Chapter 28
Chapter 28
Mandy POV
MASAYA akong nakamasid kay James habang nagluluto ng breakfast namin. Tatlong araw na ang lumipas mula nang mai-rescue niya ako mula sa mga kamay ni Thunder.
Speaking of Thunder, nasa kulungan na siya ngayon at sinigurado kong hindi siya makakalabas doon. Noong pinuntahan namin siya, he asked for forgiveness. Mahirap magpatawad but I know, soon. Mapapatawad ko rin siya sa nagawa niya sa akin. Inamin din niya sa akin na walang nangyari sa amin noong gabing iyon at dahil doon mas nakahinga ako ng maluwag. He deserves it. Though, I will always be thankful for him for saving my life.
About my memories, naaalala ko na ang lahat. Kahapon ay galing din kami ni James sa doctor para ipa-check-up ako at may mga niresetang gamot para sa akin. Dumaan na rin kami sa OBgyne ko at pinacheck-up si baby sa tummy ko.
Hindi ko akalaing darating ang araw na ito. Iyong wala ng problema. Masaya nalang kami plus bumalik na ang alaala ko. Si James lang pala ang makakapagpabalik niyon, e. At siguro, if Thunder didn't manipulate my medications, baka matagal na akong nakaalala. Pero tapos na ang lahat ng iyon. Ang mahalaga ngayon, kami ni James—ang pagbuo namin ng pamilya namin.
"Anong iniisip mo, Mandy ko? Parang ang lalim ah. O baka naman ibang lalaki iyan?" sabi ni James saka ipinatong ang nilutong breakfast sa dining table.
Sumimangot ako. "Oo ibang lalaki! Si Thunder."
"Bakit mo iniisip ang gagong iyon? Na-realize mo bang siya pala ang gusto mo? Gusto mo na ba siyang pakawalan sa kulungan?"
Gusto kong matawa kay James. Parang siya ang naglilihi sa amin, e. Madalas siyang magsungit.
"Iniisip ko siya dahil tapos na ang lahat ng problema natin at nakakulong na siya. Ikaw talaga, kahit kailan."
Lumapit ako sa kaniya saka niyakap siya mula sa likod niya.
"Naglalambing ka na naman. Alam mo namang 'yan ang kahinaan ko." aniya.
I chuckled. "Kumain na tayo kasi aalis pa tayo para sa fitting ng wedding gown ko at ng tuxedo mo." Sabi ko.
Oo nga pala, agad agad, naayos na ang pagpaplano ng kasal namin. Gusto rin kasi ni James na makasal kami habang hindi pa ganoon kalaki ang tiyan ko. At 'yon nga, in instant, naayos ang lahat.
Beach wedding ang napili namin theme. Well, katulad siya ng sa kapatid kong si Chelsea. Pero may malaking parte kasi sa akin ang beach. Maraming nangyari sa beach kaya gusto kong doon ang wedding namin.
Kumuha si James ng wedding organizer at akalain niyong pinatapos niya ang invitations in one whole day? Para daw maipamigay na dahil in one week, ikakasal na kami agad agad talaga.
Lahat talaga, madalian. Pero mas maigi na iyon. Ilang taon din ang nasayang na hindi kami magkasama. Isa pa, ang huling pinag-usapan namin noon bago ako mawala at mawalan ng ala ala, ay ang kasal. Kaya masaya ako na sa wakas, matutupad na iyon.
"Alright. Let's eat." Sabi ni James saka inalalayan akong umupo sa dining chair. Umupo na rin siya sa tapat ko saka pinaglagyan ako ng pagkain sa plato ko.
Nakangiti lamang ako habang pinapanood siya.
May basbas na nga pala kami ni Papa at syempre ng kapatid ko. Hindi ko rin alam kung paanong nagkasundo si Papa at James, e. Basta naging close na sila without my knowledge.
"Naipamigay ko na ang invitations kagabi. Binigyan ko lahat ng Tigers. Close mo naman sila dahil ex mo si Kyle."
"E, bakit nakasimangot ka?"
"Wala. Binigyan ko din ang mga asawa ng Tigers. At syempre pinakahuling bahay na pinuntahan ko ay bahay ng ex at kapatid mo."
Teka lang, ang cute ni James kapag nakasimangot.
"May problema ka ba sa ex ex na iyan?" tanong ko. "My gosh, James! Ang tagal tagal na no'n. He's happily married with my sister at may mga anak na sila. Bitter ka pa rin?"
"E ano naman kung bitter ako."
Aba, aba. "Ah, kaya pala. So ang huling bahay na pinuntahan mo ay bahay ng unang babaeng minahal mo? Iyong kapatid ko lang naman. 'Di ba?" pagsusungit ko.
Akala niya diyan, ha.
