Chapter 26

Mandy POV

NAKAKULONG ako ngayon sa isang kwarto, at alam ko bahay ito nina Thunder. Nakapunta na ako dito isang beses noong nagkaroon ng party dito—that time, maganda pa ang impression ko sa kaniya and I thought he was helping me.

Hindi ko alam kung anong pina-plano niya ngayon but I swear, I will rip his neck!

Kung hindi lang niya ako tinakot na babarilin, hindi niya ako mapapasunod sa gusto niya. At kung hindi lang ako buntis, wala akong pakialam kung barilin niya ako.

I hope James will find me... us, our baby. Siguradong magtataka siya kapag wala ako sa condo unit niya at alam kong mas magtataka siya kapag nakita niya na hindi ko dinala ang cellphone ko.

Bumukas ang pinto. Napalunok ako. Dahil may dinadala na akong buhay sa tiyan ko, hindi ako basta makagalaw. Kayang kaya ko naman siya e, but I'm thinking about my child.

"Prepare yourself."

Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Thunder. "What do you mean?"

"Your knight in shining armour is in his way here to get you, or not to get you." He grins.

Knight in shining armour? Is it James? Paano? Pinapunta niya rito? But why?

"What are you talking about?!" susugurin ko sana siya pero bigla niyang inilabas ang baril niya at itinutok sa akin.

"One wrong move, Mandy."

Kusa akong napatigil. Ang lakas lakas ng kabog ng dibdib ko. I know Thunder is a good person that turned out to be a psycho pero hindi ko naisip na aabot sa punto na kakayanin niyang pumatay? Is he a killer or what?

"What did you say? What do you mean, pupunta dito si James?"

He nodded. "He's on his way, Mandy. I will give him a chance to save you but what do you think, tutulungan ka ba niya kapag sinabi ko sa kaniya na..."

Napalunok ako. Don't tell me, he's going to tell James what happened to us? No, it can't be. "What are you trying to do? Hindi ka ganyan, Thunder! You helped me, you saved my life but that doesn't mean that you have the rights to do this to me!"

Ramdam na ramdam ko ang galit ko. I felt the burning fire inside me. If it wasn't for that damn gun, I will kill him myself.

Tumawa siya ng nakakaloko. "I saved you. I saved your fucking life, Mandy and you're turning your back on me? I did my best. I took care of you! All those years that you were with me, we're happy and okay but since that guy came, you changed. You fucking chose him over me even if you can't remember him!"

Umiling ako. I felt my tears starting to flow from my eyes. "I can't remember him, Thunder but my heart does. Mahal ko siya. Siya ang mahal ko. Hindi dahil masaya tayo at okay tayo ay may pagmamahal na akong nararamdaman para sa iyo. You should know the difference of being in love and thankful. I am thankful to you for saving my life but I never been in love with you."

He glared at me. He's mad right now. I'm being honest here! I can't lie about my feelings. Hindi ko man maalala ng buo si James, alam ko at ramdam ko sa puso ko na mahal na mahal ko siya. I'm not the kind of woman that would trust a man in instant. Pero kay James, ramdam ko. Narito sa puso ko.

"Thankful? Wow, Mandy. Just wow. Buhay mo iyon! Hindi iyon basta bagay lang! Its your life! If its not for me, you're dead by now!"

Naikuyom ko ang kamao ko. Nakaramdam ako ng pagkislot sa may sentido ko.

"Don't you dare tell that to James."

"What? You don't want me to tell him about what happened to us? That night you initiated it. You were the one who wanted it."

Umiling-iling ako. "You're a liar! I never thought of doing that thing with you, Thunder! I never had a romantic feelings for you! You're just a friend!"

"Friend? Fucking friend!"

Napahawak ako sa ulo ko nang bigla siyang magpaputok. Nanginginig ang mga kamay ko. I can't stop my tears falling.

Demonyita ako pero marunong din akong matakot. Takot na takot ako ngayon dahil wala akong ideya kung ano ba talaga ang kaya niyang gawin.

