Chapter 31 ∞ Unit
James POV
Tch. Bwisit. Kanina ko pa tinatawagan si Mandy pero hindi pa rin nya sinasagot. Ano bang problema nya? Nagtatampo ba sya dahil hindi natuloy ang date namin kanina? Hindi naman sa ayaw kong ituloy. Si Ynna kase..
*flashback*
"James, please dito ka lang muna.." Sabi ni Ynna. Nandito sya sa ospital. Mataas ang lagnat nya.
"May mahalaga akong gagawin. Kailangan ko munang umalis."
"No James. Nagmamakaawa ako. Kapag umalis ka, mag-isa na naman ako. Di naman ako inaasikaso ng maayos ng mga nurse. Ilang beses ko na yung naranasan.." She started to cry.
Maawain ako sa babae pero naiintindihan ko din naman sya. Wala syang bantay dito sa ospital.
"Babalik nalang ako mamaya."
"Wag James. Wag kang aali--ahh.."
"Ynna, okay kalang?"
"Medyo kumikirot lang ang braso ko dahil sa mga tinurok nila kanina."
Hay. Paano ko nga ba sya maiiwan? Tch. "Okay. Hindi ako aalis."
*end of flashback*
Nagalit tuloy si Mandy. Naiintindihan ko naman siya kaya nga eto ako parang tanga na naka-ilang beses ng tawag sa kanya pero hindi niya sinasagot.
Damn it. Nandito ako sa kotse ko. Kakagaling ko lang sa bar nii Ken pero wala si Mandy dun, wala din sya sa mansyon nila.
Saan ko ba sya hahanapin? Imposible namang sa mga mall. Gabi na. Tch. Babaeng yun talaga.
--
Mandy POV
Kinakabahan na ako. Itinigil na ni XKing ang kotse nya dito sa parking ng building kung saan may condo unit sya. Natatandaan ko 'to dahil sa condo nya ako dinala dati nung malasing din ako.
Bumaba ako ng kotse nya. "I need to go home!" Sigaw ko.
Hinablot nya ang braso ko. Saka hinila papasok ng building. Damn it. "Bitawan mo ako!"
Hindi nya pinansin ang pagsigaw ko. Asshole. Nag-aalala ako kay Yumiko, naiwan sya sa Spade Bar. Aish! Kasalanan mo lahat XKing kapag may nangyaring masama kay Yumiko.
Nakarating kami dito sa unit nya. Napaupo ako sa couch. Siya naman, hinubad ang suot na jacket.
"Dyan ka lang."
Huh? Tanga ba sya? Nakita ko syang pumunta sa may kusina.
Oh! I remember..
Tiningnan ko yung landline niya. Kailangan kong makatawag sa bahay para patawagin sila kay James.
Sumilip ulit ako kay XKing. Nakatalikod sya at medyo may harang kaya di masyadong kita. May niluluto yata sya.
Dahan-dahan kong inangat ang landline saka ako nag-dial.
[Aguilar residence. Sino po sila?]
"Mandy." Mahina lang yung boses ko.
[Ma'am Mandy? Pero bakit mahina po ang boses nyo? Na-kidnapped po ba kayo?"
=__=
"What?"
[He-he. Peace po Ma'am. Napanood ko lang sa TV, ganon. Bakit po pala kayo napatawag?]
"Go to my room. Nasa side table ang mobile phone ko. Tawagan mo si James then tell him, narito ako sa blah blah building. Room 22."
[Bakit hindi nalang po kayo ang tumawag?]
=_=
"Damn it! Andyan nga ang phone ko diba?"
[Ay sorry ma'am. Sige po]
*toot toot*
At last! Sumilip ulit ako kay XKing. Abala pa rin sya sa kung anong ginagawa nya. Ano bang problema nya para um-aktong ganito? Hindi ko nagugustuhan ang ginagawa nya.
Sana makarating agad si James. Hay. Gusto kong maka-alis dito. Pakiramdam ko, hino-hostage ako.
"Mandy."
O____O
Yung boses nya talaga nakakatakot kahit papaano. "A-ano yon?"
"Kainin mo'tong soup para mawala ang tama mo."
Huh? "Hindi ako ganon ka-lasing. I can still manage myself. Ang kailangan ko ngayon ay umuwi at bumalik sa spade bar."
"What? Kanina ka pa ha? Because of your damn someone?"
"Oo! Damn you! Kapag may nangyaring hindi maganda kay Yumiko, malalagot ka saken!" Sigaw ko.
"Yumiko?"
"Yeah? Who do you think? Damn it. Yumiko Hayashi, asawa ni Lance Abellano. Kasama ko sya sa Spade Bar at ngayon, naiwan ko sya dun nang dahil sayo!"
Halata sa mukha nya ang nagulat pero agad din syang nakabawi. "Tatawagan ko si Ace."
"Huh? Anong kinalaman ng Ace na yan ha?"
"He owned that bar."
O_____O
"ANO?!" Punyeta. Sa XBang member din ang bar na yon? Geez! Ang tanga ko para pumunta dun. Kaya naman pala nandon 'tong XKing na'to. Bwisit!
"Kaya nga nandon ako. Then I accidentally saw you."
=_=
Psh. Maling-mali talaga na dun kami pumunta. Kainis!
*dingdong*
O______O
Baka si James na yan. Sana si James..
"Who's that fvcking visitor?" XKing murmured saka niya binuksan ang pinto.
*boogsh*
"James!" Sigaw ko. Napatayo ako at biglang nanggilid ang luha ko.
"Wala kang inaangkin pero inuuwi mo dito sa unit mo? Fvck you!" Sigaw ni James.
