Chapter15
Mandy POV
Ang gaan gaan sa pakiramdam. Mula nang makasama ko no'ng isang gabi si James sa amusement park, nabawasan 'yong nagpapabigat sa dibdib ko.
Kasi nga hindi ako makaalala. Ang hirap kasi wala naman akong makapang kahit ano. Pero ngayong nakausap ko si James ng masinsinan, masaya ako. Masaya talaga ako.
Noong umuwi ako ng gabing iyon, galit na galit sa akin si Thunder. Hindi man lang daw ako nagpaalam. Pero hindi ko naman sinabi sa kaniyang nakipag-date ako kay James Abellano. Sinabi ko lang na napasarap ako sa pamamasyal ng mag-isa. Naniwala naman siya sa alibi ko.
Bumaba na ako sa kotse saka naglakad na parang reyna. Lagi naman, e. Hindi ako naglalakad sa loob ng campus ng SWU na parang hindi pansinin. Gusto ko talaga napapansin ako, at gusto ko ang idea na maraming ilag sa akin dahil natatakot silang mabiktima ng ka-demonyitahan ko.
Suot ang killer heels na pula, nagsuot ako ng skinny jeans at sleeveles. Naglagay din ako ng light make up. Hindi para magpaganda kay James Abellano, ooppss! Defensive ba masyado?
"Sa araw araw nalang, ganyan 'yan."
"Oo nga, e. Nagpi-feeling maganda at reyna dito sa SWU."
"Hindi naman dapat matakot sa kaniya ang iba. Sino ba siya, 'no!"
As always. Araw araw nalang ba akong makakarinig ng bulungan tungkol sa akin? Nakakasawa din ha! Pero hindi magsasawang magpaka-demonyita sa mga tulad nila.
"Hi, girls." Bati ko sa kanila na may kasamang plastik na ngiti.
Bigla naman silang nag-ngitian. Mga plastik talaga. Akala ba nila, hindi ko sila narinig kanina? Then now, what? They're acting as if they didn't say anything negative towards me because I said hi to them?
"Free ba kayo? Let's go to gym! I heard there's this guy na gwapo na swimmer."
Namilog naman ang mga mata nila. Mga mukhang lalaki. Bitches.
"Really? Saan?"
"Bago?"
"Omg! Tara!"
Natawa nalang ako sa naiisip ko. Hindi lang sila mga witch, mga uto uto pa sila.
"Let's go!" Nauna akong maglakad sa kanila. Syempre may pose pa din ang paglalakad ko saka mas nauna ako para magmukha silang mga alipores ko.
Habang naglalakad ay naririnig ko pa silang parang mga tangang kinikilig.
Nang makapasok kami sa gym ay dumiretso kami sa may olympic pool.
"Where's the handsome guy?" Tanong agad ng isa sa babaeng mukhang hipon.
"Oo nga. No one is here." Sabi naman ng isa.
Lumapit ako sa may gilid ng pool. "Lapit kayo dito. Silipin niyo. He's here." Tinuturo ko 'yung pool.
Sabay sabay namang naglapitan ang mga uto uto. Nang makalapit ay itinulak ko sila sa pool. Dahil magkakahawak sila, lahat sila nahulog.
"Arrghhh!"
I arched my left eyebrow. "Serves you right for talking behind my back." I said and I flipped my hair then walked out.
They deserved it. Huwag nila akong kinakalaban. Malilintikan talaga sila sa akin.
Naglakad na ako papunta sa room ko nang bigla akong gulatin ni James.
"What the hell?"
"Good morning sa pinakamagandang babae sa paningin ko." He's smiling revealing his white teeth. Ang gwapo niya talaga. Akalain mong may boyfriend akong ganito ka-gwapo.
Ngumiti ako. "Kakarating mo lang?" Kanina lang nagtataray ako pero kapag kaharap ko na si James Abellano, naiiba. Nababahag ang buntot ko at nawawala ang sungay ko.
"Bakit? Na-miss mo ako agad? Dapat kasi sinusundo na kita sa bahay niyo. Nakakabadtrip lang may kulog sa bahay niyo. Para tuloy tayong teenager na nagtatago sa parents."
Ang gaan gaan sa feeling na makita siya ngayon. "Hayaan mo na si Thunder."
"Tara na sa room." Hinawakan niya ang kamay ko at naglakad na kami. Parang may kuryente tuloy. Kilig ba 'to? O dahil siya talaga 'yong lalaking laman ng puso ko?
Habang naglalakad, iyong mga mata ng nadadaanan namin, nakatutok sa amin. Nagulat ba sila na ang isang demonyita na may katabing gwapong anghel?
"Hey, sabay tayong lunch mamaya." Sabi ni James habang naglalakad kami.
Tumango ako. "Sure."