Napakamot siya sa ulo niya. "Mandy naman. Past na iyon saka nauna kong nakilala si Chelsea sa 'yo. Saka..."
"Ano? Pa-bitter bitter ka pa diyan kay Kyle. E ako nga, hindi na bitter kay Chelsea. Kaya umayos ka diyan, ha. Kung ayaw mong matulog sa labas." Pagtataray ko.
It's just funny. Kyle and Chelsea. They are happily married. Tapos pareho pa silang dalawa na you know... una naming minahal ni James. Si Kyle na first love ko. I even tried to ruin their relationship until James came to my life at doon ako tumigil. James, on the other side, fell in love with Chelsea. Kahit boyfriend na noon ni Chelsea si Kyle, hindi pa din nag-give-up si James until one day... siguro na-fall sa akin kaya ayun, we ended up with each other at wala akong pinagsisisihan doon.
"Hindi na nga, e. Nagbibiro lang ako. Saka bakit mo ako patutulugin sa labas? Condo unit ko 'to."
"Whatever. Kahit condo unit mo pa ito, I don't care." Sabi ko saka nagsimula ng kumain.
"Nagsusungit ka na naman Mandy ko. Baka gusto mong maging kambal iyang nasa tiyan mo."
Nasamid ako. "James naman, e!"
"What? I'm serious. Natutunan ko iyon sa kapatid ko. Make love and make love para maging kambal." Tumawa siya.
Kahit kailan talaga. "Kumain ka na nga. Ang dami mong sinasabi. May pupuntahan pa tayo." Sabi ko.
"Yes, boss!" aniya habang nakangiti.
James with his smiling face made me fall in love with him over and over.
-
NATAPOS kami sa wedding gown at tuxedo fitting naming. Okay na ang lahat. Ang wedding organizers na ang bahala sa lahat and next week, kasal na namin.
"Mandy, punta tayo sa mansion ah." Sabi ni James. "Nagluto daw si Yumi."
I rolled my eyes. "Speaking of Yumi. 'Di ba nagkagusto ka din sa kaniya?"
"She's my friend. Mandy naman! Nilahat mo na, ah. Asawa na siya ni bro saka ikakasal na tayo. Tama na ang pagbi-bitter, aba."
"So bakit nagluto siya? Anong meron?" tanong ko.
"Sabi ni bro, pinagluto daw niya si Yumi kasi monthsary nila."
"What? Monthsary?"
Tumango si James. "Yes. Monthsary. Alam mo naman ang kapatid kong gunggong, daming alam. Masyadong patay na patay kay Yumi 'yon. Kita mo pati monthsary gusto pang i-celebrate, putek. E mag-asawa na sila. May mga anak na nga, pa-PBB teens pa."
Ngumiti lang ako. Kakaiba din ang mga love story ng mga kaibigan ni Kyle. Iyong mga hindi mo aakalaing magiging matino. Parang dati lang, wala silang alam kung hindi puro kalokohan lang, pero ngayon... ang love talaga, iba ang nagagawa sa tao.
"Speaking of anak, may naisip ka na bang pangalan for our baby?"
"Mandy ko, hindi pa nga natin alam kung lalaki o babae."
"Then, mag-isip tayo ng pang-boy at pang-girl."
Ngumiti si James. "Huwag ka ng mag-isip. Nakaisip na ako pero hindi ko muna sasabihin sa 'yo para may thrill. Saka para hindi ka na makapalag."
Sumimangot ako. "Ano nga kasi. Tell me."
"Basta nag initial niya ay P.M. para nakuha sa pangalan nating dalawa."
"PM?"
"Oo. From Patrick sa pangalan ko at from Mandy sa pangalan mo. Malalaman mo nalang kapag lumabas na si baby. Okay?"
Mas sumimangot ako. "Dami mong alam. Pa-thrill thrill pa."
Pero sabagay, kung ano mang gusto niyang pangalan, okay lang sa akin. He can decide since anak niya naman ito.
"Okay, we're here."
Napatingin ako bintana ng kotse. Narito na pala kami sa bahay nila. Ipinasok niya ang kotse sa veranda.
"Let's go?"
Tumango ako. Bumaba na si James saka ako pinagbuksan ng pinto ng kotse, inalalayan din niya akong bumaba. Napaka-gentleman talaga.
Sabay kaming pumasok sa mansyon nila.
Naabutan namin sa living room sina Lance at Yumi. May mga pagkain sa malapad na center table.
"Hi, Mandy!" bati ni Yumiko sa akin saka kami nagbeso.
"Hi, Yumi." Sabi ko saka ako tumingin kay Lance. Nagtanguan lang kami.
Inalalayan ako ni James na umupo sa sofa.
"So, buti nakapunta kayo? How's the preparation for the wedding?" tanong gad ni Yumiko.
