Chapter 12
Mandy POV
Tatlong araw na ang lumipas mula nang manggaling ako sa condo unit ni James Abellano. Tatlong araw ko na ring iniisip 'yong mga sinabi niya sa akin—tungkol sa nangyari sa akin at tungkol sa relasyon naming dalawa.
Do I really love that guy?
Nang araw na iyon ay parang nawala o nabawasan ang confusion at galit na nararamdaman ko sa lalaking iyon. Hindi sa naniniwala agad ako sa kaniya. I shouldn't trust him that fast, but he's sincere. I saw it... clearly.
"I am going."
Nagpaalam si Thunder na kailangan niyang pumunta sa clinic niya. Hindi naman niya talaga ako dapat masyadong bantayan. I'm an adult and I can manage myself. Hindi ako bata para oras oras na bantayan niya. Alam kong nag-aalala lang siya sa akin and all this time, siya ang nasa tabi ko, pero it's already time to let me do it on my way. Walang mangyayari kung hindi ako kikilos para maka-alala na ako. I don't need to sit back and relax.
"Take care." Simpleng paalala ko.
"Yeah. You take care. Call me kapag may problema."
Tumango ako saka sinundan siya ng tingin hanggang makalabas ng main door. Naiwan ako dito sa salas and I have no idea what to do right now to ease my boredom.
I grabbed my phone and log in to my facebook. I scrolled the newsfeed and I still got bored.
I tap the status button and type.
Then after, I logged it out.
Tiningnan ko ang kabuuan ng mansion. Napakalaki pero ako lang halos ang narito. Buti nalang dito rin si Thunder nakatira dahil kung hindi, paano na ako?
Kung bakit kasi napakalaki ng mansion na 'to. Buti sana kung dito nakatira ang kapatid ko, sana masaya ang mansion dahil sa mga pamangkin ko. Pero hindi, e. Sa yaman ba naman ng asawa niya, kahit ilang mansion kaya nilang bilhin.
I sighed with the thought of being alone.
Ano ang mangyayari sa amin ni James? Anong meron sa amin na sa tingin ko ay dapat kong pag-isipan at gawan ng aksyon? He deserve a second chance, right? He deserve to prove to me or show to me how much he loves me and how much he truly cares for me.
But how?
I'm still confused about what happened before. Hindi rin alam ni James ang totoong dahilan kung bakit bigla akong nag-suicide. Kung masaya naman kami bago nangyari 'yon, paano?
Nakuha ang atensyon ko ng tumutunog kong cellphone. Maybe it's Thunder. Lagi nalang siyang may paalala. Kulang nalang, bigyan niya ako ng to do list para hindi na niya ako kailangang sabihan via call or text when he's not around.
May bahagi sa dibdib ko ang biglang pumitik. What's with me? Or what's with him? It's so confusing. I remembered that I saved his number when we were at his condo.
"Hello?" Sagot ko sa tawag.
I heard noise at the background. Where is he?
"Hey, Mandy. Hmm, I want to ask you something."
He's acting different. I know him for being cool. For how many days.
"Spill it."
"Can I come? I mean, I read your facebook status and, sakto na narito ako sa grocery to buy some groceries for my unit. I'm planning to buy ingredients for carbonara that you're craving for. So... Let's cook?"
I gulped. Bigla akong nakaramdam ng excitement, at the same time, na-appreciate ko siya.
"S-sure. No problem." Sagot ko. Kung tutuusin, mas gusto ko siyang nakakausap dahil marami akong nalalaman sa kaniya na tungkol sa sarili ko na hindi ko natatandaan. Si Thunder kasi, parang iwas lagi sa mga tanong ko. Ni ayaw niyang pag-uusapan namin ang past ko kaya hanggang ngayon wala akong alam.
Hindi ko rin matandaan ang mga ginagawa ko noon bago ako magka-amnesia, though, I'm still a demonyita kahit hindi buo ang memorya ko. Dahil sabi nila, demonyita na daw ako noon pa. Nakakatawa na nakaka-insulto.
"Are you sure? Nariyan ba si Thunder?"
"He left. I'm alone here. With, of course the maids." Unti-unting nagtatambulan ang dibdib ko. He's giving me butterflies in my stomach.
"Alright. Pupunta ako diyan. You said yes, wala nang bawian. I'll call you kapag malapit na ako. I still need to buy more ingredients."
"Yeah, fine."
He said his good bye and I ended the call. Sumandal ako sa couch and I closed my eyes for minute.
Why do I need to feel that way? Para akong kinikilig na natutuwa na nae-excite. What is this? Pupunta lang naman si James dito. Ipagluluto niya ako ulit. Kung sa ibang tao, wala lang iyon pero bakit sa akin, ang dating, parang pinapakilig niya ako na hindi ko maintindihan? Simpleng pagluluto lang, ang lakas na ng epekto sa akin. Ano ba talaga si James Abellano sa buhay ko?
