Chapter 9
James POV
Wala akong magawa sa mansion. Gusto ko sanang tumira ulit sa condo unit ko sa Buenavista Building pero naisip ko, malulungkot lang ako do'n. Maaalala ko lang 'yong mga panahong naaalala pa ako ni Mandy. Mas makakabuti na rin siguro na sa mansyon muna ako tumira. Isa pa, kung sa condo ko, hindi ko maaasikaso ang sarili ko hindi tulad sa mansion na may mga kasambahay.
Bumaba ako sa kotse ko. Nagpunta lang ako dito sa mall para bumili ng regalo para kay Mandy. Peace offering lang dahil alam kong naiinis na siya sa 'kin. I'll give it to her tomorrow.
Pagkapasok ko sa mall ay agad akong naghanap ng boutique na pambabae na pwede kong bilhan ng maibibigay ko kay Mandy.
Naglalakad ako nang mahagip ng mata ko si Mandy. She's laughing... with Thunder—her psychologist. Damn. Bakit sa 'kin, hindi man lang siya makatawa ng gano'n? She used to laugh like that to me before. And it actually hurts seeing her laugh with other man now.
Lumapit ako sa kanila. Ayokong balewalain si Mandy. Kung tutuusin, gusto ko ngang oras oras ko siyang nakikita. But I can't.
"Hi." Bati ko kina Mandy at Thunder.
Kung kanina ay tumatawa si Mandy, ngayo'y bigla iyong naglaho at sumeryoso siya.
"James." Bati ni Thunder. Tinanguan ko lang siya dahil hindi ko siya ka-vibes. I don't know why but I could feel it, he's my rival.
"Thunder, let's go." Yaya ni Mandy. Hindi man lang niya ako binati.
I smiled at her. "Hi, Mandy."
She rolled her eyes at me. Humawak siya sa mga braso ni Thunder at may gumuhit na sakit dito sa dibdib ko. Yeah, I'm jealous.
Hindi ko nalang iyon pinansin saka muling ngumiti. "Hey, mamaya na kayo umuwi. Let's have dinner. My treat." Sabi ko. I can still managed to smile even though my heart is breaking seeing her with another man. Ako dapat 'yon eh. Ako dapat.
Umiling si Mandy saka tumingin kay Thunder. "Please, Thunder. Uwi na tayo." She said.
Bakit kay Thunder parang napaka-kalmado niya? Samantalang sa 'kin ay lagi niya akong sinusungitan. Damn, I'm really jealous.
"Sorry, brad. But we have to go. Mandy wants to go home." Sabi ni Thunder sa akin.
"Please." Pakiusap ko.
Umirap lang sa 'kin si Mandy at napansin ko ang paghigpit ng hawak niya sa braso ni Thunder.
"Mandy, mauna ka na sa sasakyan. Wait for me there." Sabi ni Thunder na ikinagulat ko.
Sumunod naman si Mandy. Bumitaw siya kay Thunder saka tumingin sa 'kin—puno ng galit ang mga tingin niya. Ganoon na ba siya ka-galit sa 'kin dahil sa mga pang-aasar ko sa kaniya sa SWU?
Umalis na si Mandy at natulala ako. What the hell?
I looked at Thunder. "Why the hell did you tell her to go to your car, huh?"
"She wants to go home." He simply answered.
"Damn it! Alam mong ginagawa ko ang lahat para maalala niya ako. Hindi mo dapat ginawa 'yon! Dapat ikaw mismo ang mag-encourage sa kaniya na makipag-dinner sa 'kin. Bakit parang inilayo mo pa siya sa akin?" I said. Iba talaga pakiramdam ko sa gagong 'to.
He sighed. "Let her, for now. She's not ready. Huwag mo siyang biglain."
"Hindi ko siya binibigla! I asked you and her to have dinner with me. Is that a big deal?"
"This is not the right time. You're making it hard for her."
"What? But you were the one who told me to do the things that could help her to remember me. You said that! And now you saying that this not the right time? Fuck."
Sumama ang tingin niya sa 'kin. "Yes. I said that to you but I realized that I am wrong. Mahihirapan siya. Hindi pa siya hand—"
"Kaya nga inihahanda ko siya! Inuunti-unti ko!"
"Don't shout at me. We're not that close."
I nodded. "Yeah. We're not close. But I want Mandy."
"Leave her alone."
Kumunot ang noo ko. "What the fuck? Are you out of your mind?"
"I said leave her alone. Hindi ka niya kailangan."
Nag-iinit ang ulo ko sa gagong 'to. "And what? Sasabihin mong ikaw ang kailangan niya? Huh?"
"She needs me because I am helping her."
"Helping her? Talaga lang ha?" Ramdam ko. He has something for Mandy and I won't let this fucking guy to do what he wants.
"Look. I'm her psychologist. I'm helping her to remember. Ilang taong kasama ko siya and I know her well."