I smiled. "Yes. Monthsary niyo daw kasi sabi ni James. And kagagaling lang namin sa fitting ng wedding gown ko at ng tuxedo niya."
Parang namula ang mga pisngi ni Yumiko. "James naman! Sinabi mo pa talaga iyon. Alam mo naman 'tong kapatid mo, ang daming pauso e."
Tumawa lang si James. "Totoo naman e. Para kayong mga teenager. May nalalaman pa kayong monthsary."
"Tch. Ganyan ko kamahal ang asawa ko kaya kahit monthsary, hindi ko nakakalimutan." Walang expression na sabi ni Lance.
"Oo na, bro. Gagawin din namin iyan ni Mandy." sabi ni James saka tumingin sa akin. "Diba, Mandy ko?"
Kumuha ng plato si Yumi saka ibinigay sa amin ni James. "Huwag kayong mahiya. Kain lang kayo."
Ang dami ngang pagkain. May baked mac, pizza, fried chicken, cake at fruit salad. Nakakatakam tuloy.
"Iyong mga anak niyo?" tanong ko.
"Tulog. Napagod kanina dahil iginala ni Fancy sa mall." Sagot ni Yumiko.
Tumango tango ako saka sinimulang kumain. Si James at Lance ay may sariling pinag-uusapan sa kabilang sofa. Si Yumi ang katabi ko.
"I heard my name. Like duh, I'm really famous talaga."
Napatingin kami sa nagsalita. Si Fancy.
"Hi, little devil." Bati ko sa kaniya. Pareho kaming demonyita kaya nagkasundo kaming dalawa e.
She rolled her eyes. "Hi, big devil." Bati niya. "So you're here pala with Patrick. I'm ready with my gown na nga pala for the wedding. You know, I'm the bride's maid!"
Ngumiti ako. Mas excited pa siya sa amin. Siya kasi ang kinuha naming bride's maid ni James.
"See you at the wedding, then." Sabi ko.
"Anyway, how's my new pamangkin? It's still maliit pa din? Sana girl 'yan para there will be a tiny devil naman. You are the demonyita, I'm the little devil, then if ever, she will be the tiny devil." She chuckled.
"Fancy, dami mong alam. Ano 'yan, nagpapalahi ba kayo ng mga demonyita. Tama nang kayo ni Mandy ko. Huwag niyo ng dagdagan. Ikaw pa nga lang sumasakit na ang ulo ko, e." Sabat ni James.
"Whatever, Patrick! Kapag girl ang baby niyo, you need to prepare yourself dahil tuturuan ko siya ng mga devil's skills ko." sabi ni Fancy saka tumingin sa akin. "Right, Ate demonyita?"
Tumawa ako. That Ate demonyita. Ang dami niya ngang alam. "Okay, sabi mo, e." Sabi ko nalang.
"Kumain ka na, Fancy." Sabi ni Yumiko.
Umupo rin siya sa tabi namin ni Yumi.
"So, my parehong brothers are may asawa na and babies. Samantalang ako, wala pa. Should I find a man to marry agad agad and have a baby?" sabi ni Fancy.
"FANCY JEWEL, SHUT UP." Sabay na sabi ni James at Lance na pareho pang masama ang tingin.
Sabay kaming natawa ni Yumiko.
"Argh! So I'm the only Abellano na single? Gosh!"
"Alam mo, Fancy darating rin ang right time na makikilala mo ang lalaking mamahalin mo at pakakasalan. You don't need to rush things." Sabi ko. "Tulad ko, ang daming nangyari pero hanggang ngayon, heto pa rin kami ni James."
"Same with me. Kahit ilang beses kaming nagkasakitan noon ni Lance, ayon, sa kaniya pa rin ang bagsak ko. Ganoon talaga kapag mahal mo." Sabi naman ni Yumiko.
"Aw, so excited naman na ma-feel ko iyan. Iyong mahal na mahal ko that I'm willing to give up everything for him. Pero I know, there will be pagsubok. And I'm ready for those." Sabi ni Fancy.
Bata pa siya. Marami pa siyang makikilala.
"Kumain na nga lang tayo." Sabi ni Yumiko. "And, Mandy magkwento ka naman ng mga preparation sa wedding niyo and sa pagbubuntis mo."
Tumango ako. "Sure. Girl's talk muna tayo since busy ang mga asaswa natin sa pag-uusap." Sabi ko.
Seryoso kasing nag-uusap sina James at Lance.
"Duh! Wala pa akong asawa 'no!" sabi ni Fancy.
"O sige, asawa namin ni Yumiko." Natatawang sabi ko. "So ayun nga..."
We started talking at dito, naramdaman kong welcome ako sa pamilya ni James and I'm happy for it. Nakaka-excite na ang kasal. At syempre, nakaka-excite na ring lumabas ang baby namin, soon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top