Chapter 32 ∞ Bitch

XKing POV

Tch. Pasalamat siya kapatid sya ni Abellano. Dhail kung hindi, baka tinuluyan ko na siya.

Anong akala nya saken? Mang-aagaw? I'm just trying to help her. She's drunk at alam kong kung hahayaan ko sya sa bar na yun, mapagsasamantalahan sya. Tch.

At ano bang akala nya? Na aagawin ko sa kanya si Mandy? The hell I care. Isaksak ko pa sa baga nya. I just can't resist her pero wala sa bokabularyo ko ang agawin ang babaeng yun sa kaniya. 


--

Mandy POV

Nagmulat ako ng mga mata ko. "Hmm.." Napahimas ako sa sentido ko. Ang sakit eh. Damn.

"Mandy.."

O_____O

Boses ni James yun ah? Paanong..

"Mandy!"

Teka nga, nasaan ba ako? Pilit kong inalala ang nangyari. Oh! Dito nga pala ako sa condo ni James. "James.."

"Are you okay? May masakit ba sayo? Tell me."

Huh? Parang kakaiba yata si James. Ang caring niya ngayon. "I'm fine. Masakit lang ang ulo ko." Sagot ko.

"Sigurado ka? Anong gusto mong breakfast?"

Nakakapanibago. Ang sweet at maasikaso ni James. Parang mag-asawa lang ang peg.

"A-ah, wala. Wala akong maisip. Hindi naman ako masyadong nagbe-breakfast." Sabi ko.

"On diet ka? Tch. Kanino ka naman nagpapa-sexy?"

=_=

Talks like a possessive husband. "Wala. Hindi ko lang talaga feel kumain pag umaga."

"Pero hindi pwedeng hindi ka kakain ng breakfast ngayon. Magluluto ako."

Sasagot pa sana ako nang may bigla akong maisip. "Teka, si Yumiko pala. I need to call her." Sabi ko saka di mapakaling kinapa ang phone ko sa bag na nakapatong sa side table.

"Okay. Call her." Ani James.

Nag-dial ako. Agad ko namang narinig ang beep na sinagot nya ang tawag. Medyo nakahinga ako ng maluwag.

[H-Hello..]

"Thanks God you answered my call. How are you? Nasaan ka? Nakauwi ka ba kagabi? Sorry talaga Yumiko. Hindi ko sinasadyang maiwan kita sa Spade Bar kagabi kas---"

[It's okay. Wala kang dapat i-hingi ng sorry.]

Bakit parang may kakaiba sa tono ng pananalita niya? "Sigurado ka bang okay kalang?"

[Yeah.]

Mukhang may hang-over lang sya. Pero sa tingin ko naman ay okay lang siya. "Okay good. I'll hang-up."

[Hm.]

*toot toot*

Napahawak ako sa dibdib ko. Para kasing hindi okay si Yumiko.

"Wag ka ng mag-alala sa kaniya."

Napatingin ako kay James. "Hindi ko lang maiwasan. Syempre, pag may nangyaring masama kay Yumiko, ako lang ang may kasalanan at saken magagalit si Lance."

"Basta wag mo ng isipin yun. She's safe. Malalaman mo rin.."

Huh? Ano daw. "Alin ang malalaman ko?"

"Basta. Let's go downstairs. Ipagluluto kita. Panoorin mo ako para may inspirasyon ako." Ngumiti sya ng nakakaloko.

=_=

"Inspirasyon. Psh."

"Oh ano? Gusto mo, nakahubad pa ako pag nagluto ako eh. Para lantad na lantad ang ABS ko. Baka maglaway ka."

=__=

Lakas talaga ng hangin sa katawan. Bumaba na kami dito sa kusina. "In your dreams James. Feeling mo naman ang macho mo."

"Tch. May muscle nga ako eh. Oh!" Pinakita pa nya muscle nya. Wow lang, malaki nga, medyo.

"Muscle lang. Eh ABS?"

