Chapter 27
Mandy POV
Please...
Hindi ko kakayanin kapag lumakad palayo si James because that means, he will leave me. Iiwan niya ako sa hayop na Thunder na 'to!
Umiyak ako. Hindi ko mapigilan. Nararamdaman ko na naman ang parang pagbiyak mg ulo ko. There are lot of scenes playing inside my head.
"James..."
All I need is him. Siya lang! Now that I remember him, I want to stay with him. Ayokong iwan niya ako. Ayokong mawala siya sa akin!
"I told you, Mandy. Hindi ko na kailangang idaan sa dahas ang pag-angkin sa iyo. See that? Abellano turned his back on you and he will leave you. Akin ka na, Mandy. Akin ka lang." Sabi ni Thunder.
Hayop talaga siya. I will kill him! I want to kill him with my bare hands!
Hindi tumitigil sa pagtulo ang luha ko. Nasasaktan ako dahil anytime ay lalakad na palayo sa akin si James at tuluyan na siyang mawawala sa akin.
Napatingin ako kay James nang marinig ko siyang tumawa. Kumunot ang noo ko at napatigil ako sa pag-iyak.
"Sa tingin mo ba, ganoon kababaw ang pagmamahal ko kay Mandy?" He turned around and this time, nay hawak na siyang baril. Nakangisi siya kay Thunder.
Mukhang nagulat si Thunder. Saan nanggaling ang baril ni James? Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Kinabahan na naman ako.
But on the other side, parang nakahinga ako nang makaluwag dahil hindi nagwalk-out si James.
Mabilis na itinutok ni Thunder ang baril niya kay James.
"Naiintindihan mo ba ang sinabi kong hayop ka? May nangyari sa amin ni Mandy at ako ang ama ng pinagbubuntis niya. Huwag mo sabihing magpapaka-martir ka?" Sigaw ni Thunder. Siya ang hayop!
Ngumisi na naman si James habang nakatutok din ang baril niya kay Thunder.
"Hindi ako katulad ng kapatid ko na makitid ang utak at galit lagi ang pinapairal. At lalong hindi ako bobo para hindi maintindihan ang sinabi mong mas hayop ka. May nangyari sa inyo, how? Mandy should explain it to me. And I'm fucking willing to wait for her to explain about it." Nanlilisik ang mga mata niya.
Naiiyak ako. Naiiyak na naman ako dahil sa sinabi ni James. He trusted me.
"I trust her, asshole." Sigaw pa ni James. "At kung sinasabi mong ikaw ang ama ng pinagbubuntis niya, then fuck you let's wait for it and do the DNA test."
Kumabog ang dibdib ko sa sinabi ni James. I felt happy.
"Baliw ka na, Abellano! Akala mo ba anak mo talaga 'yan? Hihintayin mo pa bang lumabas sa DNA test na ako ang ama ng pinagdadala niya? Fuck you, malala ka na!" Sigaw pa ni Thunder.
"Hindi ako tanga na basta basta nalang gagawa ng desisyon dahil lang galit ako. Yes, I'm fucking mad right now. I want to kill you in instant so I will have the chance to talk to Mandy and let her explain. I want to hear from her that she's not in her right mind nang may nangyari sa inyo. I love her so much just to turned my back on her because of that crap."
James...
Mas naiyak ako sa sinabi niya. Mahal na mahal ako ni James and that made me love him more. Hindi ako nagsisi na siya ang pinili ko kahit hindi ko pa siya naaalala ng buo. And now that I remember everything about him, ang gaan gaan sa pakiramdam na marinig mula sa kaniya na mahal niya ako.
"Papatayin kita, Abellano!" Sigaw ni Thunder.
Nagpalipat-lipat na naman ang tingin ko sa kanila. Kung may dapat mang mamatay sa kanila, it should be Thunder! Hayop siya!
James grins. "Alam ko. Alam kong papatayin mo ako kaya tanga nalang ang pupunta dito na wala man lang dalang pang-self defense. Boy scout 'to, gago. Hindi ako sumusugod sa isang gyera na walang armas."
Pareho silang may baril. Parehong nakatutok sa isa't isa pero kinakabahan ako. Paano kung... paano kung... ayokong isipin! Ayoko. Hindi pwedeng mawala si James.
"Then let's see who has the fastest bullet." Nakangising sabi ni Thunder.
Sabay silang nagkasa ng baril at muling itinutok iyon sa isa't isa. Hindi ko alam ang gagawin ko. Gusto kong lapitan sila at pumagitna dahil ako ang dahilan ng pagkakaganito nila.
But I am thinking about the child inside my womb. Ayokong ipahamak ang anak ko.