I tried to look at him. Nakatutok sa taas ang baril niya. He's really mad. I could see it in his eyes.

"That fucking Abellano will be the one to decide. Let's see if he will still choose to save you after telling him what happened to us." He winked then left me alone in this room.

Napaupo ako sa sahig. Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong pakiradam. Parang sasabog ang puso ko. Napahawak ako lalo sa ulo ko dahil sa pagsakit. Not now. I need to think. I need to think! James will be here at hindi niya maaaring malaman ang tungkol sa nangyari sa amin ni Thunder!

I won't let that happen. We're happy. Tulad ng naaalala kong mga tagpo sa isip ko, we were happy together, at iyon ang nangyayari ngayon. I can't ruin that. I am ready to settle down if it's with James. I never thought of being in this kind of situation.

Mas sumakit pa ang ulo ko. Parang mabibiyak. Parang... shit! What is this. A lot of scenes are playing in my mind right now. Mariin akong pumikit para pakalmahin ang sarili ko. I need to be strong for my baby.

Nagulat ako nang bumukas na naman ang pinto. Again, it's Thunder.

"Huwag mo akong artehan ng ganyan Mandy. Hindi mo ako madadala sa gayan."

Unti-unting nawawala ang sakit ng ulo ko but some parts of my memory came back. Si James...

James Patrick Abellano. Siya ang lalaking mahal na mahal ko. We met because of my half sister. Magkaibigan sila at noong panahong inaaway ko ang kapatid ko dahil kay Kyle Shinwoo, lagi siyang nakikisali until one day, I just fell in love with him.

James, my James. I remember you now.

"Abellano just called and he arrived. Nasa baba na siya. I told him to go here alone. I won't harm him because I know that he will run away without you."

I know James will trust me pero hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon niya kapag nalaman niyang may nangyari sa amin ni Thunder. There will be a possibility that he would think na baka si Thunder ang ama ng batang dinadala ko. No! I don't want to think about it!

James will believe me.

Ngumisi si Thunder nang tumunog ang cellphone niya. Lumakas ang pagkabog ng dibdib ko. Pinilit kong tumayo at kumalma. Tumingin siya sa akin at iniharap ang screen ng cellphone niya.

"He can't wait any longer." He winked. "Wait here, susunduin ko ang putanginang Abellano na iyon."

I gulped. Nanginginig na naman ang mga kamay ko. I can't calm myself. I felt uneasy. Hindi ko na alam kung ano ang iisipin ko dahil ang daming gumugulo sa isip ko. Hindi ko alam ang mga mangyayari. Hindi ko alam kung anong gagawin ni James kapag nalaman niya ang nangyari sa amin ni Thuder. Hindi ko alam kung ano talaga ang pina-plano ni Thunder.

Ang sakit sa ulo, but I need to be strong, right? Para saan pa't naging demonyita ako kung magiging mahina ako. I will face this. I will trust James. He will believe in me.

Napaurong ako ang bumukas muli ang pinto. This time... it's Thunder with James.

My tears fell again. "J-James..."

"Mandy! Fuck you, Thunder. What did you do to her?" Galit na sabi ni James. Nanlilisik ang mga mata niya pero kitang kita ko ang pag-aalala niya.

May nakatutok na baril sa kaniya. Thunder is really a psycho. Wala na siya sa sarili niya. Kinain na siya ng sistema niya!

"Don't fucking go to her, Abellano. You know what, I hate to see you hugging my Mandy." he said grinning.

He looked like a devil. Sa aming dalawa, mas demonyo pa ang ugali niya.

"Your Mandy? Walang sa 'yo, Thunder. Why don't you fight me without that gun?" hamon ni James.

Mas lalo akong kinakabahan. I can't do anything but to watch them. Hindi ako pwedeng lumapit kay James ay hindi siya pwedeng lumapit sa akin. And that's because of a gun. Damn that gun!

