Chapter 30 ∞ Sleep-over
Mandy POV
"Okay kalang ba talaga?" Hindi ko alam kung naka-ilang ulit na tanong na ako kay James. I'm really worried lalo na't dahil si XKing ang sumuntok sa kaniya.
Pumasok kami dito sa loob ng mansyon nila. Narito rin ang kapatid nyang conyo at sina Lance. Isama mo pa ang Mama niya na ka-buntot na naman si Ynna.
"James gamutin k---"
"Ginagamot ko na 'di ba?" Pagtataray ko kay Ynna. Nakita naman niyang dinadampian ko na ng cotton buds na may betadine ang sugat ni James sa labi tapos sisingit pa. Sasampalin ko na talaga ang epal na babaeng yan. Psh.
"O-okay na Ynna."
Psh. Sinagot pa talaga ni James. Imbyerna. "Ano ba talagang dahilan? Bakit bigla ka nyang sinuntok?" Tanong ko.
"Because of you."
O___O
"What? Dahil sa babaeng 'to? No way. Anong gulo ang dinadala mo sa anak ko, aber?"
=_=
"Excuse lang po ha? Pero wala akong alam sa nangyari." Sabi ko saka muling tumingin kay James.
"Walang kasalanan si Mandy, 'ma. Okay? Siya ang dahilan pero wala syang alam." Paliwanag ni James.
Okay dagdag points yan James. Pinagtanggol mo ako sa Mama mo.
"Kahit na James. Kung siya pa rin ang dahilan, siya pa rin ang may kasalanan." Singit ni Ynna.
Aba sinusubukan ako ng babaeng 'to. Haharapin ko na sana sya nang magsalita si conyo girl.
"You! Ynna girl. Don't make singit ka to their usapan. Like duh! You're not a family member so stop acting like you are. I'm so naiinis ha? Mandy has no kasalanan. Period."
Clap, clap for this little devil. Mukhang pareho kami ng katarayang taglay.
"Bubwit. Umakyat ka na sa kwarto mo." Utos ni Lance saka tumingin kay James. "Kakausapin ko si XKing. Hindi ko rin inaasahan yung ginawa niya. We'll go upstairs." Paalam nya.
Tumango lang saken si Yumiko bago sila tumalikod ni Lance. So here, apat nalang kaming natira.
"Hey, hindi ka pa uuwi? You're not a family member, right?"
"Don't act rude to her. Ganyan ba talaga ang ugali mo? Hindi ka rin parte ng pamilya kaya wag kang magsalita ng ganyan kay Ynna." Sabi nung Mama ni James.
Naikuyom ko ang kamao ko. Malapit na akong maka-sabunot. Not just once, but twice. Konting push pa. Pasalamat sya sanay ako sa mga harsh words.
"Mandy.."
Yung tingin ni James parang sinasabi na hayaan na. Like hello? Nasasatan din naman ang ego ko! Kung ipagtanggol ng Mama nya ang Ynna na yan. Aish!
"Bakit 'di ka pa umuwi? I can take care of my son."
=__=
Ginagalit ako ng mama ni James. Really.
"Mama.."
"James need me that's why I'm here. Can't you see Madam? Your son need me more that anyone." Sarkastiko kong sabi. Ako pa kakalabanin nya?
"Ganyang klaseng babae ba ang gusto mo, James? I can't believe this! I better choose Ynna over her. Ang laki ng pagkakaiba nila! For Pete's sake." Nakahawak na ngayon sa sentido nya ang Mama ni James.
"Then you choose Ynna. Ikaw ang makisama sa kanya. And what did you say? Malaki ang pagkakaiba namin ni Ynna? Of course! Sobrang laki. Dahil siya, hundred times bitch!"
"Mandy tama na." Pigil ni James.
"Bastos na babae. You doesn't even know how to respect elders."
"I respect elders. Pero yung ka-respe-respeto lang. And you're not included."
"This.."
Napigilan ko ang braso nya ng akma nya akong sasampalin.
"Pwede ba tama na! Dito pa kayo mag-aaway sa harap ko? Mama tama na yan! Ikaw Mandy, tama na!"
See? Galit na si James at mukhang galit na galit din sya sakien.
"Ynna umuwi kana."
Tapos kay Ynna mahinahon? Damn. Palagi nalang bang ganito? Masama bang ipagtanggol ko ang sarili ko?
"Siguro ako na ang mauunang umalis." Sabi ko.
