Chapter 30
Mandy POV
MAGANDA ang gising ko. Bukod sa dahil ilang months na ang nakaraan mula nang maging Mrs. Abellano na ako officially ay hindi pa rin nagbabago ang treatment sa akin ni James. Consistent pa din ang pagiging sweet niya at pagpaparamdam na mahal niya ako.
It's just amazing.
Ngayon ay kabuwanan ko na. Ang bigat na nga ng tiyan ko. Anytime ay manganganak na ako kaya nga laging nasa bulsa ng dress ko ang emergency button. Kung saan kapag pinindot ko ay automatic na magri-ring ang phone ni James.
Dito kami ngayon naka-stay sa mansion namin. There's no one here. Yung kapatid kong si Chelsea, syempre may sarili silang mansion. Si Papa naman busy sa business. Kaya wala na din halos maiiwan dito sa mansyon. Noong una ay ayaw ni James, kasi nagmumukha daw na parang ako pa iyong nagpatira sa kaniya. But I told him not to think like that. Hindi naman porket bahay ko, e wala na siyang ginawa para sa akin.
Staying with me is enough. Wala na siyang dapat pang patunayan sa akin.
He's working at their company. Ang AE—Abellano Enterprises. Isang branch ng company nila ay iniregalo ng Papa niya sa kaniya. So ayon, ang asawa ko may sarili ng kompanya tulad ng kapatid niyang si Lance na hawak ang Abellano Group of Companies. Sila lang dalawa ang maaasahan ng Papa nila sa business. Paano naman kasi, si little devil, ayaw. She's not fond of running company. Mas gusto niya daw mag-business ng fashion boutiques.
I sat on the sofa and ate my apple. Araw araw ganito nalang ang ginagawa ko. Kain, pahinga, tulog, kaunting exercise. Nababagot na nga ako.
I feel like I'm a prisoner that can't even go outside. Yes, naka-stay lang ako dito sa bahay. James doesn't want me to go anywhere without him. Medyo hectic lang sa kompanya niya ngayon kaya kahit kabuwanan ko na ay hindi siya makapag-leave. Okay lang naman. I can manage, of course. Remember, I'm Mandy demonyita and being weak isn't include in my vocabulary.
Tumunog ang cellphone ko. Tumatawag ang kapatid ko.
"Sis, bakit napatawag ka?"
"Sis, buntis yata ako."
Nanlaki ang mga mata ko. "Really? So may pang-anim na akong pamangkin?!" Dalawang beses lang siyang umire pero lima na agad ang anak niya. My sister was too strong to handle that.
"E... hindi pa kasi sure. Feeling ko lang. Ayoko naman kasi sabihin agad kay gummy bear."
I smiled. "Do you want me to accompany you to my ob-gyne? Para makapagpa-checkup ka."
"Ano ka ba, sis. Kabuwanan mo na. Saka bawal kang lumabas labas. Mahirap na. Baka mamaya bigla ka nalang manganak sa kalsada."
That was harsh.
She laughed. "Kidding aside, tinawagan lang kita kasi gusto ko lang mailabas 'tong saloobin ko e. Hindi kasi ako mapakali kapag wala akong mapagsabihan."
"Okay lang 'yon, sis. So what's your plan?"
"Bumili na ako ng pregnancy test. Tatlong piraso para mag-check. Gagawin ko na sana kaso kinakabahan naman ako."
Ilang beses na siyang nabuntis pero kinakabahan pa din siya. While me, I'm not nervous at all. Wala akong naiisip na pangamba or what about sa pagbubuntis. Ang sarap kaya sa pakiramdam. Siyempre, itong malaking tiyan ko ang patunay ng pagmamahalan namin ni James.
"Do it now." Sabi ko.
"Oo gagawin ko na. Sorry sa istorbo, sis. Oh, baka kumakain ka ng mga bawal sa 'yo, ha! Healthy food lang for healthy baby. Excited na akong makita ang baby ninyo! Sana kamukha ko."
I pokerfaced. "Seriously, sis? Kamukha mo talaga?"
"Oo sis. Para naman magkaroon ako ng kamukha. Iyong lima kong anak lahat kamukha ni gummy bear. Napaka unfair kaya!"
Tumawa ako. "Malakas lang talaga ang genes ni Kyle. At wala kang magagawa do'n."
"Kaya nga e. Hay." She sighed. "O siya, I'll hang up. Take care of yourself sis. Love lots!"
"Okay, sis. Thank you."