After three days ay ngayon ko lang ulit siya makikita dahil hindi ako pumapasok sa school. I really want to clear my mind without the sight of him. Hindi naman niya ako kinulit at tinawagan because I told him I want some time to think. I want space. I want to calm myself. Because whenever he's around, I can't think straight and my heart beat is not normal.
Tumayo ako saka pumuntang kusina. Naabutan ko ang dalawang maid na naglilinis.
"May bisita ako. Magluluto kami mamaya so gagamitin namin ang kitchen. Ayokong mang-istorbo kayo so go on, get a life. Mag-mall kayo or what. Day off niyo na." Wala sa sariling sabi ko sa kanila.
Teka, day off? Sila? Bakit ko ba sila pinapaalis?
"Talaga po, madam? Pwede po kaming mag-day-off ngayong araw?"
Napahawak ako sa sentido ko. I can't understand myself. Why do I need to act this way? Parang feeling na gusto ko mamaya, kami lang ni James ang narito at walang mang-aabala samantalang magluluto lang naman kami.
"Yes. Yes." Sagot ko.
Ngumiti sila sa akin at nagpasalamat. Malinis naman ang kusina. Inilibot ko ang tingin ko.
Nagpalit ako ng damit. Hindi ako kumportable sa suot ko kanina. Para kasing ang simple at walang dating. Hindi ko na nga maintindihan ang sarili ko. Narito lang naman ako sa bahay.
Pero, pupunta si James.
At iyon ang dahilan kung bakit kakaiba ang ikinikilos ko ngayon. Parang may sariling isip ang katawan ko. Naglagay din ako powder at konting lip balm. I even tied my hair into messy bun. Ilang beses pa akong nagpabalik-balik sa salamin para tingnan ang sarili ko.
Huminga ako ng malalim saka lumabas ng kwarto ko at bumaba sa living room. Nasa baba na daw kasi si James sabi ng isang maid. Iyong maid na naka-assign sa kitchen, naka-day-off na. So solo na namin doon mamaya.
Bakit ako napapangiti? What the hell?
Pagbaba ko ay nakita ko si James na nakaupo sa sofa. May mga grocery bags sa sahig.
"Hey."
Tumingin siya sa gawi ko saka biglang tumayo. He's smiling from ear to ear. Bakit ang gwapo niya?
"Mandy." Bati niya. "I missed you." Niyakap niya ako at kumabog na naman ang isang parte sa may dibdib ko.
I gulped. Miss niya ako. Ako kaya? Ano bang naramdaman ko na ilang araw ko din siyang hindi nakita?
Pagkabitaw niya ay natigagal pa ako. Para akong timang na natutulala sa kaniya. "Ah... let's cook?" Iniba ko ang usapan.
Baka mamaya ay itanong pa niya kung na-miss ko din siya, at baka mamaya ay mapasagot ako ng oo. Ayokong mag-assume agad siya. Hindi pa rin naman talaga ako sigurado kung sino siya sa buhay ko. Kahit nag-kwento na siya, kulang pa rin ang impormasyon na dapat kong malaman tungkol sa sarili ko.
"Sure, sure." Sagot ko. "Dito ang kitchen." Nauna akong maglakad sa kaniya at sumunod naman agad siya sa 'kin papuntang kitchen.
Inilapag niya sa kitchen counter ang dala niyang plastic bags.
"Magsisimula na ba agad tayo?" Tanong niya.
"Yes. Why?" Tanong ko. May dapat pa ba munang gawin bago magluto?
Ngumiti ulit siya. "Wala man lang kiss muna?"
I gave him a death glare.
"Joke lang." Sabi niya. "Tara, simula na!"
Mukhang mag-e-enjoy ako. Hindi dahil magluluto kami ng carbonara, kung hindi dahil si James Abellano ang kasama ko ngayon.
"Ang ganda nitong kitchen niyo." Sabi niya habang nililibot ang tingin sa paligid. "Pero mas maganda ka pa din."
Nag-pokerface ako. Nambobola ba 'to? Pero infairness, napangiti ako.
"Mag-start na nga tayong magluto." Sabi ko nalang. Hindi ko alam kung bakit feeling ko ang bait ko kapag kasama ko si James. Kasi, sa pagkakaalam ko, demonyita ako. Sa kaniya lang naman nababahag ang sungay ko.
Nagsimula na kaming mag-ayos ng ingredients. Naghiwa siya ng kung anu-ano. Pinapanood ko lang siya. Sayang ang kuko ko.
"Mandy, sibuyas ka ba?" Tanong sa 'kin ni James habang naggagayat ng sibuyas.
Umiling ako.
"Banat 'yon. Tanong mo kung bakit."
Malay ko bang banat 'yon? Duh. "Bakit?"
"Kasi ikaw lang ang nagpapa-iyak sa akin. Boom! Fuck, ang sakit sa mata nito." Sabi niya.
