Chapter 17
James POV
Masaya ako dahil unti-unti ko na ulit nararamdaman na malapit nang makaalala si Mandy. Iyon lang naman ang inaantay ko, e. Kapag nakaalala na siya, hindi na ako magdadalawang isip na alukin siyang magpakasal. Mahal na mahal ko talaga ang babaeng 'yon, kahit pa demonyita iyon.
Nag-beep ang phone ko. May message ako sa messenger. Si Mama. Pauwi kasi siya ngayon dito sa Pilipinas galing abroad. Hindi ko na nga siya tinatanong kung saang bansa siya pumupunta. Hinahayaan ko nalang. Iyon na kasiyahan ni Mama.
Napakamot nalang ako sa ulo ko. Hanggang ngayon bine-baby pa din ako ni Mama. Iba talaga kapag only child. Susunduin ko nga pala siya mamaya. Mabuti nalang, sabado ngayon at walang pasok.
Sineen ko nalang si Mama. Gets na niya 'yon.
Tumunog ulit ang phone ko. Si Mandy nag-text. Natututo na siyang mag-text ngayon. Napangiti tuloy ako.
Napangiti ako lalo. Tangina nakakabakla 'to. May two tickets na agad siya. Galawang demonyita talaga. Gusto lang talaga niya akong makasama.
I dialled her number. Sinagot naman niya agad ang tawag ko.
"Hi." Sagot niya. Para pa siyang nahihiya.
Damn it, ang isang Mandy Aguilar nahiya? Sa akin lang 'yan. Lakas talaga ng kamandag ko sa kaniya.
"Ngayon mo na ba gustong manood ng movie? Kailangan ba talaga ngayon?" Tanong ko. May lakad kasi ako.
"Uh. Hindi naman agad agad. Pwede namang bukas or mamayang gabi. Ikaw, kailan ka free?"
Napangiti ako lalo. "Sa akin pala naka-depende. Feeling VIP ako, Mandy ko."
Natahimik siya. "H-Hindi kasi ano... Ah..."
"Hindi kasi ako pwede ngayon. Pauwi si Mama ngayon at susunduin ko siya sa airport mamaya. Saka baka magyaya siya ng dinner. Pwede ka? Para mapakilala ko na din siya sa iyo. Kilala mo na siya pero baka hindi mo rin siya natatandaan."
"M-Mama mo?"
"Oo."
"Ipapakilala mo ako? Ah... Bilang ano?"
"Mandy ko, alam niyang fiance kita at mahal na mahal ko. Huwag kang mataranta diyan. Kailan pa nataranta ang isang Mandy Aguilar?"
I heard her little laughs. "Kinabahan lang ako. I can't remember that I met your mother."
"Makikilala mo na ulit siya kaya sana pwede ka mamayang gabi para sa dinner. Bukas, promise sasama ako sa iyong mag-sine."
"Alright! I will. Where should we meet?"
"Susunduin nalang kita mamaya sa bahay niyo." Sabi ko.
"Pero si Thunder kasi..."
"Hayaan mo siya. Hindi mo naman siya tatay."
"Okay! Fine. Should I wear a dress? Or what?"
"Kahit anong isuot mo, maganda ka Mandy ko. Kaya ikaw na ang bahala. Hindi mo kailangang magpaka-perfect. Dahil sa paningin ko, perfect ka na."
Natahimik siya bigla. Pero nakakarinig ako ng impit na tili.
"O-Okay... See you later."
"I love you, Mandy ko."
Tumikhim siya. "Uh..."
"Hindi mo kailangang sagutin iyon. Hindi naman iyon tanong. Basta I love you. Mahal kita, Mandy ko. I'll hang up."
Pinutol ko na ang tawag. Ano naman kayang gagawin ni Mama dito sa Pilipinas. Sa pagkakaalam ko, hindi niya masyadong gustong tumigil dito dahil wala naman siyang mga friends dito. Masungit kasi pero mahal na mahal niyan ako ni Mama. Baby na baby ako diyan kahit minsan nakakaasiwa na.
Tumunog na naman ang phone ko. Si Ynna.
"Hey." Sabi ko pagkasagot ko ng tawag.
"Uuwi daw si Tita Jamie? Wow! I missed her. Kailan ang dating niya?"
Natawagan na siguro siya ni Mama. They are close and besides, I know my mother is thankful to Ynna because she helped me to go on with my life.
"Mamaya ang dating niya. Susunduin ko siya sa airport."
"Wow! Sama ako!"
"Ikaw ang bahala." Tumawa ako. "Alam kong miss mo na si Mama."
