Chapter 11
Mandy POV
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Hindi ko rin alam kung paano ako kikilos. Paano ba naman, narito ako sa condo ng James Abellano na 'yan. Ano bang alam ko dito sa unit niya? Sabi niya dito daw kami nagka-aminan no'ng na-fall na kami sa isa't isa. Parang hindi naman ako makapaniwala. Hindi ko naman kasi maalala ang lugar na ito.
"May naaalala ka ba? Kahit kaunti? Familiar ba ang lugar na ito sa iyo?" tanong ni James sa akin.
Naiinis pa din ako sa kaniya dahil doon sa Ynna-morata na iyon. Pero ibinalik ko na kay James ang cellphone niya. Naiinis din ako sa kaniya dahil kahit ayokong magtiwala sa kaniya ay napapayag pa rin niya akong sumama sa kaniya. Hindi ko naman kasi alam kung anong klaseng tao talaga siya. Pero kahit gano'n, iba 'yong pakiramdam ko, e.
Umiling ako. "Wala. Hindi ko alam ang lugar na ito. Wala akong matandaang kahit katiting. Pinaglololoko mo lang yata ako. Mabuti pa, uuwi na ako." Sabi ko saka akmang tatayo na.
"Sige, umuwi ka. 'Yon ay kung mabubuksan mo ang pinto." He grins saka ipinagpatuloy ang pagluluto.
Narito kasi kami sa kusina niya. Nakaupo ako dito sa dining table habang siya ay nasa harap ng kalan. Ipagluluto daw niya ako ng carbonara. Ewan ko ba kung anong trip niya. Feeling close pa. Pasalamat nga siya napasama niya ako rito. Hindi ko rin naman masasabi kung mabuti o masama ang intensyon niya sa akin. Dahil tulad nga ng sabi ni Thunder, siya ang lalaking nanakit sa akin dati—ang lalaking dahilan ng pag-a-attempt ko ng suicide.
Sinamaan ko siya ng tingin. "Are you playing with me?" mataray na tanong ko.
"Look, as you can see, nagluluto ako. So how can you say that I'm playing with you?" he laughed.
I want to punch him right now, seriously. I'm not into jokes.
"Funny." I said in sarcastic way.
"Mandy naman, hindi na mabiro." Aniya.
Hindi ako nagsalita. Hindi ko naman kasi alam ang sasabihin ko. Baka tarayan ko lang siya.
Napatingin nalang ako kay James nang tumikhim siya. Seryoso siya.
"This is me. Alam mo bang kilala ako sa pagiging maloko, jolly at positive lagi. Pero simula nang mawala ka, noong inakala kong patay ka na, naglaho lahat iyon. Napalitan ng cold, tahimik, hindi ngumingiti at mas pinipiling mag-isa na klase ng tao. Ang lakas kasi ng epekto mo sa akin. Pakiramdam ko, simula nang mahalin kita at nang dumating ka sa buhay ko, ikaw na ang naging energizer ko, ikaw ang gamot sa sistema ko, ikaw ang vitamins ko na kapag nawala, nawawalan ng buhay at sigla."
Natigilan ako dahil sa sinabi niya. Nakatalikod siya sa akin. Hindi man lang niya ako sinulyapan ng tingin nang sabihin niya iyon. Bakit ganoon? Bakit tagos sa puso ko ang sinasabi niya? Bakit ramdam na ramdam ko ang sincerity sa boses niya?
"Umalis ako ng bansa mula nang malaman kong patay ka na. Nagmukmok at nagpaka-emo. Pero ilang taon din ang nakalipas, napagpasyahan ko din na bumalik na dito sa Pilipinas para harapin ang bagay na tinatakbuhan ko—iyong pagkawala mo. Walang kasiguraduhan ang mangyayari sa akin dito sa Pilipinas dahil unang tapak ko palang dito matapos ang ilang taon, tinanong ko na agad ang sarili ko, kaya ko ba? Kaya ko bang manatili sa bansa kung saan nawala ang buhay ko?" garalgal ang boses niya. He's crying. Pero hindi siya tumitingin sa akin. Nanatili siyang nakatutok sa niluluto niya.
Lumunok ako. Nanatili akong tahimik.
"Ilang beses ko na bang tinanong sa sarili ko iyon? Ilang beses ko na rin bang sinagot iyon na hindi ko alam. Hindi ko alam kung paano ulit bubuuin ang buhay ko? Paano kung ikaw ang kabiyak ko? Kung wala ka. Hindi iyon mabubuo 'di ba? Pakiramdam ko, kaunting kaunti nalang, bibigay na rin ako at susuko." Huminga siya ng malalim. "Hanggang isang araw napagpasyahan kong subukang buuin ulit ang pagkatao ko. Nag-enrol ulit ako sa SWU dahil hindi ko pa natapos ang pag-aaral ko. Mula nang mawala ka, nawalan ako ng gana sa lahat ng bagay kaya pati pag-aaral ko na-apektuhan. And then, dumating ang araw na... nabuhay ulit ang pagkatao ko."
