Chapter 18
James POV
Pinapanood ko si Mama habang namimili ng isu-suot niyang dress. May dinner kaming pupuntahan mamayang gabi. Ang sabi ni Mama, ipapakilala niya sa akin ang boyfriend niya.
Ang nanay ko, kung kailan tumanda, saka natutong lumandi. Hindi na talaga sila nagkabalikan ni Papa. Syempre, mahal na mahal ni Papa si Tita Fiona. Kahit patay na siya, nanatiling loyal si Papa.
"Ma, nahihilo na ako. Wala ka pa bang napipili?"
Naubos ko na ang magazines dito sa boutique habang inaantay si Mama. Dapat kasi si Ynna ang yayayain niyang mamili ng damit kaso busy si Ynna. Hindi na nga natuloy ang dinner dapat kagabi—na dapat ipapakilala ko na ulit si Mandy kay Mama. Pero na-cancel kasi may dinner nga daw ngayon tapos may jetlag si Mama.
Nong tinawagan ko kagabi si Mandy, parang ang cold niya. Baka nagtatampo. Babawi ako sa kaniya. Hindi lang ako makaalis ngayon, e. I tried to call her earlier pero nakapatay ang phone niya. Baka busy din siya. Pero mamayang gabi, pupuntahan ko siya pagkatapos ng dinner.
"Sandali lang, 'nak. Kailangan maganda ang Mama mo mamaya."
Si Mama talaga. Ang sabi niya sa akin, nakilala niya ang boyfriend niya sa Japan. Isa raw doctor at pabalik-balik lang dito sa Pilipinas. Kasingtanda lang din yata niya. Hinayaan ko na. Nakita ko kasi na blooming si Mama. Kahit matanda na siya, she still deserves to be happy. Walang kaso sa akin 'yon. Nag-iisa naman akong anak niya kaya alam kong wala din talaga siyang mapagka-abalahan at wala siyang kasama palagi. Matanda na naman ako kaya hindi na niya ako kailangang asikasuhin.
"This one. Maganda ba?"
Nakaharap sa akin si Mama suot ang silky dress na kulay beige.
Nag-thumbs-up ako. Ngumiti siya at bumalik na sa fitting room.
Excited talaga siya sa boyfriend niya. Iyong feeling na mas maganda pa ang lovelife ng nanay mo sa 'yo. Damn shit.
Tumayo na ako nang lumabas na sa fitting room si Mama bitbit ang napili niyang damit. Papunta siya sa counter kaya lumabas na ako ng boutique.
I want to buy something for Mandy. Ano kayang maganda?
Tumingin ako sa mga katabing boutique. Wala akong maisip. Bear kaya? Damit? Shoes? Bag? Necklace? Damn it. Ang hirap mag-isip ng regalo. Peace offering sana dahil alam ko ngang nagtatampo siya kagabi.
Tumingin ako sa katapat na clothes boutique pero natigilan ako nang makita si Mandy kasama si Thunder. Kakalabas lang nila at may hawak silang paperbags.
So she's busy with that asshole, huh? Pero ba't gano'n? She's smiling. Why? Damn it. Nagseselos ako.
Nilingon ko si Mama. Kakatapos niya lang magbayad. "Mauna ka na sa sasakyan, Ma. May bibilhin lang ako. Mabilis lang ako." Sabi ko.
Tumango naman siya at pumunta sa kabilang side kung saan naroon ang exit ng mall. Tumakbo naman ako sa kabilang side para sundan sina Mandy at Thunder.
"Mandy!" Sigaw ko.
Napatigil sila at lumingon sa akin.
"Hey." I said.
She's just looking at me coldly. "Why? Anong kailangan mo?"
I gulped. What the hell happened to her? Her eyes are swollen. Halatang galing sa pag-iyak. Hindi man lang siya ngumingiti sa akin at ang tingin niya, napaka-cold.
"Mandy, what happened?"
