Chapter 45
[Korea]
James POV
Thank God, I'm still alive. Pero ang babaeng una kong gustong makita, wala. I want to see her, I want Mandy.
Nagpapahinga na ako ngayon. Badtrip ako dahil sa pinakita ni Ynna sa'ken na picture kanina ni Mandy na kasama si XKing. Pero hindi ako tanga para paniwalaan agad ang picture na 'yun. I trust her. Alam kong mahal na mahal niya ako.
Ang pinagtataka ko lang, bakit wala si Mandy dito sa Korea. Di niya man lang ako inaalagaan o hindi man lang nya ako hinihintay na magising? Gusto kong malaman. Itatanong ko mamaya kay Mama.
--
[Philippines]
Mandy POV
Tamad na tamad ako. Hindi ako papasok. Wala talaga akong gana ngayon. Hindi pa dapat ako gising ngayon kung hindi lang pumunta si XKing dito sa mansyon. Nasa baba siya, naghihintay. Itinawag sa intercom ng guard kanina.
Seryoso nga ba talaga ang lalaking yon? Umaasta talaga siyang boyfriend eh.
Hindi na ako nag-ayos. Ano naman kung messy hair ako at bagong gising? Naghilamos lang ako at nag-toothbrush bago bumaba. Naka-pajama pa nga ako.
Pagbaba ko, naabutan ko si XKing na nakaupo sa salas. Pinapasok ko kasi siya sa guard ng mansyon kanina at pina-guide sa katulong.
"Hey." Tawag ko. Abala kasi siya sa pagtingin sa paligid ng living room. May malaking portrait kasi dito. Picture ko kasama si Chelsea--ang half-sister ko.
"Hey. Goodmorning." Bati niya. Mukha pa siyang nagulat sa itsura ko pero nakabawi din naman agad.
Hindi ko naman kailangang magpaganda sa kaniya. Psh! Kay James lang ako pwedeng magpaganda.
"Bakit nandito ka?" Tanong ko hanggang sa makababa dito sa salas at makalapit sa kanya. Naupo ako sa couch.
"Sinusundo ka. May pasok ka 'di ba?"
Ano siya, walking attendance? Psh. "Absent ako."
"But why?"
"Hindi ko feel pumasok eh. Wala akong gana. Makakauwi ka na."
"No."
=_=
"Anong 'no'? Inaantok pa ako. Gusto ko pang matulog." Reklamo ko.
Bahagya siyang ngumiti. "You looked cute in your pajamas."
=__=
Cute pa ako ng lagay na'to huh? "Psh. Umuwi ka na."
"I said no."
"Eh anong gagawin mo? Hindi nga ako papasok." Ang kulit ng lahi nito.
"Let's have a date."
O____O
Date? Ang isang XKing Salvador, marunong palang magyaya ng date? Really? As in?
"Anong nakain mo?"
"Huh?"
Ay slow. "Bakit ganyan ka? Kanina ngumiti ka tapos nagyayaya kang mag-date. Nasaan na ang gangster side mo?" Sarkastikong tanong ko.
"Kapag ikaw ang kaharap ko, nawawala ang gangster side ko. I'm showing you my soft side." Mabilis niyang sagot.
"At bakit naman?"
"Ayokong matakot ka sa'ken."
Psh. Hindi naman na ako takot sa kanya kung hindi galit. Galit na galit. Pina-plastik ko nga lang siya oh. Di niya lang napapansin dahil magaling akong magkunwari. Alang-ala lang kay James.
"Really? Kagabi nga lang--"
"I'm sorry. Hindi ko lang napigilan ang sarili ko. Damn it, I want to kill that bastard for touching you pero pinigilan ko dahil ayokong matakot ka."
He can kill. Yeah. Sa halip na ma-touched ako sa katotohanang kaya niyang pumatay para saken, mas lalo akong nagagalit dahil mas nakikilala ko siya--ang gangster side niya.
Para nga akong nagka-trauma. Nang makita ko lang na binugbog niya 'yung lalaki sa bar, natakot ako para kay James, mas lumaki 'yung galit ko dahil na-imagine ko kung gaano nila sinaktan si James. Anim sila! At isa lang si James. Tuwang-tuwa pa sila na pinagtulungan nila.
"Hey."
Napapitlag ako. "A-ah, busy ako." Nasabi ko nalang.