Akmang tatalikod na ako ng pigilan niya ako. "You'll stay."
Shit. Nakakainis naman kase. Ang bipolar lang talaga ni James eh. Insensitive pa! Hindi ba nya alam na sa kabila ng katapangan ko, nasasaktan pa rin ako? Ginagamit ko lang ang katapangan ko para ma-itago ang sakit..sakit dito sa dibdib ko.
Akala ba nya masarap sa pakiramdam na ipamukha ng Mama niya na ayaw nito saken? Damn it. Damn it talaga!
"Mama umuwi ka na sa condo. Dito na ako magpapalipas ng gabi sa mansyon."
"Ayusin mo to James." Sabi ng Mama niya saka umalis na kasunod si Ynna na..argh! Lagot ka saken bukas sa SWU. Wala akong dalang pink card eh.
"Let's go to my room." Hinila ako ni James paakyat sa taas.
Medyo kumalma na ako. "Teka lang James.."
"What?" Iritadong tanong nya.
"I better go home."
"No. I said you'll stay with me. You'll sleep in my room."
O___O
Sa kwarto nya? "What? Pero, pe--"
"Walang pero-pero." Aniya.
Natahimik lang ako hanggang makarating kami rito sa pinto kung saan sa tingin ko ay kwarto na ni James. May sarili pala syang kwarto dito sa Abellano's mansion.
Nang buksan nya ang pinto ay binuksan na nya ang ilaw. Bumungad saken ang all-blue na kwarto. Mahilig pala sya sa blue?
Parang sa saglit na oras ay nawala yung pagka-init ng dugo ko dahil sa sagutan namin ng Mama ni James.
"Magpapalit lang ako. I have tshirts here and boxer. Yun nalang muna ang isuot mo."
O_O
So talagang matutulog kaming magkasama dito sa kwarto nya? Waaa! Bakit hindi ako makatanggi?
"Pero.."
"Ano? Puro ka dyan pero. Anong masama kung matulog tayong magkasama dito sa kwarto ko?"
"We're not married. We're no---"
"But soon, we'll be."
O___O
"Tch. Soon, we'll be married. Kaya mabuting maaga palang, masanay kana."
=__=
"Psh!"
"What? Ikaw Mandy, ang sungit sungit mo ha. Meron ka ba?"
"What?"
"Sabi ko, may period ka ba?l
=___=
"Bastos!" Sabi ko saka pasalampak na umupo sa couch.
"Tinanong lang kung may period, bastos agad? Tch. Grabe ka Mandy. Oh ayan. Tshirt at boxer. Magpalit ka na para maging komportable pakiramdam mo. Dun ka nalang sa CR. Alam kong 'di mo akayang maghubad sa harap ko." He smirked.
"Aish! Bastos talaga!"
Bahagya ko syang hinampas sa balikat saka inagaw yung boxer at tshirt. Pumasok na ako sa banyo at nagpalit.
--
Ang fresh sa pakiramdam na makapag half-bath at makapagpalit ng damit. Medyo malaki yung tshirt ni James saken tapos maikli naman yung boxer na spongebob printed. Parang bata. Psh.
Nakapagtanggal na rin ako ng make up. Ang gaan sa pakiramdam.
Pagkalabas ko ng banyo, naabutan kong nakahiga si James sa kama. Mukhang tulog na. Masyado ba syang napagod? O dahil sa suntok ni XKing?
Teka, lagot nga pala saken ang XKing na yun bukas, makikita nya ang bagsik ng demonyitang ito.
Maingat akong umupo sa kabilang side ng kama habang nakatingin kay James. Mukhang tulog na nga sya.
Naka-sando at short nalang siya. Tatabi ba talaga ako sa kanya?
"Mahiga ka na.."
O____O
Gising pa sya? Napalunok naman ako. "A-Ah, dito?" Tanong ko. Nakaturo ako sa kama nya. He's awake at nakatingin sya sa gawi ko.
"Baka dun sa sahig. Tch. Syempre dito sa kama."
"Magkatabi tayo?" Para akong muning na biglang uma-amo eh.
"Tch. Ayaw mo ba? Tatabi ka saken o dun ka sa kwarto ni butler?"
=__=
"Eto nga oh, hihiga na! Psh." Pilosopo talaga. Nahiga ako ng diretso dito sa tabi nya.
Malaki naman ang kama nya kaya malaki rin ang pagitan sa gitna.
