Chapter 13
Mandy POV
I am walking confidently. Syempre, ako si Mandy Aguilar, proud demonyita. And also proud na kinatatakutan ng estudyante dito sa SWU.
"Huwag kang basta basta lalapit sa babae na 'yan. Feeling maganda 'yan saka saksakan ng sama ang ugali niyan."
Napatigil ako nang marinig ang usapan ng grupo ng mga babae na nadaanan ko. Malakas pa naman ang pandinig ko lalo na kapag bina-backstab ako. Sanay na sanay na ako sa ganyan. Mula nang pumasok ulit ako dito sa SWU, lagi akong nakaka-encounter ng ganyan. Pinag-uusapan at pinagbubulungan ako ng mga echoserang palaka na 'yan na nagpi-feeling magaganda.
"Pardon?" I asked them. I'm smiling from ear to ear. Ngiting kailangan mo ng tumakbo. Hindi ako nananakot, kasi kung ano ang sinasabi ko, ginagawa ko.
"A-Ah, ano 'yon?" Tanong no'ng babaeng narinig ko kanina na nagsasalita tungkol sa akin.
Ngumisi ako. So magkukunwari pa siyang walang sinabi tungkol sa akin. Alam kong saksakan ang sama ng ugali ko, I admit that. Ayoko lang ng pinag-uusapan ako sa likod ko. Dapat sa harap ko.
"Hm, ano 'yon? Why don't you try to repeat what you said about me a while ago?"
I want to laugh at her because of her horrible face.
"Ano... ano..."
"What?"
Mukhang wala siyang balak ulitin ang sinabi niya tungkol sa akin kaya dumukot ako sa shoulder bag kong prada, ng sticker. Tinanggal ko yung likod na part niya then dinikit ko sa noo ng babae.
"Pink card. Bagay sa 'yo. Next time that you'll spread some bad things about me, make sure I am not around. That means, you're in my hot list. So beware of me." I winked then passed them by.
Buo na naman ang araw ko dahil nabawasan ako ng isang pink card—actually, sticker siya. Maganda 'yong nagagamit ang mga 'yon para hindi sayang ang mga pina-print ko, though, hindi ako nanghihinayang sa ginastos ko doon. Gusto ko lang na magkaroon ako ng tatak. Para bang trade mark ko. Na kapag nakakita sila ng taong may tapal ng pink card, alam na nila.
Dumiretso ako sa room. Papasok na ako nang mahagip ng maganda kong mata si Ynna-magenta na kausap si James. Naroon sila sa may pinto, at ang kapal. Tumatawa-tawa pa ang James na 'yan! Manloloko!
Mabilis akong dumaan sa harap nila at dumiretso sa loob ng room. Nakita naman siguro ni James na umuusok ang ilong ko sa inis. Sinungaling siya. Sabi niya ako lang mahal niya. Pa-sweet-sweet pa siya tapos kapag pala wala ako, nakikipaglandian siya sa pangit na Ynna na 'yan. At bakit ba narito ang babaeng 'yan. Sinisira niya ang araw ko.
"Mandy ko."
Kasunod ko pala si James. "Don't talk to me." Mataray na sabi ko.
"What?"
"I said don't talk to me. Are you deaf?"
"No. I'm James." Ngumiti siya na kita ang mapuputing ngipin niya. Nakakabwisit! Bakit ang gwapo niya?
Sinamaan ko siya ng tingin. "Stop smiling. You're like an idiot. Leave me alone."
"Why?"
"Just leave!"
"Bakit nga? Dito din ang room ko, ah. Grabe ka naman, Mandy ko. Bakit mo ako pinapaalis dito?"
Lalong naningkit ang mga mata ko. Napaka-pilosopo talaga niya.
"Shut up! Argghh."
Tumawa siya na lalong kinainis ko.
"What's funny?" Tanong ko ng pa-galit.
Hindi siya nagsalita. Nakatingin lang siya sa akin. Mukha siyang ewan.
"I'm asking you what's funny! Are you crazy? Laughing without reason?"
"Sabi mo h'wag kitang kausapin tapos ikaw naman 'tong kumakausap sa akin. Don't me, Mandy."
"Arrrghhh! Nakakainis ka!" Sigaw ko saka tumalikod sa gawi niya.
"Mandy ko."
Hindi ako sumagot. Nakasimangot ang mukha ko kasi naiinis ako. Ewan ko ba kung bakit kelangan kong um-akto ng ganito. I shouldn't be acting this way.
"Mandy ko naman."
I bit my lower lip. Why does his voice sounds so good when he's calling my name like that?
"Mandy ko, galit ka ba? Pinapatawa lang naman kita, e. Bakit ka ba nagagalit?"
Nanatili akong nakatalikod sa kaniya. Our professor is still not here. May kanya kanya ring ginagawa ang mga classmates namin.
"You're always mad at me."
Napatingin ako sa kaniya dahil malungkot na ang boses niya. "What?"
