Chapter 24

Mandy POV

ANG saya saya ko ngayon. We did it. We made love.

Masarap pala sa pakiramdam kapag ginawa mo iyon kasama ang taong mahal mo. Yes, I know. I know in my heart na mahal ko talaga si James. Hindi pa man malinaw lahat lahat ng alaala sa akin, malinaw ang sinisigaw ng puso ko.

"Nakakapanibago 'no?"

"Oo nga, e. Mukhang mabait na si Mandy Aguilar. Wala na akong nababalitaan na may inaway o inapi siya."

"Nagbago talaga siya! Bakit kaya, 'no?"

Napapailing na lamang ako sa mga naririnig ko around the campus. Hindi ito ang unang pagkakataon na marinig kong pinag-uusapan ako.

Sino nga bang hindi magtataka. Dati halos araw araw, may napagti-trip-an akong i-bully o tarayan. Pero ngayon, simula nang dumating si James Abellano, para bang nawalan na ako ng gana mang-taray o mam-bully kasi iyong atensyon ko napunta sa kaniya.

Hindi kami sabay pumasok ni James ngayon dahil sabi niya may kukunin daw muna siya sa bahay nila. Ayoko namang sumama doon dahil nahihiya ako, more on feeling ko awkward. Para kasing hangga't hindi pa bumabalik ng buo ang memorya ko, hindi pa ako komportableng gumalaw sa harap ng mga taong nakakakilala sa akin.

Pero kagabi, habang ginagawa namin ni James iyon...

Ang daming nagpe-play sa isip ko. Mga scenes na hindi ko matandaan pero malinaw kong nakikita. Iyong mga group outing, dates namin ni James, tawanan... basta marami.

Hindi ko pa nababanggit kay James pero masaya ako kasi feeling ko unti unti ng babalik ang memorya ko.

Tumunog ang phone ko. May nag-text. Si James na siguro ito.

Napalunok ako saka mabilis na binura ang message na iyon. Hanggang ngayon natatakot ako sa maaaring gawin ni Thunder. Malaki ang pasasalamat ko sa kaniya dahil sa pagsagip sa akin, pero may part sa akin na nagsisisi na pinagkatiwalaan ko siya ng lubos.

Huminga ako ng malalim. Hindi ko dapat hayaan na punan ni Thunder ang isip ko. Ayoko siyang isipin. Ayokong masira ang araw ko nang dahil sa kaniya.

Kahit inaamin ko naman na, kinakabahan ako. Hindi ko alam ang mangyayari kapag nalaman ni James na may nangyari sa amin ni Thunder. Natatakot ako na baka iwan niya ako.

Ayoko. Ayokong mangyari iyon.

Umupo muna ako dito sa bench sa may SWU quadrangle. Sabi kasi ni James, tatawagan niya ako pagkarating niya dito sa school. Ayoko namang mauna sa room kaya hihintayin ko nalang siya dito.

Tumunog ulit ang phone ko pero kinakabahan ako. Baka si Thunder na naman. Ayokong nakakatanggap ng kahit anong message mula sa kaniya.

Nakahinga ako ng maluwag. It's him. Sinagot ko agad ang tawag.

"James."

"Where are you?"

"Narito ako sa quadrangle. Nakaupo lang ako dito. How about you, where are you?"

Hindi ko pa rin maisip na nakatira ako sa condo unit ni James. Magkasama kami sa iisang bubong at para na kaming mag-asawa. Sa isiping iyon, hindi ko maiwasang kiligin palagi.

"Alright, punta ka na sa room. Susunod ako." Aniya.

"Hintayin na kita dito, James."

"No. Mauna ka na. Naroon na daw ang professor natin. I'll be fast."

Huminga ako ng malalim. Gusto ko talaga siyang hintayin, e. I dont mind if I'm late. Pero iyon ang gusto ni James, e.

"Sige, aakyat na ako sa taas." Sabi ko. Sa second floor ng building ang room namin.

Tumayo na ako saka nagsimulang naglakad.

"Okay, see you later."

Sasagot pa sana ako kaso naputol na ang tawag. Bakit feeling disappointed ako? Para bang naiinis ako kasi wala namang kaso sa akin kung hintayin ko siya. Pero sa tono ng pananalita niya, parang ayaw niya naman na hintayin ko pa siya. Tapos basta nalang niya ako pinatayan ng tawag.

"Ang ganda ganda pala ni Mandy Aguilar kapag mabait siya 'no."

