Chapter 16

Mandy POV

Habang nakaupo dito sa couch sa living room ng unit ni James, pakiramdam ko ay at home ako. Narito ba ako dati lagi? Pakiramdam ko kasi ngayon, napaka-pamilyar ng lugar na ito compare to the first time he bought me here na hindi ko maramdaman na alam ko ang lugar na ito.

"Mandy ko."

Nag-angat ako ng tingin. Ang gwapo ni James sa suot niyang blue apron. Bagay sa kaniyang maging Chef kasi magaling siyang magluto.

"Yes? Do you need anything?" Gusto ko kasi siyang tulungan sa pagluluto ng pang-foodtrip namin kaso sabi niya ay siya na raw.

"Maaari mo ba akong handugan ng kahit isa lamang na halik sa aking pisngi? Pampagana lang sana, Mandy ko. Sana ay pagbigyan mo ako."

Nakagat ko ang ibabang labi ko. Ang lakas tuloy ng kabog ng dibdib ko. Kahit naman nararamdaman kong may relasyon nga kami ni James, naiilang pa din ako sa kaniya. Hindi ko pa naman kasi naaalala lahat lahat. Pero nagiging komportable na naman ako sa kaniya.

"Why?" Pagtataray ko.

"Kakasambit ko lamang na ito'y pampagana lamang sana."

He's still using deep tagalog at hinayaan ko nalang siya. Ang effort niya sa part na 'yon and I really appreciate that. Nakakatuwa siya. Iyong malaman na dahil lang sinabi kong cool sa kaniya ang magsalita ng deep tagalog, e iyon na ang ginagamit niyang language ngayon. Matatawa ka nalang tuloy na mano-nosebleed.

"Bakit? If I kiss you, what will happen?"

Ngumiti siya ng pagkalapad lapad. "Aba naman, talaga namang ako'y lalong gaganahan sa pagluluto."

I smiled. He looks like a poet with his deep tagalog.

Huminga ako ng malalim saka tumayo. Lumapit ako sa kaniya. Magpa-pabebe pa ba ako, e gusto ko din naman.

I kissed his cheek and smiled at him. "Ayos na?" Tanong ko pero nanlaki ang mga mata ko nang bigla niya akong kabigin at siniil ng halik sa labi ko.

Wala akong nagawa. Hindi ako nakapag-react. Napakabilis niya. Isa pa, aminin ko man o hindi, gusto ko ang mga halik niya. I really love the feeling when he touch me, when he kiss me, it's just familiar. So familiar.

"Napakatamis ng iyong labi. Para akong nahihipnotismo sa tuwing dadampi ang labi ko sa labi mo. Iba talaga ang epekto mo sa akin, Mandy ko."

Hindi ko alam kung matatawa ako sa salita niya o magre-react ako sa paghalik niya, e.

"Magluto ka na nga do'n!" Pagsusungit ko kahit deep inside, ang lakas lakas ng kabog ng dibdib ko. This is not normal. Ito 'yong kabog ng dibdib na inlove ka.

He winks at me. "Masusunod, aking kamahalan." Tumungo pa siya saka bumalik ng kusina.

Napangiti ako saka umupo na ulit sa couch. How could he make me smile like that? Sa simpleng gestures o ginagawa niya lang, palagi niya akong napapangiti. Napaka-cool ng personality niya. Idagdag mo pa 'yong, ang gaan gaan niya lang sa pakiramdam.

Tumunog ang phone ko. It's Thunder. Bakit naman kaya napatawag ang kulog na 'to?

"Yes?" Sagot ko sa tawag.

"Where are you? I'm here at the mall."

My eyes widened. At bakit naman siya nagpuntang mall. Sinundan ba niya ako?

"Why are yo ther—here?"

"I was bored and gusto na rin kitang samahan. Where are you? Pupuntahan kita."

Nasapo ko ang noo ko. Seriously? Panira naman 'tong si Thunder. What should I do? I don't want to leave. Masaya akong kasama ko si James.