Tumingin siya kay Thunder. "Can you leave us for a while?"
Himala, umalis agad si Thunder without any words for me na madalas niyang ginagawa. Laging mainit ang dugo niya 'pag nakikita akong kinakausap ko si Mandy.
"Don't talk to me again, James Abellano."
"What are you talking about? Dahil ba kahapon? Dahil hindi natuloy ang dinner at hindi na kita napuntahan? Kung dahil do'n, sorry. Babawi ako."
"Leave me alone—for good."
Kumunot ang noo ko. "What is happening, Mandy? We're already okay! Bakit..."
"Because I can't remember you. I realized that I shouldn't trust you that easily. Wala akong alam sa kung anong klaseng tao ka. Hindi dapat ako naniniwala agad sa 'yo. Remember that you're the reason why I committed suicide. Hindi dapat kita kinakausap. I should blame you because you are the reason why I am suffering with this freaking amnesia!"
Natigilan ako sa sinabi niya. What the fuck. Yesterday, we're happy and okay and now, she's so mad at me. Kitang kita ko sa mga mata niya ang galit.
"Mandy, I already explained it to you. Wala rin akong alam kung bakit nag-suicide ka because that night, we were happy!"
"Don't feed me lies! Tama na. I don't want to hear anything from you."
"Mandy."
She's starting to cry. Damn it. I hate to see her like that. Tangina, ano na namang sinabi sa kaniya ng gagong Thunder na 'yon?!
"Stop following me around. Stop talking to me. And even at school, just please. Let's be stranger to each other."
"I can't do that. I can't fucking do that! I suffered a lot when I found out that you're dead. But now that you're alive, I can't let you go again. No, Mandy. Expect me to do everything for you to remember."
"Stop."
"Mandy, please. Let me do this. Kung ano man ang mga sinabi ni Thunder, huwag—"
"Then what? Ikaw dapat ang paniwalaan ko? No, James. Stop that crap. And stop doing anything for me."
"I won't stop."
Pinahid niya ang luha sa mga mata niya saka muli akong sinamaan ng tingin.
"Huwag na h'wag mo na akong kakausapin at lalapitan."
Pagkasabi niyon at nag-walk out na siya. Para akong estatwa na natigilan. Hindi ko man lang siya mahabol. Lahat ng sinabi niya ay nagtagusan sa dibdib ko.
Bakit ganoon? Akala ko, okay na kami. Tinutulungan ko siyang makaalala and all of a sudden, bigla niya akong itataboy? What the fuck! Tangina ni Thunder. Mapapatay ko siya. Wala siyang alam kung hindi mam-brain wash kay Mandy para magmukha akong masama.
Huminga ako ng malalim saka tumalikod na. Kailangan kong bigyan ng space si Mandy pero ngayon lang. Bukas, kapag nagkita kami sa school, hindi ko kayang hindi lumapit sa kaniya. Ngayon pa? We're almost okay. Komportable na siya sa akin. Hindi ko hahayaang lumayo pa ang loob niya sa akin. Naiintindihan ko siya na ako ang sinisisi niya kung bakit siya nag-suicide noon.
But I have no idea why! Masaya kami nang mga oras na 'yon kaya laking gulat ko nang mag-suicide siya. Tangina, ang hirap i-explain lahat. I want to go to past para ma-screen capture lahat at mapakita kay Mandy. Dahil putangina, sigurado ako na mas naniniwala siya sa salita ni Thunder kaysa sa akin.
-
WALA ako sa mood ngayong gabi. Kanina ko pa iniisip si Mandy. Pakiramdam ko, back to zero na naman ako. Okay na, e. Tapos biglang nagkagan'on. Kapag talaga nakita ko si Thunder, mapapatay ko siya.
