Chapter 29
It feels like I was lost, knowing that Savannah doesn't have plans on coming back to me. Ang hirap . . . ang sakit. Ang daming dahilan para tumigil ako, pero hindi ko kaya. Gusto ko pa rin na ulitin ang lahat—ligawan ulit siya . . . pero hindi ko mapigilan 'yung sakit. Sa tuwing lalapit ako sa kan'ya, sumasaya ako, pero nalulungkot din sa tuwing maaalala na hindi na nga siya sa akin.
"Tama na muna," sabi ni Jin matapos kong ikwento sa kanila ang nangyari nang gumabi. "Hayaan mo muna siyang malayo sa 'yo, at ganoon ka rin sa kan'ya. Baka gan'yan ang kailangan n'yo, pare?"
Sinalinan ko ang baso ko ng alak at mabilis 'yong ininom habang kitang-kita ko ang tatlong pares ng mga mata na nanonood sa akin.
"Ayoko," mabilis na sagot ko matapos ibaba ang baso.
"Tingnan mo nga 'yang itsura mo," iritadong sabi ni Terrence. "Gan'yan ka na lang? Magiging maayos panandalian, tapos babalik ka sa dati kapag nasaktan? Ayusin mo nga sarili mo, pare. Sa tingin mo, babalikan ka niya nang gan'yan ka?"
Napalunok ako sa sakit na naramdaman ko dahil sa narinig mula sa kan'ya.
"Hindi naman para sa amin 'to," dagdag ni Aldrin sa sinabi ni Terrence. "Magpapakalunod ka na naman sa alak tapos kinabukasan hindi ka makakapasok dahil sa matinding hangover? Tandaan mo, pare, fourth year na tayo. Mahirap bumagsak sa panahong 'to. Ayusin mo sarili mo, please lang."
Hindi na ako nagsalita pa matapos pakinggan ang mga sinabi nila. Inubos na lang namin ang alak na dala ko. Hindi ko na nagawa pang maligo dahil sa sobrang kalasingan. Diretso na kaagad akong nakatulog.
Kinabukasan, maaga akong nagising dahil sa lakas ng ulan. Mabilis akong naligo at nagbihis, tsaka nag-drive papunta sa bahay nila Savannah. Pagkarating ko ro'n, may nakita akong magandang sasakyan na naka-park sa labas. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng sobrang kaba dahil doon.
I waited for the owner of that car to go out of Savannah's house. Alam kong lalabas din si Savannah dahil may pasok pa siya mamayang 9:00 AM. She'll never skip class, I know. So I waited. Wala na akong pakialam sa klase kong 9:00 AM din. Ang mahalaga sa akin, masagot ang tanong ko sa sarili kung sino ang may-ari ng magandang sasakyan na nandito.
Twenty minutes before 9:00 AM, Savannah went out of the gate holding an umbrella. Kasunod niya ang isang lalaking pakiramdam ko, nasa higit 40 years old na. Matapos nitong isarado ang gate, nakita ko ang mukha niya, lalong-lalo na ang mga mata. Mas lalo akong kinabahan nang dahil doon.
This is Savvy's dad, I'm sure. Hindi naman siguro siya sasama, 'di ba? She's not coming with him in his hometown, right? She hated him. She despised him. She's not going to leave this country just to come with him.
Nang makasakay silang dalawa sa sasakyan, ini-start ko na ang makina ng kotse ko at sinundan sila. Sinubukan kong 'wag ipahalata na hindi ko sila sinusundan pero alam ko na kanina pa lang, nakita na ni Savannah ang sasakyan ko.
I should've moved away.
Nakahinga ako nang maluwag nang makitang nasa parking lot na kami ng university. Nag-park ako sa vacant spot. Napasandal ako at napabuntonghininga habang pinapanood ko ang sasakyan nila Savannah. Ilang sandali pa, lumabas na si Savannah dala ang payong niya kanina at ang bag. Nagmamadali akong lumabas para sana sundan siya pero sinalubong siya ng mga kaklase niyang kasama sa library kahapon. Pinanood ko na lang siyang maglakad paalis ng parking lot kasama ang mga kaibigan niya.
"Connor!"
Lumingon ako sa tumawag sa akin. Nakita ko si Grace na nakangiting naglalakad papalapit sa akin, suot ang denim dress at itim na sapatos.
"Your wish came true. Are you happy?" She chuckled. "It rained yesterday, and it will rain today all day, based on the weather forecast that I watched on TV."
I smiled as I brushed her hair. She glared at me. "Okay na."
"Okay na?" she asked like a curious kid.
I laughed. "We're not okay yet, but I'll try to talk to her again later."
