Chapter 29

Mandy POV

HUMINGA ako ng malalim. Kahit anong pigil ko ay naluluha talaga ako. My gosh, masisira ang make up ko! Ganito yata talaga kapag buntis e, nagiging emotional. Pero kasi naman, paano akong hindi maiiyak?

Today is my wedding day. I can't wait to be Mrs. Abellano.

"Sis, ang ganda ganda mo. I'm sure, luluwa ang nata ni James kapag nakita ka na niyang naglalakad sa aisle." Chelsea said.

Narito pa kami sa may room sa hotel. Kakatapos lang akong ayusan at bihisan ng aking mini gown.

"Thank you, sis. Nakakakaba. Feeling ko may mangyayari pa ring hindi maganda. Para kasing ang daming hadlang sa amin ni James. Ang daming nangyari."

"Think positive lang lagi, sis. Ramdam naman kita e. Hindi ba't ang dami din naming pinagdaan noon ni Kyle bago kami nakasal. Look at us now, no more pain. Puro saya nalang."

Ngumiti ako. I'm rrally greatful to her. Alam kong meron kaming past na hindi ganoon kaganda but now, we're here together. She's beside me—my sister.

Narito nga pala kami sa beach resort ni Kyle. Ito na daw ang regalo nila sa amin ni Chelsea. Iyong venue ng kasal. Tulad ng gusto namin ni James, gusto din namin ay beach wedding katulad nang sa kapatid ko. Marami kaming memories sa beach.

Sa beach... ang unang lugar kung saan ako dinala ni James at na-realize ko na mahal ko na siya.

Sa beach... dito din kami nagplano para sa future namin.

Sa beach... maraming memories. Dito din ako nawalan ng memory but those memories came back. And it was filled with James.

"You're beautiful, anak."

Nagawi ang tingin ko sa pumasok sa kwarto. Si Papa. He's teary-eyed.

"Papa..."

"I have two daughters. At masaya ako na sa mga araw ng kasal niyo ay naroon ako. Ako ang naghatid sa altar sa kapatid mo noong ikinasal siya, at ngayon, ikaw naman, Mandy, iha."

Ngumiti ako at yumakap kay Papa. "Thank you for everything, Papa."

Hinarap niya ako at ngumiti pa lalo. "Basta ipangako mo, hindi mo sasaktan si James."

"Papa naman! Mas mahal mo pa yata si James e. Ako iyong anak mo, hello!"

Nagtawanan kami. Yumakap din sa amin si Chelsea.

This is one of my wonderful days. My special day with speacial people in my life.

"Miss Mandy, the ceremony will start in ten minutes." Sabi ng wedding organizer ko.

My gosh! Mas kinabahan ako. Akalain mong iyon na ang last time na maririnig kong tawagin akong "miss mandy" dahil mamaya, Mrs. Mandy na ako. Ang sarap isipin.

"Iha, maghihintay ako sa labas, okay? Ihanda mo na ang sarili mo. Siguradong naiinip na iyong groom mo." Biro ni Papa.

Hinawakan ako ni Chelsea sa kamay ko. "Don't be nervous and smile. Sabi ni Kyle, ako daw ang pinakamagandang babae na nakita niya. But for now, sige papayag akong mas maganda ka sa akin. Because this is your day. Congratulations, sis." She smiled and hugged me. "I need to go outside. We'll wait for you there."

Tumango lang ako. Naluluha na naman kasi ako. I'm so blessed. I'm so lucky.

Huminga ako ng malalim saka chineck ang sarili ko sa salamin. Simple lang ang make up ko, dahil sabi ni James, mas maganda ako kapag walang make up. At syempre naman, naniwala ako sa kaniya.

Hindi ko alam kung anong mga pagbabagong mangyayari pagkatapos ng araw na ito bt one thing for sure, mas lalo akong sasaya at mas lalo kong mararamdaman ang pagmamahal ni James.

This is it. This is the day. This is the real beginning of our lives together.

NAGSIMULA akong maglakad sa aisle. Maraming nakaabang sa akin. Nakahawak ako kay Papa habang hinihintay ang cue na maglakad na ako.

I can see him waiting... waiting for me.

Lahat ng bisita ay nakatingin sa gawi ko at alam kong excited na si James na makarating ako sa kinatatayuan niya.

Narinig ko na ang cue. Time to walk at the aisle.

Pumailanlang ang tugtog.

Nag-flashback sa isip ko iyong time na una kaming magkakilala ni James. Napapangiti ako habang inaalala iyong times na inaaway niya ako dahil inaaway ko noon si Chelsea.

Iyong aso't pusa naming pag-aaway noon, dumating sa puntong nagka-in love-an pala kami. Akalain mo nga namang mamahalin namin ang isa't isa. Lahat yata nang nakakakilala sa amin ay nagulat at hindi iyon in-expect.

