Chapter 20
James POV
NAGISING akong hinihingal. Malalim ang bawat paghinga ko. Tangina, bakit ganoon kasama ang panaginip ko? Bakit parang totoo ang nasa panaginip ko?
Umiling ako. No. It won't happen. Hindi ko hahayaang mangyari iyon.
Sa panaginip ko, nakita ko si Mandy na ikinakasal sa ibang lalaki—hindi ako. Nakangiti siya sa akin habang umiiyak ang mga mata habang ako parang nakadikit ang mga paa dahil 'di ako makagalaw.
Hindi mangyayari iyon. Panaginip lang iyon. Hindi totoo iyon. Ang panaginip, kabaligtaran iyon ng tunay na mangyayari. Walang ibang dapat pakasalan si Mandy kung hindi ako lan, wala nang iba.
Bumangon na ako. Umaga na. Mataas na ang sikat ng araw. Dumiretso ako sa bathroom. I looked at myself in the mirror. I looked like a miserable man, damn it. Miss na miss ko na si Mandy. hindi ko na rin alam ang iisipin ko. Hindi ko na alam kung paano ko makukuha ang loob niya.
Naghilamos ako ng mukha ko saka pinunasan iyon. Bumalik ako sa kama ko saka tiningnan ang cellphone ko. Wala man lang bang balak si Mandy na tawagan ako o i-text? That fucking Thunder. Mapapatay ko talaga ang gagong iyon sa pambi-brain wash kay Mandy. Huminga ako nang malalim saka ibinalik ang cellphone ko sa ibabaw ng kama ko. Sakto namang tumunog ang cordless phone sa side table.
"Hello?"
"Sir James, may naghahanap po sa inyo. Nasa may gate po siya."
Sino naman ang magiging bisita ko nang ganito kaaga?
"Bababa na ako."
Ibinaba ko ang tawag saka tumayo. Nag-iinat-inat ako nang katawan ko hanggang makalabas ng kwarto ko. Nakasalubong ko pa si little devil na may kaaway sa phone. Boyfriend niya?
Bumaba ako sa salas. Sinalubong ako ni butler.
"Sir James, naroon po siya sa may gate." Pinapapatuloy ko po, pero tumanggi po siya."
Tumango ako saka lumabas ng mansion. Natanaw ko na kung sino ang naghahanap sa akin. She's wearing a maid's uniform. I get it.
"Lisa." Tawag ko sa kaniya.
Ngumiti siya. "Sir James, nakakuha na po ako nang kailangan niyo. Pasensya na po kayo kung umabot ng isang lingo o higit pa. Bantay sarado po kasi talaga ang medicine kit ni Madam Mandy e. Halos si Sir Thunder lang po ang nagtatago no'n."
She's Lisa. One of the maid in Aguilar's mansion. Noong nakapunta ako doon, kinausap ko siya ng patago. Mabait naman at mapakakatiwalaan. Mabuti nalang at pinagbigyan niya ang favour ko. kapalit ang tamang halaga ng pera. I asked her na kuhanan ako ng ilang piraso ng mga gamot na iniinom ni Mandy. Hindi ko alam kung bakit naisipan kong gawin iyon. Malaki ang hinala ko kay Thunder. Gusto kong malaman kung totoong may halaga sa kaniya si Mandy at kung inaalagaan ba niya itong mabuti lalo na pagdating sa gamot.
Inabot niya sa akin ang maliliit na plastic na may ilang capsules at tablets.
"Mamamalengke po ako ngayon kaya naisipan ko na rin pong dumaan dito para iabot 'yan. Sana po ay makatulong iyan sa kung ano pong gusto niyong malaman. Kahit po kaming mga katulong doon, nagtataka na kung bakit masyadong mahigpit si sir Thunder pagdating sa mga gamot ni Madam Mandy. Para bang ayaw man lang niyang ipahawak sa amin. Mabuti nalang po at nagkataong wala si Sir Thunder sa kwarto niya. Nagdala din kasi ako ng mga bagong laba na mga damit niya kaya sinamantala ko na ang pagkakataon.
Tumango-tango ako. "Salamat. Utang na loob ko sa iyo ito, Lisa. Take care for Mandy for me. Call me kapag may nangyari sa kaniya."
Tumango siya. "Opo, Sir James."
"Salamat. Mag-ingat ka pabalik sa mansion."
Ngumiti siya sa ka nagpaalam na. Binigyan ko na siya ng pera noong humingi ako ng favor sa kaniya. Kumbaga, advance ang bayad ko pero tang'na, ang mahalaga ngayon, meron na akong sample ng mga gamot na iniinom ni Mandy. Gusto kong malaman kung ano ang mga ito. Ipapa-consult ko ito sa pharmacist. They are the experts when it comes to medicines.
