Chapter 49

Mandy POV

Shit. Ang sakit ng ulo ko. Nag-inom ba ako kagabi? Aw, oo nga pala. 

Dito ako natulog sa guest room ng mga Abellano, hinatid ako dito kagabi ni Yumiko. Nag-request na din ako ng alak. Gusto ko kasing pansamantalang makalimot kagabi. Nalasing pa nga ako. 

Ngayon, hindi na ako lasing. Eto na naman 'yung masakit sa puso ko. 

Huminga ako ng malalim. Nakapag-isip-isip na ako kagabi. I'll get what is mine. Gagawin ko ang lahat para makuha ulit si James. Aalamin ko ang lahat. Kung bakit ganon yung ina-akto niya sa harap ko, kung bakit stranger and old friend nalang ang tingin niya sa'ken. Mahal na mahal ko si James. Ang dami kong tiniis para sa kanya, hindi ako papayag na basta nalang siyang mawawalang parang bula sa'ken. 

At yung Ynna na 'yon? Bakit niya kasama kagabi? They looked happy. Ano na namang ginawa niya kay James? Malaman ko lang na may kinalaman siya sa nangyayari kay James ngayon, lintik lang ang walang ganti. Kilay niya lang ang walang latay. Psh. 

Bumangon na ako. Nakasuot ako ng damit na pinahiram ni Yumiko kagabi. Mabuting umuwi na ako. May kotse naman ako. Inayos ko na ang pouch ko at yung suot na dress ko kagabi na nasa paperbag na. 

Lumabas na ako ng kwarto. Papaalam lang ako kay Yumiko tapos uuwi na ako. 

"Why are you here?"

O_____O

Dug, dug..

His voice. He's my..

Dahan dahan akong lumingon. And there he is standing na mukhang kakalabas lang din sa kwarto niya. Nakashort na pambahay lang siya saka tshirt. Ibang-iba na talaga yung hubog ng katawan niya. 

"A-ano, pinatulog kasi ako ni Yumiko dito kagabi." Sagot ko. Nauutal ako, shit. 

"Oh. Ngayon ko lang nalaman na allowed palang magpatulog dito ng hindi naman family-related."

</3

Family-related? Hindi ba't ikaw ang magiging asawa ko? Bubuo pa tayo ng pamilya, right? Bakit ngayon..

"James, ang aga mo namang bumangon!"

O____O

Si Ynna lumabas sa kwarto ni James. Magkatabi ba silang natulog? Magkasama sila sa kwarto? Akala ko ba hindi allowed ang hindi family-related? Bakit si Ynna? Ano ba siya?

Tiningnan ako ng masama ni Ynna. From head to toe. Masasampal ko 'tong babaeng 'to. Pasalamat siya andito si James. 

"Mauna ka na sa baba. We'll have our breakfast. May kinakausap lang ako." Sabi ni James kay Ynna. 

</3

So magkasama nga sila dito? Ganon ba 'yun? Masakit 'yun ah. Nagbabadya na namang tumulo ang luha ko pero pinipigilan ko. Ayokong umiyak sa harap ni James. Ayokong maging mahina sa harap niya. 

"Okay! I'll wait you sa dining area. Make it fast ha? Gutom na ako eh." Malanding sabi ni Ynna na nakahawak pa sa braso ni James saka ako nilampasan. 

"Back to you, miss Aguilar. Sa susunod, ayoko sanang nakikita ka dito sa loob ng mansyon namin. Hindi kasi ako panatag na may ibang tao dito sa mansyon."

</3

So ibang tao nalang ang tingin niya sa'ken? Ang sakit ha. Ibang iba na rin siya magsalita. Hindi na siya yung James na jolly at masayahin. 

Napatungo ako. "James.." I can't help it. Gusto kong malaman kung ano bang nangyayari? Bakit nagkakaganito si James?

"Don't call me on my first name. We're not that close."

</3

Kanina ka pa James ha. Kanina mo pa ako sinasaktan sa mga salita mo. 

Hindi ko na napigilan ang luha ko. Tumulo na iyon. Nanatili akong nakatungo. Ayokong ipakita sa kanya na umiiyak ako. 

"A-Aalis n-na ako.." Tatalikod na ako nang bigla ulit siyang magsalita. 