"Let's sleep. May date tayo bukas."
O_O
"H-Ha?"
"Wag ka ng tatanggi kung ayaw mong gahasain kita ngayon."
O____O
Bwisit na James! Bastos talaga. "Ewan sayo!" Sigaw ko saka tumalikod sa kanya.
Pinilit kong pumikit. Baka kung ano pang gawin ni James.
"Mandy.."
O___O
Dug, dug..
Bakit ba kase kinakabahan ako? Waaa! "
Face me."
O___O
Humarap daw ako. Oh my. Anong gagawin nya?
Dahan-dahan akong humarap sa kanya. "B-Bakit?"
O____O
"Goodnight."
Kru, kru..
Waaa! He gave me smack on my lips before saying goodnight. Tapos, umayos na sya ng higa at pumikit na.
Oh my. Le feels!
--
"Ugh.." Nagising akong masakit ang ulo. Shit. Yung feeling na para akong puyat kahit hindi naman.
O____o
Napadilat ako nang maramdaman kong may mabigat sa bandang tiyan ko.
What the..
O____O
Nakadantay yung braso ni James sa may tiyan ko. Shemay. Ang bigat. Hindi tuloy ako maka-galaw.
"J-James.." Mahina kong tawag. Baka magising, kahit papaano.
O___O
Hanla! Lalo siyang dumikit saken at yakap na yakap lalo. My God! What shoul I do?
Dug, dug..
Naku naman! Ang puso ko. Nanghihina na naman. "James.." Muli kong gising sa kaniya pero hindi man lang gumalaw.
"Hmm.."
Ayan na. Nagigising-gising na sya. Gising! "James!" Napapalakas na sigaw ko.
O____O
Lalo pa nya akong niyakap at siniksin pa ang mukha nya sa may leeg ko. My God, nakikiliti ako. "James..uy.."
"Hm? Istorbo ka naman sa pagtulog. Tch."
=__=
Istorbo pa ako? Sarap ng yakap nya ah. "James Abellano!" Sigaw ko.
Bumitaw naman sya. "Why?"
"A-Ano, uuwi na ako!" Sabi ko nalang. Ayoko ng itanong kung bakit kailangang nakayakap sya saken. Nakakahiya pa.
"Oo na! Basta may date tayo mamaya. Ihahat---"
"No. Matulog ka pa. Kaya ko ng umuwi. Papasundo nalang ako sa driver." Sabi ko.
"Sigurado ka?"
"Oo nga. Kaya ko na. Sige na matulog ka pa. See you later. Ibabalik ko nalang 'tong tshirt at boxer mo. Saka oo nga pala, pengeng number ni Yumiko."
He groaned. "Fine. Take care. See you later. Kunin mo nalang dyan sa phone ko."
Psh. Kitams. Nakatulog na ulit. Takaw sa tulog talaga. Kinuha ko yung phone nya na nakapatong sa side table. Hinanap ko yung number ni Yumiko at kinuha yun. Pagkatapos ay lumabas na ako ng kwarto ni James. Tatawagan ko na ang driver na sunduin ako.
Date mamaya. Di ko dapat makalimutan.
--
Tanghali na. Kanina pa ako naghihintay ng text o tawag ni James pero wala. May date kami, right? Asan sya? Hindi man lang magparamdam. Nakaka-inis.
James calling...
Oh. Speaking of the devil. He's calling na. Uh wait, ako nga pala yung devil.
"Yes?"
[Bukas nalang tayo mag-date. Something came up.]
What the? Nagpa-salon pa ako para sa date namin tapos? "Why? What happen?" Di ko mapigilang itanong.
[Si Ynna kase, may lagnat. Wa--]
"Stop It. Fine. Sige na." What the hell. That Ynna! Masasabunutan ko talaga sya. Ano? Ginawang nurse si James? Pa-epal talaga.
[Look. Mandy wala kase---]
"You don't have to explain. It's fine. I'll hang-up. Bye."
Badtrip talaga. Aish! Magsama sila ni Ynna! Pwede namang magpa-alaga sa katulong. May date kami tapos mas pinili nya si Ynna? Nakakabwisit talaga! Bahala ka James Abellano!
--
Pa-gabi na. Hindi na naman ako mapakali. Wala akong magawa. Si James? Tumatawag pero hindi ko sinasagot. Bahala sya sa buhay nya. Saksak ko sya sa baga ni Ynna eh. Psh.