Tumingin siya sa akin. Kitang-kita ko ang pagtulo ng luha niya. "You're alive. When I saw you with my own eyes, parang tumigil ang ikot ng mundo. Hindi ko alam kung totoo ka ba o dala lang ng pagka-miss ko sa iyo kaya nakikita kita. Pero hindi, buhay ka talaga. And I swear, I was the happiest person that time."
I bit my lower lip. Ramdam na ramdam ko ang emosyon niya. His eyes, they looked sad. His lips, it's sincere.
"You have no idea how happy I am that time that I want to jump on a fucking 100th floor. Pero naisip ko, kapag ginawa ko iyon, ako ang mamamatay. E 'di wala ding sense na nakita kita ulit." He wiped his tears. "I am still trying to crack a joke. But damn it, you're still my Mandy. You're KJ. Honestly."
Okay na, e. Nagda-drama na. "KJ? Ako?"
"Hindi ka madaling matawa sa mga jokes. Hindi ka palatawa dahil mataray at masungit ka. Alam mo naman sa sarili mong demonyita ka. But you know what I am proud of? I can make you smile even in simple things... before."
Napalunok ako. This James Abellano is getting into my nerves. In positive way. May something sa kaniya at ramdam kong totoo naman ang mga sinasabi niya kanina—tungkol sa feelings niya. Nararamdaman ko, mahal niya ako, mahalaga ako sa kaniya. Pamilyar, e. Dito sa puso ko.
"Can I ask you something?" tanong ko.
"You are free to ask me, anything or everything. I will answer you honestly." Sabi niya saka pinatay na ang stove.
Naglagay siya ng pasta sa plato saka nilagyan ng sauce. Ipinatong niya sa mesa sa harap ko. Aaminin ko, mabango. Mukhang masarap ang luto niya.
"B-Bakit ako nagpakamatay?" I looked at him directly to his eyes. Gusto kong sagutin niya ako ang nakatingin siya sa mga mata ko para makita ko kung sincere o totoo siya sa isasagot niya. "Is it because of you? Is it because you cheated on me? Is it because you hurt me?"
Umupo siya sa tapat ko.
"Mandy." hinawakan niya ang dalawang kamay ko na nakapatong sa mesa. "Tulad ng sabi ko, magiging honest ako sa pagsagot ko. Hindi kita niloko. Hindi kita sinaktan pero hindi ko alam kung ako ang dahilan. We were so happy that time. Nasa rest house tayo sa Batangas, we're together. Dalawa lang tayo, savouring our moment. Iyon na yata ang pinakamasayang bakasyon nating dalawa. We talked about our future dahil sigurado na tayo sa isa't isa. We slept together in one bed. Wala tayong problema but then,nagising nalang ako na wala ka na sa tabi ko, and I found out..." he paused for a while. Nagsisimulang tumulong muli ang luha niya ngunit nanatili siyang nakatitig sa akin. "You left me. You're gone. I have no fucking idea where were you that time. Ipinahanap kita sa dagat, pero hindi ka nila makita. Ang tanging nakita ko lang ay ang pares ng tsinelas mo sa tabing dagat."
Hindi ko namalayang malayang tumutulo na rin ang luha ko.
"And that time, nang nawalan na kami ng pag-asa, pakiramdam ko ay gumuho ang mundo ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ko alam kung paano ko tatanggapin. I was miserable. I was... lifeless."
I tilted my head. Biglang may kumirot sa bandang ulo ko kaya napapikit ako. Nakikita ko ang dagat sa isip ko. Nakikita ko ang sarli ko na nasa dagat. Palalim ng palalim.
"Mandy, hey? Are you okay?"
Napahigpit ang hawak ko sa ulo ko. Ang sakit. "Ang s-sakit..."
Mabilis akong itinayo ni James saka ako niyakap. "Huwag mong pilitin ang sarili mong alalahanin ang lahat. Huwag. Kaya kong maghintay. Gagawin ko lahat, tutulungan kita hanggang maka-alala ka na. We'll take it slow. Calm down."
Sa ganitong paraan ay nawala ang gumagalaw na pangyayari sa isip ko. Humigpit ang hawak ko sa mga braso ni James. Unti-unti naring nawawala ang sakit sa ulo ko.
"Sshh..."
