Chapter 14
Mandy POV
HINDI nawawala ang kaba ko mula nang bumaba ako sa kotse ni James Abellano. Dinala niya ako rito sa isang amusement park.
So this is what he does when he date. Ilan na kaya ang nadala niyang babae sa amusement park?
"Are you okay?"
Natigilan ako sa paglalakad nang lumingon si James at magsalita.
Bahagya akong tumango. "Oo naman. Why?"
"You looked uneasy. Problem?"
Umiling ako. "No. You know, it's just awkward. This is the first time we..."
"Date? Yes. First time since you had an amnesia. Pero dati lagi tayong lumalabas. Naiintindihan ko na naninibago ka at naiilang ka. But, trust me. I'll make you happy today. I'll make you feel that I am the one you love." Seryosong sabi niya.
Hindi ko maiwasang mailang sa pagkakatitig niya. There is something in his eyes that makes my knees melt.
"O...kay? So let's go?"
Ngumiti siya. At ilang beses ko mang inulit 'to, sinasabi ko. Ang gwapo niya kapag nakangiti.
"Let's go." Hinawakan niya ang kamay ko at hinila papasok ng amusement park.
This is not my thing. Where can you find a devil woman enjoying at the amusement park? Seriously? But now, it's different. I'm a devil in front of everyone but with James, it feels like I'm an angel. It's just weird. Siya lang ang nakakapagparamdam nito sa 'kin.
Nang makapasok kami ay bumili siya ng ticket saka ibinigay sa akin ang isa. Akala ko pang-bata lang ang mga amusement park but I could see a lot of couples here and even a group of teens.
Pumasok kami sa entrance after checking our tickets then James held my hand again.
"Saan mo gustong sumakay?"
Kumunot ang noo ko. "We're going home?"
Tumawa siya. "Rides. Mandy naman. Demonyita ka lang. Hindi ka slow."
I arched my left eyebrow. Tumikhim ako. "Anywehere. I am not familiar with the rides."
"Duwag ka ba? May kinakatakutan ka ba? Halimbawa, heights? Takot ka ba?"
"Hey. I'm a devil. There's nothing I'm afraid of."
Nakatitig siya sa akin kaya nailang na naman ako. "Ako, may kinakatakutan."
"A-Ano?" Bakit ba ganito siya mang-titig.
"Ang mawala ka ulit sa akin." He said seriously.
I cleared my throat. Pinilit kong iwasan ang mga titig niya.
"Mandy."
"Y-Yes?"
"I love you. Remember that."
For the second time, I cleared my throat. Parang nagwawala ang puso ko. His words, his stare, and his sincerity. Sapat na iyon para maramdaman ko ang pagtibok ng puso ko.
Is he the one? Is he the one I really love the most?
"J-James.."
"Yes?"
"A-Ano, doon. Yo'n! Gusto kong subukan." Itinuro ko 'yung malaking bangka na nasa taas. Nakalagay lamang ay wild river. But I am not familiar with that rides.
He smiled at me. "Alright. Tara." Sabi ni James saka hinila ako palapit roon.
Pumila kami. Nakatingala ako sa malaking bangka or barko. So what's with this ride? Mamamangka ba kami? But, where's the river?
"Halika na, Mandy."
"Halik!?" Nanlaki ang mga mata ko.
Bahagyang tumawa si James. "Hindi ka lang demonyita. Bingi ka na ngayon. Sabi ko halika na. Sakay na tayo. Pero kung gusto mo ng halik, tell me."
Naramdaman ko ang pamumula ng pisngi ko. Kainis! Bakit ba gano'n ang pagkakarinig ko. Nakakahiya tuloy.
"Let's go! Sakay na tayo do'n." Sabi ko. Nauna na akong lumapit sa malaking barko. Naupo ako sa kaliwang dulo. Tinabihan ako ni James.
Pakiramdam ko ay namumula pa ang pisngi ko dahil sa kabingihan ko kanina.
"Anong klaseng rides 'to?" Tanong ko kay James.
Safe na naman ang pagkakaupo namin.
"Masasagot mo ang tanong na 'yan pagkatapos." He winks at me. At nag-hudyat na ang operator na gagalaw na ang barkong ito.
I'm still curious where's the river. Paano ito gagalaw?
Nagsimulang mag-swing ang barko. Kumunot ang noo ko at tumingin kay James na cool lang na nakaupo sa tabi ko.
"This is boring." Sabi ko. "Walang excitement and thrill? Ganito lang 'to?"
"You will find out later, Mandy." He said.
Maya maya pa ay napansin kong pataas ng pataas ang pag-swing ng barko. Bigla akong napakapit ng mahigpit sa hawakan saka pumikit. Bakit nakakahilo 'to?!
