Chapter 8
Mandy POV
Narito ako sa coffee shop sa labas ng SWU. Hindi ko napag-desisyonang pumunta rito dahil sa pinaggagagawa ng James Abellano sa 'kin. Ang lakas lakas ng trip niya. Ano bang meron at ako ang lagi niyang bini-bwisit? At bakit ba ako kinilig sa ginawa ni―wait? Kinilig? No! Natuwa lang siguro. Napangiti gano'n, pero hindi kinilig!
Uminom ako ng aking frappe saka nag-check ng phone ko. May message pala si Thunder.
I rolled my eyes. Gamot, gamot... walang katapusang gamot. Nakakasawa rin mag-take ng gamot ko.
Itinuon ko na lamang ang pansin ko sa frappe ko. Nakaka-stress ang paligid. Kainis! Pero 'yong papel niya kanina.
Letseng James 'yan! Arggg! Bakit niya ako tatanungin ng "Will you be my wife?" Duh! May Ynna na siya. Tapos nilalandi pa niya 'yong isa naming kaklaseng maharot. Tatapalan ko nga 'yon sa noo niya ng pink card mamaya. That bitch!
"Excuse me? Pwedeng maki-share ng table?"
Nag-angat ako ng tingin only to find out that James Abellano is here. Ngiting-ngiti siya sa 'kin. Feeling close talaga nito. Tumingin ako sa paligid bago ko siya pinaningkitan ng mata.
"Can't you see? Ang dami-daming vacant."
"Gusto kong maki-share sa table na 'to."
Sinamaan ko siya ng tingin. "Ba't mo ba pinagsisiksikan ang sarili mo dito sa table ko? Madami namang iba d'yan?"
"Marami ngang iba d'yan. Pero kung ikaw naman ang tinitibok ng puso ko, ipagsisiksikan ko pa rin ang sarili ko sa 'yo."
What the hell? Buma-banat ba 'tong Abellano na'to?!
Umupo na siya sa tapat ko. Ang kapal talaga. Nakakainit ng ulo!
"James Abellano." Sambit ko.
"Yes, Mandy Aguilar?" Nakangising sagot niya. Nakaka-irita talaga 'yang ngiti niyang labas ngipin!
"Ano bang trip mo sa buhay? Bakit lagi mo akong pinagti-trip-an? Hindi lang ako ang tao dito sa SWU!" Galit na tanong ko.
"Ikaw ang tinitibok ng puso ko, e."
Napahawak ako sa sentido ko. "Hindi ako nakikipagbiruan sa 'yo!"
"Hindi din ako nakikipagbiruan sa 'yo." Sumeryoso ang mukha niya. Lalo tuloy akong naguguluhan sa kung anong trip niya sa buhay.
"Then why me? I'm serious this time. Kung hindi mo pa ako tatantanan, ipapahuli na kita sa pulis! Kaya kung ako sa 'yo tigilan mo na ang panti-trip mo sa 'kin!"
"Matitigil lang ang panti-trip ko sa 'yo kung papayagan mo akong ligawan ka."
SERIOUSLY?
"You're getting into my nerves, asshole!" Sigaw ko. Naiinis na nanggigigil na ako sa galit.
"As always, you're getting into my heart, over and over again." Seryoso pa ring sabi niya.
Para tuloy sasabog ako. Hindi ko na talaga alam ang iisipin sa lalaking 'to.
"I want to ask you something."
"You can ask me anything." Sagot niya.
This guy is so annoying. Paano ko ba siya mapapalayo sa 'kin? Paano ko ba siya patitigilin sa panti-trip sa 'kin? Hindi man lang siya natakot sa akin! Hindi ba talaga niya alam na kinatatakutan ako dito sa SWU dahil sa ka-demonyitahan ko? At siya lang ang tanging tao na hindi man lang nasindak sa pink card ko. What's with him?
"Takas ka ba sa mental?" Tanong ko. I'm serious.
Bigla siyang tumawa ng malakas na lalong ikina-inis ko. Feeling ko umuusok na ang ang ilong ko sa galit.
"No, no!" Tumawa na naman siya. "You're really my Mandy."
Kumunot ang noo ko. "What did you say?"
"Nothing." He smirked.
Is he on drugs? Or he's kind of something na nagka-katol?
"If you'll excuse, I want to be alone."
"I won't let you alone, Mandy." Sumeryosong muli ang mukha niya.
Naba-bother na ako sa lalaking 'to. Sino ba siya sa buhay ko? Bakit pilit niya akong kinukulit na parang hindi man lang nasisindak sa 'kin?
"Please. Leave me alone." I gave him my death glare.
Itinaas niya ang mga kamay niya na parang sumusuko. "Fine. I'll leave. Sa isang kondisyon."
Letseng lalaking 'to. "What condition?" Tanong ko. I'm really pissed!
"Give me your cellphone number." He smiled at me. "Then, I'll leave."
"Are you serious?!"
"Yes. I am. I'm always serious when it comes to you, Mandy."