Alam kong may nararamdaman siya para kay Mandy. Lalaki ako at ramdam ko 'yon. Pero tangina, kailangan ba niya kaming siraan? Kailangan ba talaga niyang i-brainwash si Mandy para kamuhian ako? Alam niya! Alam niyang mahal ako ni Mandy! He's being unfair! He's using his profession to manipulate her. Fuck him.
"Baby James, let's go?"
"Ma, hindi na ako bata. Stop calling me like that." Mahinahong sabi ko kahit gusto ko nang sugurin si Thunder ngayon.
Bahagyang tumawa si Mama. "Nagbibiro lang ako 'nak. Masyado ka kasing seryoso. Halika na."
Tumango ako. Lumabas kami ng unit ko saka dumiretso sa parking lot. Pinagbuksan ko ng pinto ng kotse si Mama saka ako sumakay sa driver's seat saka nagdrive.
"Paki-type sa GPS ang location, 'Ma." Sabi ko.
"Okay 'nak."
Hindi ako against sa pagbo-boyfriend ni Mama pero gusto ko pa ding kilatisin iyon. Hindi ko pa rin hahayaang paiyakin niya si Mama. Kailangan ko munang isantabi ang problema ko kay Mandy. Baka mamaya, hindi ako makapagpigil. Ayokong sirain ang gabi ni Mama.
I tried to dial her number. Pero out of coverage area. Nakapatay ba 'yon o walang signal? Nakakita ako ng status ni Mandy sa facebook kanina. Selfie nila ni Thunder. Sarap ngayong dukutin sa screen at ipakain sa aso ang mukha ng gagong kulog na 'yon.
Lalo pa akong na-badtrip sa caption na 'Having fun. Movie marathon.' Tangina, kami dapat ang gumagawa no'n, hindi sila!
"Anak, are you okay? Is there a problem? Tahimik ka."
"Ayos lang ako, 'Ma. Don't mind me. Isipin mo kung magagandahan sa 'yo ngayon ang boyfriend mo."
"Anong sabi mo, 'nak? Bakit? Pangit ba ako ngayon?"
Ngumiti ako. "You're beautiful, 'Ma."
"Akala ko hindi, e. Ikaw talaga na bata ka. Huwag kang masyadong seryoso. Nakakatanda 'yan."
"'Ma naman."
Tumawa lamang siya. Masaya ako na masaya si Mama. Samantalang ako, mapapamura ka sa takbo ng love life ko e.
"Ah, we're here. Dito na anak."
Natanaw ko ang isang restaurant. Ipinark ko ang kotse ko sa parking space saka bumaba. Ipinagbukas ko si Mama. I escorted her inside.
"Narito na ba siya, 'Ma?"
"Yes. Kanina pa siya naghihintay."
Huminga ako ng malalim habang naglilibot ng tingin si Mama.
"Oh, he's there." Aniya. Sa dulong bahagi ng restaurant ang itinuro niyang table.
Naglakad kami papalapit doon. Nakita ko ang lalaking ka-edad ni Mama. He's smiling at us. He looked descent with his attire. Pero mas gwapo pa din si Papa diyan.
"Hi, Roger. This is my son, James." Sabi ni Mama. "And, 'nak, he is my boyfriend, Roger."
We shake hands. "Nice to meet you, Sir." Sabi ko.
"Nice to meet you, iho." Nakangiting sabi niya.
Umupo kami sa table. Magkatabi kami ni Mama at kaharap namin si Roger.
"Binata na pala ang anak mo, Jamie. My son will be here any minute. Halos kasingtanda mo lang din siya iho."
So he has a son. Akala ko single ang boyfriend ni Mama. Well, matatanda na sila. Hindi na malabo iyon.
Ngumiti lamang ako. Pinagsalin kami ng waiter ng wine. Ininom ko agad 'yon.
"Oo nga pala, ngayon ko palang mame-meet ang anak mo. Sa picture ko lang siya nakikita." Tumatawa-tawang sabi ni Mama.
Pabebe tumawa ang nanay ko. She acts like a teenager and I find it cute.