Nakakatuwa na no'ng magdecide ako na hayaan si James Abellano na tulungan akong makaalala at paniwalaan siya na siya 'yong nagmamahal talaga sa akin, ang sarap sa pakiramdam. Feeling ko nga nakakaalala na ako kahit hindi pa.
Nakarating kami sa room namin at iba rin ang tinginan sa amin ng mga classmate namin. Why?
"Sit here." Tinuro ni James ang upuan sa tabi niya. Gusto talaga niya, tabi kami?
"Someone is occupying that seat." I said.
"Ako ang bahala. Dito ka na. Gusto kitang katabi, Mandy."
Wala na akong nagawa. Alam kong pipilitin niya lang ako kaya tumayo na ako at lumipat sa upuan sa tabi niya.
"Good." Ngiting ngiting sabi ni James.
Napangiti nalang ako sa ikinilos niya. He's sweet. I wonder what kind of couple we were before. Lagi kaya kaming ganito? I mean, sweet siya lagi sa akin. Or nag-aaway ba kami? I want to know.
Dumating na ang professor namin. Ayoko ng subject na 'to because it's Filipino subject. Masyado kasing malalalim ang tagalog that's why most of the time, hindi ako nakikinig sa subject na 'to. Sometimes, hindi ako pumapasok dito, but then, I'm with James so... keri na pumasok.
"Magandang umaga sa lahat." Panimula ng professor namin. "May hindi inaasahang meetings ang ilang professor at kasama ako ro'n, kaya magbibigay ako ng seatwork sa inyo habang wala ako. Gusto kong gumawa kayo ng essay, about your political views sa nalalapit na halalan. At para may twist, gusto kong gumamit kayo ng malalalim na tagalog words. Doon ko iba-base ang grades niyo. Sa dami ng malalim na tagalog. By partner ito so kayo na ang bahalang humanap ng kapareha niyo. Ipasa ito sa isang yellow paper sa department office. Maliwanag ba?"
Hay, gusto pa talaga malalalim na tagalog. E, ayoko nga no'n. Nakakadugo kaya ng ilong. It's insane.
"Yes, ma'am." sagot ng klase.
Umalis na ang professor namin at tumingin ako kay James. "Partner tayo?"
Tumango siya. "Partner forever? Partner like husband and wife?"
Ano ba! I felt the blushing of my cheeks. "James! Partner sa seatwork."
"Just kidding. Oo naman. Partner tayo. Akin ka, e. Hindi ako papayag na i-partner ka sa iba."
I gulped. Pinapakilig ba niya ako? Kanina pa 'yang mga lines niyang ganyan.
"So start na tayo?" Tanong ko. "I'm not that good in deep tagalog. Sinasabi ko na agad sa 'yo."
Ngumisi siya. "Trust me, kayang kaya ko 'to. Chicks lang 'to."
"Chicks?!"
"I mean. Sisiw lang 'to sa akin."
"Okay, then let's start para matapos na din tayo."
"Ayokong matapos tayo."
I glared at him. "Iyong seatwork ang matatapos."
"Okay. Tayo'y magsimula na nang matapos na ang sulating ito. Siguradong sasakit ang mga ulo natin kapag natapos natin ito."
James is speaking in pure tagalog and it's just... Nakakakunot ng noo. Though, it's not that deep. Nakakadugo pa din ng ilong.
"Ano ba ang masasabi mo sa mga tumatakbong pangulo ng Pilipinas? Ikaw ba ay may gustong iparating? Anong masasabi mo patungkol sa kanila at sa kanilang mga gawain? Ilalahathala natin iyan, aking kabiyak."
"Kabiyak?!"
"What? Partner. Mandy, makisama ka nalang. Gumagamit ako ng deep tagalog para mas madaling magsulat ng pinapagawa ni Ma'am."
I rolled my eyes at him. "It's insane pero magaling ka. Nakakabilib."
"Really? Bumilib ka sa akin?"
Tumango ako. Iyon ang totoo. Akalain mong magaling pala sa deep tagalog si James. "That so cool."
Nakakadugo man ang mga deep tagalog at nakakainis pakinggan, cool pa din siyang pakinggan kapag si James ang nagsalita. I don't know why.
"Shit. Should I speak like that more often? Cool pala, e."
"Ikaw ang bahala. Cool talaga kapag ikaw ang nagsasalita. Nabibilib talaga ako." I'm serious and I'm telling the truth. Parang ang gwapo niya lalo kapag deep tagalog siya magsalita.
"Paanong cool? Paano..."
Namumula ang pisngi niya. Gusto ko tuloy tawanan si James. "Hmm, parang nakakadagdag ka-gwapuhan sa iyo ang pagtatagalog mo ng gano'n. Para bang kapag nagsalita ka ng gano'n, mapapatitig ako sa'yo tapos makikinig nalang ako sa 'yo." Exaggerated ba? Pero 'yon talaga, e.
"Fuck," mura niya. "Forget the english. Deep tagalog na ako mula ngayon."