I ended the call. At least nawala ang boredom ko. Paano naman kasi, wala akong ibang ginagawa dito sa mansion. Tapos wala pang magagandang palabas sa TV. Ang pinanood ko nga lamang ay iyong korean drama na Strong Woman Do bong Soon. Nanood ako sa korean channel, at may subtitle naman. Ayun, kaso natapos na. Iniisip ko nga, baka mapaglihiian ko si Bong Soon. Naku, ang anak ko. Babae pa naman ang anak namin ni James.
Nagpa-ultrasound kami noong mga six months na ang tiyan ko and we found out na baby girl ang dinadala ko. I'm so excited with our baby. Gusto ko na din naman maranasan iyong mag-alaga ng anak.
Siguro isang beses ko lang naisipan na parang ayokong magka-anak. Noong time na nagkasakit ang kambal. Iyong mga anak ng kapatid ko. That time, ang sakit lang sa puso kaya parang pakiramdam ko anv hirap magkaanak tapos magkakasakit.
But now, I really want to have my own child. At kahit pa demonyita ako, syempre... sisiguraduhin kong demonyita din ang anak ko. So thay no one would bully her.
❣
NAKANGITI ako habang nakaupo dito sa sofa na tanaw ang main door. Kakatawag lang kasi ni James na pauwi na siya, and I don't know I always miss him. Kahit hindi naman siya umaalis ng over night or more than one day. It's only the whole day. Pero miss na miss ko siya palagi.
Nakarinig na ako ng busina ng kotse. It's him! Napatayo ako sa tuwa but I suddenly felt something.
Pakiramdam ko...
Nanlaki ang mga mata ko. What the hell?! Manganganak na ako!
"JAMES! Ja...mes!" Ang sakit sakit ng tiyan ko. Napaupo ako sa sofa at parang may dumadaloy sa binti ko. I thought it was blood but no, oh my God! Pumutok na ang panubigan ko!
Pasipol-sipol pang pumasok ng mansyon si James. Until he saw me lying on the sofa. Mabilis siyang tumakbo sa akin.
"What's wrong?! Fuck, Mandy ko, manganganak ka na?"
"O-Obvious ba?! Manganganak na ako!" Sigaw ko.
"Tangina manganganak ka na nga, Mandy ko. Puta, teka... ano... ah, dadalhin pala kita sa ospital!"
I rolled my eyes habang tinitiis ang sakit. "My God, James!"
Mabilis niya akong binuhat. "Yaya pakisabi sa driver ihanda ang kotse!" Sigaw pa niya.
Buhat buhat niya ako habang palabas ng mansyon. Hindi ko alam kung mararamdaman ko ba iyong sakit o mabubwisit kay James e. Pinagmalaki pa niya sa aking magiging alerto siya, e itsura palang niya kanina parang natuliro na agad siya.
Mabilis akong isinakay ni James sa kotse. Nasa likod kami pareho dahil may driver naman. Pilit kong tinitiis ang sakit. Pinagpapawisan na ako.
This is gross. My God!
"Mandy ko, tiis lang muna ha! Pupunta na tayong ospital. Hingang malalim..."
"What the hell, James! Gusto mo ba akong manganak dito?!" Sigaw ko. Kanina pa ako sigaw ng sigaw dahil sa tiyan ko. Parang malalaglag!
"Ano, ah... hingang mababaw, Mandy ko. Chill ka lang."
"Sa tingin mo... ahhh! Tingin mo makakapag-chill ako?!"
"Manong pakibilisan! Manganganak na ang asawa ko, shit!" Sabi ni James.
Naramdaman ko naman ang pagbilis ng kotse. Hawak hawak ni james ang kamay ko habang nakaalalay pa din sa akin.
I'm a strong woman, damn it! Ang sakit pala kapag manganganak, punyeta!
"Sa susunod, huwag mo na akong bubuntisin!" Sigaw ko kay James.
Nanlaki naman ang mga mata niya. "Fuck, Mandy ko. Grabe ka. Makaka-isa palang tayo kapag nagkataon. Pangarap ko more than three. Aba, si bro apat, dapat kong tapatan iyon!"
I rolled my eyes. Seriously. "Arrgghh! Ikaw nalang ang manganak, bwisit!"
"Shit, triggered ang asawa ko. Lumalabas na naman ang sungay. Demonyita na na—"
"SHUT UP!"
"Sabi ko nga, Mandy ko."
Ugh, sa wakas, natanaw ko na rin ang hospital. My God! Ang anak ko, ayaw nang papigil. Gusto ng lumabas.