"Ilang taon mo siyang kasama but it can't change the fact that I love her, and she loves me too. Magkaiba ang magkasama lang kayo ng ilang taon, pero alam mong walang feelings na involve. But for me, ilang taon nga kaming nagkahiwalay pero ang mga puso namin, hindi 'yon magbabago. Hindi."
"James Abellano, I am warning you. Stay away from Mandy. H'wag mo muna siyang guluhin."
Tangina. "Gago ka pala, e! Ano ba talaga? Gusto mong tulungan ko si Mandy na maka-alala tapos ngayon gusto mong lumayo ako sa kanya dahil hindi pa ito ang tamang panahon? Seriously, kailan ang tamang panahon na sinasabi mo?"
"Naguguluhan na siya. At hindi iyon makakatulong sa kaniya." Kalmado pa ring sagot niya.
"That's why I'm taking it slow. Hindi ka ba maka-intindi? O sadyang gusto mo lang akong lumayo kay Mandy?"
He just stared at me for a while. "Isa lang ang masasabi ko. Ako ang kailangan niya at hindi ikaw."
Nagpantig ang tainga ko sa sinabi niya. "E, tangina, sira-ulo ka pala!" Kinwelyuhan ko siya. Wala akong pakialam kung pagtinginan kami ng mga taong napapadaan sa gawi namin.
"Bitawan mo ako." Matigas na sabi niya.
Tiningnan ko siya sa mata. I showed him my fucking mad face. "Ikaw ang kailangan niya dahil doctor ka niya. Pero ako ang mahal niya. Ako lang ang makapagpapasaya sa kaniya."
"You can't make her happy. She hates you."
"Damn you! Psychologist ka ba talaga? Mahirap bang intindihin na ako ang makakatulong sa kaniya para maka-alala na siya, ha? You said that before!"
"Not now, Abellano. I said, leave her alone."
Binitawan ko na siya. Wala ng patutunguhan ang pag-uusap namin dahil sa tanginang lalaking 'to na magulong kausap.
"Fine. Pero ipapaalala ko lang. Psychologist ka lang niya kaya h'wag kang masyadong ma-papel. Act as a real doctor and don't act as if you have a hidden agenda to her. I'll do what I want. I'll do everything just to help her remember me." Sabi ko saka tinalikuran siya.
Tangina. May gusto ba siya kay Mandy? Isa ring gago. Pabago-bago ng sinasabi. Bigla niya akong palalayuin kay Mandy, no, that won't happen.
Pagkalabas ko ng mall ay dumiretso ako sa parking. I tried to search for Mandy. Hindi ko alam kung anong itsura ng kotse ng gagong Thunder na 'yon.
Naglakad-lakad ako hanggang makita ko si Mandy na nakasandal sa isang kotseng itim. Lumapit ako.
"Mandy."
Tumingin siya sa akin at halatang nagulat siya. Nakipagtitigan ako sa kaniya.
"Leave me alone."
Napalunok ako. Fuck, akala ba niya madali 'tong ginagawa ko? Sa tuwing tinataboy niya ako, nasasaktan ako. Pilyo man ako, may puso pa rin ako.
"Please be with me." I pleaded. Gusto ko siyang makasama. I want to make her feel that I really love her—that after how many years, walang nagbago.
"Bakit ako sasama sa 'yo? Who are you. You're just a stranger to me. So don't talk to me." Pagtataray niya.
"Mandy."
Tinaasan niya ako ng kilay. "You know what? Everytime I see you..."
Naalala na ba niya ako?
"I want to rip your neck and I want to tell you that you're nothing to me! You're annoying. So please? Stop bugging me." Pagkasabi niyon ay sumakay na siya sa sasakyan.
I smiled bitterly. Damn it, kailan ba niya ako maaalala? Masakit na. Kaya ko pa. Kayang kaya pa.
Tumalikod na ako at sumakay sa kotse ko. Huminga ako ng malalim.
I suddenly remembered something from my past. No'ng time na nasa hospital si Mandy at nag-aagaw buhay siya.
I remember how I talked to God just to save Mandy. Sinabi ko pa nga noon na kahit magka-amnesia nalang siya, basta mabuhay lang siya. Damn! Is this the sign? Is this the consequences? If it is, I won't give up. I'll fight for my feelings. Lalaban ako para sa pagmamahalan namin ni Mandy.
Tomorrow, I'm gonna tell her my feelings. Magpapakilala na ako sa kaniya. Dahil sa tingin ko, ilalayo siya sa 'kin ng gagong Thunder na 'yun. Gagawin ko lahat para maalala ako ni Mandy. Gagawin ko lahat, kahit alam kong masasaktan ako.