Natawa ako. "Ikaw talaga. Simulan mo na nga 'yan. I can't help you with that. But I can help, 'yun lang, ita-translate mo sa tagalog ang mga political views ko."
"Walang problema, aking kabiyak. Ako na ang bahala dito. Sapat na sa akin na nariyan ka sa tabi ko, isa kang malaking inspirasyon para sa akin."
He's really funny, cool and, ugh. Nakakainlove lalo si James.
"So cool." Komento ko.
"Huwag kang ganyan, mahal ko. Pinapabilis mo ang pagtibok ng puso ko."
"Whatever, James. You're so cool." Sabi ko pa lalo. Nakakatuwa kasi siya. Kapag sinasabihan ko siyang cool siya, ganyan, namumula ang mukha niya.
"Tama na sa usaping iyan. Talaga namang pinapasaya mo ako, mahal ko. Halina't tapusin na ang sulating ito bago pa matapos ang itinalagang oras ng pagpapasa nito."
Kinain na si James ng sistema niya. Nag-deep tagalog na siyang tuluyan. But it's fine. He's unique and he's handsome with his own way. Kakaiba talaga siya. Ngayon ko mas narerealize na, hindi nga malabong siya ang minahal ko.
-
Naglalakad kami ni James palabas ng room. Natapos na ang maghapong klase and I really want to go home.
"Mandy, pwede ka bang yayaing sumama sa tirahan ko? Hangad ko sanang makasama ka at maka-aliwan."
Natawa ako. "Nagta-tagalog ka pa rin. Seriously, James? Saang tahanan naman iyan?"
"Sa aking balwarte."
"Balwarte?!"
Tumawa siya. "Sa condo unit ko. Talaga namang gusto kitang makasama."
He's naturally funny. I must say. "Alright, let's go to your condo unit." Wala namang masama na sumama sa kaniya. And besides, I like his company. Gusto ko siyang nakakasama.
Pero magpapaalam ba ako kay Thunder? Speaking of him, baka pala andiyan siya sa labas at nag-aabang sa akin. Hindi pa naman nagsasabi iyon kapag susunduin niya ako. Tatawag nalang 'yon kapag oras na ng out ko.
"Anong problema?" Tanong niya.
"Tatawagan ko lang si Thunder. Baka kasi andyan siya sa labas."
"Siya ang pambansang asungot sa ating dalawa, Mandy ko."
Napailing na lamang ako habang nakangiti. Itinapat ko ang phone ko sa tainga ko.
"Hey, Thunder."
"Problem?"
"Ah, wala naman. I just want you to know that I will go to mall. I want to shop."
"Samahan kita?"
"No. No. I want to be alone."
"Alright. Take care and call me if you need anything."
"I will."
I ended the call and looked at James. He's staring at me. Nakasimangot pa.
"Why?" I asked him.
"Hindi mo kailangang ipaalam sa kaniya ang bawat gagawin mo. Nasa tamang edad ka na para magdesisyon para sa iyong sarili."
"James, nagpapatawa ka ba? Deep tagalog, huh. Sige. Panindigan mo 'yan." Sabi ko. "Ayoko lang na hanapin niya ako. He's always paranoid. I hate it when he calls me everytime na male-late ako ng uwi."
"Malala na ang isang iyan. Ang nararapat sa kaniya ay ipasok sa bilangguan."
"What?!"
"Wala. Ako nama'y nagbibiro lamang. Halika na."
My eyes widened with what he said. "What? Halikan na? Why... ah..."
He laughed so hard. "Nais mo bang madampian ng labi ko ang labi mo? Talaga namang ikaw ay nagpaparinig, Mandy ko."
"What? No. You said it."
"Ang sinabi ko ay halika na. Halika. Tara. Wala akong sinabi na halikan na. Mandy ko, ikaw nama'y pinagtatakpan pa ang sarili. Nais mo ba iyon?"
I felt my cheeks blushed. "Dami mong alam. Let's go."
"Uyyy, ang aking iniirog. Hangad ay mahalikan ko."
Malala na si James. Masyado siyang natuwa na cool siya sa pagsasalita ng deep tagalog.
"No! I heard it wrong!" Sabi ko habang mas nauunang maglakad sa kaniya. Papunta kaming parking lot dahil naroon ang kotse niya.
"Huwag mo ng itanggi dahil ako man ay gustong halikan ka at maramdaman ang kinikibot ng puso mo."
James, naman. My nose is bleeding already. "Tse!"
Tumawa siya. "Sambitin mo lamang kapag gusto mo at pauunlakan ko iyon at buong puso kong ibibigay sa iyo ang hangad mo."
Hinila ko nalang siya ng mabilis. Nakakainis. Nakakahiya. Bakit kasi magkatunog 'yon. At bakit kasi sinabi ko pang cool siya sa pagsasalita ng deep tagalog? Arghh!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top