"Past is past Mandy Aguilar. Now, you're just an old friend for me. So don't show your face to me again."

</3

Bakit..

T____T

Letseng puso 'to! Nasaktan na naman dahil sa sinabi niya. 

Nilampasan na ako ni James. Nauna na siyang bumaba. Pinahid ko ang luha ko. 

I'm Mandy Aguilar. Nasaan na ang tapang ko? Bakit ang hina-hina ko ngayon? Bakit....bakit..shit!

T__T

Mabilis akong bumaba sa hagdan saka lumabas ng Abellano's mansion. I want to go home. I want to cry out loud. I want to hurt myself! Shit this life. 

Sumakay ako ng kotse ko. Hindi ko na kayang hanapin si Yumiko para lang magpaalam. Baka makita ko lang sina James at Ynna na masayang nag-uusap. Baka, mabasag na naman ang puso ko!

T_T

Ilang minuto lamang ay  nakarating din ako sa mansyon namin. Pasalamat nalang ako na hindi ako naaksidente. Ang bilis kong magpatakbo ng kotse habang nanlalabo na ang mata ko dahil sa luha inilalabas ng mga mata ko. 

Pagbaba ko sa kotse ko, tumakbo agad ako paakyat sa kwarto ko saka ko iyon ini-lock. Dumapa ako sa kama ko. 

Damn! Damn! Damn!

Ang sakit sakit James! Bakit mo ginagawa sa'ken 'to? Ano pang silbi ng buhay ko kung wala ka na? Ikaw nga lang ang kaisa-isang taong nagpahalaga saken sa kabila ng ka-demonyitahan ko no'n tapos mawawala ka na ngayon? 

T_T

Ano ng gagawin ko? Anong..

T___T

Hindi ako susuko. No! Hindi ko kaya. Hindi ko kayang mawala si James. I still remember the last time we're together bago siya nabugbog. Masayang-masaya kami. Natatandaan ko pa 'yung mga sinabi niya saken. Yun nalang ang panghahawakan ko. 

Nanatili akong umiiyak habang nakatingin sa kawalan. Ine-experience ko lang na paalalahanan ka na kunwari buntis ka. Isa na kasi yun sa pangarap ko..

Nasaan na James ang mga pangarap mo?

Yung magkaka-anak tayo. Yung bubuo tayo ng pamilya. Yung 'pag buntis ka, dito ka lang lagi sa tabi ko, papaalalahanan kita lagi. Hindi kita hahayaang mapagod..

Pilit na nagpa-flashback sa isip ko yung mga sinabi dati ni James. 

Tapos Mandy ko, kapag buntis ka na at naglilihi ka? Ah! Gagawin ko talaga lahat. Kahit pa paghanapin mo akong kulay pink na manga? Gagawin ko para sayo..

Lalo akong nasasaktan. Masama bang umasa na magkatotoo pa ang mga sinabi nya noon?

I love you Mandy. I'm willing to spend my life with you..

Nasaan na ang sinabi mong yun James? Bakit mo ako sinasaktan ng ganito ngayon?

T_T

Di bale ng may pagsubok na dumating, ang mahalaga kasama kita at ka-akibat dahil sigurado akong lahat kakayanin ko basta nandito ka sa tabi ko..

Yeah. Kung nandito ka sa tabi ko James, kakayanin ko lahat. Pero wala eh. Wala!

T_T

Ang demonyita, matapang tapos hindi umiiyak at lalong hindi pinanghihinaan ng loob..

Oo demonyita ako James! Pero sa nangyayari, sa ipinapakita mo saken ngayon, hindi ko na kayang maging demonyita. I just want to cry dahil hindi ko na kayang maging matapang sa mga oras na 'to. 

T_T

Itatak mo sa puso't isipan mo na, mahal na mahal na mahal kita kahit anong manyari. Nangako ka na saken na magiging matapang ka para saken diba? Panindigan mo 'yun ha? Saka wag kang iiyak. Wag na wag mong ipapakita sa lahat na mahina ka..

Hindi ko ipapakita sa lahat na mahina ako, James. Pero sa harap mo, hindi ko kayang maging malakas. Dahil ikaw, ikaw ang weakness ko.

</3

Ikaw lang ang nag-iisang laman ng puso ko. Walang ni katiting na space dito. Kaya kahit pa anong mangyari, forever kang narito, dito oh, sa puso ko..