Naka-idlip nako't lahat, wala pa rin akong maisip na iba pang gawin.
Mag-bar nalang kaya ako? Oo tama yun nalang. Aha! Yayayain ko pala si Yumiko.
Dialling Yumiko..
[Hello?]
Buti sinagot. "Yumiko! Mandy here."
[Mandy..]
"I got your number from James. By the way, are you free tonight?" Tanong ko agad.
[Yes. I'm definitely free!]
Hanla. Para syang excite na excite sa tono ng pananalita nya. "Good. Let's hang-out together."
[Sure, sure. Kasama si James?]
Psh. Andon sa piling ni Ynna. Yung ugok na yun talaga! "No. He's busy with..ewan sa kanya."
[Ah, okay. See you later.]
Na-feel nya sigurong hindi maganda ang timpla ko kay James. "Okay. I'll call you later when I'm ready."
[Okay.]
*toot toot*
I ended the call saka huminga ng malalim. Akala mo James ha? Dyan ka na kay Ynna! Papakasaya ako ngayong gabi without you. Psh.
---
"Saan tayo?" Binasag ni Yumiko ang katahimikan.
"Sa bar, syempre. Is it okay with you?" Sagot ko.
Ngumiti siya. "Oo naman. Basta yun nga, bawal akong magpaka-lasing."
"Yeah. Sige. Kahit saang bar, okay lang?" Tanong ko. Kase hangga't maaari gusto ko talaga sa ibang bar.
"Sa bar nalang ni Ken." Suhestiyon niya.
"No. Ayoko do'n. Alam kong dun niya ako pupuntahan." Tanggi ko. May dahilan naman ako kung bakit ayoko don.
"Ha?"
"Misunderstanding. Kami ni James. Naiinis talaga ako. Ewan ko ba! Basta. Alam kong dun nya ako pupuntahan sa bar ni Ken. Ayoko muna syang kausapin. Kaya okay lang ba kung sa ibang bar? Di naman tayo lalayo." Paliwanag ko.
"Sige. It's okay."
"Thanks." Buti nalang pumayag sya. Kilala ko na si James. Alam na alam kong hahanapin ako nyan lalo na't hindi ko sinasagot ang tawag nya. Di ko na nga dinala ang phone ko kase maiirita lang ako. "Ugh, we're here. Bar malapit sa SWU." Sabi ko.
Itinigil ko na ang kotse ko sa may parking area sa gilid.
"You know this place?" Tanong ni Yumiko.
"Honestly, no. Nadadaanan ko na'to pero never pa akong pumasok rito. Dun kase ako lage sa bar ni Ken."
"Pareho tayo." Sabi nya.
"Wala namang masama na mag-explore. Isa pa, mukhang high-class bar din 'to tulad ng kay Ken." Sabi ko saka bumaba na ng kotse kasabay si Yumiko.
Tiningnan ko kung anong pangalan ng bar na'to.
SPADE BAR
"Siguro musical ang bar na'to?" Tanong ni Yumiko.
"Maybe? Dahil na din sa design ng bar." Sagot ko. "Let's go inside."
Ay bongga. May singer. Kumakanta sa may mini stage sa harap. Gwapo din sya. Mukhang may something talaga sa bar na'to. "Ang galing niya kumanta." Puri ko sa lalaking kumakanta. Parang angelic voice eh.
Naupo na kami ni Yumiko dito sa may gilid. Couch ang upuan dito. Sosyal ang dating pang-VIP siguro 'to or mas mahal ang mga drinks, ganon. Basta I felt comfortable here.
"What's your order Ma'am?" Tanong nung waiter na lumapit samen.
"Ikaw na ang bahala. Any drinks." Sabi agad ni Yumiko.
Ganyan ang gusto kong kasama sa mga bar. Hindi KJ. Go with the flow lang.
Pumili na ako ng mga drinks. Yung meyo matatapang para ma-feel ko naman. Ayokong mag-light lang. Gusto kong tamaan kahit konti dahil badtrip talaga ako kay James.
--
"Hahahaha! Tapos alam mo ba? Ewan ha? Pero kapag nakikita ko si Ynna? Feeling ko nasa zoo talaga ako. Hahahahah!"
Lasing na yata ako. Kainis kase pag naiisip ko si Ynna. Sarap sabunin ang mukha. Sarap ding burahin ang mukha. Imbyerna!
