Chapter 29 ∞ Same Dress

NOTE: YUNG PICTURE NA MAGKATULAD ANG DRESS NINA YNNA AT MANDY NASA GILID.

----------------

Mandy POV

What the hell. Sa dinami-daming damit, nagka-tulad pa kami. As in magkatulad, walang mintis. Sa kulay at sa design. Damn it. Nawala tuloy ako sa mood. 

"Bakit kailangan mong gayahin ang damit ko Mandy?" Mataray na tanong ni Ynna. 

Aba matinde. Ang lakas ng loob na mag-taray saken. Sa harap pa ni James at ng Mama ni James?

=_=

"Do you think, ginaya kita? Why should I? Hindi ko gusto ang taste mo sa damit kaya pwede ba? Hindi ko nga alam kung paano tayo nagkatulad samantalang magkalayong-magkalayo tayo ng fashion sense."

Namula si Ynna. Parang napahiya. So it means, tinamaan sya sa sinabi ko. So totoo talagang malayo ang differences ng fashion taste naming dalawa.  

"Ako ang pumili ng dress nya." Singit ng Mama ni James. 

Oh. See? May similarity pala kami ng Mama ni James pagdating sa damit. Damn. "Hindi naman pala ikaw ang pumili nyang suot mo tapos kung makapag-bintang ka na ginaya ko ang suot mo, wagas."

Hinawakan ako ni James sa braso. "Mandy.." bulong nya. Now what? He's trying to stop me? No. 

"Nauna akong dumating dito. Malay ko ba kung..."

Sinusubukan ako nitong si Ynna. "Ikaw ang unang dumating but it doesn't mean na ginaya ko ang suot mo. Mag-isip ka nga Ynna."

"Tama na yan. Ynna, 'lika iha sa loob, magpalit ka ng dress. May dala ka namang extra 'di ba?" Singit ulit ni Tita Jamie. 

Buti naman. Alangan naman na ako pa ang magpalit ng damit? Like duh. Kung ako lang din ang magpapalit, uuwi nalang ako 'no. 

"Pero tita.." Ayaw pa sana ni Ynna. Bakit? Na-realized ba nya kung gaano ako kagaling pagdating sa fashion kaya naiinggit sya sa suot ko? Bitch. 

"Let it be. Mag-aaway lang kayo. Isa pa, nakakahiya na makita ng mga bisita na pareho pa kayo ng suot." Sabi ulit ni Tita Jamie. 

May hiya pa pala yung Mama ni James. Psh. And wow ha, hindi nya ako tinatarayan ngayon. Baka makatikim din sya ng pagtataray ko kahit pa mas matanda sya at Mama sya ni James. 

"Okay Tita." Sagot ni Ynna. Bago pa man sila nakatalikod, inirapan pa ako ni Ynna. 

Babaeng yun talaga. Psh! Tanggalan ko sya ng pilikmata eh, makita nya. 

"Mandy.."

"WHAT?!" Napalakas ang boses ko. Kanina ang tahimik niya ah, himalang hindi sya nakialam sa'men ni Ynna. 

"I'm sorry. Wag ka ng masungit. Let's enjoy this party. Birthday ko 'to."

Napabuntong-hininga ako. Hay naman. "Fine." Sagot ko. Buti kalmado ako. Dahil kung hindi, kalbo na yang si Ynna kanina pa dahil sa sabunot ko. 

"Let's go inside." Yaya nya saka ako inalalayan papuntang garden kung saan doon ginaganap ang party. 

Marami na din palang bisita. 

"Hi devil!"

=_=

Itong kapatid ni James, malapit ko ng sabunutan. "Hi." Sarkastiko kong sagot. 

"So sungit naman. I'm boto pa naman to you. Ewwww! Your dress is katulad to Ynna-morata!"

=__=

Matatawa ba ako o ano? Mukhang ayaw nya kay Ynna. Same feather, flocks together, ika nga nila. Dahil pareho kaming may pagka-demonyita, pareho din naming ayaw kay Ynna. Good to know. 

"I know. Nagpalit na sya ng damit."

"Oh. It's mabuti naman. It's not bagay kaya to her. Fits perfect to you demonyita."

=_=

Kanina pa 'to nang-de-demonyita. Parang siya, hindi. 

"Alis na bubwit. Istorbo ka. Kakain na kami." Singit ni James sa usapan namin. 

"Like duh! Fine. I'm so naiinis. Reid have bisita na gangsters. But they are so gwapo ha. But Reid is so mainit ang dugo because one of the gangster likes Yumi. Like duh. They didn't know how possessive Reid is."

Ano bang sinasabi nito? Nakakabobo naman kase talaga ang lenggwahe nya. May sarili kaya syang dictionary?

"Ah, baka yun ang kaibigan ni Lance. Sige na bubwit. Napaka-tsismosa mo talaga."

"Whatever Patrick. You have balat naman sa singit eh." Pagksabi niyon ay umalis na ito. 

=___=

Seriously? May balat daw sa singit si James. Hahahaha. Natatawa ako na ewan. 

"What's funny? Tch. Naniwala ka naman sa little devil na yon? Lokong bata yun." 

