Chapter 25
Mandy POV
TATLONG linggo na ang lumipas at masaya ako dahil engaged na kami ni James. Nagsasama na kami sa condo unit niya at pakiramdam ko ay mag-asawa na kami.
Sa nakalipas na tatlong linggo ay unti unti akong nakakaalala ng mga bagay na nangyari noon pagkatapos ay itatanong ko kay James. At doon niya ikukwento kung ano mang pangyayari ang naaalala ko.
Pakiramdam ko, malapit ko nang maalala ang lahat. Pero sa ngayon, parang hindi na siya gaanong mahalaga sa akin. Masaya na kasi ako kay James kaya para bang iniisip ko na para saan pa at makaalala ako? Ang puso ko, naaalala niya ang lahat e. Ramdam na ramdam ko na mahal ko talaga si James.
Marami ang nangyari sa loob ng tatlong linggo. Noong first week ay nagpunta si James sa ibang bansa for business matters. Grabe lang dahil student palang siya pero sinasanay na siya ng Papa niya sa business.
Habang wala siya ay madalas akong magpunta kina Chelsea. Naging malapit na sa akin ang mga pamangkin ko.
Noong second and third week ay matindi ang nangyari dahil may nangyaring masama sa kambal. May sakit sila at nagpunta pa kaming Europe para ipagamot sila.
Thanks God okay na sila. Dumaan sila sa surgeries at alam kong, isa iyon sa pinakamabigat na pangyayari sa buhay ng kapatid ko.
Nakakatawa lang na halos nakalimutan ko nang may parte sa alaala ko ang hindi ko maalala. Iba talaga kapag masaya ka sa estado ng buhay mo ngayon. Sa loob ng tatlong linggo ay wala ding pagkakataon si Thunder na guluhin ako. Dapat lang. I want him to get out of my life.
Narito kami sa Shinwoo Mansion kung saan may welcome party para sa kambal na anak ni Chelsea. Kakauwi lang nila galing Europe. Kanina pa nga nagkakasaya dito.
Nakilala ko na ang lahat. Ang basketball team ng SWU na pawang mga naka-graduate na—ang Tigers. Kilala ko naman sila pero may mga bahagi pa rin sa alaala ko ang nakalimutan ko. Nakilala ko na din ang mga asawa nila.
Masasabi kong lahat sila, masayang kasama. Nawawala ang bitch side ko ngayon dahil sa gaan ng ambiance. Kung anu ano kasing kalokohan ang ginagawa nila.
Habang nag-uusap sina Chelsea at Yumiko tungkol sa mga anak nila ay nakaramdam ako ng pagbaliktad ng sikmura ko. Marami yata akong nakain kaya ganito pagkatapos ay nakadalawang baso na ako ng wine.
"James." tawag ko kay James na nakikipagkwentuhan sa katabi niya—si Angel Ynarez, asawa ng isa sa Tigers.
Tumingin agad siya sa akin. "Para akong masusuka." Bulong ko.
Nagkakaingay kasi. Kakatapos lang sumayaw ng Tigers. Kalokohan na sayaw para daw sa kambal. Mga kalog talaga sila.
"Ano bang kinain mo?" Tanong ni James. Nag-aalala na siya.
Umiling ako. "Iyong mga pagkain lang na nakahanda."
"Nasusuka ka na ba? Let's go inside? Mag-CR ka muna." Sabi pa niya.
"Parang oo?"
"Naduduwal ka. Hindi kaya buntis ka, Mandy ko?"
Naiisip talaga niya iyon? Shit! Kung sabagay, may nangyari naman sa amin.
Magsasalita na sana ako nang maramdaman ko lalo ang pagbaliktad ng sikmura ko.
Halos maduwal ako. Napatingin silang lahat sa akin. Bigla akong nahiya. Naalala ko rin na may possibility na... nanlaki ang mga mata ko.
Is this a sign of... my God.