"Wag ka nga Mandy! Tch. Magkaka-ABS din ako. Tiwala lang."

=_=

Kitams? Wala eh. Mahina yan. Naupo ako dito sa dining table. "Anong lulutuin mo?" Napapahikab pa ako habang nagsasalita.

"Omelet. Special 'to. May kasamang pagmamahal tagos hanggang balun-balunan."

=__=

Omelet lang pala. Kahit sino kayang gumawa nun. Psh. "Oo nalang. Sige na. Magsimula ka ng magluto."

"Alright. Stay feet kalang. Wag masyadong ka-titig ha? Baka bigla akong matunaw. Hahaha!"

=_=

"Ano ka, yelo? Dami mong alam. Magluto ka nalang dyan." Sabi ko saka kinalikot ang phone ko.

"Tch. Eto nga magluluto na. Sinong ka-text mo? Babae? O lalaki?"

=___=

Seriously? Possessive na pala ngayon ang isang James Patrick Abellano?

"Wala."

Hindi na sya nagsalita. Abala na sya sa pagluluto. Nilibot ko ang tingin sa buong kusina.

May picture pa na naka-magnet sa harap ng refrigerator. Picture nila ng Mama niya. Magkamukha sila and they looks close. Mukhang mabait ang Mama nya sa picture pero bakit sa personal, dinaig pa ang ka-demonyitahan ko?

Nagsimula na syang mag-prito. Naaamoy ko na. Ang bango. Nakakagutom tuloy. Habang nakatingin ako kay James na abala sa pagluluto, feeling ko tuloy mag-asawa na kami. Yung tipong sa umaga, sya ang magluluto tapos kakain nalang ako. Tapos sya din maghuhugas ng mga pinggan. Siya na rin ang maglalaba at maglilinis ng bahay namin. Hahaha. In short, under ko siya.

"Anong ngini-ngiti-ngiti mo dyan? Tch."

=_=

Nawala ang ngiti sa labi ko. Papansin talaga. Psh. "None of your business." Ganda ganda ng imagination ko eh.

Nagpout lang siya saka tinutok ulit ang pansin sa niluluto nya.

Naghalumbaba ako. Inaantok pa ako. Kung nasa mansyon siguro ako, tulog pa ako ng ganitong oras. Aish.

"Done! Luto na. Ang omelet de abellano!"

=_=

Ipinatong nya sa mesa ang plato ng omelet. Wowww! Mukhang masarap. Kumikinang-kinang pa. Parang pag-korean-style na omelet.

"Here's the rice."

Ipinatong na rin nya ang plate ng rice. Then nag-served sya ng plates, spoon and fork.

"Anong gusto mong inumin? Brewed coffee? What?"

"Coffee." Sagot ko.

"Okay. Ikuha lang kita sa coffee maker." Sabi nya saka tumalikod.

Ang bait naman talaga ni James. Para ko na syang mister eh. Anak nalang kulang.

O___O

What did I say? Bakit ko ba naiisip ang anak thingy na yan? Aish. Hindi pa ako ready no.

Inilapag ni James ang mug ng kape sa mesa saka naupo sa tapat ko. "Let's eat." Yaya nya.

Tumango ako at ngumiti. Mukhang mabubusog talaga ako ngayon.

Nagsimula na akong kumain ganon rin si James. Nanaig ang katahimikan sa paligid.


--

Ngayon ko lang napagtanto na kaya pala ako ginising ng maaga ni James kanina ay dahil may pasok. I almost forgot na estudyante pala ako.

By the way. Ang bongga ng omelet ha. Kakaiba, ang sarap. Parang may special ingredients. Iba sya sa mga natikman ko na before. Kaya ang dami ko tuloy nakain kanina. Super full ako ngayon. Sabay pa kaming pumasok. Dumaan lang kami sandali sa mansyon para maligo dahil naroon ang mga damit ko.