Pero bakit wala na akong makitang pagmamahal sa mga mata ni James? Bakit sila magkasama ni Ynna? Napalitan na ba niya ako sa puso ni James? Agad? Shit naman eh. 

T____T

Ipaglalaban ko pa ba ang pagmamahal ko kay James sa kabila ng mga pinapakita niya sa'ken? Panghahawakan ko pa rin ba ang huli niyang sinabi? Na kahit anong mangyari, mananatiling ako ang nasa puso niya. 

Sa dinami-dami ng tao sa mundo, bakit ako pa ang napiling makaranas ng ganito? Bakit hindi nalang 'yung mga walang pusong tao? Bakit hindi nalang yung masasamang tao?!

Napatigil ako sa pag-iyak nang may maalala ako. 

Speaking of masamang tao at walang pusong tao..

I think..

It's time for revenge. Hindi ko na kailangan ang gangster na 'yun. Siya ang may kagagawan ng lahat, so I thin he deserve my revenge. 

--

Nakatulugan ko na ang pag-iyak kanina. At pagkagising ko, isang bagay lang ang nakatatak sa isip ko. 

Will take my revenge..

Nakaligo na ako and all in all. Tinawagan ko na rin si XKing para makipagkita sa kanya. Sinabi ko na sa kanya na wag na niya akong susunduin. Pupunta nalang ako sa condo niya. 

Kailangan kong magdala ng sariling kotse dahil sisiguraduhin kong hindi na niya ako kakayanin pang ihatid kapag narinig niya mula saken lahat lahat!

Mukhang masaya pa naman si XKing kanina sa pagtawag ko na pupuntahan ko siya sa condo niya. Wag siyang mag-assume dahil masasaktan siya. 

Sumakay na ako sa kotse ko. I'm wearing my demonyita smile na punong-puno ng paghihiganti. 

Nagsend nga pala ng message si XKing kanina. Address ng condo unit niya. Pamilyar naman saken yun dahil nakapunta na ako don. Saka, malapit lang naman. 

Maya-maya ay nakarating din ako. Ipinarada ko ang kotse ko sa parking. Saka tinawagan si XKing. 

[Mandy?]

"I'm here. Sa parking." Sabi ko saka pinatay ko na rin ang tawag. 

Hihintayin ko nalang siya dito. Para masundo niya ako. Malay ko ba kung saang floor ang unit niya. Di ko tanda. 

"Mandy!"

See? He's smiling at me. Makangiti ka pa kaya mamaya, XKing? Damn you. 

Bigla niya akong niyakap. Psh! Last mo na 'yan. 

"Xking.." Bumitaw na ako sa kanya. 

"Let's go."

Hinawakan niya ako sa kamay ko. Hinayaan ko nalang. Last na naman 'to eh. Pagbigyan na. 

Sumakay kami ng elevator at tumigil sa 10th floor. Then, he swipe his card sa pinto ng unit niya and nabuksan na. 

Pumasok ako sa loob. At umupo sa couch. 

"What do you want to eat? Drink?" Tanong ni XKing. 

When he's with me, nawawala talaga ang gangster side niya. Even his way of speaking, nag-iiba. Hindi nakakatakot na naninindak. 

"No. Wag na. Hindi ako magtatagal. May sasabihin lang ako." Sabi ko. 

Starting..

Kung noon, naku-konsensya na ako, pwes ngayoon, ni katiting na konsensya wala akong nararamdaman. He deserve it!

Naupo siya sa tabi ko. "Ano yon?"

"Let's break up." Mabilis kong sabi. 

"Mandy.." Yung tono ng pananalita niya, parang hindi makapaniwala. 

"Planado ang lahat XKing. Nakipaglapit ako sa'yo para paibigin kalang. Dahil gusto kong maghiganti. Gusto kong masaktan ka. Hindi kita mahal XKing, at lalong wala akong nararamdamang kahit kaunting pagkagusto sa'yo."

Lalo siyang hindi makapaniwala sa sunod na sinabi ko. Napansin kong nanunubig na ang mata niya. Huh! Really? A heartless gangster can cry?

"You're lying."