"Anong gagawin mo? Hindi ka nga papasok 'di ba?" Hindi talaga ako sanay dito kay XKing na ganito siya, parang mabait na ewan. Kainis.
Noong una ko naman siya nakilala, nakakatindig-balahibo 'yung tingin nya pati ng ibang ka-member niya pero ngayon ibang-iba eh.
"May gagawin lang ako. Beauty rest?" Pagsisinungaling ko. Maganda naman na ako. Diko na kailangan ng beauty rest. Psh.
"You're gorgeous. You don't need that fvcking beauty rest."
=_=
"Marunong kapa sa'ken? Psh. Sige na umuwi kana."
Kung mag-usap kami, parang close 'no? Pero hindi. Feeling close lang--for my revenge.
"Hindi ako uuwi."
Ang kulit naman talaga. Ilang beses ba siyang pinanganak? "XKing Salvador." May pagbabanta sa boses ko.
"Tch. Fine. I'll fetch you tonight for dinner."
"Ayo--"
"Please."
Aish! Ba't ba kelangan pa nyang mag-please? Kadiri 'tong gangster na'to. Di bagay sa kanya ang mag-please. Mukha siyang squirrel. Psh.
"Fine, fine. Now, pwede na ba akong matulog?"
He smiled a bit. Napapadalas yata ang ngiti ng mokong na'to. "Yeah. You want me to sleep with you?"
=_____=
"Sapak gusto mo?" I'm trying to be..normal? Ayokong ipakitang takot ako sa kanya.
"I'm just kidding. Aalis na ako. I'll call you later."
"Wag na sayang ang load." Sabi ko. Kinikilabutan ako 'pag tumatawag siya eh.
"Naka-plan ako. Tch. Ge, alis na ako." Sabi niya.
"Sige na nga. Shoo!" Taboy ko.
"Tch."
Tuluyan na siyang umalis. Bakit ang bait niya talaga sa'ken. Wala yung nakakatakot na tingin, at seryosong salita. Soft side nga. Tsk tsk.
Nangangamoy success. Mukhang magiging successful ang revenge ko. Para kay James. Kelangan ko ng balita about him. Sana magising na siya. Sana naging successful yung operation niya. Kung nandon lang ako sa Korea, edi sana na-i-cheer ko si James kahit simpleng 'fighting' lang.
Hay, James ko..
--
[Korea]
James POV
Abala si Mama sa pag-aayos ng dala niyang bulaklak. Fresh flowers galing daw sa favorite niyang flower shop dito sa Korea.
"Mama.."
"Yes, James, anak ko?" Tanong agad niya. Alert na alert si Mama, bawat tawag ko lulmalapit agad siya.
Kami lang ang nandito sa kwarto. Si Ynna hindi ko alam kung nasaan.
"Bakit wala si Mandy dito? Bakit.."
Lumungkot ang mukha ni Mama. "Yun na nga iho, nalulungkot ako dahil ayaw ka niyang puntahan dito. Na-ospital kalang, may iba na agad siyang lalaki at masayang masaya pa sila iho. Wala man lang pakialam si Mandy na na-ospital ka. Sa Pilipinas, hindi ka man lang niya dinalaw kahit binalitaan namin siya. Sorry anak.."
I clenched my jaws. Hindi ko alam kung tama 'to pero nakaramdam ako ng galit. Bakit? Totoo bang sila na ni XKing? Ano ba talagang meron sa kanila? I trust her pero ngayon, si Mama, hindi naman siya magsisinungaling sa'ken. Kilala ko si Mama, never pa siyang nagsinungaling sa'ken. Hindi ko lang matanggap na hindi man lang ako sundan dito ni Mandy?
Oo nga naman. Kung may pakialam siya sa'ken, bakit nga wala siya dito? Madali lang lumipad papunta dito sa Korea. Mayaman din siya kaya afford niya but still, walang existence niya dito.
"Can I call her?" Tanong ko. Gusto kong marinig ang boses ni Mandy. Ang dami kong gustong itanong sa kanya.
"Iho..tinawagan ko na siya kagabi. Binalita ko na nagising ka na pero wala naman daw siyang pakialam. Sabi niya lang, good for you. Yun lang. Hindi man lang siya natuwa sa balita ko. Ang mga kapatid mo tuwang-tuwa. Dadalaw daw sila dito."