Sinamaan ko siya ng tingin.
"Ito nalang, Mandy ko. Ilaw ka ba?"
"O, bakit?"
"Kasi ikaw ang nagbibigay liwanag sa buhay ko. Boom! Okay, lutuan na." Sabi niya saka inihanda ang pan and condiments.
"Ang korni mo." Sabi ko.
"Korni man, mahal mo naman."
Hindi ako nakasagot. Pakiramdam ko, namula ang pisngi ko. "Tse!"
"Ganda mo, fuck. Sarap mo i-bulsa."
"What the hell?"
"Joke lang. Masyado kang seryoso, Mandy ko."
"Stop calling me with 'ko', just Mandy." Sabi ko.
"Gusto ko, e. Saka hindi naman ikaw ang nagsasalita. Ako naman kaya hayaan mo na."
Wow. Ayos sa katwiran. "Magluto ka na nga lang!" Mataray na sabi ko.
"I will, my queen."
Hindi ko lang kung anong trip nitong si James. Masyado siyang hyper ngayon. Pinanood ko lang siyang magluto.
"What is this?"
Napalingon ako sa nagsalita. Kahit si James, napatigil. Si Thunder. Masama ang tingin sa amin? O kay James lang?
"Thunder, nagluluto kami." Sabi ko agad.
"Bakit mo siya pinapasok dito? You don't know him, Mandy! Hindi mo alam ang kaya niyang gawin. Baka saktan ka niya bigla!" Nagtaas ng boses si Thunder.
"Shut up, man. Dami mong sinasabi. Tingin mo sa akin, kriminal?" Sagot ni James.
Parang kinabahan ako. Iba ang awra nilang dalawa sa isa't isa.
"Iniingatan ko lang si Mandy. You're still a stranger to her. Kaya huwag kang mag-feeling close agad sa kaniya."
Pinatay ni James ang kalan saka hinarap ulit si Thunder. "Feeling close? Ako? Kanino? Sa fiance ko? Gago ka pala, e."
Kumabog lalo ang dibdib ko.
"She can't remember. She can't remember you so stop assuming that you're still her fiance or what! You are a total stranger." Galit na sabi pa ni Thunder.
Naiinis ako kay Thunder dahil sa tingin ko, mali ang mga sinasabi niya. Maling ganito ang trato niya kay James.
"Stop it, Thunder." Pumagitna na ako sa kanila.
"You don't know him, Mandy. Ibe-brainwash ka lang niya! Papaniwalain ka sa kasinungalingan! Baka nakakalimutan mo, siya ang dahilan kung bakit ka nagpakamat—"
Hindi na natapos ni Thunder ang sasabihin niya dahil bigla siyang sinuntok ni James.
"James, huwag. Tama na." Pigil ko sa kaniya nang akmang susugurin pa niya si Thunder.
"That fucking mouth of yours, ang sarap tapalan ng sandamakmak na tape. Kung meron mang nangbi-brainwash dito, ikaw 'yon."
Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa braso niya. "James, umuwi ka na. Umalis ka na muna. Sorry sa nangyari. Next time nalang."
"She's right. Just go home!" Sigaw pa ni Thunder. Nainis ako lalo kaya sinamaan ko siya ng tingin. "I said, stop it!"
Parang may lazer ang mga mata nila na parang kung sinuman ang tamaan, mamamatay.
"James, umuwi ka na."
He sighed with frustrations. Alam kong naiinis din siya kay Thunder.
"Fine, fine. Panira talaga 'yang kulog na 'yan." Sabi pa ni James.
Hinatid ko siya sa labas. Hinarangan ko pa siya dahil baka magsuguran pa sila ni Thunder.
"Sorry for what happened. But I enjoyed cooking with you. Hindi nga lang natapos. Maybe next time."
"Yes, next time. Take care of yourself." Paalala niya. "Ganito, Mandy. Bakit ba tayo natatakot sa kulog kapag umuulan?"
"Kasi nakakatakot talaga sila and it gives danger?" Sagot ko.
"Exactly. 'Yong kulog na 'yon, ang Thunder na iyon, he's a danger. So beware of him. Okay?"
Tumango nalang ako hanggang makaalis siya. Bumalik agad ako sa loob.
"Ano 'yon, Thunder? Masyado kang naging harsh sa kaniya!"
"Pinagtatanggol mo na siya ngayon? Na-brainwash ka na ba niya?"
Napahawak ako sa ulo ko nang kumirot 'yun. "Please stop..." Sabi ko.
Dinaluhan naman agad niya ako saka inalalayan. "Sorry."
Ini-upo niya ako sa sofa saka tumakbo siya para kunin ang gamot na pinapainom niya sa akin para sa sakit ng ulo.
Bakit ba galit na galit si Thunder kay James? Pati na rin si James kay Thunder?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top