Noong nasa abroad kami noon nung akala ko patay na si Mandy, si Ynna talaga ang lagi kong kasama. Kaya nga naging close na din talaga siya kay Mama.
"Super! Tawagan mo ako kapag papunta ka ng airport ha?"
"Yeah. I will."
"Okay, bye bye, let's meet at the airport!"
She ended the call. Napaka-hyper. Kumusta kaya sila ni Hong. Alam ko, boyfriend na niya 'yon. Wala na akong balita sa kanila. Gusto ko din naman na sumaya si Ynna. She's been my friend and she cares for me a lot before. Lalo na noong time na nagmo-move-on ako kay Mandy. She's always with me. Siya ang nagtiyaga sa ugali ko. Hindi niya ako sinukuan at basta nalang hinayaan. She's one of the best friends I have. Kaya gusto ko din talaga na mahanap na niya ang lalaking magpapasaya sa kaniya at mamahalin siya ng lubos. She deserve to be happy.
Sumandal ako sa sofa at pumikit. Ilang taon na ang nakalipas. Posible kayang iyon ang dahilan kung bakit kapag pumipikit ako, hindi ko na nakikita si Mandy sa isip ko? Hindi ko alam kung bakit. Mahal na mahal ko siya pero bakit hindi ko na kayang damdamin dito gamit ang isip at puso ko? Hindi ko alam ang nangyayari sa akin. Basta ang alam ko, gusto ko na siyang makaalala at gusto ko na siyang makasama bilang asawa ko.
I am ready to marry her. Um-oo lang siya, hindi ako magpapaliguy-ligoy pa. Wala naman akong hinangad mula nang malaman kong buhay siya. Wala akong ibang gusto kung hindi ang gawing Abellano ang epilyedo niya.
-
Mandy POV
Boring na boring ako dito sa mansion. Ang KJ kasi ni Thunder, e. Inaaya ko siya kaninang magluto pero sabi niya nakakatamad daw saka may cook naman kami.
Samantalang si James, gustong gusto na ipagluto ako.
I scanned my facebook. Walang magawa. God! I really don't want to stay here in our house every weekend. Kung pwede lang na lagi ko nalang kasama si James para hindi ako nabo-boring ng ganito.
While scanning, napabalik ako kasi may nadaanan ako sa newsfeed ko.
James Abellano was tagged in a photo.
I checked it, and I saw him with Ynna. What the hell? They were together? Sa airport? Bakit hindi ako niyaya ni James na magsundo sa airport? Bakit si Ynna ang kasama niya? Naka-akbay pa 'yong Ynna na 'yon kay James na parang super duper close nila! Just wow.
Yes, James told me that his mother will come, pero hindi niya ako inaya sa airport. He only invite me to dinner with his mom. Dahil ba sa Ynna na 'yon?!
Naibato ko ang phone ko sa kung saan. Basag. I don't care. I can buy a new phone. Just damn it! Naiinis ako!
"Madam! May problema po ba?" Tanong ng maid. "Naku madam, nabasag po ang cellphone niyo!"
"I don't care! Leave me alone!" Sigaw ko kaya umalis naman agad siya.
Mainit ang dugo ko. Mainit ang ulo ko. I want to pull her hair! Damn her. Bakit ba siya dumidikit kay James? Feeling close talaga ang babaeng iyon!
"What happened?" Thunder asked. Parang tumakbo pa siya galing sa taas.
"Wala." Sagot ko.
"You threw your phone. Dahil trip mo lang. Is that it?"
"Thunder. Please. Not now." Mainit talaga ang dugo ko at ayaw kong maibunton sa iba.
Napakaliit na bagay lang naman ang ikinakainis ko pero damn it! Ang big deal sa akin. They looked so happy in one picture. Together—damn together! Malandi ang babaeng iyon. I know her. I remember her! She's a bitch. Anong karapatan niyang sumama at dumikit-dikit kay James? Wala! I'm his girlfriend pero bakit iyong Ynna na iyon ang kasama niya?
"What's happening on you? Mula nang makilala mo ang James na iyon, paiba-iba na ang mood mo. Demonyita ka, oo. Pero hindi ka ganyan na parang spoiled brat na may attitude. Iyan ba ang itinuturo sa iyo ng lalaking 'yon?"
"Don't mention his name." Banta ko. Ayokong isinisisi niya kay James ang lahat. Dapat nga ay magpasalamat pa ako dahil tinutulungan ako no'ng tao na makaalala.
And he's my boyfriend! I know how painful it is. Iyong sarili mong girlfriend hindi ka maalala. Dapat ay magalit siya sa akin. But what did he do? He's helping me to remember. Kahit alam kong nasasaktan siya.