Damn it, huwag ko lang malalaman na may kagaguhan si Thunder. I will kill him with my bare hands.
Ibinulsa ko ang plastic ng gamot saka pumasok sa loob ng mansion. Nakasalubong ko si little devil.
"I will make alis muna, Patrick."
"Where are you going?" tanong ko.
"'Duh. I'm dalaga na so you don't have to ask me." aniya.
"Hindi porket wala si bro dito, maglalakwatsa ka na."
Pumunta sa Japan sina bro. Doon kasi manganganak si Yumi kaya doon muna sila nag-stay.
"Hello! Nasa legal age na kaya ako. Basta, I'm going na." Paalam niya saka umalis na.
Makikipagkita siguro sa boyfriend niyang halik ng halik sa kaniya. Teenagers these days.
Kapag wala pala ako dito, siya lang ang narito. Malamang aging naglalakwatsa 'yan. Dito muna ako madalas. Alam kong magiging busy rin si Mama sa boyfriend niya kaya ayos lang na mag-isa siya sa unit ko.
Umakyat na ako sa taas saka kinuha agad ang cellphone ko na nasa ibabaw ng kama. I will text her. Hindi ko na siya kayang tiisin. I really need to talk to her. Damn it.
Mandy POV
NARAMDAMAN ko ang mabigat na bagay sa may bewang ko. Parang ang sakit sakit ng ulo ko. Para bang ang bigat bigat ng talukap ng mga mata ko na hirap akong makamulat. Huminga ako ng malalim saka pinilit na buksan ang mga mata ko. Parang nananakit ang katawan ko. Ano bang pinaggagawa ko?
Naramdaman kong may gumalaw kaya nanlaki ang mga mata ko. Awtomatiko akong napatingin sa katabi ko. Hindi lang nanlaki ang mga mata ko kung hindi literal na napanganga ako.
I saw Thunder yawning... beside me. What the hell is this?
Napalunok ako. Kumabog ang dibdib ko nang mapansin kong topless siya. Napatingin ako sa sarili ko. Bigla akong nanlumo. I am... naked under the sheets.
"T-Thunder..."
Nanghihina ako na parang nagkagulo ang mga brain cells ko na hindi na ako makapag-isip ng maayos.
His eyes opened. He looked at me and smiled. "Good morning."
Paanong... paanong nagagawa pa niyang ngumiti sa akin at batiin ako na parang wala nangyari?
Napabalikwas ako ng bangon habang pilit na ibinabalot sa katawan ko ang kumot. Nagulat din si Thunder sa in-akto ko kaya napabangon din siya.
"Why?" he asked.
Nanlisik ang mga mata ko. "Ano 'to, Thunder? You're asking me why? I will ask you, what is this? What the hell is this? Bakit... bakit hubad tayo pareho... bakit.." nanginginig ang mga kamay ko. Para akong tinakasan ng dugo sa katawan. Parang pakiramdam ko iniwan ako ng kaluluwa ko.
"Why? We made love last night, Mandy. And it was wonderful."
What the fuck is he saying? I'm awake, right? This is not a dream? This is... oh my God!
"We... we..." ang mismong banggitin iyon ay hindi ko magawa.
"Yeah. We made love, Mandy."
Para akong... binuhusan ng malamig na tubig. Hindi, hindi... bakit? Paanong mangyayari iyon!
"No! Walang nangyari sa atin, Thunder. Wala!" sigaw ko. Mabilis akong tumayo mula sa kama habang nakabalot sa akin ang kumot.
"Mandy... you wanted it. I wanted it. We made love last night." Aniya.
Umiling-iling ako. Hindi pwede! Hindi...
"Hindi! This is insane! Walang nangyari. Baka... baka.."
Damn it, what have I done?
"Mandy, may nangyari sa atin at wala akong pinagsisisihan. I love you... mahal kita."
Lalo akong nanghina. Para bang nanlumo ako at hindi na alam ang iisipin. "H-Hindi kita mahal, Thunder. Hindi kita mahal! Paanong mangyayari ito? Paano! Dahil kahit kailan hindi ko naisip na may mangyayari sa atin!"
"Mandy..."
"I was drunk last night. Tama! Tama. Pinagsamantalahan mo ako, Thunder?" galit na galit nasabi ko.
"I didn't. You wanted it, Mandy. Hindi kita pinilit. We kissed and it happened. Hindi ko kayang pigilan ang sarili ko dahil gusto ko din dahil mahal kita. Mahal kita, Mandy."
Kusang tumulo ang mga luha ko. This is... insane. Hindi pwede. Hindi. Ayoko! Ayokong isipin na may nangyari nga. Ayoko!