"James.." I'm starting to cry. Parang bigla akong nanghina nung dumating si James para ipagtanggol ako.
"Fvck you!" Ginantihan ni XKing ng suntok si James.
"Tama na yan please. Please.." Pigil ko. Pumagitna ako sa kanina.
"Ano XKing? Obsession na ba para i-uwi mo sya rito sa condo mo? Gago ka pala eh, naturingan kang leader ng gang!"
"Wala akong pakialam sa nararamdaman mo. Fvck you!" Sagot ni XKing.
"Mas wala akong pakialam sayo. Si Mandy lang ang mahalaga saken kaya wag na wag kang umasta na parang pag-aari mo sya."
"Fvcking asshole. I'm gonna kill you!" Sigaw ni Xking.
"Yan nalang ba ang alam nyo? Ang pumatay? Damn it. Sanay na ako sa mga ganyan, kay Lance lang sapat na. Tang*na! Hindi ako natatakot sayo. Alalahanin mo, si Mandy ang nakasalalay dito."
"XKing please tama na.." Umiiyak na ako. Mas iniyakan ko pa para maawa sya. Gusto ko na talagang maka-alis dito.
"Tch." Yun lang sagot ni XKing saka sya pumasok sa unit nya at sinarahan ang pinto.
Nakahinga ako ng maluwag. Napayakap ako kay James. "Thank you.." Napahagulhol ako.
"Bumaba muna tayo." Sabi nya saka hinila na nya ako pasakay ng elevator.
Pagbaba namin, sumakay agad kami sa kotse nya. Then he started the car engine.
"Mandy."
"James. Thank you. Hindi ko na alam ang gagawin ko kanina.."
"Good thing tinawagan ako ng katulong nya. Sabi nya na-kidnapped ka daw."
O_____O
"Wala akong sinabing na-kidnapped ako--"
"Let it be. Kasama mo ba si Yumiko? Kanina tinawagan ako ni Fancy na hindi pa sya umuuwi.
"Ah, nasa spade bar. Naiwan ko sya don dahil kay XKing. Bigla nya akong inuwi sa condo nya.
"Okay. Puntahan natin sya."
Natahimik kaming bigla. Ang awkward. Ewan. Feeling ko, wala yung sungay ko ngayon kaya nawala yung tapang ko.
"Ang lakas ng tama sayo ng Xking na yun."
Huh? "Ah.."
"Tch. Kung kelangan kitang i-bulsa para ma-itago ka sa kanya, gagawin ko kaso.."
"Kaso?"
"Hindi ka kasya sa bulsa ko."
=__=
Parang joke pero may laman eh. Seryoso si James. Natahimik na naman ako.
Hanggang sa makarating kami rito sa Spade bar. Agad akong bumaba.
Hinanap ko agad si Yumiko pero wala na sya sa table namin kanina. Sinubukan ko syang hanapin sa may bar counter o dancefloor pero wala din sya.
"Nasaan kaya sya?" Tanong ni James.
"James. Kasalanan ko. Malalagot ako kay Lance. Kailangan nyang malaman na nawawala si Yumi."
Nandito na kami sa may labas ng bar. "No. Nasa US si bro. At ayokong ipaalam sa kanya dahil siguradong magpe-freak-out yun pag nalaman nyang nawawala si Yumiko."
Aw. Kasi naman. Sana hindi ko nalang niyaya si Yumiko. Natatakot ako. Sana naman ayos lang sya.
"Nagri-ring ang phone nya. Kung may taong nanakit o kumuha sa kanya, for sure sasagutin nya ang phone call pero hindi. Sa tingin ko, may possibility na nag-check-in nalang sya sa hotel para magpalipas ng gabi. O baka nasa daan na yun pauwi sa mansyon. Let us think positive."
Tama. Think positive. Walang nangyari kay Yumiko. She's fine. Dahil kung may nangyari mang masama sa kanya, ako ang masisisi. Dahil ako naman talaga ang may kasalanan. Pinilit ko pa syang sa Spade Bar kahit una nyang suggestion ay sa bar ni Ken.
Shit! Dahil sa pag-iwas ko kay James, mapapahamak pa si Yumiko. And knowing na ang Spade bar ay pag-aari ng isag XBang member. Nakakatakot.
"Are you okay?" Tanong ni James. "Tara, ihahatid na kita sa inyo. For sure pagod na pagod ka. Ang groggy mo na."
Hay. Namo-mroblema talaga ako kay Yumiko. "M-May kotse nga pala akong dala." Sabi ko. Andito yun sa parking ng Spade bar.
"No. Saken ka sasakay. Ipapakuha ko nalang mamaya sa driver nyo. Hindi mo na kakayanin mag-drive. Let's go."
Hindi na ako nakasagot. Sumakay ako sa kotse nya. Tama naman sya, bangag na rin ako.
"Gusto mo bang sa condo ko nalang tayo?"
O___O
"H-Ha.."
"Wala si Mama. Nasa friend nya. Doon sya tutulog."
Alam na alam na nya. Buti nga naiintindihan nya ako kung bakit ilag ako sa Mama niya. "Pero.."
"No buts. Dun nalang tayo sa condo ko. Para ma-asikaso din kita."
>,<
Bakit kinikilig ako bigla? Parang nawala lahat ng galit at inis ko sa kanya. Nawala din yung kaba sa dibdib ko dahil kay Yumiko. Nang dahil lang sa kilig? Shemay.
"I-Ikaw ang bahala.."
Hindi na ako tumanggi. Parang wala na rin ako sa huwisyo. Feeling ko sumali ako sa marathon dahil parang pagod na pagod ako ngayon. I just wanna..
Zzzzzzz..
*
A/N : Hashtag #DBMJamDy
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top