Hindi na ako nagsalita. Mabilis akong tumakbo papasok sa loob ng bahay nila Chelsea. I need to vomit. Kailangan kong makarating sa CR!
"Fuck! Mandy is.. is... she's pregnant!" Narinig ko pang sigaw ni James doon sa crowd.
OMG. May possibility ngang buntis ako. Pero binabalot ng takot ang sistema ko.
Nakapasok na ako sa bahay. Dumiretso ako sa CR saka doon dumuwal. Ibang klase ang pakiramdam na ito. Wrong timing. Kung kailan nagkakasaya sa party saka naman ako nagkakaganito.
Nang matapos ako ay huminga ako ng malalim. Paano kung buntis nga ako? Wala namang problema dahil pakiramdam ko ay handa na akong magpakasal kay James.
I love him. Ngayon palang na hindi ko pa talaga naaalala ang lahat. Paano pa kaya kapag naalala ko na lahat? Maybe I could clearly feel how much I love him.
May naalala ako na pinag-uusapan namin ni James ang tungkol sa pagpapakasal. Nasa duyan kami noon sa tabi ng beach. Ibig sabihin noon pa man, plano na talaga naming magpakasal.
Pero ang ikinakatakot ko...
Paano kung kay Thunder ito? Damn him! Paano kung siya ang nakabuntis sa akin at hindi si James? Hindi ko kakayanin. I don't want it to happen.
Kinalma ko ang sarili ko. Ayoko munang mag-isip ng hindi maganda. Kung buntis man nga ako, si James, alam naman niya na may nangyari sa amin kaya hindi niya ako pag-iisipan o pagdududahan.
I should be happy.
Pero kailangan kong masiguro na si James talaga ang ama nito dahil kung hindi, hindi ko na alam.
Lumabas na ako ng CR at bumungad sa akin si James na naghihintay sa labas.
Bigla niya akong niyakap.
"Are you okay? Are you... are you..."
Kumalas ako ng pagkakayakap sa kaniya saka ngumiti. Ayokong isipin ang possibility na si Thunder ang ama ng pinagbubuntis ko kung sakaling buntis nga ako.
"I don't know. But we can go to doctor tomorrow?" Sabi ko.
Tumango siya. "Yeah. Let's go to doctor tomorrow. Damn it, Mandy ko. Kanina lang naiinggit na ako sa mga Tigers na may mga anak na. Gusto ko na din magka-anak. Napag-iiwanan na ako. And now, parang dininig ang hiling ko. I hope you're pregnant."
Napalunok ako. There will be no problem if I'm pregnant basta siya ang ama. Hindi ko alam ang magagawa ko kapag hindi ito kay James.
Thunder, go to hell!
Sana magtulo-tuloy na ang hindi niya panggugulo sa akin. Kahit anong gawin niya, hinding hindi ko hahayaanh mapunta ako sa kaniya.
I just owe him my life but I love James. At siya lang ang gusto kong makasama habambuhay.
James gave me a peck on my lips. Hinawakan niya ang kamay ko. "Let's go back?"
Tumango ako. Bumalik na kami sa garden. Katulad kanina, nagkakagulo ang lahat. Para bang ngayon lang ulit sila nagkita kita. Ang saya saya nilang tingnan.
Ang mga malolokong Tigers kasama ang mga asawa at anak nila. Wow.
"Mandy, okay ka lang?" Tanong agad ni Chelsea. "Buntis ka?"
Ang pranka niya talaga minsan. "Hindi ko pa alam pero okay na ako. Bukas, magpapacheck up kami ni James."
Namilog ang mga mata niya. "You mean... pwedeng buntis ka nga?"
Tumango ako. "May possibility na buntis ako, sis." Sabi ko. "Since, you know. May nangyari naman sa amin ni James."
Bigla niya akong niyakap. "OMG! Nakaka-excite naman." sabi niya saka kumalas ng yakap. Ngiting ngiti siya. "Sana magkaroon na ako ng pamangkin!"