Well even me, hindi ko in-expect na sa panahong hinahabol habol ko ang lalaking minahal ko, ay makilala ko pala ang taong talagang nakalaan para sa akin.

Tumigil kami sa harap ni James. He's crying. Kahit may nakatakip na belo sa mukha ko ay malinaw na malinaw sa akin kung gaano niya pinipigilan ang pag-iyak niya. He looks so cute. Para siyang bata.

Nagbeso ako kay Tita Jamie, sa Mama niya at syempre sa Papa niya na minsan ko lang na-meet. Nakipagkamay naman si James kay Papa.

And now he is holding me.

He hugged me and still cried like a baby.

"James, you're ruining the ceremony. Para kang bata." Biro ko sa kaniya.

Pinakawalan na niya ako saka muling hinawakan ang kamay ko. We walked towards the altar, with the priest standing.

I looked at James. Namumula tuloy ang mga mata niya sa pag-iyak. Mas umiyak pa siya kesa sa akin, e.

Nagsimula ang wedding ceremony. Buong sermon yata ng pari ay hindi ko naintindihan dahil lutang ang isip ko. All I can think right now is his face... his face when he smiles, his face when he's mad, his face when he's making pa-cute, his smiles whenever he tease me, his smiles when he's annoyed and his smiles whenever I told him I love him.

He's everything to me. Everything.

Bumalik lang sa realidad ang isip ko nang hawakan ni James ang kamay ko.

"Mandy... monyita."

Nagtawanan ang mga bisita.

He smiled. At nag-sink-in sa akin na magsasalita na pala siya ng vow niya. Kadalasan mayroong mga scripted vows, pero kami ni James, we decided na hindi scripted ang vows namin. Ika nga, on the spot from the heart. Katulad noong kasal nina Chelsea at Kyle, nina Yumiko at Lance, nina Janna at Adrian, and more. Mas nakakakilig naman talaga kapag galing sa puso ang vow na sasabihin mo.

"Yes, famous ka e. Demonyita. Famous ka sa pangalang iyan kaya buti nalang tinanggap ka ni father." Asar pa niya.

Sumimangot lang ako sa kaniya habang nagtatawanan ang mga bisita. Pasalamat siya wala kami sa mismong simbahan.

"I met you at unexpected time and unexpected way." Nanggilid na naman ang luha niya. "Akalain mong sa pang-aaway ko sa 'yo dati mapo-fall pala ako sa iyo. Lakas ng kamandag mo e. Siguro ginayuma mo ako." Tuloy niya.

Balak talaga niya akong asarin e. Sige lang, pagbibigyan ko siya tutal kasal namin.

"Pero hindi, hindi mo ako ginayuma dahil nahulog talaga ako sa 'yo. Gustung-gusto ko iyong kasungitan mo e. Lalo akong nai-inlobe sa iyo kapag gano'n. Marami kasing babae na nagpapanggap na mabait o almost perfect na babae para lang magustuhan ng mga lalaki. Pero ikaw, iba. Pinakita mo sakin ang tunay na ikaw. Iyong demonyitang ikaw. The real you without pretending. Kaya yata lalo akong nahulog sa iyo, e. I love your imperfections. I love your harsh way of talking to me. I love every bit of you, Mandy."

Nagsimula nang maggilid ang luha ko.

"Challenges... almost break us. Noong akala ko nawala ka na talaga, hindi ko na din alam kung paano haharapin ang mga araw na wala ka. Kaya nga noong bumalik ka, I did everything at ngayon pinakasalan na kita para wala ka ng kawala pa. Ayokong mawala ka pa sa akin dahil hindi ko na yata kakayanin kapag iniwan mo pa ako sa pangalawang pagkakataon."

He's crying again.

"I love you, Mandy. I love you so much. I can't promise to be the best husband but I can promise that i will love you endlessly. Yan ang tandaan mo, Mandy ko. Mahal na mahal kita kahit pa ikaw na ang pinaka-demonyitang babae sa mundo."

James...

"Sabi mo dapat ikaw lang ang mahal ko, sorry pero hindi lang ikaw ang mahal ko. Kung hindi pati ang nasa sinapupunan mo. I will be a good father to her. I promise you that. Sisiguraduhin kong ako ang mag-aalaga lagi sa kaniya para iwas sa pagiging demonyita tulad ng Mommy niya." Natatawang sabi niya kahit puno ng luha ang mga mata niya.

Natawa nalang din ako. Maloko talaga si James. He's always been playful.

"I love you, and I love you so much."

I bit my lower lip to stop my tears. Kasi naman e! Ang emotional ko lalo ngayon! Now, it's my turn.

"James..."

Nakatingin lang siya sa mga mata ko.

"Hindi na ako mag-throwback dahil nasabi mo na. Basta ang alam ko iba ang lakas ng karisma ng one-pack-AB mo."

