Basta siguraduhin niya lang na sa disenteng lugar. Sayang ang outfit ko kapag hindi. 

Ilang minuto lamang ang nakalipas ay nakarating na kami. Labas palang, masasabi ng isa itong fancy restaurant. I look at the billboard na nasa taas ng bubong ng restaurant na iyon. 

DESTINY

Kakaibang pangalan naman ang mayroon ang restaurant na ito. A bit corny? I think?

"This is my family's restaurant." Sabi niya. 

=_=

Sa kanila pala. Sige, sila na ang may restaurant...din! Sila na talaga ang may pag-aari ng lahat ng klase ng business. 

"The name was given by my Mom. Sabi niya kasi, destiny sila ni Papa. Sounds corny right?"

A bit. Gusto ko sanang sabihin kaso baka ma-offend. Hindi nalang ako nasalita. Nakahawak ako sa braso niya habang papasok kami sa loob. Kung ganito ito ka-sosyal sa labas, ganoon din dito sa loob. Sosyal ang dating at mukhang mayayaman talaga ang mga kumakain. 

"Good evening Sir, Ma'am. This way." Sinalubong kami ng isang waiter at iginiya kami sa isang mesa sa gitna. Parang naka-set-up na nga. Kung sabagay, pag-aari nila 'to. Hindi imposible. 

Ilang minuto at na-i-serve na ang ilang putahe sa mesa. Halos lahat yata ng nasa menu ay pinahanda ni XKing. Hindi naman ako ganon kalakas kumain. 

"Eat." He ordered. 

And there, nagsimula akong kumain. Kapwa kami tahimik na kumain. This is the first time we had a dinner together and it feels awkward. Having dinner with my enemy? Great, right?

I'm full. Ang dami ko ring nakain. Ikaw ba naman ang kumain ng dire-diretso. Di man lang kami nag-uusap habang kumakain. Marunong pala siyang gumalang sa hapag. 

O____O

Agad akong napatingin sa kamay kong nakapatong sa mesa na hinawakan niya. Shit. I didn't feel anything romantic. I'm just shocked. 

"Mandy.."

Oh geez. Saan naman kaya patungo ito. Nakatingin lang ako sa kaniya habang hinihintay ang sunod niyang sasabihin. 

"Everytime I look at the keyboard, I see that U and I are always together."

Kruu..

Kruu..

Seriously? Bumabanat ba siya or what? I don't have any idea. 

"Fvck. Seth told me it can make you giggle. But there's no reaction from you." He murmured. 

Ano daw? "X-Xking, banat ba yun?" I asked. I'm serious. 

"Never mind." He said and drink his wine. "Cheers!" 

Wala akong nagawa kundi makipag-cheers ng wine glass sa kaniya. Inilapag ko din ang wine nang makainom ako. Now, what's next?

Tumayo siya saka tumikhim. "Let's dance." 

Napansin ko na may sweet song na palang pumapailanlang at may ilan na ring nagsasayaw. Sweet dance. 

Nagpaubaya ako. Hayaan ko nalang. Hinawakan niya ako sa waist ko. Pero balewala lang saken. Walang effect, walang spark. 

"Mandy.." We started swaying our body through the music. 

"Yes?"

Nakatitig lang siya sa'ken habang sumasayaw kami. 

"I'm amazed when I look at you. Not just because of your looks. But because of the fact that everything I've ever wanted is right in front of me."

I was...shocked. Hindi ko inakalang maririnig ko ang mga katagang iyon galing sa isang heartless gangster. What happened to him? 

Hindi tuloy ako makapagsalita. He's really serious. At parang nako-konsensya naman ako. Dahil sa katotohanang wala akong ni katiting na pagkagusto sa kaniya. But him? I think he's really inlove with me. 

"I wasn't planning on loving you, but I'm happy that I did." He said then my eyes turned big when I've realized that his lips is brushing into mine. 

I was stunned. Wala akong magawa. I let him kiss me. Hindi ako magalaw. Daig ko pa ang ipinasok sa loob ng freezer para mapatigil ng ganito. I can feel it. His lips is moving kahit hindi ako tumutugon. Hindi ko siya maitulak. Nagulat lang ako. Iba kasi eh. 

Ibang-iba si XKing ngayon. Kung first time ko siyang nakilala dito sa restaurant, hinding hindi ko aakalaing gangster siya. He's a soft guy. He has a soft heart. Nako-konsensya ako sa ginagawa ko. Nakaramdam agad ako ng matinding konsensya dahil sa ginagawa kong revenge. 

Natauhan lamang ako nang maramdaman ko ang yakap niya. Hindi ko na namalayan na tumigil na siya sa paghalik sa'ken. Damn! 

Biglang lumambot ang puso ko sa kanya--kay XKing. Dahil pinaparamdam niya na bukal sa loob ang pagmamahal niya sa'ken, ang nararamdaman niya. Buth then ako, I'm doing this to take revenge. Mali ba ako? Gusto ko lang naman kasing ipaghiganti si James. 

Dapat matuwa ako na eto na, mahal na niya ako. All I have to do is to leave him hanging, without any  words. But I don't think I can do it..

"There's the feeling called love and I think I may feel it for you. But you have to promise me you won't let me down.."

That caught me offguard. So much conscience for tonight. What should I do? Because honestly, that's the main reason kung bakit ako lumalapit sa kanya. 

I will let him down..

Hindi tuloy ako mapakali. Ganito talaga kapag may itinatago eh. Yung konsensya ko abot langit na talaga. 

Yung mga sinasabi niya, tagos eh. Mas nako-konsensya ako. Hindi ko alam kung ano ang dapat o sunod kong gagawin. Hahayaan ko pa rin ba siyang umasa saken? Am I being rude to do that? 

Or..he deserved this kind of revenge?

*

A/N : Nasaan na ang DBM readers. Climax na ang sunod dito. Sana umingay ulit kayo. Hashtag #DBM

@pinkyjhewelii on twitter

You can like the official page para maging updated kayo: facebook.com/pinkyjheweliistories

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #teenfiction