"Nakakapanibago ngang makita na ngumi-ngiti siya e."

"Marunong palang ngumiti at bumait ang isang demonyita. Kaloka!"

Saglit akong tumigil sa grupo ng estudyante na pinag-uusapan ako.

Porke demonyita, hindi na pwedeng ngumiti?

"Ah, Mandy Aguilar."

Nagulat sila sa paglapit ko sa kanila. Nangangatal pa sila. Nakakatakot ba talaga ako? Maganda naman ako at sexy. Paanong natatakot sila sa akin, as if mukha akong multo o ano.

Habang nakatingin ako sa kanila, hindi ko maiwasang maisip si James. Naiinis ako!

Tinaasan ko sila ng isang kilay. "Next time na pag-uusapan niyo ako, make sure na hindi ko maririnig kung ayaw niyong kalbuhin ko ang mga kilay niyo." Mataray na sabi ko.

Nakakamiss rin pala ang side kong ito.

"S-Sorry." halos sabay sabay nilang sabi.

Ngumisi ako. "Ayaw niyo naman sigurong maglakad sa buong campus na walang kilay 'di ba?"

Sabay sabay silang umiling.

"Good." Sabi ko saka nilampasan na sila. I won't be harsh today.

Mild attitude lamang iyong ipinakita ko sa kanila. Pasalamat sila nahahaluan ako ng pagka-goodvibes lagi ni James.

Pero speaking of James, naiinis talaga ako at nagtatampo. Ayaw niya yata akong kasabay pumasok.

Umakyat na ako ng hagdan. May mga estudyante akong nadadaanan at napapatahimik sila kapag dumadaan ako.

Nang makaakyat ako sa second floor ay kumunot ang noo ko. Wala ng tambay sa corridor. It means, late na nga ako. Nariyan na ang professor namin. Sana pala hinintay ko nalang si James. Late na din naman, e.

I sighed and walked like a queen. As if naman big deal sa akin ang pagiging late. Kapag professor nga ang nale-late, hindi ako nagrereklamo. Kaya anong karapatan nilang magreklamo kapag ako ang late. 

Nang makarating ako sa tapat ng room namin ay mas kumunot pa ang noo ko. Given na iyong sarado na ang pinto. Pero bakit may takip na kulay itim na tela ang bintana? Glass windows kasi ang room kaya kitang kita ang nasa loob pero ngayon, nakatakip ito.

Kumatok ako sa pinto. Ang tahimik kasi, e.

Binuksan ko ang pinto at madilim din sa loob. Wala bang klase?

Biglang umilaw ang spotlight sa akin na ikinagulat ko. What the hell is this?

Mas lumiwanag ang paligid. Natutop ko ang kamay ko. Hindi ko alam kung anong klaseng feeling ito pero bigla na lamang tumulo ang luha ko sa hindi malamang dahilan. Hindi ko pa nga alam kung ano ang meron.

Buong room ay napapalibutan ng pulang rosas. Walang kahit isang upuan o table sa gitna ng room. May red carpet lamang, pero the rest of the room ay puno ng red roses. What is this? Nagkamali ba ako ng pasok ng room? Hindi ba dapat ako pumasok dito?

Pumailanlang ang isang tugtog. I am not familiar with it. Walang lyrics. It was just a sound.

Maya maya ay nagulat nalang ako nang makitang naglalakad si James. Dahan dahan papunta sa gitna kung saan may red carpet doon.

Naiyak ako lalo. I don't know why. Hindi ko alam kung anong meron, kung bakit may ganito at narito si James.

He's wearing his white tuxedo. May hawak siyang isang stemmed rose. How handsome he is right now. Parang hindi ako magsasawa kahit maghapon ko siyang titigan.

But... what is this?

"James, ano ito?" I asked.

Sabi niya dadaan siya sa bahay nila. Sabi niya mauna na ako dito. Tapos makikita ko siyang nakasuot ng tuxedo? Planado ba ito?

He smiled at me. Lumapit siya sa akin. Ang lakas lakas ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung paano ko pipigilan ang sarili kong luha.

"You're always gorgeous, Mandy." Aniya. He wiped my tears and held my hand.

Dinala niya ako sa gitna ng room. We are surrounded by thousands of red rose. Siya ba ang gumawa nito? Kapag narito sa loob, pakiramdam ko ay nasa isang garden ako. Ang ganda gandang tingnan ng buong room.