Nasa room na niya si James. Mag-isa nalang ako na nakatambay rito sa hallway sa labas ng classroom ko. Wala pang professor eh.

"Bitch."

=_=

Hindi ko na kailangang lumingon para malaman kung kaninong boses iyon. "Yes, bitch times ten?" Mataray na sagot ko kay Ynna na ngayon ay nakaharap saken. Nakapamaywang pa kasama ang julalay niya.

"Psh. Hindi ka talaga papatalo, no? Magsaya kana habang na sayo si James."

Parang may laman ang sinasabi nya. "What are you trying to say?"

"Nothing. Just giving you a warning."

May kakaiba talaga. Baliw na ang babaeng 'to. "Warning? Hindi mo pa rin ako kilala? Wala akong kinatatakutan. Lalo na kung ikaw? Matatakot siguro ako sa mukha mo, pero sayo mismo? Asa-ness level 999!"

Tumaas ang kilay niya at tiningnan ako ng mas masama. "Arte. Psh! Makapagsalita ka akala mo kung sino ka."

Namaywang ako. "Ano nga ba? Sa pagkakaalam ko, mas nauuna ang letter 'I' sa alphabet kaysa letter 'U' kaya I know, I'm better than you."

Suminghal siya. "Taas ng confidence. Hindi ako natatakot sayo Mandy Aguilar. Tandaan mo yan."

"Same here Ynna 'bitch' Mejia."

Nakipagtagisan ako ng tingin sa kanya. Si Ynna ang example ng mga babaeng nasa loob ang kulo. Akala mo, sinong mabait at mahinhin sa harap ng ibang tao. Eh malala pa sa malala ang kasamaan ng ugali.

"Psh."

"What? Lier. Pretender.." Sabi ko.

"What did you say?!"

"Bingi mo. Gusto mo bilhan kita ng cotton buds? Nang malinis naman ang tainga mo? Psh."

Akma nya akong susugurin nang i-duro ko ang hintuturo ko sa noo nya. "Don't you dare touch me.." Sabi ko. "..or else bubuhusan ko ng muruatic acid ang mukha mo." Dugtong ko.

Mukha namang natakot sya sa sinabi ko dahil bahagya syang napaurong.

"Magaling ka lang sa salita. Kaya nga natatakot mo ang mga tao sa paligid mo. Pero deep inside, weak ka!"

=_=

Itong si Ynna sasabunutan ko na. "So anong pinaglalaban mo?!" Naka-poker-face kong tanong.

"Basta akin si James!"

Anong connect? Baliw na ang babaeng 'to. Masama nato. "Hindi bagay si James na pwedeng-pwede mong angkinin. Hindi natuturuan ang puso. Yan ang tandaan mo Ynna."

Medyo bumait ako ng konti this time. Kinilig ako ng matindi kay James kanina eh.

"Whatever!" She rolled her eyes and flips her hair.

"Kinaganda mo na yan?! Mukha kang tanga, alam mo? Hindi ka maganda Ynna. Okay? Wala kapa sa kuko ko." Pang-iinis ko.

"Arggg! At ikaw akala mo maganda ka? Nadala kalang ng make-up!" Sigaw nya.

Ako? Nadala lang sa make-up? Abaputchangbabaeto!

"Kesa sayo na nadala sa retoke." Simpleng ganti ko saka dumukot ng pink card sa bag ko.

Aish. Ma-trabaho. Kinalas ko pa ang sticker paper saka idinikit sa noo ni Ynna. "Pa-dalawa na yan. Pa-frame mo na." Saka ko siya nilampasan at pumasok na sa room ko.

Natanaw ko kase ang prof ko at hindi ko na kayang tumagal na makipag-usap sa baliw na katulad ni Ynna. That bitch? Hinding-hindi nya ako matatalo.

"Humanda ka saken Aguilar!"

Narinig ko pang sigaw niya. Edi humanda. Psh. As if I'm worry? Hell no.


*
A/N : Hashtag #DBMPinkCard

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #teenfiction