"I never wanted to do that with you, Thunder. I'm always thankful that you care fore me, but it doesn't mean that I want to do things like that with you. You are my friend. I treated you as a friend, Thunder. I trusted you but what did you do? I didn't expect that you will... you..." nakagat ko ang ibabang labi ko. May nangyari sa amin. Nanginginig ang labi ko sa galit. Gusto kong magsisigaw pero wala akong lakas.
"Mandy..."
"Get out of my room. Huwag na huwag kang lalapit sa akin. Get out!"
Nagsimula akong humagulhol. Parang hindi ko matanggap a may nangyari sa amin. Parang hindi ko maisip na magagawa ni Thunder iyon. Hindi.. kung panaginip lang ito, please wake me up. Ang sakit sa dibdib.
Lumabas na ng kwarto ko si Thunder. Yeah, he's only wearing his boxer shorts. Bitbit niya ang damit niya. As soon as he walked out of the room, napaupo ako sa sahig.
Bakit...
Bakit sa lahat ng pwdeng mangyari, ganito pa? Bakit, paano? Paano?
May nangyari sa amin. Iyon ang katotohanan. May nangyari. Pakiramdam ko ang dumi dumi ko.
No, no, no!
Tumayo ako saka mabilis na angpunta sa bathroom. Inalis ko ang kumot na nakabalot sa katawan ko saka mabilis na pumunta sa ilalim ng shower. Binuksan ko ang shower saka hinayang kumalat ang tubig sa katawan ko.
Ang dumi dumi ko. Ang dumi ko!
Kagabi... nalasing ako. Paanong si Thunder? Paano?
Mabilis kong kinuha ang sabon saka sinabon ang katawan ko habang nagpapakalunod sa shower. Ang dumi ko... I want to clean myself. Ang dumi dumi ko!
I closed my eyes while crying. Sumasabay ang luha ko sa pagdaloy ng tubig mula sa shower. And as soon as I closed my eyes, a face flashed on my mind.
James...
Oh my God. Si James... si James... hindi. Hindi! I don't want to trust him pero bakit pakiramdam ko ngayon, gusto kong tumakbo sa kaniya at magsumbong? Bakit pakiramdam ko hindi na ako safe kay Thunder? Bakit sa lahat ng taong pwedeng pumasok sa isip ko, si James palagi?
Hindi... hindi niya pwedeng malaman. Pandidirihan niya ako. No!
Lalo kong diniinan ang paglilinis ng katawan ko. Kahit ako, nandidiri sa sarili ko. We had... a one night stand. Si Thunder. How dare him? Paano niyang nagawa iyon sa akin? Pinagkatiwalaan ko siya. Pero bakit parang nagkamali ako? Sinabi niya na huwag kong pagkatiwalaan si James, pero siya rin pala ay hindi ko dapat pinagkatiwalaan.
How dare him do that to me when I was drunk? Dahil mahal niya ako? Tulad ng sinabi niya, mahal niya ako. I don't care! That's not love! Kung mahal niya ako, dapat iginalang niya ako! Dapat hindi niya ako pinagsamantalahan! Dapat hindi niya siniraang tiwala ko! Mahal man niya ako o hindi, mali pa rin ang ginawa niya. He took advantage of me! How dare him. Hindi ko siya mapapatawad.
Huminga ako ng malalim. Paano na ito? Ayoko nang makita pa si Thunder sa pamamahay ko. I don't need a psychologist with bad intention! I don't need him! He ruined my trust. Why? Parang bigla akong nagsisi na nakinig ako sa kaniya—na layuan si James. Kung hindi ko nilayuan si James, hindi ko siya iisipin at hindi ako iinom kagabi. Pero... kasalanan ko. Naniwala ako kay Thunder.
Muli kong nilinis nang mabuti ang katawan ko. pakiramdam ko, madumi pa rin ako kahit nilinis ko na ang buong katawan ko. kinuha ko ang towel saka pinunasan ang buong katawan ko saka isinuot ang bathrobe ko.
Lumabas ako sa bathroom na aprang nanginginig pa rin ang buong katawan ko. Just thinking about what happened... para akong matutumba anytime.
Lumapit ako sa kama ko. Nandidiri ako. In this bed... where we... no! I don't want to think about it! No! Pwede bang isama na sa amnesia ko iyong nangyari? Pwede bang makalimutan ko din ang katotohannag may nangyari sa amin ni Thunder?
Napatingin ako sa cellphone ko na tumunog. Nakapatong iyon sa side table. Kinuha ko iyon at tiningnan.
Isang message.
Nabitawan ko ang cellphone ko. Si James... ayokong malaman ni James. Ayokong... my God! Nakaramdam ako ng guilt. Nakaramdam ako ng panghihina. I don't want him to know but why does it feels like I want to run to him? What should I do?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top