"Lagi ka nalang galit sa akin. Lagi mo akong sinusungitan. Sige, hindi na kita kakausapin pa. Hindi na din ako lalapit sa 'yo." Mas malungkot ang boses niya. Pero naiinis ako!
"Then fine!" Pagtataray ko.
"Mandy naman, e. Nagda-drama na nga ako. Kahit kailan talaga napakataray mo. Halikan kita diyan, e."
Napalunok ako. "Tigilan mo nga ako. Hindi ako nakikipagbiruan sa iyo."
"Hindi din naman ako nakikipagbiruan sa iyo." Sabi niya.
Sakto namang dumating na ang professor namin kaya umayos na ako ng pagkaka-upo. Nanatili sa tabi ko si James. Teka nga, bakit dito siya nakaupo? At nakahalumbaba pa siya habang nakatingin sa akin.
"Our professor is here. Don't look at me." Sabi ko sa kaniya.
"Ganda ng view, e." Nakangiting sabi niya.
Biglang kumabog ang dibdib ko. Letseng James 'to! Bakit kasi ang lakas lakas ng epekto sa akin ng mga salita niya?
"Stop it."
"Ayoko nga."
Napaka-kulit pa niya. Ano bang klaseng personality meron ang lalaking 'to.
Inirapan ko siya. Bahala siyang malaglag ang eyeballs niya kakatingin.
Nag-attendance na ang professor namin. Nakakatamad ang klaseng 'to.
"Abellano."
"Present!" Sagot ni James. "At nagmamahal ng wagas kay Aguilar."
Nanlaki ang mata ko at tumingin sa kaniya.
"What did you say, Abellano?" Tanong ng professor.
"Nothing ma'am." He said smiling saka tumingin ulit sa akin.
"Aguilar."
"P-Present!" para pa akong nautal sa pagsagot sa professor.
Nagpatuloy si mam si attendance pero ang isip ko okupado ng walang'yang lalaki na 'to.
"Kilig ka ba, Mandy ko?"
Tinaasan ko siya ng kilay. "Feeler."
"Teka nga, bakit ba ang sungit mo sa akin? Okay naman tayo no'ng galing ako sa mansion niyo. May nagawa ba akong mali? O sadyang bipolar ka, Mandy ko?"
Nag-pokerface ako. Seriously?
"Bipolar?"
"Hehe. Joke lang. Hindi ka na mabiro. Bakit ka nga nagtataray sa akin ngayon?"
I heaved a sigh and flipped my hair. I didn't answer him.
"Mandy ko, hindi naman ako manghuhula. Ano bang problema?"
"Wala." Sagot ko.
"Alam kong meron. Hindi ka naman magtataray ng ganyan kung wala."
I sighed again. "Wala nga! Doon ka sa Ynna mo!" Sigaw ko.
"Ayon." Tumawa siya. "Iyon pala."
"Shut up."
"Nagseselos ka, Mandy ko? Uyyy, nagseselos."
I faked a smile. "As if."
"Sus. Kunwari pa. Mandy ko, si Ynna lang 'yon. Bakit nagseselos ka do'n. Mas maganda ka naman, mas sexy, mas kaakit-akit at siyempre, ikaw ang mahal ko."
Parang bigla ay nawala iyong galit at inis sa dibdib ko. Hindi ko namalayang napapangiti pala ako. Oh, damn! Para akong baliw.
"Iyon naman talaga. Ngumingiti na..."
"Tse!"
Bwisit na lalaking 'to. Paano niya nagagawang pa-inisin ako tapos papangitiin? Why is that? Iba talaga epekto niya sa akin. Arghhhh. Kailan ba ako makakaalala?
-
James POV
Nakakatuwa si Mandy. Ang sarap niya asarin at bwisitin. Sa halip na matakot ako sa kaniya, lalo akong natutuwa.
Kanina ko pa alam na nagseselos siya at ang ipinuputok ng butsi niya ay si Ynna. Kanina palang na pagdaan niya sa harap namin ni Ynna, naka-irap na ang mata niya.
Sana sa ginagawa ko, nakukuha ko na ulit ang loob niya at makatulong din 'yon para bumalik na talaga ang alaala niya. Nami-miss ko na siya. Nami-miss ko na iyong pag-uusap namin dati, iyong pag-aasaran namin, iyong pag-uusap namin tungkol sa future namin at syempre, iyong halikan at yakapin siya ang pinaka-namimiss ko.
"Mandy ko." Tawag ko sa kaniya.
Wala akong naiintindihan sa tinuturo ng professor dahil ang isip ko, nakatutok lang kay Mandy na tahimik na nakamasid sa professor.
"What?"
Bakit ang ganda pa din niya kahit nakakunot ang noo niya? Damn, this is what love is.
"May sasabihin ako."
"Can't you see, nakikinig ako."
"Akala mo talagang nakikinig." Mahinang sabi ko saka tumawa.