Pataas ng pataas. Pabilis ng pabilis.
"Gosh! Shit!" Hindi ko naiwasang sumigaw.
Nakakahilo ang letseng barko na 'to! Where the hell did they got the idea of hanging a big boat?! Seriously?
"Ahhhhh!" Sigaw ko. Nakakahilo talaga. Punyetang rides 'to! Akala ko boring!
Minutes passed. Tumigil na ang paggalaw ng barko. Pero nakaupo pa din ako at tulala.
"Hey. Are you okay?"
Napalunok ako at nanatiling nakatulala. Punyetang rides 'to. Irereklamo ko 'to. The hell!
"Hey..."
Huminga ako ng malalim saka tumingin kay James. "A-Ayos lang."
Tumayo ako pero muntik na akong matumba dahil sa hilong nararamdaman ko. Mabuti na lamang ay nahawakan ako ni James. This kind of feeling... this is one of those unexplainable things. Yung kakaibang nararamdaman ko kapag nagdidikit ang mga balat namin.
"Careful." Paalala niya nang bumaba kami mula sa barko.
"Ire-reklamo ko ang rides na 'yan." I said. Masama ang tingin ko sa nakabantay.
Tumawa lang si James hanggang makalabas kami roon. "Fuck, Mandy."
"Ano? What's funny?"
Tumawa lang ulit siya saka umakbay sa akin. "Okay ka na ba? Nahihilo ka pa? Nakaka-bored 'di ba?"
Sinamaan ko siya ng tingin. He's teasing me. "Whatever!"
Ang hilig niya akong tawanan. Kainis na lalaking 'yan. Binilisan ko paglalakad. Iniwan ko nga siya.
"Mandy!"
"Tse! Don't talk to me!" Sigaw ko at mas binilisan ko pa ang paglalakad.
Maya maya lamang ay naramdaman ko ang malakas na paghila mula sa likod ko. Until I felt his lips against my lips. I didn't see it coming. Nanlaki ang mga mata ko.
My heart is beating so fast.
He kissed me. I froze. Ang lakas lakas ng tibog ng puso ko. Kusang napapikit ang mga mata ko at tumugon.
After seconds, he stopped. Nakatulala lang ako sa kaniya. He's still staring at me. Pakiramdam ko, kaming dalawa lang ang tao dito. Nakakahiya.
"Don't ever leave me." He said seriously.
"James..."
"Kahit dito lang. O kahit nasaan tayo, 'wag na 'wag mo akong iiwan." Kitang kita sa mga mata niya ang pangamba.
Tumango lamang ako para mawala na ang pangamba niya. Why is he acting like this? And why is it so familiar? His kisses, his touch and his stares.
James Abellano, you are really my love?
Sunod naming pinuntahan ang ferris wheel. Pumasok kami saka umupo sa loob. Maya maya pa ay gumalaw na iyon pataas.
This is amazing. Ang sarap palang tingnan ang paligid mula sa taas. Kitang kita ang kabuuan ng Manila. Buildings, lights, just... wow.
Inabot na kami ng gabi. Halos lahat ng rides ay sinakyan namin kanina. Hindi ko akalaing after ilang rides ay mapapanatag na ang loob ko habang kasama si James. Nawala na iyong awkwardness. Tawanan, kwentuhan at asaran. Iyon ang ginagawa namin kanina nang kumain kami bago ulit nagliwaliw dito sa amusement park.
I had fun. Really. Hindi ko nga alam kung dahil masaya lang talaga dito sa amusement park or dahil si James Abellano ang kasama ko.
"Nag-enjoy ka ba?" Tanong ni James.
Ito na ang kahulihang rides na sinakyan namin bago kami umuwi.
Tumango ako habang nakangiti. "Sobra."
"I promise, this won't be the last time we'll go here together."
Ngumiti lamang ako sa sinabi niya. Sa buong oras na kasama ko siya, mas naramdaman ko na napakalapit namin. Pamilyar siya sa puso ko. Sinasabi ng puso ko na mahal ko ang lalaking ito, at ang lalaking ito ang nagbibigay saya sa akin.
Maniniwala na ba ako sa kaniya na boyfriend or let's say fiance ko siya? Maniniwala na ba ako at ipagkakatiwala ang sarili ko hanggang makaalala ako?
My mind says, not for now. But my heart says, it's a yes.
I took a deep breath. "James, can I ask you one question?"
"You can ask questions as many as you can. And I will answer you honestly."
"What if... sabihin ko sa 'yo na handa na akong papasukin ka sa puso ko kahit hindi ko pa naaalala ang lahat. Would you take care of it?"