"I will fucking kill you, Abellano. Any last words?" Tumatawang sabi ni Thunder. Baliw na siya.
Mas ngumisi pa si James. "Last words? Fuck you to death, Thunder."
Nagitla ako at napapikit nang makarinig ng pagputok ng baril. Napatungo ako habang nakatakip ang mga kamay ko sa tainga ko.
Oh my God. No...
Natatakot aking tingnan kung sino ang tinamaan ng baril. Natatakot ako!
"Walang kikilos!"
Nanlaki ang mga mata ko nang makarinig ako ng ibang boses kaya nag-angat ako ng tingin at iminulat ko ang mga mata ko.
May mga pulis! Paanong nagkaroon ng mga pulis?
Ipinosas agad ng mga pulis ang kamay ni Thunder. May tama pa siya sa balikat dahil kitang kita ko ang pag-agos ng dugo doon.
Lumapit sa akin ang isang pulis pero hindi ko siya pinansin nang madako ang tingin ko kay James. He's lying on the floor.
My God! James...
Mabilis akong tumakbo kay James pagkatapos akong tulungan ng pulis hanggang makatayo ako.
"James..." humagulhol ako.
May tama siya sa tiyan. No... hindi maari!
"James, please wake up. Please." I shouted at him.
"He's dead." Humalakhak pa ng tawa si Thunder habang bitbit siya ng mga pulis.
Hindi ko na pinansin ang sinabi niya at tumingin ako sa mga pulis. "Tulungan niyo si James! Kailangan niyang madala sa hospital!" Sigaw ko pa.
Wala man lang pumansin sa akin. Mas lalo akong gumagulhol. Bakit hindi nila tinutulungan si James?!
"Please, help me!!" Sigaw ko ulit pero nag-aalisan na ang mga pulis.
Tumingin ako kay James. "Wake up, James. Dadalhin kita sa hospital, okay? Please don't leave me. Ngayon pa na naaalala ko na lahat. Naaalala na kita, James." Pinunasan ko ang luha ko.
"Talaga?"
Natigilan ako bigla at napatingin sa mukha ni James. He's awake!
"James."
"Naaalala mo na ako?" Tanong pa niya.
Tumango ako. "Lahat! I remember everything so please, let's go to hospital. Please."
He smiled at me. "Stop crying, Mandy ko."
"Paano akong hindi iiyak? Baliw ka ba? May tama ka. Madaming dugo ang mauubos sa 'yo! Kailangan nating pumunta—"
Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya. Bumangon lang naman siya saka umupo sa sahig. Hinubad niya ang tshirt niya at nakita ko ang life vest na nakasuot sa kaniya. Idagdag pa ang mga nakakabit na parang plastic na may dugo?
"I'm hundred percent safe. Hindi ko kailangang pumunta sa hospital, Mandy." He said. "Boy scout 'to. Akala ba ng Thunder na iyon, pupunta talaga ako dito ng mag-isa nang hindi handa? Tuso siya pero mas tuso ako. Hindi niya ako maloloko."
Pinaghahampas ko siya. "I hate you! I hate you! Nag-alala ako! Natakot ako! Natakot na baka... baka..."
Niyakap niya ako ng mahigpit. Hindi ko mapigilang umiyak.
"Stop crying. Baka maapektuhan si baby. I'm safe. And you're safe." Aniya saka kumalas sa pagkakayakap sa akin.
Nakatitig lang ako sa kaniya. Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari.
He kissed my lips. "Sisiguraduhin kong mabubulok sa kulungan ang hayop na Thunder na iyon."
"James... thank you for saving me. For saving our baby. Thank you for trusting me. Iyong sinabi ni Thunder, lasing ako no'n and I don't remember anything kahit sinabi niyang may nangyari sa amin. I don't know..."
He smiled. "I know. Alam kong hindi ka gagawa ng bagay na hindi ko magugustuhan. May pagka demonyita ka pero hindi ka gagawa ng ganoong bagay. I trust you, Mandy. At alam kong anak ko 'yang dinadala mo."
I bit my lower lip. Lalo akong naiyak saka niyakap siya. Napakaswerte ko sa kaniya. Gumaan ang pakiramdam ko dahil sa sinabi niya.
I'm safe. Hindi lang sa panganib na dala ni Thunder kung hindi pati na din sa posibilidad na iwan ako ni James.
Huminga ako ng malalim at mas hinigpitan pa ang pagkakayakap ko kay James. This is where I belong—in his arms.
⚋
NAKAUPO ako dito sa sofa sa condo unit ni James habang umiinom ng gatas. Oo, gatas ang itinimpla ni James para sa akin.