Inirapan niya ako. Kanina pa iyan. Kapag hindi naniningkit ang mata, nang-iirap o kaya ang sama ng tingin.
Hindi na niya ako pinansin at tumingin ulit sa professor.
"Mandy ko."
"What?! Bakit ba ang kulit mo?"
"Because I love you." Simpleng sagot ko. "Hindi naman kita kukulitin kung hindi kita mahal."
Nangunot ang noo niya pero halatang nagpipigil ng ngiti. Kinikilig na naman 'yan. Lakas ko talaga.
"James Abellano, just shut up."
"Sa isang kondisyon." Sabi ko.
"What?"
"Makipag-date ka sa akin." Sabi ko. I want to go our with her. Alone.
"Date?"
Tumango ako. "Yes. Date."
She looks uneasy. Kinakabahan ba siya?
"W-Why.."
"I want to go out with you. Just once. Pagbigyan mo na ako."
"Pero..."
"Kinakabahan ka? Hindi naman ako nangangagat, e. Nangangain lang."
Sumama na naman ang tingin niya. "Asshole!"
Tumawa ako. "But I'm serious, Mandy."
She looks uneasy again.
"I'll wait for your answer."
"Let me think first." Aniya. "For now, just let me listen to professor."
I smiled at her. "Masusunod, Mandy ko."
Inalis na niya ang tingin niya sa akin. Napatingin ako sa mukha niya habang naka-sideview. How could she manage to be this beautiful? She looks innocent pero ang totoo, demonyita siya.
My Mandy...
-
Mandy POV
Last class ko na and I felt so uneasy. I don't know why. Is it because of James? He just asked me on a date kaninang umaga. And I don't know what to answer. I don't want to say yes in instant and I don't want to say no.
Ang lakas na nga ng epekto niya sa akin, ginugulo pa niya ang buong sistema ko.
Hindi ko siya classmate dito sa last class ko kaya naging normal na ang heartbeat ko. But then, alam kong mamayang paglabas ko, nariyan siya sa paligid para alamin ang sagot ko.
I sighed. Do I need to ask for Thunder's approval first? Pero buhay ko 'to. I can decide for myself.
But he's my psychologist.
"Class, dismissed."
Kumabog ang dibdib ko. Shit, nakakainis!
Inayos ko ang gamit ko at tumayo. I was about to go out of the room when I saw James outside. Talagang alam niya kung saan ang room ko? Seriously?
I took a deep breath.
"Hi, Mandy." He's smiling from ear to ear. "May sundo ka ba?"
I nodded. "Yes. Why?"
"Ah, si kulog ba?" Sumeryoso siya. "Gusto ko lang malaman ang sagot mo kaya kita pinuntahan dito."
I cleared my throat. Iba na ang awra niya dahil kay Thunder. Bakit ba kasi sila galit na galit sa isa't isa?
"James."
"Yes or no."
Wala namang masama 'di ba? Why not? Saka mas marami siyang alam tungkol sa akin at sa tingin ko matutulungan niya akong maibalik ang alaala ko. Isa pa, mabuting tao naman siya based on how he treated me. Nakita ko rin kung gaano siya ka-sincere.
Alright. "Yes."
Nagliwanag ang mukha niya. Psh. Pasalamat siya mabait ako ngayon at hindi suplada. Wait, 'di pala ako mabait.
"Really?"
"Sige babawiin ko na."
"You already said yes. Then it's settled. See you on sunday." He winks at me before walking out.
Sunday agad? Oh my. Friday na ngayon! Bakit kumabog na naman ang dibdib ko? Napapadalas na 'to.
Naglakad na ako pababa sa parking lot kung saan alam kong naghihintay si Thunder. At hindi nga ako nagkamali.
"Hey." Tawag ko sa kaniya.
Nag-angat siya ng tingin saka ako nginitian.
Lumapit ako at pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse. Sumakay agad ako.
Nang makasakay siya sa driver's seat ay napansing kong seryoso ang mukha niya.
"Ginulo ka ba ni Abellano?"
I rolled my eyes. "I don't want to talk about him." But deep in side, I want to tell him that I just said yes to James on a date.
He took a deep breath then started the engine. "Alright. But, as what I'm always telling you, stay away from him. And do not trust him."
For the second time, I rolled my eyes. Hindi ko alam kung bakit parang ang laki ng galit ni Thunder kay James.
"Fine, fine." Sagot ko. Para lang matapos na ang pag-uusap.
Tahimik na siyang nag-drive. Mabuti nalang at hindi ko naisipang magpaalam sa kaniya bago um-oo kay James kanina. Hindi ko na alam kung bakit mula nang makasama ko si James, natuto na akong sumuway at magsinungaling kay Thunder. Dati kasi, bawat kilos at gagawin ko, dapat alam niya. Dahil sa kalagayan ko.
Pero ngayon? Kay James...
I want to decide for my own. Gusto ko ng makaalala at gusto kong malinawan kung ano nga ba ang nangyari noon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top