"Shopping. I don't want to offend you but I really want to be alone right now, Thunder. Alam mo naman kung paano mag-shopping ang mga babae. Matagal at nakakapagod. So ayoko lang na maabala ka pa." I lied. For James, I lied. What's wrong with that? I really want to be with him.

I heard him sighed. "I can wait for you."

"Thunder, I appreciate you but you should go home. I'm fine, okay? Tatawag ako kapag pauwi na ako."

"Alright, if you say so. Just take care and call me right away if you need something."

"Copy."

I ended the call and took a deep breath. Medyo kinabahan ako do'n. It's not that I am afraid to Thunder. Ayoko lang na pakialamanan niya ako kung sumama man ako kay James. I trust him and I owe him my life because he saved me. And now, he's treating me pero mali pa rin 'yong palayuin niya ako sa taong maaaring makatulong sa akin na maibalik ang alaala ko.

I don't even know kung bakit para bang ayokong paniwalaan ang sinabi niyang si James ang dahilan ng pagpapakamatay ko. He told me he was my ex, but James kept on telling me that he is my fiance. This time, mas pinapaniwalaan ko si James.

"Mandy, are you okay? Sinong tumawag? Narinig kong may kausap ka?" Tanong ni James na may hawak pang kutsilyo. Akala mo mananaksak, e.

"Si Thunder. He's looking for me. But it's fine now."

"Pambansang epal talaga 'yang kulog na 'yan, e. Kahit tag-init nariyan."

Oh. He's not using deep tagalog.

"Pero mas maigi nang hayaan siya at huwag na lamang pansinin. Bagamat ako'y nagagalit na, pipigilan ko para sa iyo, aking irog."

Napangiwi ako. I thought he's going to speak normal again. But then, it suits him kaya ayos lang.

"Tapusin mo na kasi ang pagluluto mo!" Sabi ko.

"Masusunod, kamahalan!" He said and left me again here in living room.

Hindi ko naiwasang tingnan ang paligid. This place is really familiar. Ano bang mga nagawa ko dito noon? Lagi kaya akong narito? Lagi din kaya niya akong pinagluluto noon? I can't wait to remember all my memories. Ngayon palang na wala akong maalala tungkol kay James, interested na ako sa kaniya. Isa pa, ramdam na ramdam ko naman dito sa dibdib ko na siya ang tinitibok ng puso ko.

Kahit kailan talaga, kahit makalimot tayo. Ang puso, hinding hindi makakalimot.

Kumunot ang noo ko nang may mapansing picture frame sa side table. Ngayon ko lang 'to napansin.

It's me and James. Beach ang background. We looked so happy together. Nakaakbay pa siya sa akin, at pareho kaming malapad ang ngiti.

I closed my eyes and tried to remember about this beach.

Napangiti ako. May nakikita akong beach sa isip ko. Nakikita ko ang sarili ko na nasa duyan, at may lalaking hindi ko makita ang mukha. He's talking about our future.

Si James ba iyon?

Napahawak ako sa ulo ko nang makaramdam ako ng pagkirot. Eto ang nangyayari kapag pinipilit kong makaalala, e. But I really want to remember him. Ang lalaking nakikita ko lagi sa isip ko at sa panaginip ko, I know it's James. But still, I want to remember all the things about us.

And also, I want to remember why I committed suicide when we seemed a happy couple before.

"Dyaraaan! Luto na ang mga pagkain, Mandy ko."

Umayos ako ng pagkakaupo. Mabuti na lamang at nawala ang pagkirot ng ulo ko. I smiled at James. Hawak niya ang dalawang plato ng pasta with white sauce. Pinagmamalaki niya 'yan kanina when we're on way here.

"Pasta ala Mandy ko." Ipinatong niya sa center table ang dalawang plato.

"What?"

He chuckles and pinched my cheek. "Ang cute mo, sabi ko."