Ngumiti ako. Masaya ako sa posibilidad na buntis ako. Huwag lang sisirain ni Thunder.
"Hopefully. Besides, ready na naman kami ni James na mag-settle down."
"Really? Wow! That's a great news. Alam ko na unti unti ng bumabalik ang ala ala mo at sana tuloy tuloy na. Kapag buntis ka nga, siguradong matutuwa si Papa!"
"Yeah, I'm sure."
"Mabuti pa, magpahinga ka lang diyan. Okay? Enjoy the party and thank you nga pala sis sa pagsama sa amin sa Europe."
"No worries. Mga pamangkin ko sila e. That's what family are for." Sabi ko.
Hindi ko akalaing sa mga kwento ng mga Tigers kanina, sinasabi nilang mortal na magkaaway kami noon ni Chelsea. Pero hindi ko alam kung maniniwala ako dahil ngayon, kapag kausap ko siya wala naman akong nararamdamang hard feelings.
Ex boyfriend ko nga daw kasi si Kyle—asawa niya.
Nakakahiya pala iyon. Gaano kaya kakapal ang mukha ko noon? Maldita naman na ako e, demonyita in short. Pero hindi ko alam na sobrang sama rin ng ugali ko noon.
Hay, buti nagbago na ako.
Umupo na kami ni James sa round table.
"Abellano the second! Naka-score na ba? Napag-iiwanan ka na!" Sabi ni Luke Palermo—isa sa Tigers.
"Sana, brad." Tumawa si James. "Kapag si Mandy buntis na, who you ka sa akin."
Close si James sa Tigers kasi close sila lahat. Marami silang connections tulad ng close friend talaga si James at Chelsea, close si Chelsea sa Tigers. Tapos kapatid pa si James ni Lance Abellano na isa sa Tigers.
Nagtatawanan sila. Tahimik lang ako dahil tinatantya ko pa ang sarili ko. Okay lang ako, buntis man ako, si James ang ama nito.
Si James lang at wala ng iba.
The next day...
Mandy POV
HUMINGA ako ng malalim. Kagagaling lang namin ni James sa hospital para magpacheck up.
Buntis ako.
Masaya ako dahil napakasaya ni James. Excited pa nga siya. Tapos kanina habang pauwi kami dito sa unit niya ay nag-iisip na agad siya ng pangalan. Kinakabahan ako na masaya na natatakot.
Wala akong ideya kung kay James ba ito, o kay Thunder. Ayoko mang tanggapin o isipin na si Thunder, may possibility e. Dahil sa isang gabing lulong ako sa alak. How dare him. Pinagsamantalahan niya ako.
"Mandy ko, may gusto ka bang kainin? Tell me. I will give you everything."
I cleared my throat. Ang hirap palang magsaya kapag may bumabagabag sa kalooban mo.
"Wala naman. Parang gusto ko lang magpahinga?" Sabi ko.
"Okay. Then you should rest. Pupunta lang muna ako sa mansion. Tinawagan ako ni Papa about business matters. Don't worry, hindi ko pa ipapaalam sa kaniya na magkaka-apo na siya sa akin. Sasabihin natin ng magkasama. Sa ngayon, kailangan mo munang magpahinga."
Tumango ako. "I will. Magpapahinga ako. Take care."
"You'll be fine here alone?"
"Of course. Don't worry. Buntis lang ako. Hindi ako lumpo."
Ngumisi siya. "Okay then, aalis na muna ako. Take care of yourself here." He said then kissed my lips.
Para na talaga kaming mag-asawa.
He bid his goodbye. Nang makaalis siya ay naiwan akong mag-isa. Mas sumandal ako sa sofa. Bumuntong hininga ako at inisip kung paano ko masisigurong kay James ang dinadala ko.
DNA?
I don't know. Litong lito ako sa ngayon.