Fvck. Si Mandy wala talagang paki saken? Hindi eh. Pero..hindi magsisinungaling sa'ken si Mama.
Tch. Parang in instant nawalan ako ng ganang tawagan siya. Hindi dapat ganito ang maramdaman ko pero diko maiwasan pagkatapos kong marinig ang mga sinabi ni Mama. I don't know what to believe. Basta isang malaking katanungan sa'ken..
BAKIT HINDI NIYA MAGAWANG SUMUNOD DITO SA KOREA?
--
[Philippines]
Mandy POV
Ano na bang balita kay James? Maloloka na ako. Kanina pa'ko nagbibilang ng hibla ng buhok ko habang iniisip si James.
Maghapong nagmuni-muni lang ako dito sa kwarto ko. Kain, tulog lang. Wala naman kasing magawa. Si James, kung nandito sana siya, e'di sana hindi ako nabo-boring. Kulang nalang mag-hire ako ng clown para naman maaliw ako. Hay.
Life without James? It's kind'a boring.
Krrrrinnngg..
Oh geez. Who's the caller. Wag sana si XKing. Di ko siya feel kausap. Basta lang, nag-iingat din kasi ako kapag kausap ko siya. Baka madulas ako about sa plano ko sa kanya.
Yumiko calling..
O____O
Napabalikwas ako nang makita ko ang caller. Basta si Yumiko, alam kong about kay James ang sasabihin niya.
"Hello? Yumi?"
[Mandy! Good news.]
O____O
Dug, dug..
Kusa akong napangiti nang marinig ko ang good news. "Ano yon?"
[Sucessful ang operation ni James...]
Wow. "Buti naman. Thanks God!"
[At gising na siya Mandy.]
O_____O
G--gising na si James? As in nakamulat na ang mga mata niya? "R-really?" Parang 'di ako makapaniwala. Kinabahan ako na na-excite. Di ko ma-explain ang feelings ko ngayon.
[Believe it or not, he's awake and balak naming dumalaw dun. Mamayang gabi ang alis namin using our private plane. Sasama ka ba? I'm sure matutuwa si James kung makikita ka niya.]
Subukan mong sumunod sa korea..
Shit. Hindi pwede. Naalala ko 'yung banta saken ng Mama ni James bago sila umalis papuntang Korea. Aish! "S-sorry Yumi hindi ako pwede.."
[Pero bakit?]
"B-busy ako. May mahalaga akong inaasikaso." Sabi ko nalang. Ayoko nalang sabihin sa kanila yung banta sa'ken ng Mama ni James. Ayoko silang madamay sa problema namin.
[Sige. Babalitaan nalang kita. Bye.]
*toot toot*
Pupunta sila don, sa Korea. Gustung-gustung sumama ng puso ko pero ang isip ko, ayaw. Hindi pwede.
Naiiyak ako. Damn! Gising na si James at gusto ko syang makita. Hinahanap kaya niya ako? Ano nalang iisipin ni James kapag na-realize niyang wala ako don? Baka magtaka siya..
Anong gagawin ko?
T_T
Krrrinnngg..
Sino na namang tumatawag? Si Yumi ba kaya ulit? May bagong balita na kaya agad about James? Uuwi na kaya sila dito sa Pilipinas? Sana..
Kaso pagtingin ko sa screen ng phone ko, nawala 'yung hope ko.
XKing calling..
Hay. Sinagot ko na kahit ayoko talaga. "Yes?"
[I have something to say.]
Psh. Ano naman kaya. Napatingin ako sa wall clock. Hapon palang. Usapan naming dinner, gabi pa eh. "Ano yon?" Walang buhay kong tanong.
[May babaeng nakipagkita sa'ken.]
Jusko naman! Nagre-report ba siya? Tingin naman niya magseselos ako? Paki ko naman kung may nakipagkitang babae sa kanya?
"So?"
"She's asking me to marry you."
O______O
"ANO? Ako? Sinong babae 'yon?"
[She's familiar. Her name is---]
*tootttttttt*
Shet! Na-lowbat pa ang phone ko! Sinong babae yun na nakipagkita kay XKing at hiniling na pakasalan ako? Sino naman yung baliw na babaeng yun?
*
A/N : DBM's duration, until august last week. Hashtag #DBMWhy
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top