Napansin ko ang pagkagulat niya pero agad ding nakabawi. "Are you telling me..."
"This is a what if."
He cleared his throat. "Hindi mo pa ako ulit pinapapasok diyan sa puso mo, inaalagaan ko naman 'yan. At alam kong hindi ko masasabi kung masasaktan ko iyan o hindi, but I can promise to you. Iingatan ko ang puso mo. Palagi."
"Hanggang saan ang kaya mong gawin para mapatunayan sa akin na dapat kong ipagkatiwala ang sarili ko sa 'yo?"
"Until my last breath." Mabilis niyang sagot.
"James."
"No'ng mawala ka, sabi ko sa sarili ko sana mamatay nalang din ako. Wala nang buhay ang buong pagkatao ko nang mawala ka at nang malaman kong patay ka. And now, you're alive, I will do everything. Everything, Mandy. Just trust me. And believe in me."
Sino bang dapat kong pakinggan? Si James o si Thunder?
Speaking of Thunder. Nanlaki ang mga mata ko at agad na kinuha ang phone ko sa sling bag ko. Nakalimutan ko siyang i-update. He didn't even know where I am dahil hindi ako nagpaalam sa kaniya na aalis ako kanina sa mansion.
Ayaw ni Thunder na lumalabas akong mag-isa. Baka daw kasi bigla akong makaramdam ng pananakit ng ulo ko.
"Ayos ka lang? Anong problema?" tanong ni James.
Nag-alangan akong sabihin but he must know. "Si Thunder kasi. Tumatawag saka ang dami na niyang text. Wala siyang alam na sumama ako sa 'yo."
"That bastard. Hayaan mo siya. Are you afraid with him?"
"Of course not! I'm just..."
"Don't mind him. This is our moment. Ours. You and me. No Thunder. No one but us."
I nodded and keep my phone inside my bag. Bahala na mamaya pag-uwi. I will deal with Thunder. For now, it's us. Tama si James. This is our time.
And this time, I felt so in love. Dito ko naramdaman na gumagana pala ang puso ko.
May inilabas na maliit na box si James mula sa bulsa ng pants niya. Nakasunod lamang ako ng tingin sa ginagawa niya. What is that?
"Mandy."
"James."
"Here. For you." Inabot niya sa akin ang box na maliit.
Tinanggap ko iyon saka tiningnan siya na parang nagtatanong. "What is this?"
"A present. Just for you. Open it." He said smiling.
Binuksan ko ang takip ng box at bumungad sa akin ang isang gold na kwintas. Kinuha ko iyon mula sa box upang makita ang pendant.
Maliit na parang wall clock ang itsura ng pendant.
"Ang ibig sabihin ng pendant iyan, anumang oras, or kahit gaano katagal bago mo ako maalala, handa akong maghintay. Time is just a time. Hanggat hindi tumitigil ang oras, hindi ako titigil sa paghihintay sa 'yo. Sa pagbabalik ng babaeng nagiisang laman ng puso ko."
I didn't expect this. Nakaka-touch. Ramdam ko ang sincerity niya at alam kong wala siyang intensyong masama sa akin. He loves me. I should believe him because I can feel it.
I bit my lower lip when I felt my eyes teary.
This is so romantic. At the top of the ferris wheel... ako at si James.
Ikinabit niya sa akin ang kwintas. Ang sarap sa pakiramdam. Ang saya saya ko.
"I do love you, Mandy. And I'm really longing for you. Gaano man katagal, kakayaning kong maghintay because I know you're worth waiting for."
Tuluyan ng tumulo ang luha ko.
"Hey, why are you crying? Sorry. I jus—"
Pinutol ko ang sasabihin niya. I shut his mouth off by kissing him. Hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas ng loob na halikan niya. Basta ito ang gusto kong gawin dahil gusto kong maramdaman niya na mula ngayon ay willing na akong alalahanin lahat lahat, kasama siya. At ipagkatiwala ang sarili ko sa kaniya.
Nang maghiwalay ang mga labi namin ay hinaplos niya ang pisngi ko. Nanatiling magkalapit ang mga mukha namin.
"Bilisan mong makaalala. Excited na akong ipakita sa 'yo ang ABS ko. Hindi na 'to one-pack AB." He said smiling but there are tears flowing from his eyes. "Mahal na mahal kita, Mandy. At kung bibigyan ako ng isang kahilingan, iyon ay ang makaalala ka na at bumalik na ang lahat sa normal. I fucking miss you."
I smiled at him. "I will trust you. You will help me, right?"
Tumango siya saka muling naglapat ang mga labi namin. So this is love. This is really love. And that love, is no other than but James Abellano.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top