Dahil mas masakit ma-balewala ni Mandy. Mas masakit ang katotohanang tinitingnan niya ako na parang ordinaryong tao lang ako. Hindi katulad noon na kapag tinitingnan niya ako, puno iyon ng pagmamahal and she's looking at me like I'm the most handsome guy in the world.
Damn, I missed my Mandy.
-
Mandy POV
Mariin akong pumikit. Malinaw na malinaw sa isip ko ang itsura ni James kanina sa parking lot. Bakit mukha siyang nasasaktan sa pagtataray ko sa kanya?
Pagkatapos niya akong saktan noon—according to Thunder, may gana pa siyang humarap sa 'kin? Kaya ba niya ako laging kinukulit at inaasar ay para ano? Saktan ulit ako? No, I won't let him hurt me again. Hindi ko akalaing nagawa kong mag-commit ng suicide noon, siguro'y sobrang sakit ng ginawa niya sa 'kin noon.
But on the other side, there is something here inside me na gustong malaman kung paano ako sinaktan ni James noon. Bakit? Saka, ganoon ko ba siya kamahal para mag-commit ng suicide?
Umiling-iling ako. Bakit sa tuwing iisipin ko si James, nagugulo ang utak ko? It's just that, I'm curious about him. I'm curious about our relationship before. Kung sinaktan niya ako before, bakit kung tingnan at asarin niya ako, parang wala naman siyang ginawang masama sa akin dati? Dahil kung meron, hindi ba dapat mahihiya na siya sa 'kin, at hindi na siya makakatingin ng diretso sa mga mata ko—unless kung wala siyang konsensya.
Pero hindi, e. I could see it in his eyes, it's different. I don't know what to think anymore.
Natatakot ako na masaktan niya ako ulit. Natatakot akong maalala ko siya at maalala ko ang mga sakit na ibinigay niya sa 'kin. Baka hindi ko kayanin.
The way Thunder said to me that James hurt me, he's really serious—na parang sinasabi niya na, sobrang sakit ng ginawa ni James sa akin, kaya dapat ko siyang iwasan.
I sighed. I bit my lower lip while thinking about him.
Maya maya pa ay naramdaman ko ang pagsakit ng ulo ko. Napahawak ako at isinubsob ko sa unan ko ang mukha ko.
"Ikaw lang ang babaeng minahal ko ng ganito. Iyong tipong handa akong magka-ABS para sa 'yo..."
Humigpit ang hawak ko sa ulo ko. Shit, what was that! Ano ba 'tong naririnig ko isip ko?
"I love you Mandy, I will always do. Promise me that you'll be brave forever, for me."
Shit! Ang sakit ng ulo ko! Ahhh!
"Forever, you'll always be in my heart Mandy..."
Ahhh! Ayoko na. What was that? I could hear voices. Kanino 'yon? What the hell! Ang sakit ng ulo ko.
"It's not about happy ever after anymore. It's about being happy whatever happens after."
Lalo kong sinubsob ang mukha ko sa unan. I tried to calm myself. I tried not to think of that voice.
Huminga ako ng malalim. No, no. "Stop!" Sigaw ko nang biglang narinig ko ang pagbukas ng pinto ng kwarto ko.
"Mandy! Hey."
Bumangon ako saka ako biglang niyakap ni Thunder. I felt tears from my eyes. I'm not aware that I'm crying.
"What happened? Tell me."
"I don't know." I cried. "I am hearing something. I heard it clearly. Pero hindi ko alam kung sino 'yon. Hindi ko alam..."
"Sshhh. Stop thinking about it." Inalo niya ako. Nahimasmasan ako at nawala naman ang pananakit ng ulo ko.
Kumalas siya ng yakap sa 'kin saka pinahid ang luha ko. "May naalala ka ba? Habang naririnig mo ang mga boses na sinasabi mo?"
Tumango ako. "Isang tao lang 'yon. Isang tao lang and he's blurred. He's blurred and I can't recognize him." Sagot ko.
Ayokong sabihin kay Thunder ang nararamdaman ko. Iyong mga narinig ko. Bakit ang lakas ng impact sa puso ko? Bakit napaiyak ako ng mga salitang iyon. Bakit, at sino ba ang nagsabi niyon sa 'kin? Bakit sa boses na iyon, ramdam kong mahalaga ako sa taong 'yon?
Muli niya akong niyakap. I'm trying to be okay dahil iba ang pakiramdam ko.
That voice. That sincere voice. Is that James? Sabi ni Thunder, ex ko si James. So it's possible that it's his voice. Pero bakit 'yong paraan ng pagsasabi niya sa 'kin ng mga narinig ko sa isip ko, bakit parang puno ng pagmamahal?
Naguguluhan na ako. Bakit parang bigla ay gusto ko ng maka-alala? Gusto ko ng malaman lahat para hindi ako naguguluhan ng ganito. I'm having a hard time. Lalo pang pinagulo ng mga naalala kong sinabi ng sa tingin ko'y si James.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top