"No I'm not." Mabilis kong sagot. "Sa tingin mo, magkakagusto ba ako sa walang pusong taong tulad mo? Masyado kang nag-assume XKing. Sa sama ng ugali mo, sa tingin mo may magkakagusto pa sa'yo? You're wrong honey, walang makakasikmurang mahalin ka, even me." I'm hurting him using my words. I'm being demonyita, NOW. 

Then tears started to fall from his eyes. Ang bilis naman? Wala pa sa climax eh. 

"Alam mo bang ikaw ang pinaka-kinasusuklaman kong tao? Na hinihiling ko na sana mamatay ka nalang. Wala kang karapatang makatanggap ng pagmamahal! Dahil wala kang puso! You're such a heartless monster! Ang sama sama mo!" Sigaw ko. Naiyak na din ako dahil naiisip ko yung sakit na nararamdaman ko ngayon dahil sa kagagawan niya. 

"You love me, Mandy. I know you love me.."

"Fvck you XKing! I never said..that I love you. I hate you so much. Yun ang katotohanan."

"No..." Bigla siyang lumuhod. Oh! So, a gangster can do this? Amazing. "Don't do this Mandy. Nasasaktan ako.."

Wow! "Really? Nasasaktan ka? Nakakaramdam pala ng sakit ang mga tulad mong walang puso? Nice."

"Nasasaktan na ako Mandy.."

"You deserved it XKing." Sabi ko. "Ito na ang huling pagkikita natin, dahil ngayon mismo tinatapos ko na kung anong meron satin, dahil lahat ng 'yon ay palabas lang."

"Nasasaktan ako mandy..stop it.."

"Ikaw lang ba ang nasasaktan? Hindi mo alam kung gaano ako nasasaktan ngayon nang dahil sa'yo! Nang dahil sa'yo XKing!"

"What did I do? Ang alam ko lang na ginawa ko ay minahal kita.."

Nagtanong pa talaga siya? "Gusto mong malaman kung sinong nagmamay-ari ng puso ko? No other than, James Patrick Abellano--ang lalaking walang puso nyong binugbog. Fvck you XKing! Kasalanan mo ang lahat!"

Napansin ko ang pagkagulat sa mukha niya pero napalitan din ng malambot na ekspresyon. He's crying, yeah. Akalain mo yun. 

"No. That's not true. You love me.."

"So desperado ka na din ngayon? Martyr, ganon? Tsk, tsk. Hindi ako magso-sorry sa ginawa ko. I did this to get revenge XKing. Imagine, I tell you so many lies and I've never been felt bad about it. Sinaktan nyo si James, kaya kita sinasaktan ngayon. Mahal na mahal ko siya kaya gagawin ko ang lahat ma-iganti lang siya sa inyo, sayo. And now, I think I won?"

"Mandy please.."

"True pain. It's like when you look into the eyes of someone you love and they look away. It hurts." Sabi ko. "Can you feel it now?"

He didn't answer. He's staring at me--crying and there's disbelief on his eyes. Hindi ba siya makapaniwala sa mga sinabi ko? TRUTH HURTS. 

"Nasabi ko na ang gusto kong sabihin. There's no reason para mag-stay pa ako. I better go."

"No Mandy. Don't go, please..I can do everything for you. Kahit ano, kahit gaano pa kahirap, just please, don't leave me."

Oh, the 'don't' thingy. Jackpot! Well, you deserved this XKing Salvador. Fvck you with all my heart. 

"I have to go. Goodbye XKing. Happy brokenheart's day! Now, we're even."

"You knew damn well what you were doing. You knew damn well who you we're breaking.." Sabi niya. "I love you and it really hurts to admit that I know you'll never feel the same.." Pahabol niya. 

You deserved it. Hindi ako magsasawang sabihin ng paulit-ulit 'yan. Shame on you XKing. 

Hindi ko na siya nilingon pa. Wala akong oras para makinig pa sa sentiments niya. Wala na akong pakialam pa kung nasaktan ko siya, well that's really my purpose in the first place. I won. Nakakagaan din sa loob na masaktan ko ang taong nanakit sa taong mahal ko. 

He's a heartless gangster? Oh geez. By the way this time, I'm the heartless woman. 

Masama na kung masama? I don't care. But I have to do this. Hindi ako santo para magbait-baitan. Because..? 

Demonyita..will always be a demonyita. 

*

A/N : #DBMRevenge

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #teenfiction