"What is this?" tanong ko ulit.

He lifted up my chin and stared at me. "Wala na akong gusto pang hilingin kung hindi ang maalala mo ang lahat ng tungkol sa atin." panimula niya.

I gulped. I had no idea what's going on.

His eyes were teary. "I hope... you find the missing piece, to bring you back to me, to remember me."

I bit my lower lip. Hindi tumitigil sa pagtulo ang luha ko. Nakatingin lamang ako sa mga mata niya.

"Wala akong pakialam kung magmukha akong tanga sa harap mo, but I will do everything maibalik lang ang alaala mo."

This is insane. Unti unting nagpa-flash sa isip ko ang iba't ibang klase ng emosyon sa mukha ni James. Tumatawa, nakangiti, malungkot, galit, umiiyak...

"I know this is too much. I know this is not right dahil hindi mo pa naaalala ang lahat lahat. But I want to do this because I'm afraid. Natatakot ako na magising ako isang araw na malimutan mo na naman ako at mawala ka na naman sa akin."

Hinayaan ko ang patuloy na pag-flash ng kung anu anong scenes sa isip ko. Medyo sumasakit na ang ulo ko pero hinahayaan ko lang. I don't want to ruin the moment.

"Natatakot ako na maramdaman ko na namang wala akong buhay. I am lifeless without you, Mandy. It's still your decision. I just want to do this to make you feel that I'm willing to spend my whole life with you. Wala akong pakialam kung sa iyo na umiikot ang mundo ko. I don't care as long as you're with me."

Hinahayaan ko lang siyang magsalita. I can't even utter a word. Gusto ko lamang siyang pakinggan. Gusto kong marinig ng malinaw lahat ng sasabihin niya because it will ease my mind.

"Mahal na mahal kita, Mandy. Sobra." He cried. "Hindi ko na alam kung paano haharapin pa na wala ka sa pangalawang pagkakataon. Kaya habang may chance ako, gagawin ko."

What is his plan?

May dinukot siya sa bulsa ng pantalon niya saka lumuhod sa harap ko.

Oh my God.

Inilabas niya ang maliit na box. Binuksan niya iyon at bumungad sa akin ang isang infinity diamond ring.

Nakagat ko ang labi ko at lalo akong naiyak. My heart is pounding. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Ang lakas lakas ng kabog ng dibdib ko. Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal ko kay James.

"I promise to never let you feel alone, Mandy. I will stay with you today, tomorrow, next week, next month, next year and for the rest of my life."

Hindi ko na alam kung paano pang pipigilan ang puso ko na magwala ng ganito. He's proposing!

"Mandy, there are four things I want to tell you."

Nakatitig lamang ako sa mga mata niya.

"I love you."

Ang heartbeat ko...

"I care for you."

Hanggang ngayon ay pinipilit ko pa ring hindi magsalita habang pinapakinggan siya.

"I will wait until you remember all the things that you forget."

Nanginginig na ang labi ko sa pag-iyak.

"And last, I want to marry you."

Halos malaglag ang puso ko sa sinabi niyang iyon. Pakiramdam ko ay kaming dalawa lamang ang tao sa mundo. Para bang tumigil ang lahat.

"Mandy, will you marry me?"

Wala na akong nagawa kung hindi ang tumango ng ilang beses. 

"Yes! Yes!" At last, I spoke.

Mabilis na isinuot niya sa akin ang singsing saka tumayo. Hindi ko na siya hinintay na magsalita.

I hugged him tight. Humagulhol ako and I don't care kung pangit man iyong pakinggan.

"I love you, James. I love you." I bursted out crying.

Parang mawawalan ako ng hininga sa sobrang bigat ng dibdib ko. What a proposal!

Ang alam ko lamang ay papasok ako ngayong araw sa klase ko but it turned out na magiging engaged na pala ako.

"I'm glad you said yes." He whispered and kissed my lips.

Hindi ko man maalala pa ang lahat, malinaw namang naaalala ng puso ko na gusto ko siyang pakasalan.

Nawala ang pagsakit ng ulo ko at mas lumilinaw ang mga scenes sa isip ko.

Is this an indication na malapit na akong makaalala?

Niyakap ako ng mahigpit ni James. "We're engaged now. Wala ng bawian." Aniya saka ako muling hinalikan.

Wala na ngang bawian. Dahil wala naman akong balak bawiin iyon.

Being engaged to James is something that I can called... happiness.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top