Huminga ako ng malalim. Iniiwasan kong mapatingin sa mga mata niya. Hindi ko maintindihan. There is something in his eyes na hindi ko malaman kung ano—na parang kapag napatagal ako sa pagtitig sa mga mata niya ay mahi-hypnotized ako.
I want him to leave. So, fine! Inilahad ko ang kamay ko. "Your phone?" Tanong ko. Ita-type ko ang number ko sa phone niya.
Iniabot niya ang phone niya. Kitang-kita na naman ang mapuputi at pantay pantay niyang ngipin. Ang lapad ng ngiti, bwisit!
I unlocked his phone but his wallpaper caught my attention. It's me... and him. Together, smiling to each other.
Lumakas ang kabog ng dibdib ko. Natigilan ako at parang may bumara sa lalamunan ko. Biglang nag-flashback sa isip ko 'yong scene na nag-take kami ng picture na ito. Nabitawan ko ang phone niya kaya bumagsak ito sa mesa.
"Mandy? Are you okay?"
Hindi ko pinansin ang tanong niya. Napahawak ako sa ulo ko. Hindi ko namalayang nanginginig na ang kamay ko. I don't know what's happening to me. Napapikit ako at doon nakikita ko ang mukha ni James na ngumingiti sa 'kin.
Humigpit ang hawak ko sa ulo ko.
"Hey! Hey Mandy. Tell me, what's wrong?" Nag-aalalang tanong ni James.
Mabilis akong tumayo bitbit ang bag ko saka tumakbo palabas ng coffee shop. Pagkalabas ko ay mabilis ang pagtakbo ng hininga ko. Napahawak ako sa bandang puso ko. Bakit ganito mag-react 'to. Bakit ang lakas ng kabog. Bakit kay James? Bakit sa lalaking iyon? At bakit...
May picture siya na magkasama kami—looking so happy together.
Napailing ako. Nawawala na ang sakit ng ulo ko. Pumara ako ng taxi. I need to go home. I need to talk to Thunder. I need to know who is James Abellano in my life. Because, swear! Iba ang impact niya sa akin. Ibang-iba.
-
James POV
Nag-aalala ako kay Mandy. Biglang sumakit ang ulo niya. Natatandaan na kaya niya ako? Damn. I don't want to see her like this. Kung pwede ko lang ipagsigawan na ako ang lalaking mahal niya, ginawa ko na. Pero hindi eh alam kong makaka-sama sa kaniya iyon.
Susundan ko na sana siya ng tumakbo siya pero natigilan ako nang napansin kong natigilan din siya paglabas ng coffee shop. She's thinking of something. Sa tingin ko ay ume-epekto na ako sa kaniya.
I sighed. Pero bakit kaya biglang sumakit ang ulo niya? I looked at my phone. Makukuha ko pa naman na sana ang number niya. Ayoko kasing kunin sa nagmamagaling na Thunder na 'yon. Ayoko sa kulog.
Habang nakatingin sa phone ko ay nanlaki ang mata ko. Damn it! Nakalimutan ko! Picture namin ang wallpaper ko! Baka kaya sumakit ang ulo niya dahil nakita niya 'to? Shit!
Umupo ako ulit sa table ko kanina. I am thinking of plans kung paano ko makukuha ang loob ni Mandy. Kung iisipin, dati din naman kaming ganito.
Si Mandy, mataray at inis na inis siya sa 'kin lagi. Pero paano nga ba nagsimulang tumibok ang puso niya sa 'kin? Paano ko ba nahuli ang kiliti niya? Paano ko ba siya napa-amo?
Damn! Ngayon ko na-realize na ang pag-ibig, hindi ipinipilit. I mean, iyong sa amin dati, kusa lang nangyari. Ngayon, sa ginagawa ko, parang pinipilit ko siya alalahanin kung sino ako sa buhay niya dahil sa pangungulit ko sa kaniya.
I'm desperate. I want her back. I want my Mandy back. Everytime na makikita ko siya, it's killing me. Dahil sa katotohanang and'yan lang siya, pero parang ang layo layo niya.
Hindi bale, gagawa at gagawa pa rin ako ng paraan para maalala na niya ako. At hindi ako susuko. At oras na maalala na niya ako, sisiguraduhin kong tutuparin ko na ang pangarap naming dalawa. Iyong makasal kami at makabuo ng pamilya.
-
Mandy POV
Pagdating na pagdating ko dito sa mansion ay hinanap ko agad si Thunder. Siya lang ang alam kong makakatulong sa 'kin. Dati, ayaw kong magtanong. Ayoko pero ngayon, gulung-gulo na ako. I need answers!
"Si Thunder?" Tanong ko sa maid namin.
"Naku ma'am! Hindi ko po alam. Wala po akong kinalaman sa pagkawala ni Sir Thunder."
What the hell? "Gusto mong matanggal sa trabaho?" Pagtataray ko.
"Naku, mam! Sorry po. Naroon po sa pool area." Sagot niya na naka-peace sign pa. Letse! Matapalan nga 'yang maid namin mamaya ng pink card.