"Baka nakakalimutan mo. Kung hindi dahil sa akin, wala na siya dito ngayon. Patay na dapat siya! But because of me, she's alive! Kaya may karapatan akong angkinin siya. Utang niya ang buhay niya sa akin!" galit na sigaw ni Thunder.

Bawat salitang lumalabas sa mga bibig nila, mas kinakabahan ako.

"Hind lahat ng pagtulong, kailangan may kapalit. Hindi dahil iniligtas mo siya, masasabi mong sa iyo na siya. There are lot of people who saved tons of people pero hindi sila katulad mo. They never own anyone like what you're doing!"

Lalong itinutok ni Thunder nag baril niya kay James. "Kayang kaya kitang patayin sa harap ng taong mahal mo, Abellano. I don't mind being inside the jail."

Ngumisi si James saka tumingin sa akin. "I can take a bullet for her."

Mas kumabog ang dibdib ko. "James..."

Tumawa ng malakas si Thunder. "Masabi mo pa kaya iyan kapag nalaman mo ang pinakatatagong sikreto ng babaeng mahal mo? Why do you think I'm being like this?"

Nanlisik ang mga mata ko kay Thunder. He's torturing me, damn him!

"James just trust me." sabi ko habang umiiyak.

"Listen to my story, Abellano. Then I will give you a chance to save her. You will be the one to decide if you're going to take her with you or leave her to me."

Umiling ako habang nakatingin kay James. "Just trust me, please."

Mukhang naguguluhan si James. I will really rip his neck! That jerk!

Nanatiling nakatutok ang baril kay James. Thunder looked like he's on drugs. He's not in his right mind. Nababaliw na sya.

"Once upon a time, there was a woman..." panimula ni Thunder habang nakatingin sa akin.

I cleared my throat. Hindi ko hahayaang madala ng galit o ano si James. He needs to trust me.

"...and a man in one bed. And suddenly, the woman initiated a hot steamy night with the man. They made love an—"

"Stop!" sigaw ko. "Shut the fuck up!"

Kitang kita ko ang panlalaki ng mga mata ni James habang nakatingin sa akin. 

"James..."

"May nangyari sa inyo ng hayop na ito?"

"James, let me explain."

Biglang itinutok sa akin ni Thunder ang baril. "I didn't give you the permission to explain yourself." Sigaw niya saka nilipat ang tingin kay James.

I need to explain what happened. I was drunk! I can't remember that I initiated that.... I can't even say it!

"Yes. We made love, Abellano. That's why I'm telling you that she's mine. And I believe that she's pregnant with my child." sabi ni Thunder.

Kitang kita ko ang pagkuyom ng kamao ni James. Hindi ako mapakali. Gusto ko siyang lapitan. He's glaring at Thunder. Pero natatakot ako. Natatakot ako sa magiging desisyon niya. He will get mad at me, too.

"Now, I will ask you. Take her or leave her."

Take me, James...

Nakatitig lamang ako kay James. Nakatungo siya. May tumutulong luha mula sa mga mata niya. I want to hug him. Natatakot ako. Dumating na ang kinatatakutan ko.

Ayokong iwan ako ni James. Ayokong hayaan niya ako kay Thunder.

"Is that true..." James asked me. Alam kong nagpipigil siya pero sasabog na siya sa galit.

Umiiyak na tumango ako. "But let me explain. Hear me—"

"Shut up, Mandy!" sigaw ni Thunder. "I need your answer, Abellano. Take her or leave her!"

Gusto kong bigyan niya ako ng pagkakataon na magpaliwanag. Gusto kong magtiwala siya sa akin. Gusto kong malaman niya na naaalala ko na siya. Gusto kong malam—

"PUTANGINA."

Nanghina ako dahil sa sigaw na iyon ni James. Nanlaki ang mga mata ko nang manlisik ang mga mata niyang nakatingin sa akin.

"James please..."

He turned his back. Lalo akong nanghina. Hindi ko inaalis ang tingin ko sa kaniya dahil ayokong makita siyang lumakad palayo. I can bear him turning his back on me but I can't bear it anymore if he will walk out of me.

Please...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top