"He's here." Sabi ni Roger. "Over here, son."
"Good evening, Tita." Bati ng lalaking lumapit sa table saka umupo sa tabi ni Roger.
Kumunot ang noo ko nang makilala ang boses niya.
"This is Thunder Rodriguez, my son."
What the fuck? Nag-angat ako ng tingin. Nagkasalubong kami ng tingin at kusang naningkit ang mga mata ko.
Gusto kong magmura. Gusto kong tumayo at suntukin siya but I can't. I respect my mother and I don't want to ruin her night.
He's the fucking son of my mother's boyfriend?!
"He's James, son. Your Tita Jamie's son."
Tumango lang si Thunder. Tangina niya. Sigurado akong nagulat din siya tulad ko. Pasalamat siya kaya ko pang magpigil.
"Dahil nagmamadali ang anak ko dahil may lakad pa siya, I want to announce to you, boys. We'll get married soon. Magiging magkapatid kayo so I am hoping that you two, could get along with each other. Is it okay?"
Putangina. Isang salita. Mura. Magiging kapatid ko ang gagong 'yan?! Hindi. Hindi ko siya ka-dugo. Magpakasal man ang parents namin, hindi ko siya kapatid.
"Papa." Masama ang tingin sa akin ni Thunder. "Can I go? I have an important thing to do. I just dropped by to at least say hi."
"Okay, iho. I understand that you're a busy person."
Busy? Busy na i-brainwash ang babaeng mahal ko. Gago siya!
"Tita, congratulations but I really have to go. Let's meet again some other time."
"It's okay. Nice to meet you, Thunder."
Tumayo na siya. Hindi ako tumingin sa kaniya pero hindi na ako makapagpigil.
"Ma, can I go, too? Para magkaroon kayo ng quality time with each other?" paalam ko.
"Jamie, let him. Mukhang may lakad pa si James." Sabi ni Roger.
I still thank him. Huwag ko lang talaga malalaman na ka-ugali niya ang gago niyang anak.
"Okay, 'nak. Ingat ka."
"Congratulations, Mama." I sighed. "I will go now."
Tumango lamang sila sa akin. Malalaki ang hakbang ko palabas ng restaurant. Mabilis akong pumunta sa parking space at naabutan ko doon si Thunder na pasakay sa kotse niya.
Tumakbo ako at sinuntok siya.
"Fuck you!"
Sinuntok niya rin ako. "Fuck you. Our parents seemed in love with each other to the point that they want to get married. I have no problem with that. But don't expect me to treat you as a family!"
I grinned. "At sa tingin mo ituturing kitang pamilya? Gago! Tangina anong sinabi mo kay Mandy? Kanina pa nangangati ang kamay ko sa 'yo. I want to fucking kill you!"
"Anong sinabi ko? I let her realize na maling pagkatiwalaan ka niya."
"What the fuck? At dapat, ikaw ang pagkatiwalaan niya? Bastard!"
"Noong mga panahong iniligtas ko siya sa dagat nang mag-suicide siya, I considered it as my fate. She belongs to me, Abellano. And I will do everything to make her realize that she doesn't love you anymore."
"Fuck you!" Sinugod ko siya. I punched him hard pero biglang may umawat sa aming mga guard.
Ngumisi siya sa akin saka sumakay sa kotse niya.
Gusto ko pa siyang sugurin pero tangina nitong guard na nakahawak at pumipigil sa akin.
"Sir tama na po. Huwag po kayong gumawa ng gulo rito." Sabi ng guard saka ako binitawan.
Nakaalis na ang kotse ng gago. Huminahon ako pero tangina, mapapatay ko talaga siya. I am right. He's fucking in love with Mandy at alam kong desperado na siya para sirain ako sa kaniya.
Hindi ko siya hahayaang gawin 'yon. Kahit pa madamay ang relasyon ng nanay ko sa tatay niya, I don't care! This is my happiness. This is my fucking life.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top