Kasalanan ni Thunder. Swear to God, I want to rip his neck for what he did to me.
Tumayo na ako. Lumapit ako sa pinto para i-check ang lock. Sakto namang may nag-buzzer. Kumunot ang noo ko.
Sino kaya? Hindi naman pwedeng si James dahil alam naman niya ang passcode ng pinto dahil unit niya ito.
Baka Mama niya? O si Ynna na babae?
Binuksan ko ang pinto pero natigilan ako nang makita kung sino ang nasa harap ko ngayon.
"It's been one week, two weeks or three weeks? I missed you a lot, Mandy."
Kumabog ang dibdib ko. Thunder is in front of me right now.
"What are you doing here?!"
"Akala mo ba basta lang ako nawala? Hindi mo alam pero araw araw akong nakasunod sa iyo, sa inyo ng Abellano na iyon. Saan naman siya pupunta ngayon? Iniwan ka niyang mag-isa dito?"
Napalunok ako. Matapang ako. Wala akong kinakatakutan pero binabalot ng takot ang sistema ko sa presensya ni Thunder. He's insane.
"Umalis ka na! Huwag mo na kaming guguluhin at huwag ka bg magpapakita dito!" Galit na sabi ko.
Ngumisi siya. "Galing din kayo sa hospital. Buntis ka na ba, Mandy?"
Nanlaki ang mga mata ko. Pati ba iyon ay alam niya?!
"Shut up and go to hell!"
"Why? Narito ang mag-ina ko."
Bumagsak ang dalawang balikat ko sa sinabi niya. Mag-ina niya? Damn him. So he's expecting na kaniya ang dinadala ko?
"Leave me alone." Matigas na sabi ko. "Kung ayaw mong tu—"
Natahimik ako. Natigilan ako sa pagsasalita nang tutukan niya ako ng baril. How dare him!
"Isang kalbit ko lang nito, hindi lang ikaw ang mamamatay. Pati ang baby diyan sa tiyan mo. I can kill you, Mandy. Kung hindi lang din naman kita makukuha, then it would be better to kill you."
Nahigit ko ang hininga ko. I can't utter a word. Wala akong lakas na labanan siya dahil sa nakatutok na baril sa akin.
"Sasama ka sa akin ng tahimik, walang masamang mangyayari sa inyo ng anak mo." Banta niya.
He's asking me to go with him?
Nakatingin lang ako sa kaniya. Naramdaman ko ang panggigilid ng luha ko. Naiiyak ako hindi dahil sa natatakot talaga ako, naiiyak ako dahil kaya ko siyang labanan pero dahil sa baril na hawak niya, wala akong magawa.
Lumunok ako. I can manage this one. I just need to come with him, right. Ayokong ipahamak ang anak ko. Anak namin ni James.
"Choose. Is it a deal, sasama ka sa akin ng tahimik. Or is it a no deal, I will kill you together with your baby with my bare hands."
Hindi lahat ng bagay kayang takbuhan. I should face this. Kung paiiralin ko ang takot ko, walang mangyayari. I know James will save me. I know.
"D-Deal." Nanginginig ang kamay ko.
Ngumisi siya ng nakakaloko. "Then, let's go."
Itinago niya ang baril niya sa loob ng jacket niya saka ako inakbayan. Tuluyan na akong nakalabas ng unit. I closed the door.
"Don't move. Huwag mong susubukang gunawa ng bagay na ikakapahamak mo. Just come with me quietly." Bulong niya habang naglalakad kami papunta sa elevator.
Hindi ko alam kung ano ang plano niya pero sana wala siyang gawing masama dahil kapag nagkataon, isusumpa ko siya at hindi hindi ko siya mapapatawad.
Hinawakan ko ang tiyan ko habang nakasakay na kami sa elevator. I wonder kung saan niya ako dadalhin.
Baby, don't be afraid. I will protect you and believe me, you Daddy will save us. And it's definitely James.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top