Hinihintay ko siyang matapos maligo. Nakapaligo na ako at nakapaglinis ng katawan ko nang makauwi kami rito kanina. Mula sa pinagtaguan sa akin ni Thunder ay dumaan pa kami sa police station para ibigay ang statement ko and yes, magsasampa ako ng kaso kay Thunder.
Alam na ng pamilya ko at galit na galit sila lalo na si Papa. Naroon sila kanina sa police station kasama ang kapatid ko—si Chelsea. Alam pala nila ang ginawang pag-rescue sa akin ni James at naghintay lamang sila ng tawag galing sa police station.
So lahat nang nangyari ay planado ni James. Nakipag-usap pala siya sa mga police tungkol sa pagliligtas sa akin at sinabi niyang ang magiging hudyat nang pagsugod nila ay kapag nakarinig sila ng putok ng baril. Ipinaliwanag din sa akin ni James na naglagay talaga siya ng mga fake blood sa vest niya para kung sakaling barilin siya ni Thunder ay kapani-paniwala.
Mautak nga si James. Pero nakakainis, kaya pala ang lakas ng loob niyang magsabi ng "I can take a bullet for her" kaya pala, ha! May life vest pala.
Si James ang nakipag-usap kay Papa kanina at hindi ko na inisyoso ang mga pinag-usapan nila. Si Chelsea ang kumausap sa akin kanina at tinanong na rin ako tungkol sa pagbubuntis ko. Alalang alala siya sa akin.
Nagpaalam din si James kanina na iu-uwi muna ako dito sa unit niya at hindi ko alam kung paano niya napapayag si Papa. James' way talaga.
"Mandy ko."
Nag-angat ako ng tingin at nakita kong nakatapi lang ng towel sa bewang si James. What the hell?!
"J-James magbihis ka kaya muna?" Sabi ko. Feeling ko nag-iinit ang mga pisngi ko.
"Why? Bakit namumula ka?" Tanong pa niya. Parang nananadya pa e.
"Ano ba, James. Magdamit ka nga."
"Parang hindi mo pa nakita 'to, Mandy ko." he said with his husky voice.
Ayoko ng ganito. Demonyita ako pero tiklop ako kapag ganitong balak yatang mag-bold ni James.
Oh my God.
Bigla niyang tinanggal ang towel sa bewang niya. Shit! After that tough time, naisip pang magganito ni James?! Seryoso? Sa halip na pagpahingahin niya ako dahil halos ma-trauma ako sa ginawa ni Thunder pero parang mas mata-trauma ako sa ginagawa niya!
"James!"
"Wala pa akong ginagawa, sumisigaw ka na. Mandy ko naman."
Lalo kong naramdaman ang pag-iinit ng pisngi ko. What the hell! He's being naughty!
Naramdaman kong lumalapit siya sa akin.
"James, gosh pagpahingahin mo naman muna ako. Pwede ba? Saka... saka buntis na ako. Isa pa, nanghihina ang katawan ko dahil sa ginawa sa aking pagkukulong ni Thunder. I don't have energy and—"
"Anong sinasabi mo, Mandy ko?"
Kumunot ang noo ko at napatunghay kay James. Nakashort siya at may hawak na medicine box.
"Ah... ano..."
He smirked. "Mandy, you're the one being naughty. Ano bang iniisip mo? Tinanggal ko lang ang towel sa bewang ko dahil naka-short na naman ako. At itong medicine box, kailangan kong gamutin ang mga galos na maliliit sa binti mo. Tanginang Thunder 'yon."
Napalunok ako. Nakakahiya! Ano bang naisip ko! Ugh! I feel like I have a dirty mind.
"Ikaw Mandy ko, may gusto ka bang gawin na kakaiba? Ikaw ha, akala ko ba na-trauma ka sa nangyari, e bakit parang gusto mong..."
Tumili ako. "Wala! Wala akong naisip! Wala! Shut up. Ugh! Gamutin mo na ang mga galos ko para makatulog na ako at makapagpahinga!" Sigaw ko. Nakakahiya talaga!
Tumawa si James saka umupo sa tabi ko. "You're blushing. Mandy ko talaga, hayaan mo mamaya paggising mo at kapag nakapagpahinga ka na, I will fulfill what you want." Parang nang-aakit na sabi niya.
"Ugh! James naman e!"
Tumawa ulit siya saka hinaplos ang pisngi ko. "I love you, Mandy ko. I love you, and I trust you."
Ngumiti ako. Ang swerte swerte ko talaga sa lalaking 'to. Pagkatapos nang nangyari, heto at ang gaan gaan ng pakiramdam ko sa piling ni James.
"I love you, James. Mahal din kita. Mahal na mahal." Sabi ko.
And after saying those words to each other, we sealed it with a passionate and breath-taking kiss.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top