Hinila na ako ni James sa may buffet table. Umingos nalang ako. 

"What do you want to eat? Kuha kalang ng kahit anong gusto mo. Wag kang mahiya." Sabi ni James. 

Madaming pagkain. Sa sobrang dami, hindi ko na alam kung anong pipiliin kong kainin. 

Si James naglalagay na sa plato. Pinaglalagay na din nya ako. Habang hinihintay siya, hindi ko maiwasag mapatingin sa paligid. 

O______O

Totoo ba ang nakikita ko? What the..

Ba't nandito si XKing?! Kaanu-ano sya ni James? Or kaanu-ano sya nina Lance at Yumiko na kasama nila ngayon sa table?

Oh my God. Ganito na ba kaliit ang mundo namin? Ilang beses na nga kaming nagkakabangga sa SWU kahit hindi sya don pumapasok tapos pati ba naman dito?

O______O

Shit. Oo nga pala. Nakita na sya ni James na kausap ko? Bakit hindi nagtatanong si James? Kilala ba nya si XKing? Shocks talaga. 

"Let's go?" Nakangiting yaya ni James. Tapos na pala syang kumuha ng pagkain. Dala-dala na rin nya ang plato ko.  

Tumango ako ng bahagya. Anong gagawin ko? Baka makita ako ni XKing. Waaaa!

"Ayun, may bakante sa mesa nina Bro."

O____O

Hanla! Busted. Bakit doon pa?!

Wala na akong nagawa. Nakasunod ako kay James na lumapit sa mesa nina Lance at Yumiko kung saan may kasama silang apat na lalaki kasama na si XKing don. 

"Can we sit here?" Tanong ni James kay Lance. 

"Yeah sure." Sagot ni Lance. "Mga brad. Kapatid ko, siya ang celebrant. James Abellano." Pakilala ni Lance. 

Ibig sabihin 'di pa kilala ni James sina XKing? Shemay. Paktay na ako ngayon. 

O_____O

Si...si XKing nakatingin saken?

O____O

"Xking brad." Pakilala ni XKing. Pero nakatingin sya saken. 

"Zaine."

"Kieffer."

"Ace."

Pakilala pa nung tatlo. Kilala ko na sila. 

"Nice meeting you. She's Ma---"

"Oh, devil woman!" Puna ni Zaine. 

=___=

Shocks. Kilala pa din nila ako? Nemen! Bakit? Bakit ngayon pa na kaharap ko si James. 

"Yung may motto na katulad ng sa'tin." Sabi naman ni Kieffer. 

"Yung sinama ni XKing sa hide-out natin." Dagdag pa ni Ace. 

Waaa! Parang gusto kong lumubog sa kinatatayuan ko. 

"Magkakakilala kayo?" Curious na tanong ni James. 

"Brad kilala nyo si Mandy?" Tanong ni Lance. 

"Oo naman!" Sagot agad ni Kieffer. 

Si James tumingin saken. Parang sinasabi nya na mag-explain ako. Eh paano ba? Anong sasabihin ko?

"Pamilyar ka nga saken, XKing. Ikaw yung Kingkong?"

O____O

"The fvck, kingkong?! Hahahahahaha!" Si Zaine hagalpak sa tawa. 

Natatandaan pa din pala ni James yung sinabi ko, patay na talaga. 

"Ako? Si Kingkong?" Hindi makapaniwalang tanong ni XKing. Tapos nilipat ang tingin saken. 

Gawd! Lamunin mo na ako, lupa!

"Yeah. Ikaw yung nakita kong kausap ni Mandy sa Shin-Woo University then I asked her kung sino ka, she told me, you're Kingkong."

=__=

Ulitin pa ba James? Hiyang-hiya na ako oh! Demonyita ako pero marunong pa rin akong mahiya. 

"N-nagkamali ka lang James. XKing yung sabi ko 'non." Palusot ko. 

"No. Sigurado ako."

=___=

"It's fine. By the way, I want to clear myself. I'm XKing. Forget about the Kingkong's name." Sabi ni XKing. Yung tingin nya saken, parang sinasabing 'humanda ka saken'. Patay talaga. 

"Kumain nalang tayo." Singit ni Lance. 

Buti naman. Nanahimik na sila. Naman! Ang awkward lang talaga. Si XKing iba pa din tingin saken eh. 

Naupo kami. Katabi ko si Yumiko. She's silently eating. Habang si Lance, pinaghihimay siya ng hipon. How sweet. Ang pagkakakilala ko kay Lance, harsh, cold at masungit pero iba pala sya sa fiance nya. Kung sabagay, nasubaybayan ko naman sila noon pa sa Batangas escapade namin kung gaano sila ka-sweet sa isa't isa. 

Si James katabi ko sa kabilang side. Katabi nya si XKing. 

"Kain ka na." Sabi ni James. 

Tumango ako. Sumeryoso din si James. May something talaga. Siguro iniisip nya pa rin kung anong relasyon ko sa mga lalaking kasama namin dito sa mesa. Ayaw nya lang magtanong ngayon. 