"I-akyat mo 'to sa kwarto ko." Inabot ko sa kaniya ang bag ko saka nag-martsa palabas sa garden, sa may pool area.
And there, I saw him on the swimming pool.
"Thunder!" Tawag ko.
Napatingin agad siya sa akin. Ngumiti siya saka mabilis na umahon sa tubig.
Gosh. Gusto kong i-iwas ang tingin ko dahil pumuputok ang abs niya. Topless at boxer lang ang suot. Kulog naman!
"What? Hindi pa oras ng out mo. Bakit umuwi ka na? Hindi ka man lang tumawag para nasundo ka ng driver." Sabi niya na pagka-suot ng bathrobe. Lumapit siya sa 'kin habang pinupunasan naman niya ang ulo niya. Wet look.
Napalunok ako. Ano ba 'tong Thunder na 'to. "M-May itatanong ako."
"May itatanong ka lang, umuwi ka na agad?"
"No, sumakit ang ulo ko kanina. And I remembered one scene. One particular scene na nakita ko sa picture." Sabi ko. Parang feeling ko sumasakit na naman ang ulo ko.
"Picture?"
"James Abellano. I saw his phone's wallpaper. Picture naming dalawa. We looked happy there. After I saw it, naramdaman ko ang pananakit ng ulo ko at doon nag-flashback iyong scene na 'yon sa isip ko. What does it mean?"
"Huwag mong pilitin ang srili mong isipin iyon. Huwag mong pwersahin ang sarili mo—"
"Pero gulung-gulo na ako, Thunder! Sino ba talaga si James Abellano sa buhay ko? Una palang nagtataka na ako. Iba kasi ang impact niya sa 'kin. I don't know him pero ito..." Nagsimulang tumulo ang luha ko habang tinuturo ang bandang dibdib ko.
"Mandy..."
"Ito, Thunder! Ito! Parang ang tagal tagal ng kilala ang lalaking 'yon! At dahil do'n lalo akong naguguluhan. Ayokong pilitin ang sarili kong maka-alala pero kasi hindi ko na alam. Hindi ko na maintindihan ang nangyayari."
"Stop thinking about him."
"What?"
"He's nothing. So don't think about him. Parte lang siya ng nakaraan mo pero hindi siya ganoon ka-importante kaya tama na! Live your life tulad ng ginagawa mo 'nong hindi mo pa nakikilala ang James Abellano na 'yon. Hayaan mo siya! H'wag mo nalang pansinin."
"Pero nararamdaman ko, naging parte siya ng pagkatao ko na parang siya lang ang makakasagot ng lahat ng gumugulo sa akin."
"I said, he's nothing!" Halos pa-sigaw niyang sabi. Nagulat ako pero hinayaan ko nalang. Naiintindihan ko naman si Thunder dahil ayaw niyang pinipilit ko ang sarili kong maka-alala. Mas makakabuti daw kung kusa na lamang iyong bumalik.
Pero si James...
"Iwasan mo siya. Hangga't maaari, huwag mo siyang kakausapin."
"But he's my classmate!" Agad na sabi ko.
"Kahit na! Don't mind him. Kahit magpapansin siya sa 'yo, h'wag mong pansinin."
Kumunot ang noo ko. "Why all of a sudden? Bakit ngayon mo lang ako pinapalayo sa kaniya? Bakit?"
"Don't think too much. Makakasama sa 'yo. Take a rest."
"Answer me! I know he is part of my life. I could feel it. Tell me, sino si James Abellano?! Sino talaga siya? Stop telling me that he's nothing!"
Sumeryoso ang mukha niya. "You want to know? He's your ex-boyfriend."
Parang nanghina ang tuhod ko sa sinabi niya. "Ex?"
"Yes. Siya ang dahilan kung bakit ka na-aksidente. Kung bakit ka nagka-amnesia. Siya ang may kasalanan, Mandy. He hurts you so bad to the point na gusto mong patayin ang sarili mo. Sinaktan ka lang niya. Kaya ngayong alam mo na, iwasan mo siya. Don't let him ruin your life again."
Lalo akong naiyak. Sinaktan niya ako? Kaya ba naisipan kong magpakamatay noon? Dahil sinaktan niya ako?
"He's nothing but an asshole! H'wag mong hahayaang makapasok ulit siya sa buhay mo. Now that you know, alam mo ng dapat mo na siyang iwasan." Patuloy niya.
Hindi na ako sumagot. Hindi ako makapaniwala. Paano niya ako sinaktan? Paano? Ganoon ba talaga kasakit ang ginawa niya sa 'kin kaya naisipan kong magpakamatay?
Paanong nangyaring ang jolly at malokong James Abellano na nakakasalamuha ko ngayon ay ang lalaking nanakit sa 'kin ng sobra? How does it happen? How?
Naramdaman kong niyakap ako ni thunder. "Sshh. I'm here. I won't let him hurt you again. So please, sundin mo ang mga sinasabi ko."
Tumango lamang ako saka gumanti ng yakap kay Thunder.
James Abellano...
I need to forget him. And I won't let my heart beat again for him. Never.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top