Nagbuntonghininga siya bago tumingin nang masama sa akin. "You really shouldn't treated her like that. I feel so guilty for the breakup of you two, you know? I really don't have any plans on getting back with you, Connor. As I've told you before, I may still love you until now but that does not mean that I want you back in my life as my boyfriend. I am not a selfish bitch, you know?"
Tumango ako sa sinabi niya. "Sorry na. Wala kang kasalanan, okay? Tara na, pumasok na tayo."
Tumango siya at iniabot sa akin ang payong na dala niya, tsaka kami sabay na naglakad papunta sa kani-kan'ya naming mga building.
Tulad ng sinabi ni Grace, umulan nga sa buong maghapon, pero hindi gano'ng kalakas; sapat lang para maramdaman ang pag-ulan at ang lamig ng simoy ng hangin na dala nito. Umaga pa lang, madilim na ang kalangitan. Halos hindi na nagbago noong matapos ang tanghalian.
The sky is almost dark but the rain continued on pouring. Nang dahil doon, nagkaroon ng kaonting pagbaha. Maghihintay sana ako kay Savannah dahil isang oras na lang din naman, tapos na ang klase niya, pero nakita ko na dumating ang sasakyan na naghatid sa kan'ya kaninang umaga.
Nakaramdam na naman ako ng kung anong kaba dahil doon.
Sa huli, napagdesisyunan ko na lang na sa harap ng bahay ni Savannah ako maghihintay para masigurado kong makikita ko siya. Gusto ko ulit siyang makausap. Gusto kong humingi ng isa pang chance. Hindi ko kayang basta na lang siya pakawalan nang wala akong ginagawa.
Liligawan ko ulit siya. Ito na lang ang paraan na alam ko para ipakita ko sa kan'ya na totoo ang lahat ng sinabi ko—na siya lang ang mahal ko sa mundo at panahong ito.
Buong oras na naghihintay ako, nakatuon lang ang pansin at paningin ko sa harap ng bahay niya, nagbabaka-sakaling dumating na siya.
6:30 PM pa lang, nandito na ako. Ilang oras na ba ang nagdaan? Wala pa rin siya. 12:30 AM na at August 31 na, wala pa rin siya. Unti-unti nang humihina ang ulan, pero wala siya.
Wala pa rin siya.
I should have waited for her at the school and followed their car again like I did earlier. Bakit ba hindi na lang ako naghintay sa school? Ang dami-dami nang bagay na pumasok sa isip ko, sa kung nasaan ba siya ngayon at kung sumama na ba siya sa Papa niya. I'm on the verge of driving to the airport or entering her house without permission.
The only thing that stopped me from doing all those things is my trust in her . . . my faith in her. I know that she'll never leave this place just like that. She loved her house more than anything else. She won't leave, I know.
And just like how I trust her that she won't leave this place, I also trust her that she'll be home. I waited for few more minutes that became an hour, until I saw that same car driving towards me.
The rain has almost stopped.
There's a mild sprinkling of rain from the sky when I went out of my car, the same time that she went out of driver's seat.
"What the hell are you still doing here?!" iritadong sabi niya kasabay ng mga hakbang niya papunta sa akin. "You should've left already!"
Napalunok ako nang makita ko ang pamumula ng mga mata niyang nakatitig nang masama sa akin. Sunud-sunod din ang paghinga niya na para bang pigil na pigil niya ang sarili niya sa kung ano man na gusto niyang gawin.
"You knew that I was waiting," I said in return.
She scoffed. "The fuck, of course! Your car is fucking familiar to me! And you parked that in front of my house! Paanong hindi ko malalaman?"
Hindi ako sumagot. Sa halip, pinanood ko lang siyang magalit sa akin habang may kaonting ambon ang pumapatak sa mukha niya. Pinunasan ko 'yon gamit ang hinlalaki ko na mabilis niya rin hinawi.
"Go home!" she shouted. "You should've left already, Connor. You didn't have to wait that long for someone who's not coming anymore!" she shouted while her eyes are on the verge of crying.
I smiled timidly. "But you came."
Her mouth parted slightly with what I told her. She looked away before glaring at me again. "I came because it's already 2:00 AM and I need to go home, of course. I didn't come because of you."
I nodded. "I know. It's alright."
"Now, go."
Umiling ako. "Is he your dad?"
Kumunot ang noo niya. "What?"
"The one who drives you to school. Is he your dad?"
She gulped. "Yes." She looked away.
I nodded. "You're not coming with him, right?"
Her forehead creased. "What do you mean?"
I gulped as I felt my heart beating wild. "You're not . . . coming with him? In his . . . home?"
___
"Déjà vu is a direct result of living in a Multiverse. I believe it's a breakdown (or weakening) of the cosmic walls which separate us from the our other existences in the Multiverse. The reason the experience of Déjà vu seems so vivid and real is because it is vivid and real. We've already experienced it in another parallel universe of our existence." — sidespin.kinja.com
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top