James POV
NAKANGITI akong nakatitig sa baby namin na ngayon ay inihiga ng nurse sa tabi ni Mandy ko.
"Here's your baby girl." Sabi ng nurse kay Mandy ko.
She's crying. Damn it. Ang mag-ina ko. Oo, shit. May asawa na ako, may anak na ako. Complete family na.
"James... she's beautiful." Aniya. Hindi pa siya masyadong makagalaw dahil kakapanganak lamang niya.
Pero himala, ang bait na ng asawa ko sa akin. Sa pagkaka-alala ko kasi ay tutusukin niya ang mata ko kanina. Paano ba naman noong nanganganak na siya, nagvi-video ako, plus selfie pa habang nanganganak siya. Galit na galit siya kanina. Kung anu ano sinisigaw niya habang inilalabas ang baby namin e.
"Punyeta, James Patrick! Nakuha mo pang magvideo letse ka!"
"Bwisit ka! Ano yan selfie?! Tutusukin ko talaga ang mata mo mamaya, mailabas ko lang 'tong anak natin! Bwisitttt!"
"Ahhhh! Hindi ko malilimutan ang katotohanang nagsimula ka sa one AB! AHHHH BWISIT NA TIYAN MO!"
Napapailing nalang ako. Ganoon ba talaga ang mga asawa kapag nanganganak? Talaga namang bwisit na bwisit sa akin kanina e.
Lumapit ako kay Mandy ko saka hinaplos ang baby namin. She's too small. Nakakatakot pang hawakan.
"She looks like me..." aniya pa.
"Mandy ko, magpahinga ka pa para mamaya paggising mo, makita mo ang katotohanang ako ang kamukha ng anak natin."
Umirap siya. Iba din! Masama pa pakiramdam niya pero nakaka-irap pa din, potek. Demonyita ba naman ang asawa ko e.
"What's her name?" She asked.
I smiled at her. "She's Patricia Margaux Aguilar Abellano." Sabi ko. "Pangalan palang, maldita na. Hehe."
"Well... sa akin siya magmamana. Siya ang magmamana ng trono ko bilang demonyita."
Napailing na naman ako. Malala na 'tong asawa ko. Proud talaga siya sa pagiging demonyita niya e. Fuck. Pati anak namin... Diyos ko, sana naman sa akin magmana. Para lumaking mabait.
"What are you thinking?" Tanong niya.
"Wala... hindi lang ako makapaniwalang may baby na tayo, Mandy ko. Buti kamo walang sungay."
She glared at me. "Tutusukin ko na talaga 'yang mata mo e."
Aba, potek hindi pala nakalimutan.
"Mandy ko naman. Napaka-harsh mo sa akin." Sabi ko. "Tapos sinusungitan mo pa ako sa harap ng baby natin. Aba, baka ma-adapt niya agad ang ganyang ugali."
"Better. Mas gusto kong maldita siya. Anyways, I love the name. Thank you, James."
Syempre ako ang umisip ng pangalan. Kailangan talaga initial niya ay PM para Patrick at Mandy. O diba, puta ang sweet ko. Mas sweet pa ako sa kapatid kong ugok e.
"Patricia Margaux... the newest demonyita." Sabi ni Mandy ko.
Nasapo ko ang noo ko. Kailangan kong maglaan ng maraming oras sa baby namin. Potek, kailangan, para hindi siya lumaking maldita tulad ng Mama niya.
"Mandy naman..."
"Aangal ka?"
"Sabi ko nga, Mandy ko. Sabi ko nga magiging demonyita ang anak natin." Tungunu!
Ngumiti siya sa baby namin. Ang sarap nilang panoorin. Ngayon ko masasabing buo na ang pagkatao ko dahil hindi lang asawa ang meron ako, pati anak.
Inilabas ko ang cellphone ko saka pinicturan ang mag-ina ko ng stolen shot. For memories...
Damn it. Hindi ko akalaing darating pa ang panahong matutupad namin ni Mandy ang mga plano namin. Nakakatuwa lang isipin na nagsimula kami sa pagiging enemy, hanggag magkasundo, hanggang sa mahulig sa isa't isa.
She is famous with her signatured nickname—demonyita. But I love her for who she is or what she is.
I will do my best for my wife and for my daughter—soon to be the newest demonyita like what my wife said.
Demonyitas. My wife, my daughter and my sister as well. I was like... living in hell. Oh damn it.
But this demonyita caught my heart and I will forever love her, until my last breath.
THE END.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top