Nagtawanan na naman ang mga bisita. Pati si James ay natawa.

"Ang kulit kulit mo, ang positive mong tao, ang thoughtful mo, maalaga ka, lahat na yata ng positive attitude nasa iyo. Kung anong ikinasama ng ugali ko, ikinabuti mo naman. Opposite attracts nga naman. Akalain mong minahal kita. Pasalamat ka hindi ako tumitingin sa katawan ng lalaki. Kahit lahat ng naging ex ko, may ABS, tapos ikaw wala. Ay meron pala, one pack." Biro ko pa.

Napupuno ng tawanan ang ceremony na 'to. Kahit si James natatawa nalang sa akin. He's handsome, so much.

"But... one thing I like about you is, minahal mo ako sa kabila ng bad attitudes ko. You love me at my worst, you love me with my flaws, you love me without judging me. You love me for who I am." nagsimula akong mapahagulhol.

I'm really emotional right now.

"Iyong mga panahong pakiramdam ko tinalikuran ako ng buong mundo, naroon ka at pinaramdam mo sa aking karapat-dapat akong mahalin. I am so lucky to have you, James Patrick. I am so grateful that I met you. I am always be thankful that you made my life extra special."

He held my hand and mouthed I love you to me.

"James, I love you. Sa tagalog, mahal na mahal na mahal kita. At kahit naligaw ako ng landas noong mga panahong nakalimutan kita, sa iyo pa rin ako napunta. Dahil itong puso ko, hinding hindi ka makakalimutan."

He kept on staring at me.

"Like what you said, I can't also promise to be the best wife but I will do my very best to make you feel how happy it is to be my husband. And also, I will cherish every moment that I will wake up beside you. You don't have to promise me that you will be the best father to our baby, because I know that you would. I love you so much, James."

Nagpalakpakan ang mga bisita.

Nagsalita nang muli ang pari. "Do you, James Patrick Abellano take Mandy Aguilar to be yout lawfully wedded wife, promising to love, cherish through joy and sorrow, sickness and health, and whatever challenges you may face, for as long as you both shall live?"

Tumango-tango pa si James bago sumagot. "I do. I do, father." He answered.

"Do you, Mandy Aguilar take James Patrick Abellano to be your partner in life and sharing your path, equal in love, a mirror for your true self, promising to honor and cherish, through good times and bad, until do you part?"

"Yes, I do." Nakangiting sagot ko habang nakatitig kay James.

"Inasmuch as you have made this declaration of your vows, concerning one another, and have set these ring be used and regarded as a seal and a confirmation amd acceptance of the vows you made."

We exchanged rings. And smiled to each other with tears in our eyes.

"And now, by the power vested in me, i hereby announce you as husband and wife. You may now kiss the bride."

"Wooo! Naunahan pa tayo ni James!" Sigaw ni Kit Javier.

"Tara na't maghanap ng bride!" Sigaw naman ni Cavill Lopez.

Nakakatawa sila. Kahit kailan, kahit saang kasalan, ang kukulit nila e.

Dahan dahang itinaas ni James ang belo ko. His eyes were full of tears pero nanatili siyang nakangiti sa akin.

I just looked in his eyes and waited for him to kiss me.

And by that, he kissed me with full of love.

"Mabuhay ang bagong kasal!" Sigawan ng lahat.

We faced them and smiled. James hugged me. "Asawa na kita. Wala ka ng kawala, Mandy ko."

I rolled my eyes at him. "May reception pa, ikaw talaga! Maawa ka nga sa baby natin sa tummy ko."

He just laughed and kissed me again.

Naglapitan na sa amin ang mga bisita at nag-congrats.

"My ex, and my wife's ex-suitor." Seryoso pero halatang nang-aasar na sabi ni Kyle.

"Gummy bear, ikaw talaga! Kasal na tayo, kasal na sila. Baka gusto mo pang makipagbalikan ah!" Sabi naman ni Chelsea na sinakyan ang biro ni Kyle.

Hinapit siya ni Kyle. "Baby ko, that was just a joke. Minsan, common sense talaga."

Nagtawanan nalang kami.

"My wife's ex-admirer." Sabi naman ni Lance.

"Bro naman, panira ka din. Panira kayo. Kasal na ako. Gwapo lang talaga ako kaya iyong mga asawa ni—asdfghjkl."

I kissed him. Just to shut him up. Nagtawanan sila.

"Congrats, James!" Sabi ni Yumiko.

"Oh my, my brothers are both married na. I really need to get married na rin para we're all happy like err! Congrats big devil!" Sabi ni Fancy, the little devil.

"Pictureeee!" Sigawan nila.

Nagsi-pose naman kami for picture taking.

This is real. This is really.... the day. I am now Mrs. Mandy Aguilar - Abellano.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top