Sumimangot ako. "Siguraduhin mong masarap 'to ha." Biro ko.

Sumeryoso ang mukha niya. Kinabahan naman ako. Na-offend ba siya sa sinabi ko?

"Mandy."

"James?"

"Hindi ako sigurado kung masarap 'yang pasta ko. Pero isa lang masisiguro ko, masarap ako."

Naningkit ang mga mata ko at inihagis sa kaniya ang nahagip kong throw pillow. "Bastos!"

Humagalpak siya ng tawa saka bumalik sa kusina. Baliw talaga, e. He's really playful and jolly. Siguro, isa 'yon sa mga attitude niyang minahal ko.

"May wine, s'yempre!" Ani James pagbalik dito na may hawak ng bote ng wine at dalawang wine glass.

Inilapag niya iyon sa center table.

"Let's eat together." Sabi ko.

"Sandali lamang, irog ko. Ako'y magtatanggal lamang ng apron ko, at magtatanggal ng gahiblang pawis sa noo ko upang ako'y magandang ginoo pa rin sa iyong paningin."

Napailing ako. "Para ka tuloy diyang makata sa pagsasalita mo. But it's still cool."

Ngumisi siya at bumalik ng kusina. Habang nakatingin sa pagkain ay natakam ako. He's a good cook. I wonder kung araw araw niya kaya akong pinagluluto noon? Or ano bang lagi naming ginagawa?

"Handa na ako, Mandy ko. Tingnan mo lang ako at alam kong ika'y mabibighani sa akin."

Tumawa ako. "Oo na, James. Let's eat?" Nakakagutom kasi itong niluto niya.

"Sandali lamang, Mandy ko. Maaari lamang ay halikan mo muna ako sa pisngi ko."

Again? "Then what? You'll kiss me, too? Style mo, James. Bulok."

"Napakasakit mo namang magsalita, irog ko. Masama bang maghangad ng isang halik galing sa isang binibining tulad mo?"

"Stop it, James. Dumudugo na ang ilong ko." Natatawang sabi ko.

"Hindi ako maaaring tumigil sapagkat ikaw'y nagagwapuhan sa akin kapag ganito ang wika ko."

I surrender. Wala na, kinain na nga ng sistema si James. "Alright, then let's eat?"

He smiled at me. Ipinaglagay niya ako ng wine. "Cheers?"

"For what?" May dapat ba kaming i-celebrate?

"Para sa ating dalawa. Cheers para sa patuloy na pagsasama nating dalawa."

"Alright." Nagcheers kami saka sumabay na uminom ng wine.

Nagsimula na rin kaming kumain. Ito 'yong gusto ko, iyong bonding. Simpleng kain, magkasama kami, ganito. I know I'm a spoiled brat bitch with devilish attitude. Pero 'yong mga simpleng ganito ang nagpapasaya sa akin. At si James lang ang nakakagawa nito. I'm with Thunder for years. Same house, but I never felt this feeling for him.

"Mandy, serious muna ako ngayon. Hindi muna ako gagamit ng deep tagalog. Bukas na ulit."

Well, thanks! Na-nosebleed din ako sa kaniya, e.

"Fine."

"May naaalala ka na ba kahit kaunti lang?" Tanong niya. "Nakikita mo na ba ako sa panaginip mo o kahit sa isip mo lang? Do you already remember me?"

I bit my lower lip. I see sadness in his eyes. "James..."

"Wala pa? Hindi pa din?" Malungkot na tanong niya kahit nakangiti siya. His eyes can't lie.

I took a deep breath. "Alam kong malapit na. Maaalala na kita. Maaalala ko na lahat, James. I don't want to see you sad."

"Hindi ako malungkot. Masaya ako, Mandy ko. Masaya na akong kahit hindi mo ako naaalala, nakakasama kita at may tiwala ka sa akin."

Malungkot siya, alam ko. Ngumiti ako saka hinaplos ang pisngi niya. "I can't remember you but this?" Itinuro ko ang bandang puso ko. "Naaalala ka nito."