"Hi Mandy. Kain ka na." Nakangiting sabi ni Yumiko saken. 

Ang ganda pa rin nya kahit nakunan na siya. Mukhang naka-recover na sya. Pero parang may lungkot sa mga mata nya. 

"Thanks. Are you okay?" Bigla ay natanong ko. Sorry not sorry, na-curious lang ako. 

Tumango naman sya. "Yes, I'm alright."

Ngumiti nalang ako at tinuon ang pansin ko sa pagkain. 

Ilang minuto lamang ang nakaraan ay natapos din kaming kumain. In fairness, ang tahimik lang namin kanina. 

"Brad. Pwede bang mag-usap muna tayo ng lalaki sa lalaki? No girls allowed." Sabi ni XKing. 

Problema ng gangster na'to? Bibigyan ko na talaga 'to ng pink card eh, sampung piraso para pak na pak.  

"About what?" Tanong ni Lance. Si James tahimik lang na nakatingin sa dalawang nag-uusap. 

"About Shawn and about..James."

O____O

What about James? Oh my. Dahil ba sa'ken?

Tumingin si Lance kay Yumiko. "Babe magsama muna kayo ni Mandy. Enjoy the party. May pag-uusapan lang kami."  

Tumango naman si Yumiko. Pagkatapos ay hinalikan sya ni Lance sa labi pero smack lang. PDA pala nitong si Lance. 

Tumingin saken si James. "Sama ka muna kay Yumi."

Tumango din ako tapos nagkatinginan kami ni Yumi at nagkatanguan na din. Sabay kaming tumayo at naglakad palayo sa table nung mga lalaki. 

"Where are we now? Pagkatapos tayong paalisin ng mga boys sa table. Napaka-gentlemen talaga nila. Psh!" Mataray na litanya ko. 

"Sa mini bar tayo. Mukhang seryoso ang pag-uusapan nila." Sagot nya. 

Lumakad kami papunta sa mini bar. Dito din sa may garden saka naupo kami ni Yumiko sa magkatabing stool. 

"Margarita." Sabi ko sa bartender. 

"Me too, please." Sabi naman ni Yumiko. 

Napansin kong kakaiba talaga ang awra nya. "Are you okay? You looks sad. Iba ang awra mo kanina pa sa table." Sabi ko. Nagiging tsismosa na ba ako? Tutal kaming dalawa lang naman ang magkasama ngayon, e'di tanungin ko na. 

"Okay naman ako. Medyo malungkot lang kase aalis si Lance bukas papuntang US. One week sya don."

Oh I see. Kaya pala malungkot sya. "One week lang pala. Mabilis lang yun."

"Mabo-bored na naman kase ako dito sa mansyon. Tapos iniisip ko na baka hindi ako masyadong makatulog sa gabi dahil wala sya. Nasanay na rin kase akong matulog na katabi sya."

Ang hirap palang magka-fiance na inlove na inlove kayo sa isa't isa. Kahit one week lang, parang taon ang katumbas na magkakalayo sila. Ayoko ng ganon. 

"Aha, don't worry. If you want, you can join me going at the bars or do some shopping. Para naman makapag-enjoy ka kahit papaano. May pagka-loner din ako sa mansyon namin eh."

Ngumiti sya pagkalagok ng isang shot ng alak. "Good idea. Sure, sure."

May makakasama na ako sa pagba-bar. Bored din ako sa mansyon namin eh. Pareho lang kami ni Yumiko. Saka mukha namang okay syang kasama. Mukhang mahilig din talaga 'tong mag-bar kase sa pagkakatanda ko. Una ko syang makita non sa bar, don ko din nakita si James. Nung pinipilit nyang umuwi si Yumiko kase nag-away sila ni Lance. Yun din yung time na..

>,<

Unang pagkakataon na nagising ako kinaumagahan na nasa condo nako ni James.  

Uminom na din ako. Wala pang ilang minuto, narinig namin ang tilian sa bandang gitna. 

O__O

Nagkatinginan kami ni Yumiko saka mabilis na tumayo at tinungo yung something na pinagkakaguluhan. 

O___O

Si James at Xking?

O____O

"Wala akong inaagaw sayo gago! Ayoko sa lahat, inaangasan ako." Sabi ni XKing saka umalis na kasunod yung tatlo nyang ka-gangster. 

My god. Tumakbo ako papalapit kay James. "A-anong nangyari?"

May dugo sa bandang labi nya. Ano bang problema ng gangster na yun?! Birthday ni James, sinira nya. 

"Ayos lang ako. Basta dito ka lang sa tabi ko. Akin kalang, Mandy."

Shit. Ano ba kaseng nangyari? Tumingin ako kay Lance na ngayon ay nakayakap na kay Yumiko. Mukhang nagulat din siya sa ginawa ni XKing sa kapatid nya. 

Lagot ka saken XKing. Arrrghhhh! Problema mong gangster na hukluban ka! Awayin mo na lahat, wag lang si James ko. Wala na nga 'tong ABS, susuntukin pa. Makakatikim ka talaga ng pink card, XKing. Psh. 

*

A/N : What happened? #DBMParty

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #teenfiction