"I'm just telling the truth. Hindi talaga makakabuti sa iyo ang pagka-usap sa lalaking iyon."
"Thunder! I said shut up. Hayaan mo muna ako. Naiinis lang ako." Sigaw ko. Nakatayo na ako habang nakaharap sa kaniya.
"You're different now. Pakalmahin mo ang sarili mo." Aniya sa kalmadong tono.
Umiling ako. "No. I am just being myself. Is this the old me? The original me? Because I don't know. I want to remember everything about me! I want to know! Pero parang pinipigilan mo iyon. Alam nating lahat na si James lang ang makakatulong sa akin."
I am starting to cry. Ang hirap din naman kasi sa kalagayan ko. I can't remember anything! Ang hirap hirap. Para akong bulag na nangangapa sa dilim.
"Mandy."
"You're here to help me. You're my psychologist! But it seems like you don't want me to remember. Bakit ba inilalayo mo ako kay James? Bakit ba ayaw mong kausapin ko siya o sumama ako sa kaniya? Why?!"
"Mandy, I'm helping you. Ilang taon akong nag-stay sa tabi mo para tulungan kang maka-recover. You know that! Mahalaga ka sa akin. At alam mo kung bakit ayaw kong nakikipag-usap pa sa James na iyon! You know that he's the reason why you tried to suicide! Nakalimutan mo na ba?"
Suicide...
I almost forgot na kaya ako nagkaroon ng amnesia ay dahil nag-suicide ako. At hindi ko pa din alam kung bakit at ano ang dahilan ng suicide na iyon. If I am happy with James, then why hell did I committed suicide?
"Boyfriend mo nga siya, oo. Pero wala tayong alam sa nangyari noon! Hindi ka magsu-suicide kung hindi ka niya sinaktan noon. Hindi mo gagawin 'yon dahil lamang sa simpleng away. Kaya ayokong lumalapit ka sa kaniya. Dahil sa halip na tulungan ka niyang maka-alala, baka i-brainwash ka lang niya para mapagtakpan ang kasalanan niya noon."
Bigla akong napaisip sa sinabi Thunder. May point siya. Bakit nga ba nawala sa isip ko iyon? Masyado akong nagpakalulong sa sinisigaw ng puso ko. Masyado akong natuwa sa ipinakikita ni James sa akin. Hindi ko man lang naisip na nagcommit ako ng suicide. And I have no any idea why.
"Iwasan mo siya. Hangga't hindi mo alam ang totoong dahilan kung bakit ka nag-suicide, huwag mo siyang pagkatiwalaan dahil lang ramdam mo na mahal mo nga siya. Yeah, you love him. Mararamdaman mo naman iyan. Pero huwag mong balewalain ang dahilan kung bakit ka may amnesia ngayon."
I cried. Napaupo ako sa sofa. Nakahawak ako sa ulo ko habang pilit na iniisip. Ano ba talaga ang ginawa ko? Ano ba ang nangyari noon? Ano ba! Nahihirapan na ako. Hirap na hirap na ako!
"Gusto ko ng makaalala! What should I do? I want to know everything! I want to know!" Sigaw ko. Pakiramdam ko ang hina hina ko ngayon. I can't even think straight.
Okay naman ako, e. Masaya ako kay James. Pero bakit dahil sa sinabi ni Thunder bumalik na naman 'yong mga tanong sa isip ko.
"Why the hell did I committed suicide? Why?!"
Niyakap ako ni Thunder. "Sshhh. You will remember soon. Huwag mong piliting makaalala. Just take care of yourself. And not because you can't remember everything, you'll believe what will they say. Hindi mo alam ang totoo at hindi, dahil hindi mo naaalala."
Tumango ako. He's right. Thunder is right. Damn it! Nagpapadala ako sa puso ko. I need to use my mind.
"Everything will be alright. Cheer up now. Maaalala mo din ang lahat."
Sana nga. Sana ay maalala ko na ang lahat. Dahil nahihirapan na ako. Para akong pumasok sa exam nang hindi ako nang-aral. I have nothing inside my mind about my past. I want to know everything!
And for now, kailangan ko munang iwasan si James. Masyado na akong nagpapadala sa damdamin ko. And it's not good.
"Tandaan mo, Mandy. Hindi sa lahat ng pagkakataon, kailangan mong sundin ang puso mo. Minsan iyon pa ang nagdadala sa iyo sa kapahamakan. Use your mind."
Tumango lamang ulit ako sa sinabi ni Thunder. He's definitely right. James Abellano? He could make me feel love. He may be the love of my life, but he can also be the destroyer of my life.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top