"Fuck."

Napansin kong may namumuong luha sa mga mata niya. "Hey, we supposed to be happy. Right? Bakit may luha d'yan sa mata mo?" I tried to cheer him up.

Suminghot sya saka mabilis na pinunas ang luha sa mata niya. "I'm not. Fuck. Nagluluha lang ako, but I'm not crying. I won't."

"James, ramdam na ramdam ko dito. Mahal kita."

He smiled at me. "Damn it."

"Kaya huwag ka ng malungkot. Memories ko lang ang nawala, hindi 'yong nararamdaman ko sa 'yo."

"Damn, how could you manage to make me smile, Mandy." He said then he grabbed my head.

He's kissing me and with his kiss, I could feel his heartbeat. I could feel that he really love me, and so do I. I respond to his kisses. Nalasahan ko pa ang wine sa bibig niya.

"I love you so much, Mandy." He said then kissed me again but I stopped him.

"Akala ko ba kakain tayo?" Nakangiting sabi ko.

Umiling siya. "Sorry but I prefer you lips." He said and claimed my lips again.

It was a sweet kiss. Na para bang ayoko ng itigil. Na para bang gusto ko pa ng higit ro'n. This is what I want to feel. Iyong pagmamahal na parang sasabog habang hinahalikan niya ako. How can I forget this? How can't I remember his kisses—that made me weak.

He guided me to lay on the couch. Ngayo'y nakahiga na ako, at siya nama'y nasa ibabaw ko. He's still kissing me, and all I could do is to respond. I don't want him to stop. Kakaiba ang nararamdaman ko ngayon. Pakiramdam ko ay may apoy na ayaw papigil sa buong sistema ko.

He started to kiss my neck. I can't help but groan with pleasure. This feeling seems familiar... Why?

"J-James..."

He kept on planting small kisses on my neck then kissed my lips again. I love this feeling, seriously.

"Damn it. I missed you, Mandy. I love you." He whispered and claimed my lips again.

He was right. This thing is better than the food he cooked. I preferred his lips, too. I respond to his kisses with the same intensity. Para kaming may sariling mundo. Para kaming nawawala sa mga sarili namin and all we want to do is to kiss each other.

He carressed my breast. I moaned. Damn this pleasure. I know this is wrong because I can't still remember him but I can't stop this. Gusto ko ito at ayaw kong tumigil siya sa ginagawa niya.

Nang tatanggalin na niya ang butones ng shorts ko ay may naalala ako. Bigla akong natauhan. Bahagya ko siyang naitulak.

"J-James.."

"What?!"

"Virgin pa ako." Nahihiya pa ako sa sinabi ko. Yes, marunong ding mahiya ang isang Mandy Aguilar.

"What the hell?" Aniya.

Iyong mukha niyang parang iritable na nabitin, napalitan ng pag-ngiti hanggang humagalpak na siya ng tawa.

What's wrong with him?

"Why are you laughing?"

Instead of answering me, lalo siyang tumawa. Nakatayo na siya at ako'y nakahiga pa din sa couch. Umupo ako ng padabog habang nakatingin sa kaniya.

"Pinagtatawanan mo ba ako?" Masungit na tanong ko.

"No! Damn it." Aniya habang tumatawa. "I didn't know that..."

"That?" Nakakunot na ang noo ko. Hindi ko ma-gets kung bakit bigla bigla na lamang siyang tumatawa.

"Fuck, Mandy. Hindi ko alam na nakalimutan mo ring hindi ka na virgin. We already made love."

Nanlaki ang mga mata ko. Pinipigilan niyang matawa pa rin. But he kissed my forehead.

"I love you. We'll do it soon, again. Sorry, nadala lang ako."

What the heck was that? Hindi ko pinansin ang huling sinabi niya. We made love? Already? At sinabi kong virgin pa ako? Punyeta, nakakahiya!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top