I felt relieved. Pakiramdam ko ay reliever ko ang yakap niya. Kadalasan, kapag sumasakit ang ulo ko, pinapainom agad ako ng gamot ni Thunder para mawala pero si James, simpleng yakap niya lang.
"Makaka-alala ka din, soon. Okay? Narito ako. Hindi kita iiwan. Hinding-hindi ko hahayaang mawala ka ulit sa akin sa pangalawang pagkakataon. Hinding-hindi." kumalas siya ng pagkakayakap sa akin saka ko sinalubong ang mabini niyang halik.
I was, stunned. Hindi ko alam kung bakit hindi ko siya magawang itulak dahil alam ko, hanggang ngayon, stranger pa rin ang tingin ko sa kaniya. Wala pa rin akong kasiguraduhan kung sino ba talaga siya o ano ba talaga ang ginawa niya sa akin.
Gumalaw ang labi niya. Tumugon ako. Pamilyar.
Lumalim ang halik niya hanggang sa kusa na siyang tumigil. Hinalikan niya ako sa noo at muling niyakap. "I missed your lips."
Pakiramdam ko ay namumula ang buong mukha ko. Pumayag akong halikan niya ako. Pumapayag akong yakapin niya ako. Ang gaan ng pakiramdam ko sa kaniya. Ano ba ito, pakiramdam ko napaka-pamilyar nito.
"Eat. Para matikman mo na ang specialty ko. Para ma-inlove ka lalo sa akin." Sabi niya saka muling kumalas ng yakap.
Umupo ako. Nahiya ako bigla. I felt awkwardness. Siyempre, ako 'tong ang taray taray sa kaniya tapos magpapahalik. What the hell, right?
"Eat." Ulit niya. Umupo na siya sa harap ko at naglagay rin ng niluto niya sa plato niya. "Don't worry, wala 'yang lason."
Ngumuso ako.
Sumubo ako ng carbonara na pinagmamalaki niya. Aaminin ko, masarap. Gusto ko ang timpla at lasa. Nakakainis ang James na iyan. Hindi ko na talaga alam kung anong nangyayari sa akin.
"You're blushing." He teased.
Inirapan ko siya. "Mainit kasi. At namumula ako kapag naiinitan ko." Palusot ko. Nakakahiya. Bakit ba apektado ako sa kaniya? Kainis! Sarap tapalan ng pink card sa noo.
"Talaga?" nang-aasar ang ngiti niya.
"Oo nga!" sabi ko saka kunwari'y nagpaypay. "Init."
Nagkibit balikat siya. "Halos todo na nga ang aircon. Saka no'ng niyakap kita, wala ka namang pawis. Kahit noo mo, wala ding pawis. Ano iyan, invisible pawis?" he laughed.
Sinamaan ko siya ng tingin. "Gusto mo ba talagang matapalan ng pink card?"
"Plagiarism ka."
Lalong sumama ang tingin ko. "You're so annoying."
"You're so pretty." Sagot niya.
Napalunok ako. "Tigilan mo nga ako!"
"What? You're blushing again. Mainit ulit?" tumawa na naman siya. Kung hindi lang masarap ang carbonara na nasa harap ko, ingungudngod ko siya dito.
"James Abellano." I said in my warning tone.
"Yes, Mandy Aguilar Abellano?"
"Aguilar is my surname. I am not an Abellano. Huwag ka ngang epal d'yan." Kulang nalang ay liparin ang mata ko kaka-irap sa kaniya kanina pa.
Parang walang namagitan na halik...
"E 'di Aguilar, pero balang-araw, magiging Abellano ka. Itatak mo sa six pack ABS ko." Sabi niya.
"Whatever! I dont need your six pack ABS." Iritado kong sabi. Ang yabang. Paki ko ba sa ABS niya? Makakakain ko ba 'yan?
He's smiling from ear to ear. "Kunwari ka pa. Gusto mo bang makita ang six pack ABS ko?"
I rolled my eyes. "I better choose a one pack AB than your six pack ABS." Bulyaw ko.
Napansin kong natigilan siya habang nakatitig sa akin.
"What?" iritado kong sabi.
"That was me, before."
Kumunot ang noo ko. "You? Before? What do you mean?"
"One pack AB. I have one pack AB before."
Natigilan din ako. Hindi ko rin alam kung bakit nabanggit ko ang one pack AB na iyon. Basta ang alam ko, nakatatak sa isip ko ang salitang iyon. So it reminds me of him.
"May mga bagay pa rin talagang nakatatak diyan sa isip at puso mo, tungkol sa akin. Hindi man malinaw, pero meron." Makahulugan niyang sabi.
Huminga ako ng malalim at sinalubong ang tingin niya.
"I love you, Mandy."
And with that three words, my heart suddenly beat so fast.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top