"Tapos..tapos! Alam mo ba yung, yung..dinikitan ko sya ng pink card sa noo? She was like a sh*t. Hahaha." Patuloy ko sa pagkwento. Tinatawanan lang ako ni Yumiko.
Buti nasasakyan nya trip ko. May tama na talaga ako eh. Nahihilo na rin ako pero kaya ko pa ang sarili ko.
"Eto pa! Alam mo ang nakakainis? Hindi ko alam kung seryoso ba talaga saken si James ng hundred percent o kalahati lang? Kase feeling ko? Kalahati ay para sa h-ynna-yupak na yun!"
I can't understand myself pero, bigla ko nalang naramdaman ang luha ko na tumulo. Nasasaktan talaga ako. Kase naman parang sobrang halaga ni Ynna sa kanya para piliin nyang alagaan yun kesa makipag-date saken.
"Handa na naman ako eh..alukin nya lang ako ng kasal? Hindi ako magdadalawang isip na um-oo! Basta gusto ko, ako lang. Ako lang yung papahalagahan niya. Ako lang.." Sabi ko ulit. Nakikinig lang saken si Yumiko. May tama na talaga ako.
Lalo akong naiyak 'pag naiisip ko yun. Aish. I hate this.
T_T
"Restroom lang ako sandali. I'm going to pee. Wait me here." Paalam ko. Ayoko ring magmukhang miserable sa harap ni Yumiko.
"Are you okay? Kaya mo pa ba?". Tanong niya. Bakas sa mukha nya ang pag-aalala. Isa pa, mukhang lasing na rin sya. Ang pula na ng pisngi nya.
"I can manage. Don't worry." Sabi ko. Mag-restroom lang ako pagkatapos ay uuwi na kami. Lasing na si Yumiko. Malalagot ako kay Lance kapag hinayaan ko syang malasing ng todo.
Papasok na ako ng rest room nang may maka-bangga ako. "Aww." Napahawak ako sa balikat ko.
"Tch."
O___O
That guy. "Hey!" Nilampasan nya lang ako. Hindi man lang mag-sorry.
"Wha--MANDY?"
Huh? Teka. Si..
O___O
"Why are you here?! Sinusundan mo ba ako ha? Pagkatapos mong suntukin si Jam--HMMM.."
Basta nalang nya tinakpan ang bibig ko at hinila palabas ng bar.
"Ano ba!" Sigaw ko nang bitawan nya ako. Nahihilo na nga ako eh.
"You're drunk." He said.
"And so?" Pagtataray ko. "May kasalanan ka pa kay James, you moron!" Sigaw ko saka akmang babalik papasok sa bar nang hilahin nya ako.
"Ano ba!"
Hindi nya ako pinakinggan. Pilit nya akong hinila hanggang dito sa may parking area. "Hey! XKing! You're getting into my nerve!" Sigaw ko pa rin.
Di pa rin ako pinansin hanggang sa isinakay nya ako sa kotse nya. Hindi ko na mabuksan. Shit. Automatic lock.
"Pababain moko! Ano ba! I'm with someone!" Sigaw ko. Hindi ko pwedeng iwan si Yumiko.
"I don't care. You're drunk."
"Saan mo ba ako dadalhin! Ano ba!"
Shocks. Pinaandar na nya ang kotse. Si Yumiko naiwan sa bar. Aish. Tatawaga--AH! Shit iniwan ko yung phone ko.
"Pwede ba! Ibaba mo na ako! Hindi ko pwedeng iwan nalang basta ang kasama ko don sa bar."
"I don't care."
He's damn serious. Ano bang problema nya! Wala akong magawa. Automatic locked ang kotse nya. Nahihilo na rin ako. Paano ko tatawagan si Yumiko? Bwisit na XKing 'to! Di na ako natutuwa ha!
Hindi naman ako pwedeng makitawag sa kanya. Damn! Di ko memorize number ni Yumiko. Aish! Bahala na! "Bwisit!"
Hindi man lang sya umimik. "Damn you! Damn you asshole!" Sigaw ko pa.
Hindi pa rin sya nagpatinag. Arrrrgghhh!
"Shut up or I will rape you."
O____O
Dug, dug..
Automatic akong natahimik sa sinabi nya. Is he serious? Earth, what's happening?
*
A/N : Sabay po ang happenings dito sa DBM at MY3. So ayun, what can you say? Tweet me using hashtag #DBMSpadeBar
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top